App herunterladen
6.66% My Secret Wife and I (Tagalog) / Chapter 2: Chapter 2

Kapitel 2: Chapter 2

"Sa wakas ay uwian na." wika ni Ada sa sarili.

Napatingin ulit siya kay Kent na tumayo, tinitigan naman siya nito ng masama at dumiretso na sa paglalakad papalabas.

"Hmp! Kala mo kung sino!" wika ni Ada.

Inaayos na ni Ada ang mga gamit niya na my kaklase siyang lumapit sa kanya.

"Hi! Ada right?" tanong nito.

Nakangiting wika nito, simple lang ito at nakasuot ng salamin.

"Oo." sagot niya.

"I'm Joice." nakingi ito at nakipagkamay sa kanya.

"Pauwi ka na rin ba? Tara sabay na tayo." yaya nito sa kanya.

"Sige." nakangiting sagot ni Ada at sabay na silang naglakad papauwi.

"So, transfery ka pala? Bakit ka nag transfer dito?" tanong ni Joice sa kanya.

"Eh, kasi lumipat na kami ng bahay." sagot ni Ada.

"Ah ganun ba? Pero kilala mo talaga si Kent?" usisa ulit nito.

"Ha? Hindi, hindi ko siya kilala." wika ni Ada.

"Ganun ba? Alam mo ba halos lahat ng babae at mga bakla dito may crush sa kanya." nakangiting wika ni Joice.

"So, ibigsabihin pati ikaw may crush sa kanya?" tanong ni Ada.

Tumango si Joice habang nakangiti.

"Oo, alam mo simula ng first year high, crush ko na si Kent. Halos lahat ng babae nagkakandarapa sakanya! Tingin niya pa lang, parang hihimatayin ka na! Nagbigay din ako sa kanya ng love letter dati sa locker niya, kaso binasura lang nya. Kaya nga nakakalungkot, kasi gragraduate na tayo, hindi ko na makikita si Kent." malungkot na sabi nito.

"Hayaan mo na yun si Kent, marami naman iba dyan noh! Sigurado, may makikita ka pang mas gwapo kay Kent!" sagot ni Ada.

"Hindi, hindi ko kayang kalimutan si Ken! " umaarteng iiyak ito.

"Hay naku, sige na mauna na ako, parating na yun bus eh." paalam ni Ada.

"Ok sige bye! Ingat ka! " wika ni Joice.

"Ok, ikaw din!" wika ni Ada.

At sumakay na nga ng bus si Ada.

Nang makauwi sa inuupahang maliit na kwarto ay agad siyang nagpalit ng damit pamasok sa kanyang part time job, sa isang coffee shop. Sa 'di kalayuan lamang ang kanyang pinapasukan, kaya nilalakad lamang niya ito. Masigla siyang bumabati sa mga customers na pumapasok sa coffee shop. Ilang buwan pa lang siyang nagtratrabaho dito at napansin niyang mga mayayaman o mapera ang kanilang mga customers dahil sa mamahalin ng kanilang kape at mga cakes.

Pagkatapos niya dito magtrabaho ay tska pa lang siya kakaen ng hapunan. Minsan ay nakakalimutan na din niya kumaen dahil sa sobrang pagod. Pag uwi niya ng bahay tumawag ang kanyang Mama.

"Hello" sagot ni Ada.

"Hello, Iha bakit di ka sumagot sa tnext ko sayo kaninang umaga?" tanong kaagad nito sa kanya.

"Ah, eh nakalimutan ko po eh, pasensya na po." wika ni Ada.

"Ok! Anyway, yun sinabi ko nga sayo na kailangan nating mag-usap. Kailangan mo nang makipagkita kala Don Manuel, importanteng makausap kanya anak! At.. " putol na wika ng kanyang Mama.

"Pero Ma, ilang beses ko ba sasabihin sa inyo, ayoko makipagkita dun." wika ni Ada.

"Iha, para sa iyo din yan! Kailangan mo ng magpakita kay Don Manuel! Nabalitaan ko na medyo lumalala na ang sakit niya." Mama niya.

"Pero Ma..." wika ni Ada.

"Wala ng pero-pero! Pinayagan kitang magsolo dyan, kahit ayaw namin ng Papa mo, kaya ngayon, ako naman ang sundin mo. Ngayong darating na Sabado, sasabihin kong pupunta ka!" wika ng Mama niya.

"Ha? Ngayong Sabado na? Pero hindi pa ako handa Ma! Teka!" agad na wika ni Ada.

"Ah basta! Pumunta ka! Kung hindi, lagot ka sa akin!" pagkatapos ay ibinababa na nito ang telepono.

"Pero Ma... " habol na wika ni Ada.

Napahiga na lamang si Ada sa kanyang kama at nag maktol.

"Si Mama naman... " wika ni Ada.

Matagal nang iniiwasan ni Ada na makipagkita kay Don Manuel dahil sa napag kasunduan ng kanyang mga magulang na ipakasal siya sa apo nito. Ito rin ang dahilan kaya siya umalis ng bahay at bumukod dahil naiirita na siya sa kakakulit ng mga magulang niya sa kanya. Simpleng buhay lang ang gusto ni Ada, ayaw niyang maging mayaman at kontrolin ng ibang tao ang buhay niya. Kaya naman, hindi niya tuloy alam ang gagawin sa Sabado. Mapipilitan siyang pumunta dito.

Kinabukasan ay maagang pumasok si Ada sa room nila. Nanibago siya dahil hindi na siya pinagtinginan ngayon, kanya-kanyang chikahan ang kanyang mga kaklase. Habang inaayos ni Ada ang kanyang bag ay tska naman ang pagdating ni Kent.

Parang slow motion ang eksena, na dahan-dahang naglalakad si Kent, habang bitbit nito ang kanyang bag na ipinatong sa kanyang balikat. Ang matipunong pangangatawan nito at makinis na kaputian na parang nagningning kapag nasisilayan ng araw. Parang lalo pa siyang gwumapo sa araw na ito, sa isip-isip ni Ada. Papalapit ng papalapit si Kent sa upuan nito.

Napatingin naman si Kent sa kanya.

"Anong tinitingin-tingin mo?" wika ni Kent, habang nakakunot ang nuo.

Tska lang natauhan si Ada.

"Ah, wala." maikling sagot ni Ada.

At bumaling na siya sa bintana at doon sa labas tumingin.

"Huh! Ano ba yun?" tanong ni Ada sa kanyang sarili habang naguguluhan habang naisip yun.

"Hindi ko naman siya crush at hindi ako magkakagusto sa kanya! Hmp! " wika ni Ada sa kanyang sarili habang tinititigan ang likod ni Kent. Maya-maya pa ay nag simula na ang kanilang klase.

May pinagawang project ang kanilang teacher sa kanila. Pinaghati-hati sila sa tag 5 na grupo. Nagkataon naman na naging kagrupo niya si Joice, Jenny, Charm at si Kent. Napalunok na lamang si Ada, dahil kagrupo niya si Kent, sila Charm at Jenny na sumita sa kanya kahapon. Tuwang-tuwa naman ang mga ito nang malamang si Kent ang kanilang kagrupo, at siya lang ang hindi masaya.

Pagkatapos ng kanilang klase ay napagkasunduan nila na mag meeting muna sa classroom bago umuwi.

"Oh, sino gagawin nating Leader, si Kent ba?" malambing na pagkasabi ni Charm sa pangalan ni Kent.

"Hay, ang arte!" sa loob-loob ni Ada.

"Oo, si Kent na lang! " wika din ni Jenny at Joice.

Napatingin naman sa kanya si Kent.

"Ikaw, gusto mo ba maging Leader?" tanong ni Kent sa kanya.

"Ha, ako? Ah hindi, ayoko - ikaw na lang! " wika ni Ada.

"Ok, sige ako na lang! Pero kung ako ang magiging Leader, gusto ko gawin ninyo ang lahat ng iuutos ko!" wika ni Kent.

"Oo, payag kami!" sabay-sabay na wika ng tatlo.

"Teka, teka anong ibig mong sabihin na lahat ng iuutos mo?" tanong ni Ada kay Kent.

"I mean, lahat ng gusto ko dapat gawin nyo, ng walang reklamo!" wika ni Kent.

"Ah sige, basta tungkol sa Project!" wika ni Ada.

Pero ngumiti lang si Kent na parang nang aasar. Kaya naman parang napaisip si Ada na parang may kakaiba sa sinasabi ni Kent.

Pagkatapos ay bigla ng tumayo si Kent.

"Sige, bukas na lang, mag handa kayo ng mga proposal nyo tungkol sa project natin bukas." pagkatapos ay lumabas na ng room si Kent.

Napansin naman niyang kilig na kilig parin ang tatlo kay Kent. Bumulong siya kay Joice.

"Joice, ano ba ibig sabihin ni Kent, na dapat nating gawin?" tanong ni Ada.

"Hay, ano pa ba? Kung ano sabihin niya gagawin natin. Halimbawa, sabihin niya, gusto niya ng drinks, or sandwich ganun." wika ni Joice.

"Ha? Eh, hindi naman tungkol sa project yun eh." wika ni Ada.

"Ah, basta! Madali lang yun. Sundin na lang natin, para gumanda ang project natin. Matalino si Kent, kaya panis yang project natin! Wag mo lang siya gagalitin, kasi baka mag walk out yun, mahirap na!" wika ni Joice.

"Ah, ganun ba?" wika ni Ada.

Sabagay, wala naman din si Ada magagawa kundi sumunod na lang kay Kent, kapag mag utos na ito.

"Oh, tara na, uwi na tayo" yaya ni Joice.

Pagkatapos ay sabay na silang umuwi.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C2
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen