'Huwag ka ngang sumimangot diyan. Sige ka, mababawasan ang iyong ganda" Ani ni Isog habang nagtatanim kami ng palay. Napakaganda niya talagang ngumiti at kahit na naiinis ako sa kanya ay hindi ko magawang mainis ng matagalan.
Bigla nalang umikot ang paningin ko at hindi na si Isog ang kausap ko. Ang nasa harapan ko na ay si Anna katabi ang bunso naming natutulog. Habang tanday tanday sa kanyang braso.
"Goma, kung papapiliin ka, saan mo gusto. Sa mayaman ka pero iba na ang iyong pamilya o andito ka sa amin pero nagugutom ka" Pagtatanong niya nalang bigla.
"Syempre sa inyo" Sagot ko naman. Pero hindi ko na kailagan igalaw ang labi ko dahil lahat ng ito ay replay lamang ng aking mga alaala. Nagbago na naman ang imahe, at wala na ako sa tabi ng mga kapatid ko. Nasa harapan ko naman si Amang habang inaayos niya ang kwintas na niregalo niya sa akin sa ika-12 kong taon. Pitong taon na ang nakakalipas.
"Ano maganda ba Goma?" Tanong niya. Hindi muna ako nakasagot dahil abala akong inaasiwa ang pekeng ginto na may hulma ng unang letra ng aking panagalan. May mga maliliit itong gasgas at ang gilid ng letra ay may konting bakbak na sa pintura. Ito ang unang regalong natangap ko kay Amang. Hangan ngayon ay suot-suot ko parin ito at patuloy ko parin pinapangalagaan.
"Napakaganda nito Amang. Marami pong salamat" NIyakap ko siya pero hindi ko maramdaman ang katawan niya sa aking bisig. Para kasing hangin ang niyayakap ko, at hindi ko din maamoy ang pamilyar na amoy ng bukid sa kanyang mga damit. Bigla nadin siyang nag laho sa aking harapan.
Gusto kong tawagin ang panagalan niya, pero wala ni-isang tunog ang lumabas sa aking lalamunan. Para akong natuyuan, kahit ilang beses ko nang binasa ng laway ang aking bibig, eh wala pa ding talab at hindi parin ako makapag salita. Parang papel de liha na sa sobrang gaspang ang lalamunan ko.
Gusto kong magdabog, mag ingay gamit ng aking mga paa at kamay. Pero kahit yon ay wala ding nilikhang tunog. Bingi na ba ako, kailan pa at paano? Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa aking paligid pero iisang salita lang ang paulit-ulit na gumagambala sa aking isip.
Patay ka na Goma Mella... patay ka na.
Pinilit ko pading sumigaw, pinilit ko paring makarinig o maka buo ng salita kahit imposible. Pinadyak ko ng malakas ang mga paa ko at pinalakpak ko ang mga kamay ko pero wala pa ring pagasa. Pero hangat hindi pa ako nauubusan ng lakas, susubukin ko parin kahit gaano ka imposible. Sisigaw ulit sana ako nang biglang lumitaw ang aking kapatid sa aking harapan.
"Goma ba't mo kami iniwan..."
Anna...
"Ba't kailangan mo pang gawin 'yon"
Para naman sa ating bunsong kapatid 'yon. Gusto kong i-rason pero wala parin akong tinig.
"Ateh..." Humagulhol siya. Gusto ko siyang lapitan pero bago pa man ako maka- hakbang ay hindi na si Anna ang nasa harapan ko kundi si Amang na nakatayo at mukhang galit na galit sa akin.
"Ang tanga mo Goma! Hindi kita pinalaking mangmang. Susugod ka na alam mong wala kang kalaban-laban. Nasaan ang iyong kokote, nasa talampakan" Bulyaw niya. Namumula ang kanyang mga mata at halos pumutok na ang kanyang ugat sa noo. Ramdam ko ang kanyang nagaalab na galit kaya hindi ako nakaimik.
Patawad po... patawad Amang.
Humagolhol ako na walang tunog at tinakpan ang aking mukha. Nahihiya akong harapin siya, natatakot akong baka hindi niya na ako kakausapin. Na baka sa sobra niyang pagkamuhi ay itakwil niya ako bilang anak. Ayaw kong mawalay sa aking pamilya.
"Ate..." Tawag ng maliit na boses. Dahan-dahan kong binaba ang nakaharang na kamay sa aking mukha. Tumambad sa akin ang maliit na anyo ni Mera.
"Hindi mo naman kailangan gawin 'yon. Hindi niya kinasa ang baril. Panakot niya lang 'yon kay Ama" Tiningnan ko lang siya na may pagaalinlangan. Kung totoo ang sinasabi ng aking bunsong kapatid. Para saan pa yung ginawa ko? Idinagdag ko lang ang sarili ko sa ililibing nila. Ngayon at wala na ako sa tribu, paano na sila Amang at ang mga kapatid ko.
"Hindi ka nag iisip Ate, ang tanga mo" Ngumiti siya sa akin na itinango ko lang.
Ang tanga ko nga, ang bobo ko, napaka-inutil. Hindi ka nag iisip Goma Mella Purton. Para saan pa at itinaguyod ni Amang ang 'yong pag-aaral kung hindi mo rin naman gagamitin ang yong utak. Wala ka talagang kwenta.
"HAHAHA" Nasira ang aking pagiisip nang marinig ko ang pamilyar na tawa ng isang lalaki. Hindi ko alam kung saan nang galing ang tunog. Bukod kasi na walang ka-anyo-anyo ang lugar na ito ay wala rin itong tiyak na katapusan. Pero kilala ko kung kanino ng galing ang tawa na iyon. Masyado na akong pamilyar sa kanya. Hindi ko na kailangan manghula. Maya-maya pa ay bigla akong nakaramdam ng magaspang na kamay sa aking balikat, nang lumingon ako ay nakatayo na pala siya sa aking likuran. Ang kanina kong kapatid ay nawawala na rin.
"Alam mo kung anong gusto ko sa'yo, aking bulaklak" Umiling ako.
"Ang iyong pagiging brusko. Hindi mo inaalala ang kapakanan mo pati narin ang kapakanan ng iba. Basta't magawa mo lang ang gusto mo" Inikutan niya ako habang nagsasalita siya.
"Tingnan mo ang kinahahanatnan natin ngayon. Nasaan tayo? Nasa mundo tayo ng kawalan" Kumapit siya sa magkabila kong balikat at tinitigan ako sa mga mata.
"Sa kagagawan mo ito na tayo ngayon, tingnan mo ako..." Pinikit ko ang aking mga mata. Ayaw ko nang makita siya o marinig pa ang sasabihin niya. "Aking bulaklak... TINGNAN MO AKO NGAYON!"
Nang muli kong binuksan ang aking mga mata ay isang katakot-takot na imahe ang bumati sa akin. Naliligo si Isog sa kanyang sariling dugo habang titig na titig sa akin at malaki ang pagkakangiti. Kinain ng sarili kong bibig ang dila ko na kanina pang may gustong sabihin. Ngayon ayaw ko nang mag salita.
"Nakita mo na kung anong ginawa mo. Dapat hindi na kita sinundan, dapat hinyaan nalang kitang mamatay!" Humigpit ang kanyang pagkakadiin sa aking balikat. Gusto ko man tangalin ang masakit na hawak niya sa akin ay hindi ko kaya. Isang bahagi ng aking sarili ang sinisisi ako sa nangyari at ang kakaramput na bahagi ko naman ay isinisigaw na ako'y lumaban. At yon nga ang ginawa ko.
TAMA NA! Sigaw ko sa aking isipan pero imbis na iyong mga salita ang lumabas sa aking bibig ay iyak ng sangol ang aking narinig.
Biglang nagkakulay ang walang kakulay-kulay na mundo ng kawalan. Naglalaro ang mga kulay sa paligid, ang iba pa ay naghahalo para makabuo pa ng ibang kulay. Maya-maya pa ay binalot ng amoy ng mga bulaklak ang paligid. At ang walang ka-saya-sayang paligid ay napalitan na ng mahinahong emosyon.
"Goma Mella Purton, Itinatangap kita bilang aking Anitu Bata, pagsilbihan mo ako at gagatimpalaan kita ng isang hiling kapalit sa iyong paglilingkod" Wika ng isang maamong boses ng babae at lahat ng bumabagabag sa aking isipan ay naglaho na tila bang hindi ito nangyari sa umpisa. Isang nakakabulag na liwanag ang nagpapikit sa akin at sa pagdilat ng aking mga mata ay wala na ako sa mundo ng kawalan.
"Maligayang pagbabalik mga Anitu Bata"
MAGANDANG ARAW SA INYO. May nagbabasa pa ba? Sana may kumausap naman sakin dito, amboring eh
Creation is hard, cheer me up!