CHAPTER THIRTY FOUR
I don't care about the consequences
ISANG mahina at impit na pagdaing ang binitiwan ni Raixon habang sya ay nakahawak sa kanyang braso, sinulyapan nya ng bahagya ang kanyang braso at kitang kita nya kung paano ang pagdugo nito. Muli syang nakaramdam ng sakit at kirot na tila sya ay binalian ng buto sa braso, mariin syang napapikit at sumandal sa gusali.
Muli nyang naidilat ang kanyang mga mata noong marinig nya ang isang pamilyar na pagtawa kasunod ng isang malakas na pagsabog, mahina syang napamura dahil nagmumukha syang takot sa ginagawa nyang pagtago upang hindi sya mahanap ni Vier.
Pero ano naman ang magagawa ni Raixon kung ang kalaban nya ay halos kontrolado na ang lahat ng elemento? Maski sya na isang Scalar Manipulator ay hindi nya makayanang pigilan ang mga ginagawang pag-atake ni Vier, at alam ni Raixon sa sarili nya na hindi sya titigilan ni Vier kahit pa wala na syang malay. Alam ni Raixon na balak syang patayin ni Vier bilang ganti sa ginawa nya dito noon.
"Stop hiding, Raixon. Mapapagod ka lang," dahan dahang tumayo si Raixon at nakiramdam sa kanyang paligid, ngunit hindi sya makapag-seryoso dahil sa sakit na nararamdaman nya sa kanyang buong katawan.
Pakiramdam ni Raixon ay kinuryente sya ng ilang beses at pagtapos ay hinampas ng ilang beses sa sobrang sakit ng kanyang katawan.
"I'm telling you Raixon, stop hiding if you still want to live." Narinig ni Raixon na papalapit na ang boses ni Vier kaya naman kahit na iika-ika ay naghanap ng panibagong pagtataguan si Raixon.
Nang makahanap na sya ay isinandal nya ang kanyang ulo sa pader at bumuntong hininga, naisip nya na wala syang laban kay Vier. Kung sana lamang talaga na sineryoso nya ang mga sinabi ng kambal nyang si Raiko na mag-aral syang kontrolin ang kanyang kapangyarihan kasabay ng kapangyarihan ng kanyang armas ay maaaring may tiyansa pa si Raixon na manalo laban kay Vier.
Mahinang napa-ubo si Raixon kasabay ng paglabas ng buo-buong dugo sa kanyang bibig, napapikit sya ng mariin nang mamilipit sya sa sobrang sakit na tila binabali ang lahat ng parte ng kanyang katawan.
Damn it. What kind of sorcery is this? It's so freaking powerful. Bulong ni Raixon sa kanyang isipan bago sya tuluyang mawalan ng malay.
Lumabas naman si Vier mula sa kanyang pinagtataguan, sumilay ang isang malademonyong ngisi sa kanyang labi bago nag-squat sa harapan ni Raixon na wala ng malay. Pinakatitigan ni Vier ang kaawa-awang kalagayan ni Raixon, pagak syang napatawa nang maalala nya ang mga ginawa nya kay Raixon kanina dahilan ng panghihina ni Raixon.
"Do you guys think that you can stop me? I'm already Level 6, while you're level 5. Trash." Tumayo si Vier at sinipa sa dibdib ang walang malay na si Raixon.
Habang tinititigan nya ito ay may pumasok sa kanyang isipan, napangisi si Raixon bago muling bumalik sa kanyang pagkaka-upo at bumulong.
"You'll not die in my arms, Raixon. Pero sigurado akong hindi ka na mabubuhay pa kapag ipinasok kita sa Cursed Portal." Nakangising saad ni Vier kay Raixon na tila ba naririnig sya nito. Muli syang napatawa ng pagak bago tumayo mula sa kanyang pagkaka-upo.
Tinignan nya ng huling beses ang walang malay na si Raixon bago tuluyang naglakad papalayo dito habang hindi parin nawawala ang ngisi sa kanyang labi.
-
"WHAT?" Iyon ang agad na tanong ni Aron kay Cali noong marinig nito ang ibinalita ng dalaga, agad na tumango naman si Cali bilang sagot kay Aron na hindi makapaniwala.
Napahawak sa batok si Aron na tila namo-mroblema sa kung ano, naigilid nya ang kanyang mga mata at ipinikit ng mariin bago muling ibinalik ang mga mata kay Cali na halatang nangangamba na sa kung anong pwedeng mangyari.
"Ilang oras pa?" Tiim bagang na tanong ni Aron sa dalaga, bahagyang napahinto naman si Cali na tila iniisip kung ilang oras na lamang ang natitira para mailigtas nila ang kanilang kaibigan.
"It's a fvcking cursed portal, Aron. One hour from now, he will be dead. And I'm fvcking damn sure na kapag nakarating to kay Raiko, magwawala 'yon." Sagot ni Cali at halata ang pagkataranta sa kanyang mukha, napabuga naman ng buntong hininga si Aron at inis na napahilamos sa kanyang mukha.
"We can't let the past mistake to be repeated, Cali. We have to do something." Saad ni Aron habang ang mga mata ay nakagilid parin.
"But how? Anong magagawa natin? Si Raixon nga na Level 5, natalo nila. Tayo pa kayang Level 3?" Tanong ni Cali na halatang problemado sa mga nangyayari.
Hindi nakasagot si Aron dahil okupado ng kung anong bagay ang kanyang isipan, katulad na lamang ng mga tanong na paano kung ang nakaraan ay muling mauulit? Paano si Raiko Mihada kung mawawala ang kambal nya? Tiyak si Aron na magwawala si Raiko kapag nalaman nitong ipinasok ang kanyang kambal sa Cursed Portal, at sigurado si Aron na uulitin muli ni Raiko ang ginawa nya noon upang mailigtas lamang ang kanyang kambal.
"What should we do now, Aron? One hour, just fvcking one hour!" Hindi na maiwasang hindi mapasigaw ni Cali habang nagtatanong kay Aron, marahil dahil na rin sa nararamdaman nyang frastasyon at galit sa kung sino mang may kagagawan ng lahat--at iyon ay walang iba kundi si Vier at ang kanyang kambal.
"One hour of what?" Tila binuhusan ng malamig na tubig ang dalawa nang marinig nila ang malamig na boses na iyon, hindi pa man nila nililingon ang pinanggalingan ng boses ay ramdam na ramdam na ng dalawa ang masamang aura na nanggagaling dito.
"One hour and who's gonna die?" Sunod na tanong ni Raiko na lalo lamang ikinatigil ng dalawa, sabay ni Cali at Aron nilingon ang kararating lamang na si Raiko.
Nag-uunat pa si Raiko ng kanyang braso habang ang kanyang ulo ay may benda dahil sa ginawang pag-atake sa kanya ni Leo nang nakaraan. May sugat din ang pisngi nito at ang iba pang parte ng kanyang katawan. Tumaas ang isang kilay ni Raiko na nagtatanong kung anong mangyayari sa loob ng isang oras at kung sino ang sinasabi ng dalawa na mamatay.
"I'll guess it, okay?" Malamig ang mga binibigay na tingin ni Raiko sa dalawa na kanyang kaharap, napalunok si Cali at ramdam nya ang malakas na pagpintig ng kanyang dibdib dahil sa kabang nararamdaman.
Minsan lamang makaramdam ng kaba si Cali, at iyon ay nararamdaman lamang nya tuwing may nakakamatay na aura si Raiko, at iyon ang nararamdaman nya ngayon dahil sa sobrang lamig ng pagtitig ni Raiko sa kanilang dalawa ni Aron.
"Vier is alive, and he put Raixon in Cursed Portal. Am i right?" Iginilid ni Raiko ang kanyang ulo pakaliwa habang ang mga mata ay hindi parin tinatanggal sa dalawang kaharap nya.
Dahan dahang tumango si Cali bilang sagot dahil halos mapapitlag sya nang titigan sya ni Raiko sa mga mata na tila binabasa nito ang laman ng kanyang isipan. Mahina namang napa-ubo si Aron bago nagsalita upang magtanong.
"What are we gonna do, Raiko? Vier is alive and he's Level 6, while we're only Level 5." Kalmadong tanong ni Aron kay Raiko, bumuntong hininga si Raiko at saka tumingala ng saglit bago muling ibinalik ang kanyang mga mata sa dalawang kausap nya.
"It's not about the Level, Aron." Mahinang sagot ni Raiko bago nya tinalikuran ang dalawa, hinawakan nya ang bandage sa kanyang ulo at tinanggal iyon.
Napapikit sya dahil sa kaisipan na mukhang mangyayari nanaman ang nakaraang pagkakamali nya, pero kahit na mangyari pa iyon ay isa lamang ang sigurado ni Raiko, hinding hindi na nya uulitin pa ang desisyon na ginawa nya na nagsanhi sa maraming pagkawala ng buhay ng tao. Pero anong gagawin nya? Buhay ng kambal nya ang nakasalalay.
"Stay here, pupuntahan ko sina Vier." Saad ni Raiko na ikinagulat ng dalawa lalo na si Aron.
"What? Makikipaglaban ka kay Vier? He's Level 6!" Sandaling napahinto si Raiko dahil sa sinabi na iyon ni Cali sa kanya, sinulyapan nya ang dalawa at malamig na ngumiti na ikinatigil ng dalawa.
What's with him? He's smiling but i can feel his coldness. Saad ni Cali sa kanyang isipan habang nakatitig kay Raiko na malamig na nakangiti sa kanilang dalawa.
"What do you think? I'll beg him to stop doing this shit and let my twin brother out of that fvcking cursed portal?" Ramdam ang gigil at galit ni Raiko sa bawat pagbigkas nya ng mga salitang binitawan nya, napatigil ang dalawa dahil sa tigas ng mga binitawan nitong salita.
"Fvcking shit, Aron. What do you want me to do, just sit here and wait until my brother's corpse arrive here?"
"Yeah, that's what you should do, Raiko Mihada." Natahimik si Raiko at masama nyang binalingan ng tingin ang sumagot sa kanya ng ganoon, kumaway si Ten dito na kararating lamang at nilapitan nya agad si Raiko upang tapikin ito sa balikat.
Hindi umimik si Raiko at ibinaba na lamang ang kanyang mga mata sa sahig habang ang mga kamao nito ay kapwang nakakuyom dahil sa galit na nararamdaman.
"Take it easy, Raiko. Alam ko na ayaw mong mangyari ulit ang nakaraan na naging dahilan ng pagkamatay ng maraming tao dahil lang sa pagkawala mo ng kontrol sa kapangyarihan mo. Tandaan mo, Raiko. Hindi ko kinuha ng tuluyan ang kapangyarihan mo dahil alam ko na hindi mo kasalanan ang nangyari dahil ginalit ka lamang nila Vier noong bata ka pa." Tahimik lamang si Raiko na nakikinig kay Ten na nagsasalita sa kanyang gilid, ganoon din ang ginawa ng dalawa na kapwa nakatingin kay Ten.
Totoo pala na hindi nya tinanggalan ng kapangyarihan si Raiko. Saad ni Aron sa kanyang isipan habang ang mga mata ay nakatingin lamang kay Ten na pilit pinapakalma ang galit na si Raiko.
"Huwag mong hayaan na dahil lamang sa ganito ay mangyari nanaman ang dati, bata ka pa noon at oo ay wala ka pang kontrol sa kapangyarihan mo. Pero ibahin mo ngayon, kapag nangyari ulit ang nangyari noon, kargo mo na iyon dahil may isip ka na at kayang kaya mo ng kontrolin ang kapangyarihan mo." Dagdag pa ni Ten na syang naging dahilan ng unti unting pagkalas ni Raiko sa kanyang nakakuyom na mga kamao.
Napapikit sya ng mariin at nag-isip kung anong maaaring gawin nila para mailigtas nila ang kanyang kambal ng walang ibang nasasaktang tao.
"Isa lamang ang Level 6, marami kayong Level 5. Kahit kontrolado ni Vier ang lahat ng elements, hindi ang sub elements nito katulad ng pagkontrol ni Westley sa Yelo. Nakokontrol nga ni Vier ang apat na elemento, pero nandito naman sina Aron, Westley na kayang kontrolin ang Hangin, Apoy at tubig. Isipin mo, Raiko. Kapag nagsama-sama kayong magkakaibigan para iligtas si Raixon, sa tingin mo ba ay matatalo kayo?" Napaangat ng mga mata si Raiko kay Ten nang ipinaliwanag ni Ten ang pwede nilang gawin.
Naisip na iyon ni Raiko, ngunit hindi nya sigurado kung mananalo ba silang mangkakaibigan laban sa isang level 6, hindi nya iyon sinabi sa mga kaibigan nya dahil maaaring masaktan ang mga ito kaya naman ipinagsawalamg bahala nya ang paraan na iyon.
"Ten is right, we can fight as one, Raiko." Pagsang-ayon ni Aron sa sinabi ni Ten, ganoon din ang ginawa ni Cali na lalo lamang ikinainis ni Raiko.
"Then it's all settled." Sagot ni Ten at muling tinapik ang balikat ni Raiko, hindi umimik si Raiko at nakayuko lamang habang ang kanyang mga mata ay nakatingin lamang sa sahig.
No. Hindi ako papayag na may masaktan pa. There's another way. Bulong ni Raiko sa kanyang isipan at nag-angat na ng mga mata.
"Wait for me, I'm just gonna go somewhere." Sagot ni Raiko at tinalikuran ang tatlo na hindi na nagsalita pa at tinitigan lamang ang papalabas na si Raiko sa pintuan.
Nag-shrug na lamang si Ten at pabagsak na na-upo sa sofa na nasa kanyang gilid bago ipinikit ang kanyang mga mata. Samantala ay tahimik lamang na naglalakad palalabas si Raiko at tinatahak ang daan patungo sa Misty Forest kung saan naroroon ang nais nyang makausap.
This is the only way i know. I don't care about the consequences, i only care about the outcome.
-