Hindi ko na nakita pa ang mga sasakyan ng kaibigan ko. Edi sila na ang naunang umuwi! Yung iba naman ay nagpasundo dahil halos masuka sila sa kakainom.
Binuksan ko na muna ang tubig bago mag drive paalis doon. Hindi naman nakakatakot bumiyahe ng gabi dahil maliwanag ang daan.
Natigilan na lang ako dahil mag m midnight na at traffic pa rin? Lintek na! Gusto ko nang umuwi at mahimasmasan. Mataas ang alcohol tolerance ko kaya hindi ako masyadong nasusuka.
Nag connect uli ako at nagpatugtog ngunit agad rin humina nang may tumatawag dito. Napakunot ang noo ko nang tumatawag si Krisha kaya agad ko itong sinagot.
"What?!" Asik ko dahil hanggang ngayon ay para bang hindi ito umuusad.
"Where are you?" Halatang nag aalala ang boses nito na agad kong pinagtaka.
"Why?"
"Just tell me!"
"Okay fine, nasa highway pa, paikot ng subd namin! bakit ba!?" Sigaw ko na at naririnig ko na rin ang busina sa kabilang sasakyan.
"Ingat." Sambit nito at pinatay. Psh! Over react.
Nang makarating ng mansyon ay masama ang tingin ng kuya ko at inilalayan ako paakyat.
"Thanks, bro." Akmang i k kiss ko nang lumayo sya
"Tsk"
"Arte." Natatawang bulong ko bago pumasok nang kwarto at humilata agad sa kama ng hindi nakapag bihis pa.
The next day nagising ako sa lintek na tawag kaya napatayo ako ngunit agad rin sumakit ang ulo ko.
Damn that party!
Kinuha ko ang phone sa gilid pero namatay na ang tawag nito. Well, it's vacation time. No schools or what evers.
Ngayon ko lang din napagtanto na tanghali na pala ako nagising dahil sa hang over namin. Agad naman nangunot ang noo na nakailang tawag ang Kambal, si Chloe at si Krisha ay ganoon din.
Naka tanggap rin ako ng maraming texts sa kanila kaya agad akong napa bangon at naligo agad. I don't know what is happening and also, I didn't know na may kapatid na lalaki pala si Irish na isinugod sa hospital.
Kailangan nya nang comfort kaya dali dali akong kumuha nang black high waist short at maroon na croptop. Nag boots na lamang ako na kulay itim bago ko kinuha ang shoulder bag ko na kulay itim. Hindi na ako nag abalang ayusin ang itsura ko at agad ko nang kinuha ang suklay ko.
Nagmadali na akong bumaba at nakita ko naman ang pagtataka ng tatlong kapatid ko dahil sa ikinikilos ko.
"Why so rush ate?" Sambit ni Veil
"May pupuntahan lang ako."
"Really? Nang hindi kapa kumakain ng tanghalian?" Seryosong sambit ni kuya pero kailangan ko na talagang umalis.
Nag beso ako sa kanilang tatlo habang busy sa cp si Leigh. "I will be right back!" Sigaw ko sa kanila habang tumatakbo na papuntang 'Riyelso Hospital'
Nagawa ko pa ring mag drive thru sa KFC dahil malamang ay hindi pa kumakain si Irish. Poor girl.
Nang maka order na ako ng tatlo ay ibinigay na sakin ni kuya ang order ko. "Keep the change kuya!" Sambit ko at bahagyang bumusina bago umalis. Nilagay ko na lamang sa tabi ko ang order bago dumeretso sa hospital.
Habang bitbit ko ang order ay nasa loob na ako ng hospital. Lumapit ako sa nurse at tinanong kung may pangalan na Aldrei Scott Mendoza at tumango naman ito. 4th floor VIP Room 308
Agad kong pinagpipindot ang button sa elevator pataas.
Agad naman itong nagbukas at agad ko nang sinara. Pinindot ko ang 4th floor at nag hintay tumaas ito habang tinitingnan ko lamang ang numero sa elevator.
Nang tumunog ito ay agad na akong lumabas at hinanap ang Room 308. Nang mabasa ko ang pangalang Scott Mendoza ay kumatok ako at pinabuksan ako ni Ate Yvonne na namamaga na ang mata kakaiyak.
Pumasok ako at agad inilagay ang tinake out kong food. Nang makita ako ni Irish ay agad ako nitong niyakap kaya naman niyakap ko na rin sya nang mahigpit.
Lumapit si Ate yvonne samin at nakiyakap na rin.