App herunterladen
39.02% I'm Not Her [MR Series #2] (Tagalog) / Chapter 16: Chapter 16

Kapitel 16: Chapter 16

Pagkapasok ko sa isang kwarto ay malawak ito. Pwedeng pang dalawahang tao ang matulog. May aircon din ito at kung ano ano pang kumpletong gamit. May cr din ito at walk in closet.

Hindi ko namalayam na may pumulupot na namang braso sa beywang ko at gulat akong hinalikan nito.

"You should rest, i will cook for you." Hinalikan ako nito sa noo na ikinatango ko na lamang at hindi na umangal pa.

Sinarado nya ang pinto nang may pagkindat kaya naman bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam kong umakyat ang dugo sa mukha ko. Nag iwas na ako ng tingin bago nya tinuluyang isara iyon.

Habang tinitingnan ko ang buong kwarto ay may pumasok na sa ideya kong dito rin sya matutulog. Napailing na lamang ako sa aking iniisip. Hindi pwede iyon, pero nang maalala kong nagpapanggap nga lang ako bilang taong minamahal nya ay iba, hindi ako maka tanggi.

Bumaba ako at hindi ko kinayang nag iisa lang ako doon. Paikot na sana ako papuntang kusina nang may nakita akong malaking wall frame doon.

Hindi ko na kailanganin kilalanin pa kung sino ito. Si Klaire lamang, ang taong pinakamamahal niya. Naramdaman kong parang sinaksak ng karayom ang puso ko nang tingnan ko ang larawan nyang iyon.

Napaka ganda niya, siguro ay mabait ito. Kaya mahal na mahal niya sya. Biglang namuo ang luha sa mga mata ko, kaya naman pinilit kong pigilan itong nararamdaman ko dahil hindi ito pwede.

Straight ang kanyang buhok at may katamtamang puti. Mapula ang kanyang mga labi at naka ngiti ito. Matangos ang kanyang ilong at mukha itong filipina dahil sa itim nitong mata.

Ilang minuto pa akong tumitig bago nagsalita ng wala sa sarili.

"Ang swerte mo." Ngumiti ako sa kanyang larawan bago ako pumunta ng kusina.

Nagka salubungan pa kami at parehong nagulat sa isa't isa. Hinalikan nya agad ako sa labi at ka agad niyakap at nag lambing.

"Pupuntahan sana kita kaso nandyan kana pala." Ramdam ko ang hininga nya sa leeg ko kaya hindi ko naman maiwasang manigas sa kinatatayuan ko at pigil ang hininga ko.

"Come on." Pilit na pinalalakas ang loob ko. "Let's eat babe." Tapik ko sa balikat nya at tinanggal ko ang kamay nyang nakayakap sa akin.

Masyadong mabilis ang lahat. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung talaga bang may gusto ako sa kanya o inggit lamang ang nararamdaman ko. Hindi naman ako nagkulang sa pagmamahal ng mga magulang at kapatid ko.

Minsan ay gusto ko nang tanungin ang sarili ko kung saan ako pwedeng lumugar. Kung iisipin kong dito ay nagkakamali ako. Wala pa man ang kanyang tunay na pinaka mamahal ay parang nadudurog na ako kapag nagkita na sila.

"You know, my lovely girl Klaire is very beautiful and kind. That's why I love her." Kuwento nya. Ngayon lamang sya nag kwento nang ganito tungkol sa kanya. Ayaw ko mang makinig dahil masasaktan lang ako ay pinilit ko na lamang.

Kinabukasan ay tumawag sina Rea at Trevor dahil sa Engagement party nila. Kaya wala akong ginawa kundi isama si Scott dahil magtatampo ito sa akin kapag hindi ko siya isinama sa mga lakad ko.

Kinahapunan ay nag handa na ako. Bumili na rin kami ng ireregalo dahil malamang ay tuwang tuwa ang pinsan kong iyon. Niregaluhan ko si Rea ng kwintas dahil iyon lamang ang naisip ko.

"Congratulations." Bati ko kaila Rea at Trevor pagkarating namin doon.

"Nako insan salamat." Tuwang tuwa sambit ni Rea at inabot na rin ni Scott ang Regalo nya para sa dalawa.

"Enjoy the night at kakausapin ko muna ang Soon-to-be-wife ko." Ngising sambit ni Trevor na nagpairap sa akin at ang malandi kong pinsan naman ay namula.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C16
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen