App herunterladen
38.46% Mature Enough (COMPLETED) / Chapter 5: Chapter 3

Kapitel 5: Chapter 3

Chapter 3

"Sige na kasi, Irene. Sumama ka na," pumikit ako at pinakalma ang sarili. Tinignan ko si Von na ngayon ay naka-upo sa harapan ko at nagpapa-cute.

Nag-iwas ako ng tingin noong marealize ko na malapit yung mukha nya sa akin. Napalunok ako at sinarado ang libro na binabasa ko.

"Ayoko nga, Williams. Iba nalang yayain mong maging partner sa prom," sagot ko at pilit na tinatago ang panginginig ng boses ko.

Sinulyapan ko sya at nakita na napanguso ito. Kung alam lang siguro ni Von na tuwing ginagawa nya ang simpleng bagay na iyan, nagha-harumintado na ang puso ko sa sobrang lakas tibok nito. At ito sya, niyayaya akong maging partner nya para sa magaganap na Prom sa darating na February 14.

Months passed at inaamin ko na naging malapit na rin kami sa isa't isa, at yung mga pangungulit nya sa akin ay kinasayanan ko na. Hindi na ako naiinis dahil madalas ay ako ng nambu-buwisit sa kanya. At sa loob ng mga buwan na iyon, hindi ko rin maitatanggi na gusto ko na si Von. Hindi ko aaminin 'yon at wala akong balak na sabihin kahit na kanino.

"Ikaw nga 'yung gusto ko, eh. Sige ka, magtatampo ako." Parang nata talaga. Napapailing na lamang amo bago ko sinimulang ligpitin ang mga gamit ko na nakalagay sa desk.

Tumayo na ako at ganoon din ang ginawa nya. Sinundan nya ako at wala 'atang balak umuwi hangga't hindi ako pumapayag na maging partner nya sa Prom. Gusto ko syang iwasan, dahil habang tumatagal ay lalo lang lumalalim ang nararamdaman ko para kay Von. To the point na natatakot na ako sa mga susunod na mangyayari.

"Wala akong Gown, sa February 14 na iyon. Wala rin akong pera para mag-rent ng make-up artist."

"I can hire one, Irene. At kung gown ang problema mo, ako ng bahala. Just please be my partner." Halos magmaka-awa na ito para lang mapapayag ako.

"Edi ikaw na mayaman." Bulong ko at pinagpatuloy ang paglalakad ko. Napangiti ako.

Balak ko naman talagang sumama sa Prom dahil last year ko na ito bilang junior. Meron na nga akong gown sa bahay at ako na lamang siguro ang mag-me-make up sa sarili ko. Yun talaga ang plano ko, pero ang sarap lang nyang asarin at gusto kong pinipilit ako lalo pa't gusto ko sya. Ang sarap lang sa pakiramdam na ang taong gusto mo, pinipilit na mapapayag ka.

"Irene, sige na. Kahit anong kapalit, basta pumayag ka lang." Napangiti ako. Lahat talaga gagawin nya para lang mapapayag ako, ah.

Hinarap ko sya at ngumiti ng nakakaloko sa kanya.

"Talaga? Kahit ano?" Tumango ito at saka humakbang ng isang beses palapit sa akin.

Ngumiti ako at saka hinawakan ang buhok nya na medyo mahaba na at halatang wala pang gupit. At dahil matangkad si Von ay medyo nasabunutan ko sya kaya napa-aray na lamang sya.

"Gupitan mo 'tong buhok mo, plus kulayan mo ng kulay Puti." Nakangiti kong saad sa kanya habang pinagmamasdan sya at ini-imagine kung anong magiging itsura nya sa puting buhok.

Sigurado akong pangit ang kakalabasan nya dahil magmumukha syang matanda na maraming puti ang buhok. Napasimangot ito at saka ginulo ang kanyang buhok.

"Deal. Gagawin ko, basta pumayag ka lang na maging partner ko." Napaawang ang labi ko noong iniwan nya akong mag-isa. Wait, what? Pumayag ba sya?

Ibig sabihin, gagawin n'ya talaga ang sinabi ko?

Wala sa sariling napangiti ako. I can't wait to see his face kapag puti na ang buhok nya. Siguro, kapag nangyari 'yon, matu-turn off ako sa kanya dahil hindi babagay ang puting buhok sa kanya.

-

February 13, ni hindi ko na nakita si Von. Hindi ito pumapasok kaya naman nagtataka na ako. Gusto ko sanang magtanong sa mga kaibigan nya kaso baka kung anong isipin nila kapag ginawa ko iyon. Bukas na ang Prom, at ewan ko pero kinakabahan talaga ako ngayon palang.

"Irene! May Gown ka na? Pwede kang manghiram sa akin," napabaling ako kay Shion na ngayon ay nakangiti habang nag-s-scroll sa kanyang cellphone.

Maya maya pa ay may ipinakita syang picture ng gown sa kanyang screen at talagang kulang na lamang ay mag-heart ang mga mata ko dahil sa ganda ng gown. Red at palobo ang style noong gown, at ang strap noong gown ay nasa braso, wala sa balikat.

"Ang ganda naman nyan, iyan ba 'yung susuotin mo? Siguradong ikaw na ang Prom Queen." Masaya kong saad sa kanya kaya naman nag-roll eyes lamang ito at saka pinatay ang cellphone.

"Hindi 'yan ang gagamitin ko. I want you to wear this gown, sure akong bagay 'yan sayo." Sagot ni Shion kaya naman napanguso ako.

Masyadong maganda ang gown, sure akong mahal 'yan.

"Hindi na, nakakahiya naman."

"Ano ka ba naman, Irene? I thought we are friends na? Sige na, ito na ang isuot mo." Nakaka-ilang ayaw man ako sa offer ni Shion ay wala akong nagawa kundi ang pumayag, hindi talaga n'ya ako tinigilan hangga't hindi n'ya ako napapapayag.

Sayang. May gown na naman ako sa bahay, ano ng gagawin ko don? Ibabalik ko na lamang siguro sa may-ari.

-

February 14, mamaya na ang Prom. At t'wing iisipin ko pa lamang ang mga pwedeng mangyari mamaya ay kinakabahan na ako. Mamaya na ang Prom pero hindi ko parin nakikita si Von, ni hindi na ito pumasok simula noong magka-usap kaming dalawa.

Ano na kayang nangyari doon? Inaamin ko na nag-aalala na ako sa kanya, pero wala naman akong magawa dahil wala akong number ng Cellphone nya. Ayoko rin naman ang magtanong sa mga kaibigan n'ya dahil baka mamaya ay ma-issue pa kaming dalawa, nakakahiya 'yon.

"This is the day, kita nalang tayo mamaya!" Kumaway ako kay Shion na kakaalis lamang. Nagsimula na akong maglakad ng nakayuko lamang.

Ugh, hindi ko maiwasang hindi mapaisip kung anong magiging itsura ko mamaya sa Prom. Kailangan na maging maganda ang make up ko dahil nakakahiya naman sa Partner ko na hindi na nagpakita kung pangit ang magiging partner n'ya.

Magiging maayos naman siguro ang pagme-make up ko sa sarili ko, no?

Pagdating ko pa lamang sa bahay ay napahinto na agad ako noong marinig ko ang boses ni Mama na tumatawa. Noong makapasok na sa loob ay nangunot ang noo ko dahil may isang hindi pamilyar na mukha ang nakita ko.

Babae ito, mahaba ang buhok at sobrang puti na tila Anemic.

"Ma," pagtawag ko sa atensyon ni Mama kaya napatigil sa pagku-kwento ng kung ano ang babae at sabay sila ni Mama na napatingin sa direksyon ko.

"Oh, Anak! Nandito ka na pala, halika't ipapakilala kita kay Van." Lumapit ako sa kanilang dalawa ng hindi pa din nilalapag ang bag ko.

Napanguso ako noong makita ko ang mukha ng tinawag ni Mama na Van sa malapitan. Ang puti nito, matangkad din pero konti lamang ang pagitan nya sa akin. Light Make up lang ang nasa mukha nito, at nakangiti ang pinkish nyang labi sa akin.

"Van, Ijah, ito nga pala si Irene. Anak, si Van." Mukhang tuwang tuwa pa si Mama habang ako dito ay ninenerbiyos na.

Sino ba ang hindi mane-nerbiyos kung ang kaharap kong babae ay nakangiti nga pero walang emosyon ang mga mata?! Someone, help me!

"I'm Vannessa An Williams. Kilala mo si Kuya, right? Well, pinapunta n'ya ako dito para gawin ang make up mo." Napakurap kurap ako. Williams? As in, Williams?! Kapatid sya ni Von?

"Kuya Von is right, you're beautiful even without make up. So, light make up lang ang gagawin ko dahil baka hindi bumagay sayo kung heavy make up." Sabi nito habang titig na titig sa mukha ko. Naramdaman ko ang paumula ng pisngi ko dahil sa sinabi n'ya.

Medyo nahiya tuloy ako.

Pero ano daw? Sinabi ni Von na maganda ako?

Naramdaman ko nanaman ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi dahil pumasok sa isipan ko ang nakangiting mukha ni Von. Oh gosh, masama ito. Lalo lang akong nahuhulog sa kanya!

Kinuha ni Mama ang bag na bitbit ko dahil hinatak na ako ni Van patungo sa harap ng salamin. Umupo ako doon habang pinagmamasdan s'yang kunin ang mga gamit n'ya. Napanguso ulit ako.

Grabe si Von, pinadala pa talaga n'ya ang kamag-anak nya para make up-an ako. Pero, nautusan n'ya si Van kaya ang ibig sabihin non ay ayos lang at humihinga pa naman si Von. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag sa kaisipang iyon.

"Magka-ano ano kayo ni Von?" Yes, Von ang tawag ko kay Von kapag hindi sya ang kaharap o kausap ko.

Parang ang awkward kasi kasi bigla ko syang tawagin na Von, e alam nya naman na mas sanay akong tinatawag sya sa apilyedo nya.

"Cousin." Napatango tango ako pero napatigil rin ako agad dahil tinignan ako ni Van sa salamin gamit ang malalamig n'yang mga mata.

Grabe, bakit ganito naman makatingin 'tong pinsan ni Von? Parang yelo na ewan sa sobrang lamig. Nakakatakot.

"Don't be so tensed. I'm not going to stab you." Sa sinabi nya, imbes na makahinga ako ng maluwag ay lalo lamang akong kinabahan kaya bumuntong hininga si Van at huminto.

"Listen, emotionless lang talaga ang mga mata ko. So please, 'wag mo ng pansinin." Napalunok ako at itinuloy na nya ang ginagawa nya sa mukha ko.

Gosh. Sana hindi ako magmukhang clown mamaya!Ang bilis ng kamay n'ya sa pag-a-apply ng make up sa mukha ko.

-

Ready na ako. Tapos na ang pag-aayo sa akin ni Van at nagkamali ako sa first impression ko sa kanya. Madaldal pala ito, sadyang wala lang emosyon ang mga mata nya kaya ganon.

Habang inaayusan nya ako, naramdaman nya siguro na parang kabado ako kaya nagsimula syang mag-kwento tungkol sa mga walang kabuluhang bagay. Nakikinig lang ako sa kanya pero ang naka-agaw ng atensyon ko ay ang pagkwento nya tungkol sa kambal na sina Von, at Uno.

Kinwento nya na maraming records sa guidance si Uno dahil sa mga kalokohan nito. Habang si Von naman ang nagmimistulang White Sheep sa kanilang dalawa dahil sa seryosong pag-aaral nito (na hindi na ngayon).

"Omg, sinasabi ko na nga ba, bagay sayo ang red!" Kinurot ako ni Shion sa tagiliran na s'yang hindi ko naman masyadong naramdaman dahil sa suot kong gown.

Nakasakay na kami sa kotse ng family ni Shion dahil ihahatid kami patungo sa venue ng Prom. Medyo malayo ang venue sa amin kaya sinabi ni Shion na sumabay na ako sa kanya.

"I'm sure you'll be the prom queen tonight." Umiling ako ng pang-ilang beses na dahil pang-ilang beses na rin na sinabi 'yan ni Shion.

"Excited na akong makita ang mukha ni Von sa puting buhok." Humahagikgik na saad ni Shion na talaga namang sinang-ayunan ko.

Gusto ko na syang makita sa kulag puti nyang buhok. Alam ko na matu-turn off ako sa kanya kapag nakita ko sya.

"Magmumukha syan----"

"Matanda?" Napalunok ako at agad na pinihit ang ulo ko paharap sa nagsalita sa likod. And there, i saw him with his white hair.

Pero may kulang, dapat nagmukha syang hindi ka-aya aya. Pero bakit ganon? Lalo lang syang gumwapo ngayong kulay puti ang kulay ng buhok nya?

Ngumiti ito sa akin at naglakad papalapit sa table namin. Nakatingin lamang ako sa kan'ya habang sya ay nakangiti at nakataas pa ang kilay na tila sinasabi na 'bagay ko ang kulay white' at tila nang-aasar pa ito.

Shit. What the hell happened to my plan? Dapat matu-turn off ako, dahil papangit na sya. Pero bakit naging ganito sya ka-gwapo? Lalo lang akong nabaon sa pagkahulog sa kanya!

Ang unfair!

---

Written by Chewzychick


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C5
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen