Chapter 3
[ Sean's POV ]
"Andrea!"
"T-teka....." si Andrea. Nasa labas na ako ng tulugan. "Tara." at tumakbo na kami papunta sa mag liligtas.
Pag lapit namin ay pinapasok kami sa isa sa limang sasakyan. Ang sasakyan na nakasakay kami ay ang nasa huling parte.
Malaki ang sasakyan. Hindi na ako magugulat kapag sinabi nilang Armored Car ito kasi halata naman. Katabi ko ngayon si Andrea. Nasa kaliwa ko si Andrea at may lalake naman sa kanan ko. May tatlong upuan sa harap ko at kasali nadon sa tatlo ang driver's seat. May tatlong bakanteng upuan din sa likod ko kaya nasa gitna ako.
"Ilan po ang naligtas n'yo?" si Andrea. Nag sandig naman ako sa upuan para makita siya ng katabi ko.
"ummm... Hindi ko alam, miss." sagot ng katabi kong lalake habang nakatingin lang sa bintana. Narinig kunaman ang buntong hininga ni Andrea.
"Sa'n nanggaling ang mga yun?" tanong ko.
Kumunot and noo niya. Nag iisip. "Sa narinig kong usap-usapan ay galing daw iyon sa isang bagay na nahulog sa paaralan n'yo. Stelan International School."
Stelan International School? Akala ko High school! Whaaaaaaaaaaa!
"Yong nahulog na bagay. Nakita moba?" tanong sakin ng lalake na katabi ko. Napaisip ako.
Meron bang nahulog na bagay?
Nag isip ako.
Yong library. Yong bagay na sinabi ng lalake na nahulog ba ang naka sira sa Library?
"Hin...di." tanging sagot ko.
"May nakita po don sa school na Ender Chest." si Andrea. Kunot-noong nilingon siya ng Lalake na katabi ko. Nag tataka.
"Ender Chest?"
"Yes po."
"Ano yun?"
"Uhmm....ahh.....umm—"
"Isang bagay na makikita sa isang laro na nilalaro namin." sabat ni Andrea.
"Ah.. Oo, oo. Yun po." ako.
"Ah. Posibleng iyun ang bagay na nahulog." yong lalake na katabi ko.
"Posible po, sir."
"Haha. Wag mo akong tawaging sir. Korpi nalang." sabi ng lalake na katabi.
"ah.. O-okay, Sir korpi." sabi ko. Natawa naman siya kunti. Ano'ng nakakatawa dun?
"Wag mo akong tawaging Sir. Korpi. Hahahaha. Sa nakikita ko ay mas matanda lang ako sayo ng ilang taon." sabi niya. Bumaling sa window at ilang saglit pa ay bumaling ulit sa 'kin. "I'm Korpi Reil Vel. Ikaw?"
"Sean—"
"Sean 'Valir' Falcon." sabat ni Andrea na diniinan pa ang "valir"! Tinignan konaman siya ng masama pero nginitian niya lang ako. Grrrrrrrr.
Bahagya namang nanlaki ang mata ni korpi.
ō_ō???
"F-falcon?" si Korpi.
"Yes. Falcon. Why?"
"W-wala, wala." matagal siya nakasagot. Tumingin siya sa labas ng sasakyan. Weird.
Pagkatapos ng usapang 'yun ay wala nang nag salita.
"Sean."...."Hoy, Sean."...."Woi! Gising!" pag papagising sa 'kin ng pamilyar na boses.
Dahan-dahan akong nag mulat. "Andrea...."
"Nasa Evacuation na tayo." aniya at dahan dahan akong bumangon.
Kami nalang ang nasa loob ng sasakyan nang ilibot ko ang aking paningin. Bumaling ako kay Andrea. "Ngayon paba tayo nakarating?"
"Kanina lang. Mga two minut—" natigil si Andrea sa pagsasalita at bahagya pa kaming napayuko dahil sa isang putok ng baril! Luminga-linga agad kami at napako ang tingin namin sa napakaraming skeleton at zombie.
* Zombie: Basta zombie siya.
Skeleton: Palaging may dalang bow and arrow.*
"A-andami..." wika ni Andrea nang makita ang mga zombie at Skeleton na nag lalakad palapit sa mga tent. Dali-daling kinuha ni Andrea ang isang pulang lalagyan ng espada at kinuha ang dalawang. "Gamitin mo 'to." aniya sabay bigay sakin sa isa n'yang espada. Kinuha ko agad 'yun.
Pagkababa namin ay lumapit sa 'kin si Korpi. "Sean. Sumunod kayo sa 'kin" aniya at tumakbo papalayo sa 'min.
Nito kolang napansin na wala siyang dalang baril. Baket?
Hinde kona inisip kong bakit kasi 'di ako makakapag isip nang maayos ngayon at naramdaman koden na halata na halata ang sagot sa katanungan ko kong 'baket wala siyang baril' at 'di ko lang maisip kong bakit kasi delikado.
Sumunod agad kami ni Andrea kay Korpi. Nasa bandang likod kami sa pwesto ng mga sundalong bumabaril sa mga zombie dumaan para medyo ligtas.
Ilang saglit pa ng pag sunod kay Korpi ay nakarating kami sa isang tent. Sinabihan kami ni Korpi na manatili sa tent at agad umalis. Umupo lang kami ni Andrea sa isang kamang nandon at nag hintay.
Gaya nang sinabi ni Korpi ay nanatili kami ni Andrea sa Tent sa mga nakalipas na minuto, pero napatayo kami ni Andrea nang makita namin ang hanay ng mga sundalong umaatras! Agad na sumilip kami ni Andrea sa labas para tignan kong ano ang mga nangyayari at nanlaki ang mga mata namin nang makita ang nasa labas. Mga skeleton! Nag lipat-lipat ang tingin namin ni Andrea sa hanay ng mga sundalong patuloy sa pag baril at sa mga binabaril nilang mga skeleton na tinitira ang mga sundalo gamit ang Bow and Arrow. Unti lang ang napapatay sa mga skeleton.
"Nakakapag patumba lang sila ng Skeleton kong ma tsambaha nila ito na oatamaan sa backbone. Buto-buto ang mga skeleton kaya mahirap talaga ito matamaan." wika ni Andrea. Bumaling ako sa kanya. Luminga linga siya at maya-maya pa'y sumigaw. "Korpi!" sigaw ni Andrea at agad naman kaming nilingon ni Korpi. Sinenyasan ni Andrea si Korpi na lumapit at tumakbo si Korpi palapit sa 'min. "Alam ko kong paano sila patumbahin." sabi ni Andrea. Hindi ko alam kong ano ang naisip ni Andrea na Idea kaya pareho kami ni Korpi na binigyan si Andrea ng nag-tatakang tingin. "May harpoon kayo, Korpi?".
"W-wala—"
"Meron, Korpi meron." nagulat ako sa sinabi ni Andrea. Sa tuno ng pananalita ni Andrea ay siguradong-sigurado siya sa kanyang mga sinasabi. Nilingon ko si Korpi at nakita ko kong paano nanlaki ang mga mata niya. "Hinde na kita tatanongin kong bakit dene-deni mo na meron kang harpoon kasi gusto kuna yong mga yon," turo niya sa mga skeleton. "patayin. Kasi first off all, gutom ako. Kaya ibigay muna sa 'min ang iyong harpoon kasi sira na ang shield ng mga sundalo..." kumunot ang noo ni Andrea at bumaling sa mga sundalo "Sundalo ba ang mga yan?"
"Hinde ko alam." si Korpi.
"Hinde koden alam." ako.
Agad naman nanlaki ang mga mata ko nang ma intindihan ang sinabi ni Korpi. Hinde niya alam??.
Ang kaninang mabilis na tibok ng puso ko ay mas bumilis pa at lumalakas at sa lakas nito ay parang kakawala na, natatakot ako. Natatakot ako pero diko alam ang dahilan. Sino kaba, Korpi?
"Woi, Sean." natinag ako sa tawag sakin ni Andrea at nito kolang namalayang nag titigan pala kami ni Korpi. Agad ako nag iwas nang tingin sa kanya at bumaling kay Andrea.
[ Korpi Diron Reil Vel POV ]
"Hinde ko alam." sagot ko sa kaibigan ni Sean na si Andrea.
Matalik na kaibigan ng Daddy ko ang Daddy ni Sean.
Madami ang sinabi ni Daddy na dapat kong bantayan sa kay Sean, at isa na dun ang pagmumukhang walang Idea na mukha ni Sean pero sa totoo ay may mga bagay na siya na naiisip. Sinabihan ako ni Daddy na alam na niyang malalaman ni Sean ang sikreto ko pero dapat kong subukang mag sikreto. Dapat kong gawin ang lahat ng makakaya ko para mag tiwala sa 'kin si Sean, pero sinabihan din ako ni Daddy na hindi ako magpakampante, kasi napapaniwala ni Sean ang mga nakakasalamuha niya na kaibigan ang turing niya sa mga ito. Ginagawa niya daw yun para magpakampante ang mga taong gumagawa ng mga bagay na ginagawa ko ngayon at aksidenteng masabi ang totoo sa kanya. Yun lang ang paraan ni Sean na alam ng Daddy ko. Madaming naiisip na paraan si Sean pero mahirap itong makita, kaya isang paraan lang ni Sean ang alam ni Daddy.
Nong sinabi ni Daddy kay Sean na alam na niya ang paraan niya ay binigyan lang niya si Daddy nang pangalan dun sa paraan niya. Rin. Rin daw ang tawag ni Sean sa paraan niyang yun.
May sinabi si Daddy na paraan para maiwasan ang paraan ni Sean na tinatawag na Rin at ang paraan sa pag iwas sa paraan ni Sean ay ang WAG MAG BIGAY NANG BAGAY NA PAG HIHINALAAN NIYA. Una ay nasabi ko sa sarili ko na makakaya ko yong gawin pero ngayon palang ay nabigyan kuna si Sean ng bagay na pag hihinalaan niya.
Isang bagay palang ang nalaman ni Sean na siguradong mapag hihinalaan pero kahit isa lang iyun ay dapat akong mag-ingat.
Ang bagay na iyun ay ang Harpoon. Ginamit namin para makapasok sa school nila at malaman kong saan natutulog si Sean pero sa kasamaang palad, hindi namin matukoy kong saan ang dorm niya.
"Hinde koden alam." sagot ni Sean dahilan para lingonin ko siya. Babaling na sana ako kay Andrea pero napako ang tingin ko sa mga mata ni Sean na unti-unting lumalaki, HABANG NAKATINGIN SA 'KIN!
Agad akong napaisip.
Ano ang nagawa ko para magka ganyan siya? May nasabi ba ako??
Agad kong inalala ang mga sinabi ko at naramdaman ko ang pag laki nang sarili kong mga mata sa naalala ko.
Tsk! Sino bang hindi magtataka dun?? Sinabi kolang naman na 'Hindi Ko Alam Kong Sundalo Ba Ang Mga Naka depensa ngayon O hindi'! Hayst!
Hindi ko alam kong matalino ba siya o sadyang wala akong utak dahil nalaman niya iyon.
"Woi, Sean." bahagyang nagulat si Sean sa tawag na iyon ni Andrea na nakapag bigay sa 'kin nang kakaibang kaba.
Malake ang stansa na malalim ang iniisip ni Sean kaya siya nagulat sa tawag ni Andrea.
Nag iwas agad ng tingin si Sean sa 'kin at bumaling kay Andrea.
"Oh?" si Sean.
"Ano? Payag kaba?"
"Ha?"
"Sabi ko.. Payag kaba?" pag uilit ni Andrea sa tanong.
"Na ano?" si Sean. Napahilamos naman si Andrea sa mukha.
Kahit ako ay diko namalayang may sinabi si Andrea.
"Ano ba ang iniisip mo, Sean? Nag iisip kana ba ng plano? Kong oo ay sabihin mo sa 'kin ang plano mo bago ko sabihin sayo ang akin." parang nauubusan na ng pasensya na aniya ni Andrea.
"Hindi iyun ang iniisip ko, Andrea. Ang iniisip ko kong bakit kong maka tingin yang isa d'yan ay parang matagal na natin siyang kaibigan."
Ô_Ô
Dang it.
"Napansin ko rin yun, Sean. Pero isipin muna natin kong paano patayin ang mga skeleton na yan!"
Ô_Ô
What The Heck!? Ganon naba ako kahalata?!
Hindi ko pinahalata ang pagka-bigla ko at tinapunan nalang sila ng nagtatakang tingin para 'di mahalata.
Nilingon ko din si Mark at binigyan siya ng nag-papatulong na tingin. Sana ay maintindihan niya yun. Kailangan kita ngayon, mark.
"Okay, okay! Chill, Andrea. Mamaya nalang natin pag usapan ang about sa isang" aniya ni Sean at bumaling sa akin. "Pwede kaba naming maka-usap mama—" natigil siya sa pag sasalita nang bilang tumabi sa 'kin si Mark.
Hinarap ko si Mark at nagulat pa ako nang kindatan niya ako.
"Sir! We need to go now, Sir!" si Mark. Nag salute pa sa 'kin.
Magsasalita na sana ako nang biglang sumingit si Sean.
"Wala pa akong nakitang sundalo o pulis na nag sa-salute habang tumatawag ng pansin." si Sean na parang hinuhuli kami sa mga salita. Nilingon niya si Andrea. "How about you, Andrea. May nakita kana ba?" sarkastiko niyang tanong sa kaibigan at nang tignan ko si Andrea ay unti-unti itong ngumisi at naging dahilan yun para lumakas ang tibok ng puso ko!
Mark!! Help!!
"Wala." pormal na sagot ni Andrea.
Ô_Ô
"Wala pa akong nakitang nag sa-salute habang may bakbakan." dagdag ni Andrea. Nilingon niya si Sean. "Gawin na natin."
"Ang ano?" si Sean.
"Yong sinabi—" naputol ang sasabihin ni Andrea dahil sumingit si Mark.
"Sir! Kaylangan na nila ng tulong!!" tinapik niya ang balikat ko at tumakbo papalayo. Sumunod agad ako.
Takbo nang takbo si Mark at sunod nang sunod naman ako sa kanya hanggang makarating kami sa sasakyan. Bumaling ako sa direksyon nila Sean at nakita ko si Sean na may hawak na lumid. Hinanap ng mga mata ko si Andrea at nakita ko siyang kausap ang isang lalake na may shield at nag tanguan naman sila. Nang tignan ko yong lalakeng kausap ni Andrea kanina ay kinakausap niya ang mga kasamahan niya. Maya-maya pa'y may dalawang lalakeng pumunta sa mga sasakyan at nanlaki ang mata ko nang makita sila Andrea at Sean na tinali ang kabilang dulo ng tali sa isang sasakyan at ang kabilang dulo naman ng tali ay nasa isang sasakyan. Mas nanlaki ang mata ko nang makita na yong dalawang lalake ay sumakay sa dalawang sasakyan na may tali! Bumaling ako kay Mark at nakita ko siya nakatingin sa kanila Andrea habang nanlaki rin ang mga mata. Bumaling ulit ako sa kanila Sean at nakita ko sila Andrea na nag tanguan sa dalawang lalake na nasa sasakyan. Umandar ang dalawang sasakyan. Ang isang sasakyan ay dumaan sa harap ng mga skeleton at ang isa naman ay sa likod ng mga ito at hindi ko alam ang naramdaman ko nang malaman kong para saan ang lubid.
Ang lubid ay siyang tumama sa mga skeleton at agad naman itong nagka hiwa-hiwalay.
"The heck!" si Mark. Agad ko naman itong nilingon. "Diko napansing sumakay pala sila sa sasakyan!" sabi niya at agad konamang nilingon ang mga sasakyan na ngayon ay bumabalik na sa lugar kong saan ito naka-park kanina. Tinitigan ko ang loob nito at nang lumiko ito ay nakita namin ang bukas na door sa part ng sasakyan na nakaharap na sa gawi namin at nakita ko si Andrea na nakasakay dun!
Paano siya nakasakay!?
"Korpi. Kaylangan talaga natin mag ingat sa mga yan. Marunong din pala mag magic!"
"Tsk. Mukhang nahalata nanga ako, eh!"
_–¯–_
¯–_–¯
Lumipas ang mga araw at naka bantay parin kami ni Mark at ang mga tauhan namin sa kanila. Sinabihan ako ng isang tauhan ko na na-ayos na ang mga CLASSROOM ng Stelan University. Ang mga dorm din ay naayos na. Tanging ang Library lang ang hindi pa pwede pasukan kasi wala nang pwedeng pasukan sa Library kasi Nawala ang Library. Nasira.
———[ Sean's POV ]———
"Sean."
Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata ko nang marinig ko ang pag-tawag sakin ni Andrea.
Pagbangon ko ay lumabas na si Andrea. Nag stretching muna ako nago lumabas para kumain.
"Wag tayo mampansin, Sean." ani ni Andrea habang nakatingin sa pagkain.
Kumunot naman ang noo ko at tiningnan siya. "Bakit?"
"Para mysterious tayo." aniya. Hindi ako sumagot at nag tuloy sa pagkain. "Madami kasi akong napanood na Mysterious sila sa una na parang walang laban tapos pag nag-tagal ay BOOM, Surprise!"
"Ha?" alam ko ang point niya pero nagtataka parin ako.
"Pag pumunta sa school mamaya ay dapat chill lang tayo. Walang gagawin at hindi mamamansin." nag patuloy ako sa pagkain. "Dapat sa una ay wala tayong laban. Dapat din ay hindi tayo maingay. Dapat isang tanong-isang sagot lang tayo. Kapag may tinanong sila ay staka lang tayo sasagot. Dapat ipakita natin na wala tayong interes sa kanila at wala tayong pake sa paligid. Ikaw, wala kanamang pake sa paligid mo palagi, kaya automatic na nilang masasabi na wala kang interest sa paligid at wala kang pake sa paligid." tsk! "Hinde dapat nagin papansinin ang mga bully. Alam kong mainitin ang ulo mo pero kaylangan hinde ka magalit. Kong gusto mong mamilosopo ay mamilosopo ka, sa pamimilosopo kanaman magaling, e'" kunot-noo akong tumingin sa kanya para makinig habang ngumunguya. "Dapat maging matalino tayo. Ako matalino na, ikaw....alam muna kaya kaylangan mo mag study. Payag kaba?"
"Payag sa?"
"Plano ko."
"Mm."
"Papayag ka!?" gulat na tanong niya.
"Sige, hinde nalang—"
"Woi. Basta, Payag kana." sabi niya at nag tuloy sa pagkain. "Akala ko dimo makakayang hinde magpasikat." bulong niya pa pero narinig ko yun!
"Anong sinabi mo?!"
"Akala ko dimo kayang mabuhay na hinde nakakapag pasikat." sabi niya habang naka-ngising nakatingin sakin at sinamaan kunaman siya ng tingin. "Hahahahahahahahaha!"
ō_ō
Yun lang at tinuloy na namin ang pagkain. Ako ang una natapos kaya ako ang una naka ligo, sunod naman si Andrea.
Habang nag lalakad kami papunta sa Classroom ay napansin kong kaunti lang istudyanteng nakasabay namin kumpara noong First Day of School. Naramdaman ko rin ang presensiya nila Korpi sa paligid kaya agad siyang hinanap ng mga mata ko at nagulat ako nang makita siyang naka uniporme at naglalakad pataas sa hagdan sa building kong saan ang Classroom namin ni Andrea.
Paakyat na sana kami ng Building kong saan ang Classroom namin nang biglang may grupo ng mga lalake ang humarang sa amin.
»»» [ Andrea's POV ] «««
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang biglang may apat na lalakeng humarang sa 'min ni Sean. Medyo malaki ang katawan at medyo matangkad kay Sean. Agad ko namang nilipat ang attention ko kay Sean. Subrang sama ng tingin niya sa mga lalake na naging dahilan para mas lalong kabahan ako sa posibleng mangyari. Bago pa man siya may magawa ay lumapit ako sa kanya.
"Chill, Sean. Yong Plan." bulong ko kay Sean at sinigurado kong 'di yun maririnig ng mga lalake na nasa harap namin. Bumaling ako sa mga lalake at agad na nanlaki ang mata ko nang makita ang tatlong lalake na masama ang tingin sa amin at ang isa naman na nasa unahan ay nag salubong ang kilay at naka-ngisi pa.
"Hoy, bata. Ibigay mo sa amin ang baon ma. Pwede na ang 500." sabi ng malaki ang katawan na lalake na nasa unahan, Lider yata, at malakas na tumawa silang apat. Tumitig ang lider nila kay Sean. "Bakit napakasama ng tingin mo? Papalag kaba!?" bumaling ako kay Sean.
Ô_Ô
"Kahit nga pakikipag-away siguro sayo sa wikang ingles ay 'di moko kaya, eh. Pakikipaglaban pa kaya?" naka-ngiwing sabi ni Sean na agad na ikinagulat ko.... At ikinabahala.
Napa mura ang lider nila. "Ang lakas ng loob mong ganyanin ako, ah!?
"Boss, ano gagawin natin sa isang yan?" ani ng nasa likod ng Lider nila.
"Pasikat lang ito, eh. Hanggang salita lang—" natigil sa pagsasalita ang Lider nila dahil sa pag singit ni Sean.
>>_<<
"T-teka, Teka! Bakit palaging 'Boss' ang tawag sa mga Lider ng mga Gang-gang sa mga malalaking School?? Tawagin nyo nalang na 'Masamang Damo' ang Lider n'yo."
Natatakot na ako. Natatakot akong masangkot sa gulo.
"Anak ng...Papalag ka talaga eh, no?" galit na sabi ng Lider nila. Napipikon na.
Tumigil ka, Sean, Please.
Luminga-linga ako at nakita ko ang ibang mga istudyante na tumitingin sa 'min habang nag lalakad at nakikita ko sa mga eyes nila ang pag alala. At dahil dun ay mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot sa mga pwedeng mangyari.
Pag baling ko kay Sean ay eksaktong pag suntok ng Lider nila kay Sean pero naka-ilag si Sean at hinawakan ang Braso ng Lider nila. "Kong boss ang tawag sayo, subrang korni non para sa 'kin kasi parang wala kang silbi kong 'boss' ang tawag sayo." hinugot ng Lider nila ang kanyang kamay na hinawakan ni Sean at tagumpay niyang nahugot yun. "Pero pag masamang damo ang itatawag sayo ay maganda yun. Kasi ang Masamang damo ay may Meaning. Una ay pagkain ng baka, kalabaw, kambing, at iba pa. Ang ikalawa ay Design. Design sa kulungan ng baboy para maganda tignan." dagdag niya at agad kong nilingon ang Lider ng mga lalake at nakita ko sa mga mata ng Lider nila ang galit.
"Mr. Dolindo? What's happening here?"
Agad akong napalingon sa direksyon kong saan ko narinig ang boses na 'yon at nakita ko ang isang may katandaan na, na Teacher.
"W-wala po, Teacher Lean." sagor ng lider ng mga lalake.
"Mmm. Okay, okay. Siguradohin molang na wala...." bumaling si Teacher Lean sa amin ni Sean. "Kayo bang dalawa ay Transferee?" pormal na tanong ni Teacher Lean sa 'min.
"Yes po." sabay namin na sagot ni Sean sabay tango.
"Hmm. Welcome to Stelan University!" aniya ni Teacher Lean at matamis maman ang ngumiti. Hindi kuna nilingon si Sean na nasa bandang likod ko sa kaliwa kasi alam kong tipid na ngiti lang ang ipinakita niya. Malakas ang pakiramdam kong tipid na ngiti lang ang ipinakita ni Sean dahil may kaunting bahid ng pagka-sarkastiko ang pagka sabi ni Teacher Lean non sa 'min. "May I know your Grade?"
"Grade?"si Sean "Hmmmmm....90 in Science, 92 in History—"
"Ah, hinde 'yon. Grade Level ang ibig kong sabihin."
"Eight."
"Eight?"
"Yes po. Eight. Kasunod ng Seven, Eight."
-__-
"Oh... Section?"
"Section A."
"Really?"
"Yes."
"Hmm.... I'm the new adviser of Section A." sinabi ng Teacher yun habang diretsong nakatingin kay Sean.
"Ah..." si Sean, walang maisip na sagot.
"Okay, so...see you around." sabi ni Teacher Lean at bumaling dun sa lider ng mga lalake. "If I saw you bullying your schoolmates again, you will be—"
"Hindi na, ma'am! Promise!" sabi nong lider at tinaas ang kanang kamay na parang nanunumpa.
"Sige sige." sabi ni Teacher Lean at iniwan kami.
Hinawakan ni Sean ang braso ko at hinila, sumunod agad ako.
Normal na natapos ang klase. Mostly ay sinasabihan lang kami ng mga Requirements.
Pag balik namin sa Dorm ni Sean ay nadaanan namin yong mga lalake na siga at subrang sama ng tingin nila sa 'min pero hindi na namin iyon pinansin.
Pagkabalik namin sa Dorm ay agad kaming natigilan nang may makita kaming sobre. Luminga-linga kami para sakaling mahanap ang nag dala non pero wala
Nang i-open namin ang Envelope ay may nakita kaming Invitation sa isang company. Nagtaka kami, syempre, at pinag planuhan kong pupunta ba kami dun sa nakatakdang araw na nakasulat dun at sa huli ay sumang ayon kami.
_–¯–_
¯–_–¯
Kinabukasan ay nagising ako sa isang tunog ng Alarm Clock. Bumangon ako at hinanap ang Alarm Clock at agad ko naman itong nakita pag lingon ko sa kaliwa, nasa desk. Tiningnan ko ang oras.
5:30am
At pinatay yun. Pag lingon ko sa kanan ay natigilan agad ako nang makita si Sean na naka higa nang straight sa kama habang nakatingin sa kisame. Bahagya pa itong natawa nang makita akong nanlaki ang mata habang nakatingin sa kanya.
"Antagal mo nagising."
"G-gigising na sana ako—"
"Humihilik kapa nga eh."
Ô_Ô
"H-hinde naman."
"Tsk! Deny kapa. Tsk. Deny—"
"Hinde!" asik ko. Whaaaaaaa
"Bat denedeny mo?"
"Hindi nga! Hinde ako nag dedeny, Duh." sabi ko pero tinaasan niya lang ako ng isang kilay. Grrrrrrr
"Hahahahahahaha!" malakas na tawa niya. Hindi pilit, pero hindi din nakakalokong tawa kundi totoong tawa. Sinamaan kunaman siya ng tingin. "Paano ka nakakasiguro na hinde ka humihilik?
"Sigurado lang—"
"Humihilik ka kapag tulog ka, andrea. Tulog hindi gising, andrea." parang pinapaintindi niyang sabi at saka ngumiwi. Tsk! Shemay ka!!
"Labas!" sigaw ko sa kanya pero hindi man lang siya nagulat. "Lalabas ka o—"
"O iiwan moko? Mukang lalabas talaga ako nito. Ayaw kong isipin na pinag tatabuyan mo 'ko pero diko mapigilang isipin 'yun. Bye." sabi niya at lumabas. Nakatingin lang ako sa pintuan at iniisip na babalik siya sa 'di malaman na dahilan pero 'di siya bumalik.
Hindi korin maiwasang isipin na may nararamdaman ka sa 'kin. Posibleng sinabi mo yun dahil kaibigan mo 'ko pero iniisip ng nakakainis kong utak na may nararamdaman ka sakin.
Natigilan ako sa naisip ko.
Ano bang pinag sasabi ko?!
Lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa banyo para maligo. Hinayaan kong dumaloy ang water sa katawan ko habang kinukumbinsi ang sarili ko na wag isiping may nararamdaman siya, si Sean saakin.
Pagkatapos ko maligo ay lumabas na 'ko sa banyo at pumasok sa kwarto.
Syempre kanina ay nag-sabon ako at nag-shampoo.
Nag bihis ako at lumabas para kumain. Nagulat ako nang makita si Sean na nanonood ng TV at tapos narin maligo.
How!? iisa lang ang banyo dito sa Dorm tapos, Tapos na siya maligo!? Kakatapos kulang maligo!! HOW!?
"Woi." nabalik ako sa wisyo dahil sa pagtawag ni Sean. "Ano ang ulam natin ngayon, Chef Andrea?" tanong ni Sean sa akin.
Diko alam kong bakit bigla akong na ilang. Diko siya matignan sa mata!
Umupo ako sa Couch katabi niya at umaktong Normal. "Nakita moba akong nag luto?" sabi ko habang naka tingin sa TV. Sinubukan kong maging Pilosopo para 'di niya mahalata ang pagka-ilang ko.
"Tsk tsk tsk..... May nagawa ba akong mali, Andrea?"
"Bakit mo yan naitanong?" tanong ko sa kanya habang nakatingin parin sa TV.
"Bigla kang nag bago." aniya. Ang tuno nang pananalita niya ay parang hinuhuli ako. Parang hinahanap ng mali ang mga sinasabi ko. Parang alam na niya ang ginagawa kong pag aktong Normal.
"Nagbago?"
"Yes. You've changed."
"Ano'ng ibig mo sabihin?"
"Nag iba ka."
"Paanong nag iba?"
"Yong kulay ng Aura mo ay Orange na."
Kulay. Kulay ng Aura.
Kapag may tensyong namumuo sa paligid ay para daw'ng may kulay pulang Aura siyang nakikita. Kapag may masama ay kulay itim daw.
Imbes na 'Tensyon' ay ginagamit na salita dun ay 'Pula' ang sinasabi niya. Weird.
Napa isip ako.
Ano yong Orange?
"Anong Orange?"
"Hahahahaha! Wala-wala." iiling-iling niyang sabi. Nagpakawala naman ako ng pekeng tawa. "See?" aniya at nagtataka ko naman siyang nilingon. "Noon ay hinde ka tumatawa sa ganoong mga bagay. Tsk Tsk Tsk. Bestfriend mo 'ko, Andrea, at Alam mo na kaya kong kilatisin ang tao base sa pananalita nila." aniya at bumaling sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya. "Kaya ko ding alamin kong nag-sesekreto ba o nag sisinungaling ang isang tao." sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Inilapit niya ang Mukha niya at napaatras konaman ang sa 'kin. "At ngayon.....alam kong pinipilit mo ang sarili mo na mag mukang Normal..... Bakit? Natatakot kaba sa 'kin o na iilang?"
Agad namang nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya.
'Diko alam kong ano ang gagawin ngayon!!! Whaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!'
Hindi ko alam ang sasabihin kasi biglang 'di gumana ang utak ko para mag hanap ng sagot.
"Hindi ka man lang pumunta sa kusina. Sa halip ay tumabi kapa sa akin para ipakita sa aking Normal ang galaw mo. Yong pag upo palang sa tabi ko ay nahahalata kuna, at mas nahalata kopa dahil sa paraan nang pag sagot mo sa 'kin, Andrea. So....Natatakot kaba sa 'kin o na iilang ka sa 'kin?"
Ô______Ô
"H-ha?" ang tanging nasagot ko.'Di ko alam kong ano ang isasagot!
"Na-iilang? Baket?"
Lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong na yun.
Nasabi kobang na-iilang ako?!
Inisip ko ang nangyari.
Hinde konaman sinabi.... So...halata na halata naba talaga ako?
"Ahhh. So sa kwarto....." sabay nang paglaki lalo ng mga mata ko ay pag usbong ng kaba ko dahil sa sinabi niyang 'yon. "Na iilang kaba dahil humiga ako sa kama mo o...dahil sa mga sinabi ko?"
Subra na ang kaba ko!
Habang nakatingin sa kanya at walang maisip na pwedeng sabihin ay dumilim ang paningin ko pagkatapos niyang sabihin ang huling linyang yun.
_–¯–_
¯–_–¯
"Andrea..... Andrea... Gising na....." narinig kong pag tawag sakin. "Woi! Gising na! 12:30 na!"
Ô_Ô
Agad akong bumangon at nakita ko sa sarili ko sa sahig sa sala. Inis kong nilingon si Sean. "Bakit ako nandito!?"
"Tinatamad ako dalhin ka sa kwarto mo, e'." aniya at tinalikuran ako. Sinundan kopa siya nang tingin hanggang makarating siya sa kusina.
Tsk! Ni minsan, hindi talaga naging gentleman.
Tumayo ako at umupo sa single sofa at sumandig dun.
Nilingon ko si Sean at nakita ko siyang nag lalakad papunta sa gawi ko. Nilagay niya ang plato na dala niya na may pagkain sa mesa.
"Kumain kana, Andrea para maka pasok tayo nang maaga. Wag kana din mag isip nang pwedeng alibi kong bakit absent tayo kanina kasi nakaisip na ako."
May kaunting bait ka naman pala.
Hindi na ako nag salita pa at nag simula nang kumain.
Pagkatapos ko kumain ay nag simula na kaming mag lakad papunta sa school nang....
"Uy, Boss! Ang lakas nang loob nitong dalawang 'to na mag pakita sa 'tin, oh!" sabi nang lalake.
Dadaan na sana si Sean para talikuran sila pero hinarangan sila nang lider ng mga lalake.
Ughh!!! Not again!
"Hep! Wag ka munang dumaan, bata." sabi ng lider nila kay Sean. "Mag papakilala muna kami."
"Kahit magpakilala kayo ay wala parin kaming pake sa inyo at nag sasayang lang kayo nang oras." sabi ni Sean na agad na ikinabahala ko. Hindi siya makitaan ng takot.
Gosh.
"Aba! Ang tapang mo, ah!" asik ng lider nila.
"Shut up, Misterrrrr Dolindo." sabi ni Sean habang nakatingin nang diretso sa Lider ng mga lalake.
Nag titigan sila Sean at Dolindo. Nagulat ako nang biglang itulak nang malakas ni Dolindo si Sean at napaatras naman si Sean.
"Ang tapang mo ah!" asik ni Dolindo kay Sean pero hindi siya nakatanggap nang sagot. "Sa liit mong yan, at sa payat mong yan....lalaban ka?!"
"Sabihin na natin na may katawan ka pero....." si Sean. Tinignan si Dolindo mula ulo hanggang paa. "pero....uhm....wala kang utak. Kaya lamang parin ako." sabi ni Sean at nagpakita nang nakakalokong ngisi.
Boang ka Sean!!!
Susuntukit sana ni Dolindo si Sean pero dumating si........diko kilala.
"Mr. Dolindo!?"
"D-dean."
Dean? Kaptid niyaba yan? GANYAN KATANDA?!
"What do you think you're doing?"
"S-sorry, Dean Ripa."
Dean nipa? Nipa. Nipa!?
Nag palit-palit ang tingin ko kay Dolindo at Dean Nipa.
Matapos mag palit-palit ang tingin ko sa kanila dalawa ay na-pako ang attention ko kay Nipa.
Naka suot siya nang pang matanda na kasuotan. Hindi siya Teacher kasi ibang iba ang kasuotan niya sa mga teacher. Tinignan ko ang buo niyang katawan ang huminto ang mga mata ko sa tag na nasa Polo niya, may nakalagay na "PRINCIPAL RIPA—"
Principal!?
Agad akong tumingin sa mukha niya at napansin ko agad ang mga lines sa mukha niya na ibig sabihin ay matanda na siya.
Pero bat 'Dean'? Kong ayaw nilang tawaging 'Principal' ay pwede namang 'Professor' nalang ang itawag sa kanya.... Baket 'DEAN' pa?!
Umayos ako nang tayo at tumabi kay Sean. Naramdaman ko ang pag lingon niya kaya nilingon ko siya at nagulat ako nang makita ang mukha ni Sean na parang hindi na makahintay. Parang nababagot na sa kakahintay. Panay din ang lingon niya sa building.
"Miss?" tawag sa 'kin ni Dean Ripa, nilingon ko siya agad. "Ano ang pangalan mo?"
"Andrea Monton, po."
"Hmm." tatango tango niyang sabi. Bumaling siya kay Sean. "How about you?" tanong nito kay Sean.
"Sean 'Valir' Falcon, po." aniya. Diniinan pa ang "valir" tsk! Nilingon ko si Dean Ripa at agad akong nagtaka nang makita ko sa mukha ng Principal ang bahagyang pagka gulat. Nilingon ko si Sean at parang napansin niya din ang pagka gulat ng Principal kaya nag-tataka din ang tingin niya sa principal. "A-ano po ang problema?"
"W-wala, wala." aniya ng Principal sabay iling. "Go to your class now." sabi niya na nag uutos ang tono kaya agad kaming sabay na nag lakad ni Sean papunta sa Building ng room namin.
Pag dating namin sa classroom ay pumasok agad kami ay umupo. 'Di na kami nakapag usap pa dahil pumasok na ang Teacher at nag simula nang mag turo.
» Recess «
Pag dating namin sa Cafeteria ay pina-upo agad ako ni Sean at siya na ang nag order. Pag balik niya ay gulat ako napatingin sa kanya.
"B-baket ka bumili nang subrang daming Fries?! Recess ngayon, Sean hinde Lunch!" ako. Nilapag niya ang sangkatutak na Fries sa mesa at umupo.
"Alam kong Recess, duh! Kong lunch 'to, sana nag dala na ako ng rice, diba? Pero RECESS ito kaya walang Rice." aniya at kinuha ang isang Pocket Of Fries. "Kumuha kana kahit saan diyan. Sampu binili ko, sayo ang lima at sakin ang lima. Sampu. Five plus Five Equals Ten. Sampu." aniya at sinandig ang likod sa upuan at kumain.
Recess!? Recess tapos sampung Fries?!
Kinuha ko ang isang Pocket full of Fries at sinimula nang lantakan iyon.
Habang kumakain ay nag angat ako ng tingin kay Sean at bigla akong nakaramdam nang ilang nang makita si Sean na nakatingin sa akin. Nag iwas agad ako ng tingin at tumama iyon sa isang lalakeng nasa kabilang mesa na nasa akin ang tingin, agad siyang nag iwas ng tingin. Bumaling siya sa mga kasama niya, tiningnan ko naman sila. Diko makita ang mukha ng tatlo kasi nakatalikod sa gawi namin ni Sean pero nakikita ko ang mukha ng tatlo pa niyang kasama at isa ron si Dolindo! Nang gumalaw ang ulo ni Dolindo na parang lilingon sa gawi ko ay nag iwas agad ako ng tingin at tumama naman iyon kay Sean na kunot noo akong tinititigan na para bang binabasa kong ano ang nasa utak ko.
Tinaasan kolang siya ng kilay para 'di mahalata pero lalong kumunot ang noo niya at nagulat nalang ako nang bigla nalang siyang lumingon sa gawi nila Dolindo!
Mainit ang ulo si Sean, dapat hindi madagdagan. DAPAT HINDI MADAGDAGAN ANG INIT NG KANYANG HEAD!
»» Flashback ««
"Hahahahaha!" narinig kong tawanan ng mga classmate namin sa likuran matapos nila batuhin si Sean ng Bato! Mga baliw. Tsk!
Nilingon ko si Sean at nakita ko sa mukha niya na nawawalan na siya ng pasensiya.
"Chill kalang Sean. Iwasan mo magka record sa School na 'to." bulong ko kay Sean. Magkatabi lang kami kaya nilapit kolang unti ang ulo ko habang nakaharap sa mga nakasulat sa pisara.
"Pag yang mga baliw na yan ay hindi tumigil, malalagot talaga sila."
Ô_Ô
"Woi, Sean, Wag kang ganyan. Ignore mo nalang sila."
"Kong batuhin ko kaya sila ng upuan at sabihan sila na i-ignore lang..i-i-ignore ba nila ako?"
Tss.
Isa sa hindi ko nagustuhan kay Sean ay nagiging 'Super Pilosopo' siya pag naiinis siya kaya nahihirapan ako at ang iba pa na e-convince siya na maging chill lang at wag mainit ang ulo.
"Bahala ka sa buhay mo." sabi ko at umayos ng pagkaka upo at nag-continue sa pag susulat.
Isa sa hindi gusto ni Sean ay kapag na uubusan na ako ng pasensiya sa kanya at naiinis ako sa kanya.. At gagawin niya ang lahat para mawala ang inis ko sa kanya.
Bumaling siya sa 'kin. "W-woi, Andrea. Ta-try ko nalang i-ignore sila. Wag kana mainis sa 'kin, pleaseee?"
Yes!
"Bahala ka dyan." ako.
"Woi, Andrea." si Sean, hindi ko siya pinansin. "Andrea..." pag tawag niya ulit sa akin, diko paden siya pinansin. "Andrea..." tawag niya ulit sa akin kaya nilingon ko siya na nakasalubong ang kilay, umaaktong naiinis.
"What?!" mataray kong tanong na may halong naiinis na tono.
"Wag kana agalet sakin." wag nadaw ako magalit sa kanya. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay. "Please??" nag pa paumanhin na tono niyang sabi, tinaas kona ang isa kopang kilay. "bati na tayo...please—"
"Aaaah. Ang sweet, HAHAHA!" sabi ng isa sa mga nag bato ng papel kay Sean na parang na-se-sweetan. Agad namang nag salubong ang kilay ni Sean at Tumayo. "Owws? Nakakatakot. Bwahahahahaha!"
Lumapit si Sean. "Isang tawa mopa at ma o-ospital kana talaga." pag banta ni Sean sa tumawa kanina. Tumayo yong tumatawa sa kanya.
"Ha Ha Ha" peke na tawa nong binantaan ni Sean. "Oh?" umakto pa siyang may hinahanap sa labas at pinakikiramdaman ang labas. "Asan ang ambulansya—?" natigilan siya nang sipain siya ni Sean sa panga at agad naman itong napadapa sa sahig dahil sa lakas. Lumingon naman ang mga classmate namin at gawi nila Sean.
"Tatawagan palang." sagot ni Sean at bumalik sa upuan at umupo. Bumaling siya sa akin. "Nawala na ang inis ko so...bati na tayo?" umaasang tanong niya sa akin.
Ang bilis naman yata mag palit ng Mood nito. Mabilis na pag palit ng Mood yata ang nagbago sayo, Sean, yun lang.
Yun lang ang nakita kong pagbabago sa ugali ni Sean mula nong last naming pagkita.
"Baket mo 'yon ginawa??"
"Para hinde na niya ulitin. Nakaka inis, e'"
>>_<<
"Nakaka inis kanaman e—"
"Uy! Ang astig non, ah!" sabi ng isa sa lalakeng Classmate namin. "Ikaw lang ang lumaban dun!"
Nagsilapitan na ang iba pang classmate namin. Nag uusap about kay Sean.
"Grabe! Ang galeng niya, step!" sabi ng isa sa mga babae sa 'di kalayuan.
"Oo nga, Khloe! Knocked Out si Roshan!" sabi pa ng isa.
"Ang gwapo niya pa! Gosh!!"
"Whaaaaaaa! Tama! Teka....ano ang pangalan niya, Step?"
"Sean, Khloe, Sean!"
Ô_Ô
Ò_Ó
Wag ninyong subukang lapitan si Sean!
Biglang nag sibalikan ang mga Kaklase namin sa kaniniyang upuan dahil dumating na ang Teacher. Nilingon ko ang gawi nong umaway kay Sean at nakita ko siyang naka upo sa upuan niya habang nasa panga ang isang kamay.
Bat dika nag susumbong, Roshan?
Nakaramdam ako nang kaunting kaba dahil sa hindi pag sumbong ni Roshan sa Teacher at di rin ako makapag isip ng dahilan kong bakit hindi siya nag sumbong dahil sa kaunting kaba na nararamdaman ko! At hindi ko rin alam kong bakit di ako makapag isip ng dahilan kong bakit hindi siya nag sumbong dahil lang sa katiting na kaba na nararamdaman ko!
Ilang minuto't oras ang nakalipas ay hindi ko parin siya nakitang nag sumbong.
»» End Of Flashback ««
"Woi!" tawag sakin ni Sean dahilan para mabaling sa kanya ang aking atensyon na kanina ay nasa kawalan. "Ano tinitignan mo dun?"
"H-ha?"
"Ano ang tinitignan mo dun sa bakanteng mesa?" tanong niya at nilingon konaman ang kaninang inuupuan nila Dolindo at ang mga kasama niya at wala na sila dun. Bumaling ako ulit kay Sean.
"W-wala wala" sabi ko, hindi kuna siya hinintay pang sumagot at agad na ako nag continue pag kain.
Hindi namin naubos ang fries dahil patapos na ang recess kaya dinala namin sa Classroom ang fries at doon inubos. Wala namang nakakita sa amin na kumain kasi tutok ang atensyon ng lahat sa harap kong saan ang teacher.
Papauwi na sana kami nang may naramdaman si Sean na sumusunod. Hindi siya sigurado pero hindi namin binaliwala ang naramdaman niya kaya nang may makita kaming paliko ay lumiko agad kami at agad na nag tago sa likod ng mga basurahan. Ilang segundo ang nakalipas at may nakita kaming tatlong lalake at ang isa dun ay ang nakita ko kanina sa Canteen!
Lagot.....
"Asan na ang mga 'yon?" sabi ng isa sa kanila sa mahina na boses.
"Diba lumiko yun?" sabi nong nakita ko sa Canteen.
"Oo...pero...asan na!?"
"Sabi—"
"Bat n'yo kami sinusundan?" aniya ni Sean, nakatayo na.
Ughh!!! Bat kapa nagpakita, Sean!!?
Nanlaki ang mga mata nila pero bumalik agad iyon sa normal at sila ay ngumisi.
"Oh! Nandiyan pala itong mga Love bird!"
Love Birds? What the heck?!
"Sumama kayo sa amin. Kaylangan kayo maka usap ni Boss." sabi nong isa.
"Boss? Yong masamang Damo??"
Ô_Ô
Kumunot ang noo nilang tatlo. "Masamang Damo?" sabay na sabi nong tatlo.
"Si Dolindo."
"Yong boang na yun? Hindi! Si Jakiro. Paparusahan kayo dahil sa pagsipa mo sa pag mumukha nong kasama namin. At inutusan din kami nong lokong dolindo na yun dahil nagagalit daw siya sa boyfriend mo, babae."
Diko Boyfriend Si Sean! Soon-To-Be.
"Bat nagalit sakin si Dolindo? Diko naman siya inano. At diko girlfriend ito si Andrea. Kaibigan ko siya."
Kaibigan. Huhuhuhu.
"Sumunod nalang kayo kong ayaw ninyo masaktan."
"Wala ngang nagawa yong kasama ninyo eh. Automatic tumba nga, e'." sagot ni Sean.
>_<
"Aba y gusto mo talagang—"
*PIRRRRRT* <— whistle. Yong prrrrt, whistle.
Natigil sa pag sasalita at akmang pag suntok yong isa sa kanila dahil sa prrt na yun. Nilingon ko ito at nakita ko ang isanv guard. Tumakbo yong tatlo.
Phew. Muntik na yun ah.
"Ano ang nangyari?" tanong ng Guard, hinihingal.
"Wala." sagot ni Sean.
Anong wala ang pinag sasabi mo, Sean? Bulag kaba!?
"Ano ang—"
"We need to go Mr. Guard. Salamat sa pangungumusta." aniya ni Sean at hinawakan ako sa braso at hinila palayo.
Sinubukan kong mag tanong pero hindi siya sumagot.
Pagdating namin sa dorm ay may nakita kaming Envelope.
"Ano to?" sabi ko habang hawak hawak ko ito ito.
"Envelope."
"Syempre alam ko!"
"E....bat kapa nag tanong?"
>>_<<
Binuksan ko iyon at kinuha ang isang papel at binasa ang naka sulat.
Isang invitation.
—»» End Of Chapter 3—»»
— Bald kommt ein neues Kapitel — Schreiben Sie eine Rezension