App herunterladen
65.51% What If? (Book 1 Of Questions Trilogy) / Chapter 19: (Part 3: Palawan)

Kapitel 19: (Part 3: Palawan)

Nang tuluyan na kaming makarating sa "so called cottage" na sina ate jes at ang mga driver ng van lang ang mga gumawa ay agad kaming naupo sa kakaunting bakanteng espasyo na natitira.

Sadly, hindi kami magkakatabi ngayon ni Iya. Umupo na lang ako sa tabi ni Iver habang si Iya naman ay naupo sa gitna nina matt at lejan.

Agad napabaling sa akin ang atensyon ng kumag kong katabi ng mapansin nito ang presensya ko.

"Maglalaro raw tayo mamaya sabi ni ate jes." parang bata'ng panimula nito.

"Hahaha! Anong laro na naman daw?" hindi ko napigilan ang mapahalakhak.

"Uh, anubayon ulit, hmm... " nag-iisip nitong tugon atsaka biglang lumiwanag ang mukha.

"Ah! Ayun! Spin the bottle + kantahan daw at i-explain ko raw ang mechanics ng laro sa kung sino man ang makatabi ko." seryoso'ng banat nito na muling nagpatawa sa akin.

"Seryoso? May pag-explain eme pa?" nakataas ang kilay na tugon ko rito habang hindi pa rin matigil sa katatawa.

"Oo nga! Paulit-ulit?" sarkastiko nitong sabi na agad nakapagpakulo ng dugo ko.

Kinonyatan ko siya ng paulit-ulit gaya ng mga sarkastikong katagang sinabi niya mismo sa harapan ko.

"Oh! A-aray! Haha! J-joke lang eto naman!" siya naman ngayon ang hindi magkandaugaga sa katatawa habang tinatakpan ng mga kamay niya ang pinopompyangan ko sa ngayo'ng ulo niya.

"Huy! Ang bigat ng kamay mo, chessy! Tamana, ayoko na!" humahalakhak pa rin na sabi nito, napipikon pa rin akong balagbag na ibinaba ang mga kamay ko.

"Hahaha! Eto kasi yung mechanics ng laro." unti-unting humupa ang halakhak niya atsaka nakangising nagsalita ulit.

"Pag nag-spin the bottle na, kung sino yung matatapatan ng bote, ayun yung kakanta, dalawang beses daw mag-i-spin the bottle para duet daw yung dalawang malas na mapipili." mahabang pagpapaliwanag nito na nagpatango lang sa akin.

"Na-gets mo ba, ha?" napataas naman ang kilay ko sa tanong niya.

"Hindi mo ako kasing slow, loko." sarkastiko kong sagot sa kaniya habang siya naman ay madramang hinawakan ang dibdib niya.

"Grabe to oh, ansakit naman nun, real talk yun ah!" nagpapaawang sabi nito na muling nagpahalakhak sa akin.

"Eh---" naputol ang mga sasabihin ko sana ng sumigaw mula sa harapan namin ang kararating lang muli na si te jes. Ganern? Lagi siyang late comers dapat?

"Hey kiddos eto na ang mga inihaw na kakainin natin!!! Woohoooo!" masiglang banat ni te jes atsaka ibinaba ang dalawang malaking plato na hawak-hawak niya.

May iba ring tumulong sa kaniya; mga tauhan ata ni Mang Ruben, magbaba ng mga pagkain. Ang ibang pagkain ay nasa tupperware na kasalukuyang nakasarado pa.

Nagkukumahog na nag-uunahan ang mga kumag papunta sa mga masasabing "masarap sa unang tingin pa lamang" na mga putahe.

Agad na kumuha rin ng dalawang paper plate ang katabi ko sa bandang gilid niya atsaka ito bumaling sa akin.

"Ano sayo?" tanong nito.

"Tinatanong pa ba yan? Malamang sa malamang eh titirahin ko yan lahat!" sagot ko rito na nagpahalakhak sa kaniya at saglit na nilagay ang isang paper plate sa bandang hita niya para lamang guluhin ang buhok ko.

Napa-ismid naman ako sa ginawa niya habang siya naman ay napangisi sa reaksyon ko atsaka sa wakas ay tumayo na para kumuha ng mga kakainin namin.

Bumalik siya ng dala-dala ang samu't saring pagkain para sa akin. Good dog naman pala to eh.

Hindi rin nagtagal ang paglamon namin. Napansin ko rin ang videoke sa unahan namin, sine-set-up na ito ng mga tauhan ni Mang Ruben.

Matapos nitong tuluyang maset-up ay muling inagaw ni te jes ang atensyon naming lahat.

"Okay so since busog-lusog na tayong lahat ay magsisimula na ang game." nakangiti at excited na sabi nito.

"But you..." itinuro nito ang mokong na katabi ko.

"Di ko pa naririnig ang boses mo at ikaw ang highly recommend ni matt na kumanta!" sabi nito kay iver na nakapagpahalakhak kay matt sa si kalayuan.

"Kantahin mo muna yung favorite song mo Iver ano ba uli yun matt?" baling nito sa nakangising si matt na sa ngayon.

"I go crazy by paul davis, te jes" nanatili ang ngising tugon nito.

"Okaaay! So..." pamumutol ni te jes ng kaniyang sasabihin atsaka ibinuklat ang song book para hanapin ang kanta.

"Ayun! Sample naman ng magandang boses dyan!" mapagbirong sabi ni te jes na nakapagpahalakhak muli sa kumag.

Agad na kinuha ni te jes ang remote ng videoke atsaka inilagay ang numero ng kanta.

Nang mapabaling naman ako sa katabi ko ay kasalukuyan na itong nangangamot habang nakangising inaabot sa kanya ni ate jes ang mikropono.

Pilit niya itong tinanggap atsaka sinamaan ng tingin si matt. Napangisi ako sa kakulitan nilang dalawa.

Hello girl it's been awhile

Guess you'll be glad to know

That i've learned how to laugh and smile

Malalim ang tono ng kaniyang boses ngunit masarap itong pakinggan dahil malamig ito.

Nang mapansin ko si te jes sa bandang tapat namin ay masasabi kong na-a-amaze siya sa boses ng kumag.

Getting over you was slow

They say old lovers can be good friends

But I never thought i'd really see you,

I'd really see you again

Pagpapatuloy niya sa kanta na para kaming marahang hinaharana.

I go crazy

When i look in your eyes, i still go crazy

No my heart just can't hide that old feelin' inside

Way deep down inside

Oh baby, you know when i look in your eyes I go crazy

Nakapikit niyang dinarama ang bawat liriko na kaniyang ikinakanta sa ngayon.

You say he satisfies your mind

Tells you all of his dreams

I know how much that means to you

Seryoso nitong himig na para bang may nais paratingan ng mga liriko nito.

I realize that I was blind

Just when I thought I was over you

I see your face and it just ain't true,

No it just ain't true

Ang paningin niya ay nasa screen ng videoke pa rin ngunit tila ang bawat lirikong binibitiwan nito ay naglalakbay sa nakaraan.

I go crazy

When I look in your eyes, I still go crazy

The old flames comes alive, it starts burning inside

Way deep down inside

Oh baby, when I look in your eyes I go crazy

Natapos ang kanta at saka namin siya pinalibutan ng nagsusumikhabong palakpakan.

"Naku-naku pakipot ka pa ha eh napakaganda naman ng boses mo!" pangbabati ni te jes dito atsaka nag-effort pang tumayo para lamang hampasin ng marahan si Iver sa balikat.

Napa-iling naman ang kumag sa papuri ni te jes na para bang hanggang ngayon ay di niya pa rin tanggap na napakanta siya.

Nang makabalik si te jes sa upuan nito ay muli itong nagsalita.

"Okay so let's proceed na sa spin the bottle + videoke game natin!" muling sigaw nito atsaka inilabas ang plastic bottle na dala-dala niya.

"So here we go!" dagdag nito atsaka tuluyang pinaikot ang bote.

Napahalakhak kaming lahat sa naging resulta nito.

Kasalukuyang nakasimangot ngayon si te jes ng sa kanya mismo bumanda ang bandang nguso ng bote.

"Ayaw ko na sayo, isa kang traydor!" nakabusangot na angal ni te jes atsaka dinuro-duro ang bote na muling nagpatawa sa aming lahat.

Muli niyang ipinaikot ang bote at muli kaming naghagalpakan sa tawa ng kay lejan naman natapat ang nguso ng bote, asus kilig itlog na naman muli ang kumag na ito.

"Ayun oh!" mapang-asar na panimula ni matt ng pangangantyaw.

Nakangisi namang nilingon ni lejan si te jes na hanggang ngayon ay mukha pa ring pinagsakluban ng langit at lupa.

"Tabi dapat diba kiddos?" muling sabi ni matt habang ginagaya ang boses ni te jes. Kami naman ay di na magkandaugaga sa katatawa sa loko.

"Oo nga! Tama! Tama!" paulit-ulit tinanguhan ng kumag na katabi ko ang kapwa niya kumag na para bang sinadya na talaga para makaganti kay te jes sa pamimilit nito sa kaniya sa pagkanta di kalaunan.

Nakangisi namang tumayo si Iya para doon na banda maupo si te jes ng panandalian habang ang mga kumag ay mukhang na-e-excite sa mga pangyayari.

Nakabusangot ang mukhang padabog na nagmartsa si te jes papunta sa upuan na pinagigitnaan nina matt at lejan.

Nang tuluyang makaupo si te jes doon ay mas lumakas ang mapang-alaskang hiyawan ng mga kumag.

"Oh anong kanta... Hmm..." nakangising inilagay ni matt ang kaniyang hintuturo sa kaniyang sentudo, umaktong nag-iisip.

"How deep is your love kayaaa!" pagsagot ko rito atsaka siya napa-thumbs up atsaka ibinaling ang tingin kay lejan at kumindat.

"Kayo na maghanap at maglista, tutal kayo nakaisip diba?" mataray na sabi ni te jes na agad namang nanatili ang ngising sinang-ayunan ni matt.

Agad nitong hinanap sa song book ang kanta atsaka mabilisang nilista ang numero.

"Dapat diba kiddos kailangang umakto ng parang nobyo at nobya?" muling suhestiyon ni matt na nakapagpatawa sa amin.

Agad namang napa-ere ang kilay ni te jes na parang arko atsaka mabilisang tinutulan ang nakakalokong plano ni matt.

"Ay nako matt dascio, magtigil-tigil ka dyan sa balak mo ha!" nakapamewang na singhal ni te jes dito.

"Akbay lang ang lejan eh, damot naman hmp!" parang bading na tugon nito na agad nakapag-paikot ng mga mata ni te jes.

Nagsimula na ang kanta atsaka sa wakas ay ngumiti na si te jes at hinigit papatayo si lejan ng marahan.

Di naman iyon inasahan ni lejan maging kami ngunit sadyang katawa-tawa ang namumula niyang reaksyon sa ngayon.

Tinaasan lang siya ng kilay ni te jes habang ito naman ay unti-unting napangiti. Mayghad! May chemistry sila, empernes, keleg se eq,hihi.

I know your eyes in the morning sun

I feel you touch me in the pouring rain

And the moment that you wander far from me

I want to feel you in my arms again

Nakangising hinawakan ni te jes ang mga kamay ni lejan na muling nagpalakas ng hiyawan.

And you come to me on a summer breeze

Keep me warm in your love, then you softly leaves

And it's me u need to show

Ang pagsabay ni te jes sa huling linya ang nagpahiyaw uli sa mga kumag.

How deep is your love, how deep is your love

How deep is your love?

I really mean to learn

Duet na sila sa bandang ito. Maganda rin pala boses ni te jes, ngayon lang kasi kami nagkantahan dahil madalas in demand ang schedule ng dearest ate ko.

'Cause we're living in a world of fools

Breaking us down when they all should let us be

We belong to you and me

"Okay tamana na ang palabas kiddos, another spin na! Masyado na kayong nawiwili!" sarkastikong saad ni te jes na agad sinagot ni matt.

"Ano sabi mo lejan? Bitin? Bitin daw te jes oh!" parang batang inilabas ni matt ang dila niya kay lejan.

"Bibitinin na kita patiwarik dyan matt,aba!" mataray na tugon ni te jes dito na nakapagpahalakhak sa amin.

Itinaas naman ni matt ang dalawang kamay niya na nagsasabing suko na siya.

Muling bumalik si te jes sa upuan niya at si Iya na kaninag nakatayo ay umupo na rin sa upuan nito.

Nang muling paikutin ni te jes ang bote ay unti-unting napangisi ito ng pagkalapad-lapad atsaka nakataas ang kilay na binalingan ng tingin ang mas na si matt.

Napakamot naman ng ulo si matt sa reaksyon nito.

"At ang partner ng walang-hiyang bata na ito ay si.... " muling ipanaikot ni te jes ang bote atsaka naman ito huminto sa mismong tapat ni Iya.

"Iya!" malawak pa rin ang ngisi ni te jes matapos ang pag-a-announce.

Nakangisi naman si Iya na binalingan ng tingin si matt, gayundin ang loko kay Iya. Sa totoo lang siguro kung isinilang na lalaki si Iya ay tiyak ang asal nito ay ang ugali ni Matt.

"Okay since ikaw ang pasimuno ng romance na kailangan ay umakto ng parang mag-asawa ay ganoon din dapat ang gawin ninyo ni Iya!" mapagbirong utos ni te jes dito.

"Ay opkors, wala yang problema! Watch me whip!" tugon nito kay ate jes na nagpatawa sa amin.

"May i have a dance with you, Ms. Sy?" nakangisi namang tinanggap ni Iya ang kamay nito na inaalok siya sa Pagsayaw.

"If yes say "watch me nae nae." pang-oogag ni matt dito na nagpahakhak kay Iya.

"Ano munang kanta?" nakangising binalingan ako ni matt ganoon din si Iya.

"Ay ako ang pala-desisyon dapat?" sarkastikong banat ko na nakapagpangisi sa loko.

"Okay, ano ba hmm... " nag-iisip kong sabi.

"Aha! Kantahin nyo yung ano! Yung nothing's gonna stop us now!" agad namang sinang-ayunan yun ni matt atsaka muling binalingan si Iya.

"Wait there baby, i'll just list our theme song." malanding kindat ni matt na sabi rito atsaka dumagundong ang hiyawan ng lahat. Hayup talaga tong mattalak na to.

Mabilisan niyang ibinuklat ang song book atsaka hinanap ang kanta.

Nang tuluyang mahanap ang kanta ay inilista niya na ang numero atsaka muling bumalik sa pwesto nila ni Iya.

Nang nasa kanila ang mga mikropono at saglit ako binalingan ni matt.

"Peace tayo princess the first ha, pero asawa ko muna siya ngayon!" announce ni Matt sa mikropono atsaka ko siya inambahan ng sapak.

Humalakhak naman siya sa reaksyon ko atsaka binalingan si Iya, hinawakan niya ang bewang at kamay nito nang magsimula ang tunog ng kanta.

"Kailangan namin ng back-up, sonson lapit." agad namang iiling-iling na sinunod ni son ang utos ng kumag kanya.

Lookin' in your eyes I see a paradise

This world that i've found is too good to be true

Standin' here beside ya', want so much to give you

This love in my heart that I'm feelin' for you

Panimula ni matt na masiglang isinasayaw si Iya. Si sonson naman ay nakahawak sa mikroponong kasalukuyang nakatapat ngayon kay matt.

"Kie isa pang back-up." mabilisang sabi ni matt na nagpailing sa nakangisi ring si kie at sinunod na lamang ito.

Itinapat naman ni kie kay Iya ang isa pang mikropono.

Let 'em say we're crazy, i don't care about that

Put your hand in my hand, baby, don't ever look back

Let the world around us, just fall apart

Baby, we can make it if we're heart-to-heart

Muling nagsihiyawan ang mga kumag na nanonood ng sumabay na ng tuluyan si Iya sa kanta. Woah, maganda rin pala ang boses niya.

And we can build this dream together

Standing strong forever

Nothing's gonna stop us now

And if this world runs out of lovers

We'll still have each other

Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us

"Oh tamana tamana! Masyado mo namang na-enjoy ang moment ninyo'ng walang-hiya ka!" nakabusangot na singhal ni te jes atsaka ito tumayo at pinagitnaan sila.

"Hahaha! Wait lang di pa tapos eh!" angal ni matt ngunit agad namang ipinatay na ni kie ang kanta gamit ang remote.

"Napapagod na ako, bunso." sarkastikong sabi ni kie na nakapagpahalakhak sa amin.

Nakangusong bumalik si matt sa upuan habang si Iya naman sumunod din dito habang tumatawa sa reaksyon nito.

"Okay last spin the bottle na to tapos maliligo na tayo dahil yari ako sa mga magulang ninyo kapag nagkasakit kayo!" sabi ni te jes na nakapagpahalakhak sa aming lahat.

Sa pangatlong pagkakataon ay pinaikot muli ni te jes ang bote at napangiti ng pagkalapad-lapad sa pinaghintuan nito.

"Chessy! Waaahhh! Ikaw bet kita eh! Ang ganda ng boses mo eh and btw ang partner mo ay si....! "muli nitong ipinaikot ang bote atsaka mas lalong lumawak ang ngisi sa ikalawang ipinaghintuan nito.

"Iverson!" muling excited na sigaw nito atsaka masaya kaming binalingan na dalawa.

"Dahil kayo na ang last, kailangan bigay todo sa pag-acting ah! At dahil love ko kayong parehas ay ako na ang pipili sa kakantahin ninyo." nakangising ibinuklat ni te jes ang song book ng hindi man lang sinasabi kung anong balak niyang ipakanta sa amin ng kumag.

Buti na lang talaga at hindi kami talo nitong kumag na nakangisi sa tabi ko ngayon.

Iniabot sa amin nina Iya at Matt ang mikropono atsaka kami tumayong dalawa ng kumag. Buti na lang at magkatabi na kami, wala ng lipatan ng pwesto pang magaganap.

Intro pa lamang ng tunog ng kanta ay alam ko na kung ano iyon, baliw na baliw ba naman ako sa bandang Parokya Ni Edgar eh, ewan ko na lang.

Mabuti pa sa lotto

May pag-asang manalo

'Di tulad sa'yo imposible

Itinuro pa ako nito at sinapo ang noo ng hintuturo niya atsaka ginulo ang buhok ko. Napakamot naman ako ng ulo sa ginawa niya at yamot na muling inayos ang papatuyo ko na sa ngayong buhok.

Prinsipe ka, ako'y prinsesa

Napahalakhak naman ako ng di-oras sa pagpapalit niya ng mga liriko ng kanta, gayundin ang iba pang kumag.

Sa tv lang naman kasi may mangyayari

Dahan-dahan na itinunton ng mahaba niyang kamay ang likod ng balikat ko.

At doon na naghiyawan ang mga kumag. Inambahan ko naman ang katabi ko ng suntok na mas lalong nakapagpalawak ng ngisi niya.

At kahit mahal kita

Wala akong magagawa

Tanggap ko, oh aking sinta

Pangarap lang kita

Nasa akin pa rin ang paningin nito, nanatili ang ngisi.

Ang hirap maging babae

"Sus babae raw siya." bulong ng katabi ko na inirapan ko lang atsaka ipinagpatuloy ang pagkanta.

Kung torpe 'yung lalaki

Mapagbiro kong idiniin ang word na torpe at siya naman ang napaikot ang mata sa ngayon.

Kahit may gusto ka

'Di mo masabi

Hindi ako 'yong tipong

Nagbibigay motibo

Conservative ako kaya di maaari

Napangiwi naman sa akin ang kupal atsaka walang boses na sinabing "sus kineri the way" na nagpailing naman sa akin.

At kahit mahal kita

Wala akong magagawa

Tanggap ko, oh aking sinta

Pangarap lang kita

Duet na kami sa bandang iyan maging sa kasunod.

At kahit mahal kita

(Minamahal Kita)

Wala akong magagawa

(Walang magagawa)

Tanggap ko, oh aking sinta

Pangarap lang kita

Nakatingin lang kami sa isa't isa at patuloy na nagpapanggap na mag-asawa, oops nakakakilabot yung sinabi ko.

Sui ran wo hen ai ni

Wo mei fen fa gao su ni

Wo xin zhong yi you, oh, qin ai

Dan shi shi wo de ai

Kabisado ang parte'ng iyan sa kanta at katunayan nga ay iyan pa ang paborito ko.

At kahit mahal kita

(Da ai ni)

Wala akong magagawa

(Wo zhen de mei fen fa)

Tanggap ko, oh aking sinta

Pangarap lang kita

Pangarap lang kita

Pangarap lang...

Matapos ang kanta ay nakakabinging palakpakan at hiyawan muli ang dumagundong sa aming cottage.

Matapos ang kanta ay nakakabinging palakpakan at hiyawan muli ang dumagundong sa aming cottage.

"Jusq, kita nyo yon, diba? Infairness may spark ha!" nakangising sabi ni te jes habang ako naman ay napangiwi sa sinabi niya.

"Oh ano pang tinutunganga ninyo dyan? Shoo-shoo! Maligo na kayo at magbihis, maggagabi na rin." pagbubugaw sa amin ni te jes na parang mga tuta niya.

Napailing naman ang iba sa mood swings nito atsaka tuluyan ng sinunod ang kaniyang utos. Gayundin kami ni Iya na kasalukuyan ng pumunta ng girls bathroom.

"Hey, i wonder sino ang pinaka-close mo sa inyong magbabarkada?" pagpapanimula ni iya ng topic.

"Yung kaninang naka-partner ko sa "romantic duo" kuno,hehe! Bakit mo naman naitanong?" ako naman ang nagbalik tanong sa kaniya.

"Ah, kaya pala. You two look comfortable with each other." she said as we finally reached the girls bathroom.

Nagpaalam kasi saglit upang makapag-shower na.

After taking a shower, 10 minuto ang nakalipas, I finally pulled out some comfy loose black t-shirt and a maroon khaki shorts. Sumunod naman siya matapos lumipas ang 2 minuto matapos kong lumabas.

Her wearing a t-shirt also, color white and a black shorts. Naka-tsinelas na rin siya gaya ko. We smiled while sight-seeing each other's outfit.

Nang makalabas kami ay hinawakan niyang muli ang mga kamay ko. I smiled but somehow got curious because of a silence that's between us right now.

Hanggang sa malapit na kami sa cottage ay hindi man lang siya nagsalita. Or baka kailangan ako naman ata ang magbukas ng topic? Makapal na ata masyado ang budhi ko? Ewan oksimadorikels na nga yan.

Nang tuluyang makabalik sa cottage ay nagbago na ang set-up nito.

Kasalukuyan nang nakalatag ang makakapal na banig sa mapuputing buhangin. Narito na rin ang mga kumag at dala-dala pala nila ang mga gitara nila. Syempre ang ibig-sabihin ng nila ay ang masisipag na sina Iverson at Matt, dahil ang ibang mga kurimaw ay ubod ng tamad lalo na si lejan. Maging ang mga beers at wine sa gilid ay hindi napalampas ng paningin ko, yehey!

Nang makaupo kami rito ay saka ko lamang napagtanto na papadilim na, siguro ay mga alas-sais imedya mahigit na.

Ang ilaw na nanggagaling sa bonfire ay unti-unting mas nagbibigay liwanag sa papadilim na hudyat ng mapayapa na gabi.

Nang pasadahan ko ng tingin ang nilalaman ng mga banig ay doon ko lang nalaman na kami pala ang nahuli ni Iya, at mabilisan lang silang nag-wash up.

Some people love shoes of certain kinds

Ang mayroon kataasan at husky na boses ni Ivan ang una kong narinig na

kumanta sa pamamagitan ng gitara sa gabing ito. Marahan ang kaniyang plucking habang itinutugtog ang masarap pakinggan sa tainga na kanta.

Some people love afternoons or the way the moon shines

And they have their own reasons to feel the way they do

That's why i ask myself, what it is with you

"Ay bet ko yan! Duet tayo!" nakangisi'ng sabi ni te jes na tinanguhan lang ni ivan.

Is there something wrong with the way I speak?

Do you even see me when i pass you on the street?

I'll close my eyes and let it be

Because I just can't see, why you love to hate me

"Sabay naman kayo kiddos! Bilis para masaya na kayo ka-bonding!" parang batang sabi ni te jes na nakapagpahalakhak lang din samin at sinunod ang kaniyang sinabi. Tutal lahat naman kami ay mahilig sa kanta.

Some people love weekends because they can fool around

Some people love thunderstorms because of how the drops of rain fall down

And they have their own reasons, whatever they may be

That's why i think it's kind of funny that you don't have one for me

Iwinagayway ni te jes ang kamay niya na agad sinundan ni matt. Atsaka kaming lahat ay gayunarin ang ginawa habang marahan ang aming pagkanta ng paparating na ito sa bandang koro.

Is there something wrong with the way I speak?

Do you even see me when i pass you on the street?

I'll close my eyes and let it be

Because I just can't see, why you love to hate me

Naghintuan kami ng dumating na sa bridge ang kanta at narinig ang mayroon kalakasang strumming nito.

And it sucks to face that I ain't got no reasons too

Tila tagos sa puso ang bawat mga lumalabas na liriko sa kaniyang boses habang marahan ang pagkakapikit nito.

Whenever asked the simple question why I feel the way I do

And I know it's stupid on my part to say that I love you

Even though I know you hate me and you don't know why you do

Hindi ko alam kung ako lang ang nakakita o baka guni-guni ko lang ang pagsulyap niya sa kapatid ko sa huling liriko ng kanta.

Muli kaming sumabay pagdating sa slow plucking ng kahuli-huling koro.

Is there something wrong with the way I speak?

Do you even see me when i pass you on the street?

I'll close my eyes and let it be

Because I just can't see, why you love to hate me

"Ouchie naman yan bro, may pinariringgan ka ata ah?" agad na tumalak na naman ang kumag na matt atsaka mapang-alaskang sinulyapan ang gawi ng kapatid ko.

Inilingan lang siya ni Ivan na animo'y hindi nakakapagsalita.

"Ang mga kantahan dapat pag ganitong gabi ay hindi ganyan! Bigay mo nga yan kay pretty sonson!" nakangising binatukan ni iver si matt habang ang isa namang ito ay nakabibinging napahalakhak.

"Adlive-an mo pre, ikaw sa mga sobrang tunog." sabi nito kay iver na nakapagpatango lang dito.

"Ano bang kanta?" nakakunot ang noo'ng tanong nito habang random na pinatutunog ang kaniyang gitara.

"Please don't touch my birdie." nakangising sambit ng kumag na matt atsaka kami napahalakhak lahat. Hayup na yan.

"Gago? Seryoso huy!" saway ni iver sa kanya habang ang isa naman ay tumango-tango ng paulit-ulit, nanatili

ang malokong ngisi.

"Onga, game na!" muling tugon nito atsaka gayon na nga ang ginawa nila.

In-intro-han ni sonson ang kanta at nang ito'y magsimula ay agad na nag-strumming si matt.

Kapag ako'y nababato

Pinaglalaruan ko ang birdie ko

Ang cute cute naman kasi

Kaya ko siya binili

Muling naghagalpakan ng tawa ang lahat ng marinig ang mga patikim pa lamang na mga liriko.

My birdie is my bestfriend (my best friend)

Bahagya kaming natawa ng mag-second voice pa si sonson.

Ang dami naming maliligayang sandali

Madalas ko siyang pinapakain ng bird seed

Mahal kita o birdie ko 'wag kang lalayo

Don't touch my birdie (don't touch my birdie)

Shinginuh nilang dalawa, hahaha! Ang lt netong mga unggoy nato!

Resist temptation please

You don't have to grab my birdie

Just call it and it will come

"Kahit anong kanta sumabay na nga tayo! Wag na maaarte, kiddos!" panghihikayat ni te jes. Wala na naman muli kaming nagawa kundi ang sumunod. Mas maganda nga ang jamming lalo na kapag marami.

Ang birdie ko ay nakakatuwa

"Wahahahaha!" interpret ng kumag na matt sa kanta. Hindi na naman namin muli napigilan ang pagtawa.

Parang cobra na mahilig mantuka

Kapag nilabas na mula sa kulungan

Tuloy-tuloy na ang aming kasiyahan

Nakangisi ang lahat habang pinagpapatuloy ang kanta.

Di naman ako madamot talaga

Ayaw ko lang na hinahawakan s'ya ng

iba

Ang birdie ko ay medyo masungit

KONTING HAWAK LANG SIGURADONG MAGAGALIT

Maingay na sigaw ng ulupong na mattalak na nangibabaw sa aming malumanay ang pagkanta. Hindi namin naituloy ang koro sa agarang pagdagundungan ng tawanan namin.

"Ayaw ko na nga! Hahaha tangina!" namumulang singhal ni sonson kay matt na nakangisi lang habang pinagmamasdan kaming lahat na mamatay-matay na sa katatawa.

"Ikaw talaga'ng walang-hiyang bata ka!" humahalakhak pa rin na sambit ni te jes.

"Kanta naman yun ah, atleast di puro drama ang kantahan ngayong gabi, hehe aylamyuol." nagbulul-bululan pa siya sa huling mga katagang sinabi niya.

Tumayo ang iba pang mga kumag mula sa pwesto nila para lamang pagkaisahang batukan si matt.

"A-aruy naman!" nakabusangot na sabi ni matt habang hinihimas-himas ang ulo nito.

Makalipas ang ilang minuto ay humupa na rin ang halakhakan namin na ipinasimuno ni mattalak.

"So kiddos we'll go another round of spin the bottle game!" nakangising paninimula ni jes sa usapan.

"Listen, ganito ang mechanics ng game." Wow, so iba na naman ang laro? Dami talagang pakulo nito ni te jes kahit kailan.

"Kung sino ang matatapatan ng takip ng plastic bottle ay ayon ang tatanungin ng natapatan sa kabilang side, it's truth or dare, sounds common ba?" tanong nito na nakapagpatango lang sa amin habang patuloy ang pakikinig namin sa kanya.

"Don't worry may twist yan." kinindatan muna kami nito bago muling ipagpatuloy ang pagsasalita.

"Kapag nag "truth" ka at kakarampot lang ang sinagot mo, you'll take 3 shots, at kapag naman ang sagot mo ay medyo mahaba you'll take 2 shots.

And kapag naman kinilig kami sa sagot mo ay hindi ka na mag-sho-shot pa." nakangising pagpapaliwanag nito habang patuloy ang pakikinig namin.

"And kapag naman you choose "dare" clearly hindi ka na mag-sho-shot pa, malinaw ba?" masiglang pagpapatuloy nito atsaka pumalakpak matapos naming tumango muli.

"Bakit naman walang shot kapag dare, parang madaya naman ata yun!" angal ni matt na agad tinaasan ng kilay ni te jes.

"Kaunti na lang talaga at lilipad na ang palad ko sa mukha mo." masungit at sarkastikong sabi ni te jes na bahagyang nakapagpatawa sa amin.

"It's simply 'cause walang dare na madali. Bawal magbigay ng dare na hindi pinag-isipan ah! You'll all gonna find it out soon once the game starts."

"Okay let's start!" sabi ni te jes atsaka ipinaikot ang bote.

Nang mahinto ito kay utol at sa akin ay agad akong napangisi ng todo. Siya ang uutusan o paaaminin ko.

"Truth or dare, utol?" tanong ko rito na nakapagpa-busangot sa mukha nito.

"Truth!" napa-ismid pa ito sa akin habang ako naman ay nanatili ang abot-langit na ngisi.

"Ano nang status ng relasyon ninyo ni kie ngayon?" nakangisi'ng tanong ko rito na nakapagpasipol sa mga kumag na nakapaligid papaikot sa amin.

Muli akong sinimangutan nito bago sumagot.

"Wala. Ano, di ko rin alam eh." non-sense na sagot nito na agad nakapag-thumbs down sa mga kumag at dismayadong sinabi ang mga katagang "boo".

"Take 3 shots, kj." baling ni te jes sa kanya na inikutan niya lang ng mata.

"Fine." huling sabi ni utol atsaka kinuha ang 3 shot glass at magkakasunod itong nilagok.

"YEAH! WOHOOO!" napalitan naman ng maingay na hiyawan ang paligid ng gawin niya ito.

"Okay so let's proceed!" muling ipinaikot ni te jes ang bote sa pangalawang pagkakataon.

Napangisi siya ng matapat kay matt at sa kanya ang bote. Siya ang magpapaamin o mag-uutos kay matt.

"Truth or dare?" nakangising tanong ni te jes.

"Truth po!" bait-baitan na tugon ni matt na bahagyang nakapagpatawa sa amin.

Iiling-iling na nag-iisip si te jes sa ngayon atsaka lumiwanag ang mga mata ng makaisip ng nais tanungin.

"Did you love someone before?" kuryoso at nakangising tanong ni te jes dito.

"Uhm, oo naman. But it's just a one-sided love. And i don't want things to get worst so i let it go." seryosong sabi ng kumag na nakapag-pakuryoso sa akin. Totoo kaya ang sinasabi nitong kumag na to? Isip bata kasi siya kaya siguro ayaw sa kanya, hahaha!

"Satisfied ba kayo sa sagot niya kiddos?" nagtanguhan lang kami ngunit hindi ang kapatid niyang si kie na nakataas ang kilay at agad nagsalita.

"More explanation pa dapat! Gaya ng nasaan na ba ngayon yun." suhestiyon ni kie na inilingan lang ni matt.

"So di na mag-eexplain pa matt?" sabi ni te jes na inilingan din ni matt bilang tugon.

"Take 1 shot then. Ganoon ang mga gusto kong sagot ha!"nakangising sabi ni te jes sa amin.

She spins the bottle again at huminto naman ito kay sonson at sa akin. Huh! Yari ka sakin ngayon.

"Truth or dare, son?" tanong ko rito na inilingan niya muna bago magsalita.

"Truth, para masaya." sarkastikong tugon nito sa akin.

"Hmm..." ani ko habang nag-iisip.

"Bakit ka nangibang bansa for 2 years?" kuryoso kong tanong dito. Sana sumagot ng maayos itong buto na to.

"Kasi... May mga bagay akong iniiwasan at kinakalimutan noon na ang tanging pangingibang bansa lang ang paraan." medyo mahaba na tugon nito, seryoso din ang awra gaya ni matt. Nakakapanibago sila ah!

"More explanation bili! Babae ba o lalaki yang sinasabi mo?" muling tanong ko rito na muling nagpa-iling sa kanya.

"Bakla." sarkastikong sabi nito na nakapagpahalakhak sa amin.

"Joke lang, babae at lalaki." sabi nito na agad kong tinanguhan at kahit nanatili ang paggiging kuryoso ay hindi na nagtanong pa.

"Okay so iverson wouldn't take shots!" nakangising binalingan ni te jes si sonson atsaka ito binigyan ng thumbs up at kindat.

Muli ay pinaikot ni te jes ang bote sa ikatlong pagkakataon. Huminto ito sa gawi nina Iya at matt. Kaya nag-ngising aso muli ang kumag na matt.

"So truth or dare, ms. Sy?" tanong nito na nakapagpangisi kay Iya.

"Dare, walang thrill sa truth eh." tugon nito na agad nakapag-pahiyaw sa mga kumag.

"Hmm... Simple lang ang dare ms. Sy. Kiss mo lang ako dito." nakangising isinenyas ni matt ang pisngi niya na nakapagpataas ng kilay ko. Tipo niya pa nga si Iya.

Iiling-iling na tumayo si Iya at pumunta sa gawi ni matt atsaka ginawa ang ipinag-uutos nito. Muling nagdagundungan ang sipol at hiyawan ng gawin ito ni Iya.

"Daig pa kayo ng babae, oh!" mapang-asar na sabi ni te jes sa mga kumag atsaka nginitian si Iya.

Sa ikaapat na pagkakataon ay ipinaikot ni te jes ang bote ito natapat sa kapatid ko at kay Ivan. Napansin ko ang ngisi ng mga kumag sa kani-kanilang banda.

"Truth or dare?" tanong nito sa kapatid ko.

"Truth." walang-gana'ng tugon nito.

"Did you really hate me that much?"

buti na lamang at hindi naghiyawan ang mga kumag sa tabi dahil for sure magkakailangan tong dalawa kapag ginawa nila yon. So para sa kapatid ko nga ang kinanta niyang "sampip" kanina?

"Oo. Sino ba namang matutuwa sa ganon." maikling sagot nito na nakapagpahalakhak sa amin.

"Saan?" kuryoso namang pagsingit ni te jes sa usapan na agad tinugunan ni matt.

"Mamaya ka na muna te, nag-momoment pa sila." tugon nito kay te jes na inikutan lang siya ng mga mata.

"Rate it 1-10." sabi muli ni ivan sa kapatid ko.

"110." malayong sagot ng kapatid ko na nakapagpahalakhak sa amin. Wala raw equals kaya pinagsama niya.

"Okay so dahil hindi ko alam ang pinag-uusapan ninyo, take 2 shots, cisca dear!" sabi ni te jes matapos ang usapan ng dalawa.

At gayon nga ang ginawa ng kapatid ko. Kahit 16 y.o palang to ay hindi ito mailap sa alak.

Matapos ang paglagok nito ay agad muling ipinaikot ni te jes ang bote, sa ikalimang pagkakataon.

Nang mapahinto ang bote ay agad akong nadismaya sa kinalabasan nito. Ako at si alex.

"Truth or dare?" seryoso ang mga mata ngunit nakangisi nitong baling sa akin.

"Dare." agad akong nailang ng manatili ang titig nito sa akin.

"Hmm... I dare you to hug the most important person for you inside this circle." utos nito na agad ko namang sinunod. Sana lang wag magtampo di utol.

Agad kong nilapitan si sonson at nakangising niyakap ito. Gayundin ang ginawa nito sa akin habang ang mga kumag naman ay mapagbirong naghiyawan sa kani-kanilang banda.

Grade 2 palang ako ay nagsimula na ang pagkakaibigan namin ni sonson. Para ko na rin siyang kapatid na nasasabihan ng lahat ng problema ko at ayaw niya na naglilihim ako sa kanya ng tungkol sa kahit na ano, maski mga maliliit na bagay lamang. Napangiti ako.

"And explain why did you chose to hug that person." muling sabi nito na nakapag-paismid naman sa akin. Di ko siya binalingan ng tingin sa halip ay humarap ako sa kanilang lahat.

"Siguro kung susumahin, hindi ko alam ang buhay ko kung walang sonson na dumating dito." pagpapanimula ko na agad kinantyawan ni matt.

"Aaaahhhh.." asar nito habang nakahawak pa sa dibdib na ani mo'y siya ang sinasabihan ko, touched na touched, ganon. Inambahan ko muna ng sapak si matt na nakapagpataas ng mga kamay niya at nakapagpangisi sa kanya.

"Kasi alam nyo, grade 2 pa lang naging kaibigan ko na ito. At hindi ko akalain

na hanggang ngayon ay nanatili rito sa tabi ko. Kaya sonson..." muling pagpuputol ko sa mga sinasabi ko at binalingan ang kumag. Nagtaas naman siya ng kilay habang nakangiti sa mismong gawi ko.

"Maraming salamat at laham kita!" nakangising pagpapatuloy ko at nag-akto pa ng "drop the mike" act.

Nagpalakpakan ang mga kumag na para bang punong-puno ng sense ang mga sinabi ko kahit mema lang talaga yun. Kwinento ko lang naman sa kanila kung bakit ayun yung nap---

"So ako hindi ako mahalaga sayo, utol?" tampururut na sabi ni utol matapos ang pagsasalita ko. Naghagalpakan sa tawanan ang mga kumag at nambubuyong sinabing "aw, di ka pala mahalaga eh." Napailing naman ako sa mga isip bata'ng ito.

"Kung dalawang tao ang iniutos sa akin na yakapin syempre kasama ka! Eh kaso isa lang, kaya sisihin mo yung nag-utos, wag ako." nakangisi at sarkastikong sabi ko sa kanya na nakapag-paismid at nanatili ang pagkakabusangot sa ekspresyon nito.

Nang matapos ang truth or dare at mahabang pag-jajamming, ang lahat ay bangag na. Napagpasyahan namin na umuwi na kaya tinawagan na ni te jes sina tita para papuntahin ang mga driver ng van sa ikinaroroonan namin.

Hindi nagtagal ay naroon na rin ang mga ito, balita sa amin ni te jes.

"Kuya ano pong pangalan ng beach na ito ulit?" baling ni te jes sa isa sa mga driver ng van ng makababa ito.

"Nacpan beach po ma'am. Nag-enjoy po ba kayo, mga ma'am and sir?" tanong nito sa amin na sabay-sabay naming sinaluduhan. Maging ang driver ay bahagyang napatawa sa isinagawa namin.

"Bukas po ay sabi po ni ma'am Cristina ay marami pa raw po kayong pupuntahan na mga tourist spots." muling sabi ng driver na tinanguhan lang namin.

"So double check ninyo kung may mga nakalimutan kayo ha, and kapag wala na let's go inside." sabi sa amin ni te jes atsaka binalingan ang driver.

"Kuya, pwede po ba na kami na lang ang mag-drive nung isang van?" sabi ni te jes dito.

"Pero ma'am ang bilin p--"

"Sshh ka lang kuya, ako na ang bahala, promise!" panghihikayat ni te jes dito para pumayag na.

Napakamot naman ng ulo ang driver at napatango na lamang.

"Sa pangalawa po kayo sumakay ma'am at sundan nyo lang po ang ikauna'ng van, ang ikatlo at ikaapat naman po na van ay dap--"

"Ako!"

"Ako!"

Sabay-sabay naming tiningnan ang kapatid ko at si ivan na agad nagtaas ng kamay atsaka muling naghagalpakan sa tawa.

"Sa ikatlong van na po silang dalawa." nakangising tugon ni te jes sa driver na tinanguhan naman nito.

"Ako sa pang-apat." nagulat kami ng bahagyang sa pagsingit ni alex sa usapan.

Walang nagsalita at humalakhak na kahit na sino habang si makikita naman sa mukha ng mga kumag ang paggiging dismayado sa sinabi nito.

"Ay sige, ikaw bahala." maikling sabi ni te jes dito na tinanguhan lang nito at sumakay na sa ikaapat na van, which is nasa pang-huling linya sa mga nakapilang van.

"Ano'ng problema ba non?" nakakunot na sabi ni matt habang tinatahak na rin namin ang daan patungo sa ikalawang van.

"Kaya nga, wala na nga siyang paramdam this past few months tas ganoon pa siya." sabi naman ni sonson.

"Baka may inaasikaso lang, hayaan ninyo na yong kupal na yon." sabi naman ni kie.

Nang matahak na namin ang daan papuntang van ay agad kaming pumasok dito. So marami kami, hindi ata kami kasya hahaha!

Ako, si iya, si utol, si te jes, si matt, si kie, si lejan at si sonson. Ay 8 lang pala kaya naman eh, tanga lang talaga ako mag-tancha, sensya na huh? Mahina sa math eh.

Nang tuluyang makaupo ay si Iya pa rin ang katabi ko sa kaliwang banda, kasalukuyan siyang malapit sa bintana dahil ipinauna ko siya sa pag-upo, para kasing gusto kong mag-ingay ngayon eh. Sumunod sa tabi ko si matt at si utol, habang ang nasa likuran naman namin ay sina sonson, lejan at si kie.

"So ready na ba kayo sa ating crazy road trip?" sabi ni te jes na nakapag-pataas ng energy namin kahit madaling araw na. Nang silipin ko ang relos ko ay 2:26 na ng madaling araw.

"Yes yes yow!" sabay-sabay na di namin inaasahang tugon namin kaya dahil dito ay nagdagundungan ang tawa sa loob ng van.

"Let's play some crazy music first." sabi ni te jes na agad ipinindot ang radyo sa harapan atsaka tuluyan ng nagmaneho ng makita ang ikaunang van na nakalayo na sa amin.

Agad tumayo si matt ng marinig ang nakakaganang rock&roll at upbeat na music.

What if, what if we run away?

Agad na sumabay ang lahat sa pagkanta maging si te jes sa unahan ay napapaindak pa.

What if, what if we left today?

What if we said goodbye to safe and sound?

Maging ang mga kurimaw sa likuran ay nagsitayuan na rin ng mapabaling ako sa kinaroroonan ng mga ito. Iiling-iling ako na hinigit ang kamay ni Iya papatayo upang makisabay na rin sa trip nila.

And what if, what if we're hard to find

What if, what if we lost our minds?

What if we left them fall behind and they're never found?

Nakangisi ang lahat habang nakatayo at hindi pa binibirit ang kanta at enerhiya.

And when the lights start flashing like a photobooth

And the stars exploding, we'll be fireproof

Agad na nagwala si matt sa bandang iyan ng kanta na nakapagpailing at nakapagpatawa na lamang sa amin.

My youth, my youth is MINE

Pinagkadiin-diinan pa ni matt ang kanta na nakapagpahalakhak muli sa amin.

Trippin' on skies, slippin' waterfalls

"Ayaw ko nga'ng mag-share, hmp!" sabi ni matt habang nagpapatuloy ang kanta agad naman muli kami nitong napatawa.

My youth, my youth is ONLY MINE

Napapailing na lamang kami habang nananatili ang ngisi sa nangingibabaw na boses ni matt na animo'y mayroon talagang ipinaglalaban.

Run away now and forevermore

My youth, my youth is yours

A truth so loud you can't ignore

My youth, my youth, my youth

MY YOUTH IS MINE

MY YOUTH IS MINE

MY YOUTH IS MINE

MY YOUTH IS MINE

Ayaw talagang tumigil ng hayup na to sa pagpapalit ng mga liriko kaya wala na lang kaming nagagawa kundi ang humalakhak sa bawat bagong pauso nito.

What if, what if we start to drive?

What if, what if we close our eyes?

What if we're speeding through red lights into paradise?

'Cause we've no time for getting old

Kumekembot na sa kasalukuyan ang katabi kong ulupong habang si Iya naman ay bahagyang napapangisi at iiling-iling dito.

Mortal body, timeless soul

Cross your fingers HAIR WE GO!

Muling pakulo na naman ang ipinaandar ni matt atsaka ginaya si princess poppy sa trolls. Edi nagdagundungan na naman ang tawanan ng lahat dahil sa kumag.

Oh oh oh oh

And when the lights start flashing like a photobooth

And when the lights start flashing, flashing, flashing

And when the lights start flashing

Agad huminto si matt para kuhanin ang telepono nito atsaka binuksan ang flash light, w/ interpretation na naman ang kumag, gago talaga.

My youth, my youth is MINE

Trippin' on skies, slippin' waterfalls

My youth, my youth is ONLY MINE

Run away now and forevermore

My youth, my youth is yours

A truth so loud you can't ignore

My youth, my youth, my youth

MY YOUTH IS MINE

MY YOUTH IS MINE

MY YOUTH IS MINE

MY YOUTH IS MINE

Matapos ang kanta at sinundan ito ng iilan pa ay gayundin ang ginawa namin. Ang imbentor ay marami na namang naisipang palitan gamit ang katarantaduhan niya.

"Kiddos, sadly, andito na tayo. 3:18 na kasi eh at maaga pa raw tayo bukas sabi nila tita kaya kailangan na natin magpahinga, last day na tayo mag-bo-bonggang road trip w/ snacks and drinks pa, arasso?" sabi ni te jes na nakapagpatango lang sa amin at agad na rin kaming bumaba ng van.

"Bat sabi nung kuya 2-3 minutes lang daw ang byahe, te?" tanong ko rito ng makababa kami sa van.

"False alarm si kuya, chessy. 20-30 mins. ang minimum time ng byahe." nakangising sabi ni te jes sa akin na ikinatawa ko ng bahagya.

"Ah ganon ba, hahaha! Sige te una na kami sa hotel ah, pagod na eh!" pagpapaalam ko rito na agad niyang tinanguhan.

At sumunod na nga sa akin ang dalawa pang kasama ko hangga't sa makarating kami sa loob ng hotel.

Habang naglalakad ay marahan kong hinilot ang sentido ko ng maramdaman ang pananakit nito, nakarami kasi kami dahil sa laro eh. Napangisi't iling ako ng maisip ang nangyari kanina. Sadyang masaya lang ang araw na ito.

Nang tuluyan na kaming makarating sa pintuan ng kwarto namin ay agad kong ini-swipe ang hotel card at pinauna ko na silang pumasok sa kwarto bago ko isara ang pintuan nito.

Itinanggal namin ang aming mga sapatos at agad na sumalampak sa kama.

"Hilamos lang ako." pagpapaalam ni Iya.

"Sunod ako sayo." sabi ko rito atsaka ito tuluyang pumihit papunta sa banyo.

Ang kapatid ko naman sa pinakaunang higaan ay kasalukuyan na muling naka-headphones at nakatutok sa kaniyang phone.

Hindi rin nagtagal si Iya sa loob ng banyo. Nang matapos ito ay agad na akong sumunod para tuluyan na ring makapagpahinga.

Nagsabon muna ako ng mukha at hindi ito hinilamusan kaagad. Tip yan sa akin ni winniebells, ang bakla at kababata ko rin na kaibigan. Bigla ko tuloy siyang na-miss. Trio kasi kami dati noon nila sonson at ang tawag niya sa amin ay tres marias daw kaya

inaasar ngayon si son na bakla nila matt. Na-meet na ng buong barkada noon ang bakla ang kaso nga lang, ay nagkaroon ng problema at lumipat muli sa probinsya ito.

Nang matapos ako sa pagsisipilyo ay agad kong binanlawan ang mukha ko. Sabi noon ng bakla ay "para maging mas soft like a mamon ang skin mo ay kailangan mong patagalin ang sabon sa iyong feslak."

Napangisi ako sa mga isipin at ng matapos ay agad ng itinahak ang daan papunta sa malapit lang na kama ko.

So 3:32 na, napakabilis ng fuckening oras. Agad kong inihilata ang kabuuan sa kama ng tuluyang makapunta sa ikinaroroonan nito.

"Have a good night, chessca." nakangising sabi ni Iya na nasa akin ang paningin.

"Haaaaa! Good night din." napahikab pa ako na nakapagpatawa sa kanya ng bahagya atsaka tuluyang nahiga.

Gayundin ang ginawa ko at hindi na nag-abala pang humawak ng telepono. Lamunin ka ba naman ng antok eh, ewan ko lang.

Agad ko ng ipinikit ang mga mata ko habang patuloy na nararamdaman ang bigat ng ulo at talukap ng mga mata ko. Hindi nagtagal ay hindi ko na nalaman at narinig pa ang nangyayari sa paligid.

Bakit ngayon ang hirap tanggalin!!!'

Naaalibadbaran akong napatakip sa tainga ko ng unan nang marinig ang nakakabinging kanta w/ matching sigaw pa na nakapagpaudlot ng tulog ko.

"Pucha naman! S---" napataas ang kilay ko ng makita ang mga kumag na narito lahat sa kwarto maliban kayla ivan at alex.

"Good morning princess the 1st!" nakangising bungad ng hayup na matt atsaka itinaas ang dala nitong mini-speaker habang ako naman ay dahan-dahang naghikab at sumilip galing sa gilid ng unan na kasalukuyang nakatakip sa akin.

"Sino nagsabing manggising kayo ng ganito kaag---"

"We're waiting for you patiently." kindat nito sa akin at kaagad ko siyang binato ng unan na hawak ko na buti nalang ay tumama sa mukha niya. Head shot. Napahalakhak siya atsaka ibinato pabalik malapit sa akin ang unan.

Saglit kong sinulyapan ang kabuuan nila at nakabihis na sila. Fuckening shet! Nahuli na naman ba ako?

Agad akong pumihit papapunta sa kwarto ng may muling magsalita.

"And that act means realization hits him ba or her ba?" sarkastikong huling narinig ko galing kay sonson bago ko tuluyang maisarado ang pinto.

"Mabilis lang ako, lumabas na kayo dyan mga kurimaw." sigaw ko sa kanila habang nagsasabon.

Buti na lamang at mga good dog itong mga ito at narinig ko na rin ang mga yabag ng paa nila papalabas ng kwarto.

Matapos ang mema'ng paliligo ay agad akong lumabas ng kwarto at di naiwasang mapasulyap sa orasan. Naglalaman ito ng 8:22 am! Tae! Kaya pala iritable ako dahil hindi pa umabot ng 5 oras ang tulog ko! Haist!

At nang matunton ko ang gawi kung saan ang side table ay walang pinagbago sa kahapon, mayroon na namang nakahanda na damit para sa akin. At oo, di kayo nagkakamali sa iniisip nyo, may note na naman.

'Chessy gurl! Wake upppp! Baba na agad pag tapos naaa! Bilis onti na lang ang pasensya ng mga elders dito, huhu!' -ur dearest ate❤

Napangisi na naman akong muli ni te jes sa nakakaawa niyang note. Maaaring siya nga ang pagbuntungan ng galit dahil kasama niya kami at hindi niya kami pinatulog ng maaga, hahaha!

Matapos masuot ang pares ng damit ay pinagmasdan ko muna ang sarili sa malaking salamin na nandito. Sleeveless shirt na de-button, pinagsama ang kulay na white and gray, walang kahit na anong bulaklak o ka-emehan at sa wakas! Naka-isip rin si te jes na pagsuotin ako ng ripped jeans! Naiiyak tuloy ako.

Mayroon na naman akong nakita sa ilalim na high heels, kaya di ko uli ito pinansin hehe! Sa halip ay inilabas ko ang dala-dala kong sneakers na kulay black. Yoohoo!

Nakangisi akong lumabas ng kwarto at tumambad agad sa akin ang mga kumag na muling nagsipalakpakan ng lumabas ako. Mga tarantado.

"Breaking the record of 32 mins. late! Ang oras ho ngayon mga kababayan ay alas-otso ika-tatlumpu't tatlo ng umaga at kami po ay nagbabalak sanang umalis ng alas-siyete imedya ngunit naantala ang--"

Agad ko siyang sinungalngal ng matigil na sa katatalak. Hindi ko na siya kailangang ipakilala, oo walang iba nag-iisa tong hayup na to.

Nagtawanan naman ang mga kumag na nanonood sa amin sa likod nito.

"Oh lika na! Ano pang hinihintay niyo?" nakakataas ang kilay at masama ang mukha kong sagot sa mga kumag na ito.

Nakangisi naman silang tumango at agad namang tumabi sa akin si sonson habang itinatahak namin ang daan pababa.

"Huy chessy!" kinalabit pa ako ng loko na nakapag-paismid sa akin.

"Oh?" tamad kong tugon.

"Naaalala mo pa ba si winniebells?" tila nag-iisip siya ng mapabaling ako sa kanya.

"Miss ko na nga yon eh, kagabi pa siya sumagi sa isip ko." nakabusangot na tugon ko rito.

Saglit siyang mayroong idinukot sa bulsa ng hoodie niya na akala ko kung ano, burger pala.

"Ipinapabigay to sa akin ni te jes, nahuli ka na naman daw kaya may parusa ka raw mamaya sa kanya hahaha!" nang-aalaskang sabi nito habang inaabot sa akin ang burger.

"Di ako kumakain ng burger na walang tatak." maarte kong sabi rito na agad nakapagpalaki ng mga mata niya at napasabi ng "woah" ng walang lumalabas na boses.

Agad ko siyang binatukan at agad na napahalakhak. Mabilisan ko ring ikinuha ang burger na kasalukuyang naroon sa kamay niya.

Nang matunton namin ang daan na ipinanggagalingan ng ingay ng buong angkan ay agad kaming huminto para malaman nilang nandito na kami.

"Antatagal ninyo namang mga bata kayo!" angal ni tita rhianna.

Agad naman akong tiningnan ng mga kumag atsaka sabay-sabay na nagkindatan sa akin.

"N-nahuli po kasi kami ng gising at ouch! Son masakit din ba katawan mo? Nakarami kasi tayo kahapon ng mga games eh diba!" agad na palusot ni matt na muntikan ng makapagpatawa sa akin, buti na lang at napigilan ko.

Napairap naman si tita sa isinagot ni matt.

"Bilisan ninyo at marami pa tayong pupuntahan!" badtrip pa ring tugon ni tita atsaka agad na tumabi sa kanya si tita el na nakangisi at iiling-iling sa gawi namin.

"Saan daw ang punta?" tanong ko sa mga kumag.

"Di ko alam sa mga yan." buryo namang sagot ni kie na kasalukuyang nakahalukipkip.

"Sunod na lang tayo." sabi naman ni matt na mukha ring walang gana.

Napaismid naman ako sa mga reaksyon nila at napagpasyahang wag na lamang magsalita hanggang matahak namin ang daan sa labas ng hotel na kasuluyang nakapila ang mga van.

Naghiwa-hiwalay na kami para pumunta sa kani-kaniyang van na ikinabibilangan namin.

Nang papasok na ako sa van ay alam ko namang papalakpak na naman sila dahil nakangisi sila sa gawi ko kaya nakaisip ako ng paraan upang di ito matuloy at nagtumba-tumbahan ako ng solid papahiga sa mga hita nila.

"A-aray!" halos magkakasabay na angal nila na nagpangisi sa akin atsaka ako umayos ng upo, buti na lamang at napigil ko ang binabalak nila.

"Epal!" ikaunang angal galing sa panget kong kapatid.

"Ikaw chessy hindi yun nakakatuwa ah!" ikalawang angal mula kay te jes.

"Ansakit utol lintik ka!" ikatlong angal naman at nakangiwing mukha ni utol.

Tiningnan ko si Iya kung aangal din ba siya ngunit iiling-iling lang siyang napangisi.

"Mga ma'am kumpleto na ho ba kayo?" nabaling ang atensyon naming lahat sa driver. Ngunit ng sulyapan ko ang mga katabi ko ay hinihimas pa rin nila ang kani-kanilang mga hita. Huh! Ako ang nagwagi! Woohoo!

"Opo kuya!" nakangisi at masigla kong sagot dito.

"Doble na ang parusa na makukuha mo sa akin chessy ha! Mamaya ka! Aish!" singhal ni te jes sa akin kasabay ng iritado'ng pag-aayos ng buhok niya.

Napangisi naman ako ng pilit ng maalala kong ako nga pala ang pinaka-maaga sa kanila. Hiya raw sila

sila sakin eh, hehe.

"So mga ma'am we're going to Port Barton po at mahaba-haba po ang byahe, mga estimated 2-3 hrs po ang byahe magmula rito kaya po pupwede pa po kayong magpahinga habang nasa byahe po." mahabang pagpapaliwanag ng driver na nagpatango lang sa amin.

Kasalukuyan kong katabi si Iya ngayon at masasabi kong kaunti na lang at makakatulog na siya.

Agad kong inihiga ang kaniyang ulo sa ibabaw ng balikat ko at nanghingi sa kapatid ko ng isa sa napakaraming unan nito atsaka humiga ng diretso, inilagay ko sa ulo ko ang unan at sumandal sa malambot na sofa.

Panandalian kong ipinahinga ang sarili sa pamamagitan ng pagpikit ng mga mata....

"WAKE UPPP!" ang maingay na boses na naman ni te jes ang nakapagpagising ng diwa ko.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at agad din itong itinakpan ng unan, ang sakit talaga sa mata ng sikat ng araw!

Maging ang katabi ko ay naramdaman kong marahang gumalaw sa balikat ko. Kasalukuyan itong napaayos ng upo atsaka nagkusot ng mga mata.

"Andito na tayo?" tanong ko kay te jes na nasa kabilang gilid, malapit sa bintana.

Masigla naman siyang tumango atsaka nauna ng lumabas.

Maging sila utol at ang kapatid ko ay naalimpungatan na rin sa kanilang tulog, oo nagsilbi naming alarm clock si te jes, haist.

Sumunod ako sa paglabas galing sa sasakyan atsaka bumaling sa akin ang panget kong kapatid habang hawak-hawak nito ang--- pisat na burger? HAHAHAHAHA!

"Kanino to?" mataman nitong tanong na nakapagpahalakhak sa akin.

"Sa akin--"

"Ay chessy! Ayan yung ipinabigay ko sa iyo na burger kay Iver ha!" nakataas ang kilay na ikinuha ni te jes sa kamay ng kapatid ko ang burger.

Taena, 3rd offense na nga.

"A-ah, e-eh peace a-ate, hehehe!" ngising pilit ang iginawad ko rito na nakapag-paikot naman ng mga mata niya.

Nang makababa na ang lahat ay ngingisi-ngisi at bahagyang natatawa akong binalingan ni Iya.

"Nakarma ka ata chessca ah." tatawa-tawang panimula nito.

"Ano naman kayang tumatakbo sa kokote ni te jes na ipapagawa niya sakin mamaya, ih scary!" tugon ko rito na tuluyang nagpahalakhak sa kanya.

Nang makapasok kaming lahat ng tuluyan sa loob ng "Port barton" daw ay agad na muling nagwala si te jes.

"Waaaaaaaaa! Ano pang tinutunga-tunganga ninyo dyan kiddos, let's take a hundred selfiessss! Woohooo!" nakakabinging hiyaw ni te jes sa amin.

Isa lang ang masasabi ko sa tanawin sa ngayon, na-pa-ka-gan-da! Oo napakaganda uli kagaya nung reaksyon ko sa El nido..., anubayon? Nacpen? Nacpun? Nacpon? Basta beach yun! Hahaha!

Always, no choice. Muli'y nagmadali kaming magsilapitan sa teleponong kasalukuyang nasa itaas, in-extend ng masungit naming ate ang tripod gaya ng mga nagdaang selfies namin.

"Ayusin ninyo nga ang mga ngiti ninyoo! Jusq! Kailangan pang photo album!" masungit na sita nito sa amin.

"Oh, ayos mukha raw! Ayos mukha!" mapagbirong dugtong ng kumag na matt.

Iiling-iling at napapakamot naman sa ulo ang mga kumag ng sulyapan ko ang mga ito.

Kasalukuyan ng nangangawit na ang panga ko sa kangingiti ngunit hindi pa rin matigil si te jes sa kakapindot ng camera.

"Tamana! Ayaw na namin! Andami naman niyan!" angal ni matt.

"Nangingilo na yung panga ko sa kakangiti oh!" angal naman ni sonson.

"Grabe namang picture-an yan!" nakabusangot ang mukhang si kie.

Kaya ayun nakuhaan tuloy kami ng mga candid shots. Gg ang sasagwa.

"HAHAHAHA! ANG CU-CUTE NINYO OH!" humahalakhak na sigaw ni te jes sa amin.

Mga nagmamaktol na mukha, ako na nakatingin sa mga kumag at mga pilit na ang ngiting mukha. Ayan ang bumida sa tuloy-tuloy na pag-click ni te jes sa camera.

"Kids, kain na muna tayo!" nakangising baling sa amin ni tita el atsaka ibinalingan si te jes at nag-thumbs up dito.

Tumango lamang kami habang ang mga elders naman ay ipinangunahan ang daan patungo sa kakainan.

Gaya ng kahapon noong nasa cottage kami ay gayundin ang set-up sa ngayon. Dalawa nga lang ang cottage.

Muling naglabasan ang mga tauhan ni Mang Ruben na di ko alam kung saan nanggaling atsaka inilapag ang mga malalaking tupperware sa mesa na kasalukuyang nasa harapan namin.

Adobo, pritong maya-maya, inihaw na liempo, chicken curry, nuggets atbp.

Nagdagdag pa tuloy ng isa pang mesa ang mga kasalukuyang nag-aasikaso dito dahil sa dami ng lutong ulam.

Buti na lang talaga at may mga elders at good thing ay kasama namin si te jes, ngunit sa kasawiang palad, tatlo na ang kasalanan ko rito.

Ilang minuto ang nakalipas ay nag re-charge na ang lahat sa indibidwal na pangangatawan. In short lahat kami ay fuckening busog na.

Sampung minuto ang nakalipas ay itinahak na namin ang daan patungo sa bangka.

Ipinaliwanag kanina ni tita el ang balak niya ngayong araw. Mag a-island hopping daw kami at mag-scary wreck diving na natural ay hindi ako sasama! Hehe! Maaga akong papanaw pag nagkataon!

Matapos naming makasakay sa malaking bangka na himala ay kasya kaming lahat ay ayun, mayroong nasa unahan na nagmamaniubra ng bangka.

Dalawang palapag ang bangka at di mapagkakailang maganda ito. Kulay puti ang labas nito at kahoy ang loob.

Mayroon ding iilang silid sa ikauna at ikalawang palapag nito. Oo naglibot kaagad ako, kaya marahan akong ihinatak ni te jes at sabi na ilulunod niya raw ako kapag hindi ako nagtino.

"Good morning mga ma'am and sir! It's already 10:47 a.m in the morning po and we're going to explore only here in Palawan po ang Island Hopping tour! Kung saan mapupuntahan po natin land by land ang mga iba't ibang uri ng mga ocean creatures! 1-2 hrs po itatagal po sana nito ngunit dahil sa ship na pinareserve ninyo po ay 1 hr lang po ang maximum time sa bawat area. Ang una po nating pupuntahan ay ang Starfish Island, na susundan naman po ng Exotic Island, at ang sumunod po ay Inaladelan Island at ang ikahuli

naman po ay ang German Island."

Matapos ng napakahabang speech nito ay kaagarang nagmaneho ito at nagsabi ng "Enjoy po!".

Kaya lang ay groge ako ngayon. Gusto ko pa ng tulog! Saglit akong sumilip sa dagat na naglalaman na ng mga starfish sa ngayon, maganda naman. Nakakabilib nga eh, ang kaso inaantok talaga ako.

Ibinalingan ko si te jes na kasalukuyang nakasilip din sa malinaw na asul na may halong kaunti'ng berde na dagat.

"Te, idlip lang ako saglit sa loob, pleaseee!" nagpapaawang panimula ko rito.

"Hahaha! Ang cute cute mo! Sige na!" nakangising tugon nito agad ko siyang niyakap at nagmamadaling nagtungo sa loob.

Makakatulog kaya ako? Ayan ang naglaro sa isip ko ng makitang narito lahat ng kumag, di ko namalayan at nakita na pumunta na pala sila rito!

Mga heavy metal na kanta ang ipinuputak ng maingay na speaker na dala-dala ng wala ng iba sa angkan ng dascio.

Napa-ismid naman ako ng makita sila.

"Uy ikaunang prinsesa nandito ka rin! Ha--"

"Tigilan moko loko, inaantok ako! Makakatikim ka sakin!" seryoso at sunod-sunod na sabi ko rito atsaka siya nag-peace sign at bumalik sa kama na kaninang ikinaroroonan niya.

Agad akong umakyat sa ikalawang palapag at ipinasakan ang tainga ko ng earphones. Sa wakas, makakapahinga na rin ng mahimbing.

(To be continue between C25&C26)

A/N: 20,431 words. *insert kaloka*

Thank you so much sa 6k na reads guysss! Super happy si aq hihi! ILY'ALL!💜

I will edit those errors soon. I'm sorry for some errors such as wrong grammars and typos that you would encounter. Thanks!💞

SONGS IN THIS CHAPTER:

I go crazy- by Paul Davis

How deep is your love- by Bee Gees

Nothing's gonna stop us now- by MYMP


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C19
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen