App herunterladen
16.21% Alpha Section (Tagalog) / Chapter 6: Theories

Kapitel 6: Theories

Cedric's POV

"Hindi ko naman talaga alam kung paano ako nalipat do'n!"

No'ng kinalaunan na nagtanong sa akin si Andrew kung paano ako nakapasok sa Alpha Section, ito agad ang paliwanag ko sa kanya. Totoo naman kasing hindi ko alam kung bakit ako nalipat sa section na ito.

"Baka nagrank 1 ka sa inyong section this second grading? Malay mo pinromote ka ng adviser niyo." suhestyon pa niya. Napakamot na lang ako sa'king batok.

"Bro, alam mo namang hindi ako gano'n katalino 'di ba? So imposibleng mapapabilang ako sa rank 1. Tsaka parati kaya akong pinag-iinitan dati ng aming class adviser, so there's no way she'll promote me even sa top 10 lang." I said as a matter of fact.

Maya-maya pa'y nagulat na lang ako ng tinapik niya ako sa'king kanang balikat. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa sahig in a cross-leg manner paharap sa kanya habang siya nama'y nakaupo sa kanyang higaan.

"Whatever the reason is, masaya akong nakapassok ka sa Alpha Section" nakangiti niyang sabi kaya napangiti na rin ako.

"Thanks bro. " nakangiti ko na ring tugon.

"Well, you can share to me what you've learned sa klase niyo nang sa gano'n ay matulungan mo akong makapasok sa section niyo."

"Sige ba--"

Natigilan ako bigla sa pagsasalita ng maalala ko 'yung rule #3 na idiniscuss sa'min ni Mr. Cruz kanina sa klase. Bawal daw naming ipagsabi kahit kanino ang lahat ng mga natutunan namin sa loob ng classroom. That means hindi ko maaaring ibahagi rito kay Andrew ang lahat ng matututunan ko.

"Bro,may problema ba?"

Agad namang naudlot 'yung malaliman kong pag-iisip no'ng marinig ko ulit ang boses ng bestfriend ko.

"W-wala. Sabi ko, sige ba. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para ibahagi sa'yo ang lahat ng matututunan ko." palusot ko na lang. Potek, bakit ko ba sinabi 'yon?

"Salamat. I knew I could count on you." nakangiti niya namang sabi sa'kin.

Pasensya ka na bro kung nagsisinungaling ako sa'yo ngayon...

***

Kinabukasan ay maaga akong nagpunta sa'ming classroom sa room 409. Torture kung maituturing 'yung pagpasok dito ng 6:30am, mas maaga ng thirty minutes kesa sa first period class ko dati sa'king previous section.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng aming classroom ng biglang may nagbukas nito sa kabilang dulo. I was then face to face with the blind girl, na kung naaalala ko ng mabuti ay Elise ang kanyang pangalan.

"Good mor--"

Babati pa sana ako sa kanya ng agad niya akong lampasan at naglakad palayo, baka pupuntang girls' restroom I guess.

Hindi ko tuloy maiwasang magtaka habang pinapanuod ko siya ngayong maglakad. Kung bulag siya, how come na wala siyang dala-dalang tungkod or anything para makapaglakad-lakad siya ng ganyan, just like a normal person? Something's off with her. I can feel it.

"Good morning Cedric!"

Nalipat naman ang aking tingin sa taong masiglang bumati sa'kin. Agad na bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Kylie.

"Good morning." nakangiting bati ko rin sa kanya. Tuluyan na akong pumasok sa loob at nagtungo sa'king upuan na nasa kanyang likuran.

Napatingin naman ako sa'king kanan at kitang natutulog sa kanyang mesa ang seatmate kong si Mitch.

"Ganyan talaga 'yan, palibhasa eh antukin. Pakigising na lang siya pagdating ni Mr. Cruz." paliwanag naman sa'kin ni Kylie nang mapansin niyang nakatingin ako rito kay Mitch.

"Sige." pagpayag ko naman.

Makalipas lang ang ilang segundo ay muling bumukas ang pinto kaya agad naming inakalang si Mr. Cruz na iyon, but instead ang pumasok ay 'yung kaparehang kaklase ko kanina na aking nakasalubong ko sa pagpasok. As I watched her closely, parang siya yata 'yung klase ng taong hindi pa kailanman ngumingiti.

"Elise Salviejo, siya 'yung tipo ng taong hindi mo gugustuhing makasalamuha o makabangga man lang." narinig ko ulit magsalita itong si Kylie as we watched Elise go back to her seat.

"Ha? Bakit naman?" kunot-noo kong tanong.

"Her family owns this school. So mag-iingat ka na lang sa kanya kung hindi mo gustong ma-expel sa school na'to." paliwanag niya.

"I see." sabi ko na lang.

Hindi nagtagal ay dumating na nga si Mr. Cruz kaya agad ko namang ginising ang seatmate ko. Makalipas lang ang ilang yugyog ko rito ay bumangon na rin siya sa wakas. Mukhang hindi lang ako ang nagdudusa sa schedule namin.

"Good morning class. So gaya nga ng napag-usapan natin kahapon, maaari niyo bang sabihin sa'kin ngayon kung bakit sa tingin niyo kayo naririto ngayon?" pambungad niyang tanong sa'min.

Palihim akong napasulyap sa'king mga kaklase, pero laking gulat ko ng wala ni isa sa kanila ang nagtaas ng kanyang kamay.

"Ikaw, Mr. Magbanua, may gusto ka bang sabihin sa buong klase?" Awtomatiko naman akong napatingin muli rito kay Mr. Cruz ng tinawag niya ang aking pangalan kaya agad akong napatayo.

"H-hindi ko pa po alam kung bakit ako andito, sir. Pero ang alam ko'y hindi ako karapat-dapat na maparito." nakayukong sabi ko.

"So ang ibig mo bang sabihin ay gusto mo ng magquit sa section na ito?" seryosong tanong sa'kin ng guro.

"Parang gano'n na nga po." tugon ko.

Narinig kong napabuntung-hininga itong si Mr. Cruz pagkatapos ay parang may kinuha sa kanyang desk. Nang mag-angat ako ng tingin, kita kong kasalukuyan na siyang may hawak na kapirasong papel.

"Here in my hand is the official list given and signed by the school director himself. So that only means hindi ako kailanman nagkamali sa pagpapapasok sa'yo rito because you're in this list, Mr. Magbanua." paliwanag niya sabay pakita sa'kin ng nasabing list at napatingin sa may direksyon ko kaya agad akong napayuko.

"Pasensya na po." paghingi ko ng paumanhin saka umupo muli sa'king upuan.

Pagkaupo ko ay inilibot ulit ni Mr. Cruz ang kanyang tingin sa iba ko pang mga kaklase.

"Sino pa sa inyo ang may gustong sabihin sa buong klase?" muli nitong tanong, pero ni wala sa kanila ang sumagot.

"Sige. Kung hindi niyo pa alam kung bakit kayo naririto, bibigyan ko kayo ngayon ng isang task." Saglit na tumigil si Mr. Cruz sa pagsasalita saka nilapag ulit ang hawak-hawak kaninang papel sa kanyang desk bago muling tumingin sa amin.

"Papupuntahin ko kayo sa library ngayon, baka sakaling makakalap kayo ng impormasyon kung bakit kayo andito sa section na ito. By tomorrow, you'll have to tell me kung anu-ano ang mga theories niyo base sa inyong mga nabasa. Do I make myself clear?" paliwanag niya sa amin ng aming gagawin.

"Yes sir." sabay-sabay naming sambit.

"Okay then. Please utilize the remaining minutes of our class by going to the library. You're dismissed."

Pagkasabi no'n ni Mr. Cruz ay nagsitayuan naman kami at nagpunta na sa library. Namangha naman akong makita kung gaano ito kalapad, mas malapad pa ito kumpara sa regular library na nasa second floor.

"Woah. Ang lapad dito." pagsasaboses ni Mitch ng kung anumang nasa isipan ko ngayon kaya napatingin ako sa kanya na nasa aking kanan.

"Hindi ka pa nakapasok dito?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi pa." he bluntly said at nauna nang pumasok kaya sumunod agad ako.

"Bakit hindi pa?" kunot-noo ko pa ring tanong. To be honest kasi, mahilig akong tumambay sa library, pero hindi para magbasa ng libro, kundi para matulog. Aircon kasi eh kaya masarap matulog sa library.

"Puro kasi 'yan mobile games kaya hindi pa napasok sa kahit na ano'ng library dito sa school." paliwanag naman ni Kylie, na nasa kaliwa ko naman, na may halong panunudyo sa kanyang boses.

"Ssshh... Ingay mo." Sinamaan naman siya ng tingin nitong si Mitch pero natawa lang 'yung kanyang sinaway. Pati ako ay natawa na rin.

"Tara na nga, magresearch na tayo." sabi ulit ni Kylie.

Naghiwa-hiwalay naman kami ng landas at pumunta sa magkabilang bookshelves para mas marami kaming makalap na impormasyon. Napili kong magtungo sa pinakadulong shelf sa may kanan.

Pero kumunot lang 'yung noo ko nang makita ko ang mga librong nilalaman ng bookshelf na ito. Ang weird kasi, ang mga librong andito ay tungkol sa mga kakaibang topiko, kagaya ng telekinesis, telepathy, speed improvement, at marami pang ibang kaweirduhang bagay.

Isa-isa kong hinawakan ang mga librong ando'n gamit ang aking hintuturo, and eventually ay tumigil ito sa medyo may kakapalang libro na may kulay berdeng pabalat. Hinila ko ito palabas sa kanyang kinalalagyan. Sa cover nito ay may nakasulat na mga kataga in bold letters:

"How to improve your property?" patanong kong binasa ang mga katagang iyon. Tinamaan ako ng curiousity kaya binuklat ko ang nabanggit na libro at binasa ang introductory page pagkatapos ng table of contents.

"Property... term used for extraordinary powers that a human possess." Agad naman akong napahinto sa unang talata na nabasa ko.

Bakit may ganito silang libro? Fiction books ba ang mga ito? At ano'ng powers ang pinagsasabi nila rito? Sa modernong panahon ngayon na kung saan pinapatakbo ito ng teknolohiya at siyensya, sino pa ba ang maniniwala sa existence ng superpowers?

"Tss... powers." Naiiling kong sabi saka ibinalik ang hawak-hawak kong libro sa kinalalagyan nito.

Matapos kong maibalik iyon ay nagbabalak na sana akong lumipat ng bookshelf subalit natigil din ako sa paglalakad ng may mahagip ang aking mga mata sa'king kanan. Nilapitan ko ang nakita kong hall of fame board na nakapaskil sa dingding, sa ibabaw ng isang maliit na shelf. Pansin ko na ang nabanggit na shelf ay naglalaman ng samu't saring trophies na nasa loob at ibabaw nito.

Nang makalapit na ako ng tuluyan ay pinasadahan ko ng tingin ang hall of fame board. Nakita ko sa pinaka-itaas ang litrato ng isang babaeng tila nanalo yata ng gold medal sa sinalihan niyang weight-lifting competition base sa background ng picture, sa barbel na kanyang buhat-buhat, at sa suot nitong gold medal. Sa ilalim ng kanyang litrato ay may nakalagay na caption:

"The First Alpha Student and Olympic Gold Medalist." pagbasa ko sa caption nito.

Hindi lang 'yun ang nakita kong litrato. Sa board ding ito ay naglalaman din ito ng iba't-ibang klaseng estudyanteng may mga naachieve para sa school na ito, may it be sa national quiz bee championships, sports-related events, music-related events, at iba pa.

Lahat ng mga estudyante na ito ay kabilang sa Alpha Section, at malakas ang pakiramdam kong may isang bagay silang pagkakapareha. Kung hindi katalinuhan ang nagdala sa kanila sa section na ito, gaya ko... ano naman kaya iyon?

"Hoy Cedric!"

Halos mapatalon naman ako sa gulat ng biglang may sumundot sa tagiliran ko. Pagkalingon ko ay bumungad agad sa'kin ang tatawa-tawang si Kylie at sa likuran niya'y si Mitch na natatawa rin.

"Ikaw lang pala Kylie. Ang hilig mo talagang manggulat kahit na kailan." medyo naaasar kong pahayag. Tumigil na siya sa kakatawa at tumikhim.

"Kanina pa kasi kita tinatawag para magmeryenda. Break na kasi natin kung hindi mo pa napapansin." sagot naman niya. Napatingin tuloy ako sa suot kong wristwatch at kita kong mag-a-alas otso na ng umaga.

"Pasensya na. Hindi ko kasi namalayan ang oras." sabi ko. Pinanliitan niya naman ako ng kanyang mga mata.

"Bakit? Siguro nalaman mo na ang sagot sa tanong ni Mr. Cruz ano?" tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang kanyang mga titig sa'kin.

Tila natigil naman ako sa paggalaw. Sa totoo lang ay may nabuo na akong teorya sa'king utak, pero kapag sinabi ko naman sa kanila ay baka mapagkamalan naman nila akong baliw.

"Hindi. Wala pa rin akong may maisip na teorya." pagdedeny ko while shaking my thoughts off in the process.

"Ohh, gano'n ba? Akala ko meron na eh. Wala rin kasi kaming maisip na ideya." nakangiti niyang pahayag.

"Hindi pa ba tayo pupunta sa cafeteria? Nagmamaktol na ang tiyan ko eh." reklamo naman nitong si Mitch.

Maya-maya pa ay sabay na kaming umalis ng library para magtungo sa cafeteria. Pero bago tuluyang lumabas ay napatingin ulit ako sa nakita kong bookshelf at pagkatapos ay napailing na lang ako sa'king sarili.

For a second back there, naisip ko na pinag-aaralan sa section na ito ang tungkol sa mga supernatural powers. Pero again, sino ba ang maniniwala sa existence no'n, 'di ba?

Well, I guess nagkamali lang yata ako ng akala.


AUTORENGEDANKEN
AteJanz AteJanz

Hello minna-san! So ayan may mga nabubuo nang teorya si Cedric kung para saan ang Alpha Section. Hmmm.. Tama kaya siya? Abangan!

That's it! Till my next update. :)

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C6
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen