App herunterladen
34.14% I'm Not Her [MR Series #2] (Tagalog) / Chapter 14: Chapter 14

Kapitel 14: Chapter 14

The next day, ay wala akong ginawa kundi magpatugtog sa laptop ko gamit ang headset. Naka upo lamang ako sa kama at nagpapa tugtog ng "Distance".

Naisipan kong i cover ito ngunit may ka duet naman ito. Biglang pumasok sa isip ko si Naiser at sya na lang ang ayain ko. Dahil pareho naman kaming mahilig sa kanta. Iyong babaero na iyon ay sikat dito, yun nga lang ay may pagka playboy. Pero mabait naman sya sa mabait sa kanya. Mahirap nga lang kapag ginalit mo dahil baka maging abo kana lang at bugahan ka nya nang apoy.

Tinext ko si Naiser at pumayag naman ito. Ang maganda sa kanilang mansyon ay may studio. Pwedeng pwede ka mag record doon at kung ano ano pang kagamitan ang meron sa kanila. Minsan din ay nandoon ang barkada nya upang magpa tugtog.

Ma swerte ako at nakilala ko ang isang Naiser. Agad naman na akong nag ayos at niligpit ang mga gamit ko roon.

Pagkalabas ko ay itinanong ko kung nasaan si Scott. Ngunit umalis daw ito saglit at babalik rin ito mamaya.

Nang makarating ako sa kanila ay niyakap ko agad siya.

"Tssk, ano kaba. Ako lang ito." Pagyayabang nya

"Che! Tumigil ka nga." Irap ko sa kanya na ikinatawa naman nya.

"I miss you too." Bulong nya sa tenga ko na agad kong pinag kunuotan ng noo ngunit umiling lamang ito at ngumiti sa akin.

Pagkapasok namin ay nandun ang kuya ko. Hindi ako makapaniwalang tumatambay sya dito. Napatigil ang pagkanta nila ng makita ako.

"Why are you here, sis?" Kunot noong tanong ng kuya ko.

"Bawal bang nandito ako?" Pinagtaasan ko sya ng kilay.

"Huwag mo na syang sawayin bro. Ok lang namang nandito sya." sambit naman ni Naiser at inaya na ako sa itaas.

Nang makarating sa studio room ay napa hanga ako sa ganda nito. Agad naman akong napangiti sa ganda ng ilaw nito. May pang record nang kanta at kung ano ano pa. May Piano, Guitar, Saxophone at iba pa.

"Dito kana muna at ipaghahanda ko lang ang tanghalian kina yaya fe." Sambit nya habang tinitingnan ang reaksyon ko dito sa loob.

"Sige." Ngumiti lang ako sa kanya at agad nang tumalikod at umupo na sa may upuan doon.

Nang mag vibrate ang phone ko ay kumunot ang noo ko ng mag text si Scott.

'I miss you baby.'

Pinagkatitigan ko iyon at ngumiti ng pilit.

'I miss you too baby. Don't worry, I will be back at the Philippines and you will never alone now.'

Sent.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at ayun na nga. Parang tinusok ng maraming karayom ang puso ko. Sa dinami dami ng katangahan ko noon ay parang dumagdag pa ito ngayon. Hindi ko malaman ang dahilan kung saan nang gagaling ang nararamdaman kong ito.

Pilit kong pinipigilang maiyak, kaya naman tumingala ako at tiningnan ang kisame para mapigilan ito at pumikit.

Ikinalma ko ang sarili ko bago itago ang phone ko dahil hindi na naman ito nag reply.

"Ang dami naman nyan." I pouted kaya naman sya ang natawa.

"Don't worry, pwede mo namang ibigay sa akin kung hindi mo mauubos." Itinaas baba nya pa ang kilay nya kaya umirap na lang ako sa kanya.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C14
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen