App herunterladen
53.84% Mature Enough (COMPLETED) / Chapter 7: Chapter 5

Kapitel 7: Chapter 5

Chapter 5

"Uy, congrats sa'tin!" Nakangiting saad ni Shion habang winawagayway ang certificate sa harapan namin nila Von at ni Uno.

"Grabe, ang tataas ng average n'yo! Lalo ka na, Von." Tinuro nito si Von na nasa gilid ko kaya naman tinignan ko ito at saka ngumiti.

Last day na pagkikita na namin 'to dito sa VWIS, dahil tapos na ang Senior high namin. Ibig sabihin ay college na ang susunod na tatahakin namin At panibagong school year nanaman ang aabangan.

Taon na ang lumipas. Ngunit ganito parin kami ni Von sa isa't isa. Sinagot ko na sya noong magtapos kami ng 4th year high, at hanggang ngayon ay going strong parin ang relasyon namin sa isa't isa.

At tama, matataas ang grades na nakuha ni Von ngayon. With the average of 97.8, nakuha nya ang pinakamataas. Samantalang kami ni Shion ay 91 lamang ang naging average. Bilib na talaga ako kay Von. 'Pag sinabi nya, gagawin nya.

Naalala ko tuloy noon, halos araw araw ay binibigyan nya ako ng bulaklak na halos maging isang halamanan na ang buong bahay namin. Wala rin syang nakakaligdaan na araw at lagi nya akong sinusundo't hinahatid sa bahay.

Tuwing bakante ang oras nya ay lagi nya akong niyayaya na lumabas at mag-date. Laging ganoon ang set up namin. Paulit ulit pero hindi nakakasawa. Paano ba naman kasi, lagi nyang pinaparamdam sa akin na mahalaga at mahal nya ako.

"Let's celebrate, sagot ko na." Pag-aaya ni Uno sa amin. Natutuwa rin ako dahil si Uno ay naging malapit sa amin.

Lagi silang sabay na ng-aaral ni Von sa Library, at kinakantyawan nito si Von t'wing magkasama kaming dalawa. Katulad ng nangyari sa first impression ko kay Von, ganon din ang nangyari sa first impression ko kay Uno.

Noong una, akala ko ay gago sya. Pero kalauna'y habang nakakasama ko s'ya, nalaman ko na pumapangalawa pala s'ya sa VWIS at ngayon, with the average of 98.5, s'ya na ang nangunguna sa VWIS. Tinaasan pa n'ya ang kambal n'ya.

Hindi ko inaasahan na magiging close namin si Uno dahil lagi itong nakabusangot. Ni minsan ay hindi pa sya ngumiti noong una, pero kalauna'y ngumingiti na sya katulad ngayon dahil sya ang naging Rank 1 sa buong VWIS at pumapangalawa naman si Von sa kanya.

Nakakatawa lang dahil hindi kami nakapasok sa Rank 10, e kung tutuusin nga ay ako ang laging seryoso pagdating sa pag-aaral. Pero masaya ako na kahit hindi ako nakapasok sa Rank 10 ay nakapasok naman si Von sa Rank 2. Masaya ako para doon.

Pare pareho kaming pumayag sa pag-aaya ni Uno na mag-celebrate. Pumasok kami sa isang Van na agad rin namang umandar pagsakay pa lamang naming lahat.

"Anong balak n'yo ngayong bakasyon?" Biglang tanong ni Shion kaya naman napatingin ako sa kanya sa likod.

Nasa harapan kasi kaming dalawa ni Von, habang nasa likod naman si Uno at si Shion. Tumingin ako kay Uno dahil umubo ito ng tatlong beses bago tumingin kay Von na katabi ko. Napanguso ako bago inilipat ang paningin ko kay Von na kanina pa tahimik at walang imik.

"Uuwi akong China. Ewan ko lang d'yan kay Von kung anong balak." Tamad na nagsalita si Uno kaya naman lalo ko lamang pinakatitigan si Von na nasa gilid ko.

Kinalabit ko ito dahil hindi pa rin ito nagsasalita, at hindi ako sanay na tahimik ito.

"Anong plano mo sa bakasyon, Von?" Mahina kong tanong sa kanya upang hindi marinig ng nasa likod naming sina Shion at Uno na ngayon ay nag-iingay na sa likod.

At sa wakas, binalingan na ulit nya ako. Ngumuti ito pero parang may kakaiba. Ngiti na tila pilit. Hinawakan ko ang kamay nya at ramdam ko ang pagka-kabado nya sa di ko malamang dahilan. Hindi ako sanay na makita syang ganito.

Ano bang problema?

"May problema ba?" Tanong ko ulit sa kanya pero umiling lamang ito bago bumuntong hininga.

Hinuli ko ang mga mata nya na sobrang likot at hindi kayang tignan ako. What's wrong?

"Wala. Inaantok lang ako." Sagot nito. Napatango na lamang ako kahit na hindi ako kumbinsido sa naging sagot nya sa tanong ko.

Inaantok.

Siguro napagod sya ng husto dahil pinaghirapan nya talaga sigurong habulin ang mga lessons na namiss nya.

Inaantok.

-

"Restroom lang," hindi ko na naituloy pa ang dapat na isusubo kong pagkain noong magpaalam si Von at walang ano ano'y tumayo ito at naglakad patungo sa restroom.

Naigilid ko ang mga mata ko bago umiling at pilit kong winawaksi ang mga naiisip ko kung bakit nagiging wirdo ang mga kinikilos ni Von.

Naputol lamang ang pag-iisip ko noong tumunog ang cellphone ni Shion. Tumayo rin ito at nagpaalam na kakausapin nya muna ang tumatawag kaya ang ending, kaming dalawa ni Uno lamang ang naiwan sa table.

Hindi naman sa hindi ako kumportable kay Uno. Ang akin lang kasi ay parang kanina pa nya ako pinagmamasdan na tila may gustong sabihin sa akin. Huminga ako ng malalim bago ko muling itinuloy ang naudlot kong pagkain.

"Do you really believe na inaantok lang si Von kaya gano'n ang kinikilos nya ngayon?" Napahinto ako noong magsalita si Uno na nasa harapan ko.

Unti unti akong nagtaas ng tingin sa kanya at nakita ko ang mga mata nya na tila nananantya. Nag-iwas ako ng mga mata ko at binalingan na lamang ang tubig sa lamesang kaharap ko.

Alam ko ang ibig nyang sabihin. Hindi naman ako tanga para maniwala sa sagot ni Von na inaantok lamang sya--at alam kong may problema sya ngayon na kinakaharap. Hindi lamang nya masabi sa akin.

"Babalik akong China para mag-aral ng college. Sa tingin mo, saan mag-aaral si Von ng college?" Napaisip ako. Kambal silang dalawa, hindi pwedeng mahiwalay ang isa sa kanila.

Nakagat ko ang ibabang labi ko sa reyalesasyon. Unti unti ay naramdaman ko ang bigat sa aking dibdib na tila dinaganan ng ilang malalaking bato. Napalunok ako upang matanggal ang tila nakabara sa aking lalamunan.

"Tanungin mo si Von, Irene." Saad ni Uno sa akin bago tumayo. Sinundan ko sya ng tingin at hindi nakapagsalita.

Sakto naman na dumating rin sila Shion, kasunod nito si Von na tila nahimasmasan dahil medyo umaliwalas na ang itsura nito ngayon. Dumako ang mga mata nito sa akin bago binalingan ng tingin ang kanyang kambal na kumaway sa kanya.

"Alis na 'ko. Flight ko na mamaya," agad akong nag-iwas ng tingin noong makita ko na binalik ni Von ang kanyang mga mata sa akin.

Nagpanggap akong busy sa aking kinakain kahit ang totoo ay tapos naman na ako sa aking pagkain.

Ilang segundo rin akong nagpanggap hanggang sa mapagdesiyunan kong sinilipin si Von na ngayon ay nakikipag-usap na ng masinsinan sa kayang kambal na si Uno.

Lumunok ako. Flight na ni Uno mamaya, hindi kaya flight na rin ni Von mamaya? Sumikip ang aking dibdib sa kaisipan na iyon. Gusto kong magtanong sa kanya pero nanatili akong tahimik.

Hanggang sa pauwi na kami ay naging tahimik ako, ganoon din naman sya. Pareho kaming walang imik na nakasakay lamang sa backseat ng kotse nila. Minsan ay napapalingon lingon ako sa kanyang direksyon at nakikita ko sya na bumubuntong hininga.

"Sir, saan po tayo?" Biglang pagbasag ni manong driver sa katahimikan na namamagitan sa aming tatlo.

"Just drive nalang po, manong." Napalingon ako sa driver at nakita ko kung paano ito mapakamot sa kanyang ulo.

Nilingon ko si Von at nakita ko na nakapikit ang mga mata nito. Bakit ba kasi ayaw nyang sabihin sa akin kung anong problema? Bakit ayaw nyang sabihin sa akin kung anong plano nya? Babalik rin ba sya ng China para mag-aral?

"Von," tawag ko sa kanya. Mas mabilis pa sa alas-kuatro ang naging pagdilat nya at pagbaling sa akin ng mga namumungay na mga mata nya.

Binigyan nya ako ng isang matamlay na ngiti na talaga namang nakapagpahina ng puso ko. Paano nalang kung aalis sya? Mami-miss ko 'yung mga ngiti nyang 'yan. Mami-miss ko lahat sa kanya kung sakali mang aalis sya para tuparin ang mga pangarap nya.

"Von, anong...anong plano mo? I mean, babalik si Uno ng China. Ikaw, babalik ka ba?" There, natanong ko na rin. Tinignan ko sya ng diretso gamit ang mga mata kong nagtatanong sa kanya.

Nakita ko kung paano sya natigilan. Nakita ko kung paano ito mag-alinlangan kaya naman naging dahilan iyon kung bakit sumikip ang dibdib ko. Sumikip ang dibdib ko at tila may bumara sa lalamunan ko.

"Ikaw, gusto mo bang umalis ako?" Pagbabalik nito ng tanong sa akin. Napakurap kurap ako. Nakatingin parin ako sa kanya.

Binigyan ko sya ng isang ngiti. Agad akong umurong palapit sa kanya at agad na hinagkan sya, agad naman itong gumanti ng yakap sa akin at naramdaman ko kung paano dumampi ang labi nya sa tuktok ng ulo ko. Napapikit ako. Dinama ko ang bango ng katawan nya, mami-miss ko 'to.

"Kailangan ba, ngayon na? Hindi ba pwedeng next month nalang? Gusto pa kitang makasama." Mahina kong saad sa kanya. Muli nya akong hinalika sa tuktok ng aking ulo bago ako hinawakan nito sa aking balikat upang ilayo ng bahagya sa kanya.

Namamasa na ang aking mga mata na agad din naman nyang pinunasan noong tumulo ang luha mula doon. Ngumiti ito sa akin bago ako halikan sa aking noo.

"Hindi ako pupunta sa China. Hindi kita iiwan ng mag-isa." Bulong nito habang nakatingin sa aking mga mata. Napangiti ako kasabay ng muling pagtulo ng panibagong luha sa aking mga mata.

"P-Pero..."

"Shh. Tama na. I will never ever leave you, unless you say so." Pag-aalo nya sa akin bago ako nito muling pinihit upang yakapin nya. Napa-subsob ako sa kanyang dibdib at siniksik ko ang aking mukha sa kanyang dibdib.

Hindi ko hihilingin na umalis sya. Hindi ko nga kayang mawala sya ng isang linggo lang, mawala pa kaya sya sa akin ng mahigit sa isang taon. No, hindi ko kaya 'yon.

-

Written by Chewzychick


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C7
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen