App herunterladen
51.21% BOOK 1 THE MILLIONAIRE'S SLAVE (THE PROMISE) / Chapter 21: PART 21

Kapitel 21: PART 21

ASH POV

Limang araw ang nakalipas. Kakabalik lang namin ng Maynila galing cebu. Muntik pa kaming hindi matuloy dahil sa biglaang pag dating ng bagyo.

Yung unang gabi namin ni Spencer ay talagang napaka lungkot. Hindi ko pa rin naitatanong sa kaniya kung bakit dumating dito si Beatrixie. Pinili ko na lang manahimik at magsawalang kibo. Dahil una at huli sa lahat, wala akong karapatan.

Pero yung mga sumunod na araw, masaya lang kami. Malayo sa problema. Magkasama kami na walang ibang iniisip. Parang sa mga sandaling araw, sinulit talaga namin. Ayoko na halos bumalik ng Maynila. Ganon din siya. Pero iniisip ko pa rin ang kalagayan ni Mamá. At siya naman ay may patong-patong na responsibilidad sa balikat. At ngayon nga na nakabalik na kami sa maynila, Isang hindi inaasahan pala ang aking matutuklasan. Masakit na katotohanan. Na siyang tutuldok sa lahat ng kahibangan ko sa taong pinagkatiwalaan ko.

"Good morning Natasha." Bungad sa akin ng mommy ni spencer na kasalukuyang nag kakape sa kusina kasama ang anak na masayang naka tingin sa akin habang pumapanaog.

"Good morning po madam. Pasensiya na po kung tinanghali ako ng gising." Malambing kong sabi na agad din nag mano sa madam.

"Ayos lang. Mukhang pinuyat ka yata ng anak ko..." Natatawang sabi nito.

Naramdaman ko na lang ang umiinit kong pisngi. Medyo nahiya tuloy ako dahil sa sinabi ng nanay ni Spencer. Habang si Spencer naman ay nakangising tumitig sa akin pababa sa aking dibdib.

Naupo ako sa tabi ni Spencer. Katapat ko naman ang kaniyang ina. Lalo lang akong naiilang lalo na ng singhutin ni Spencer ang aking buhok na ngayon ay medyo nag fly-away.

"Ano ba!" Sita ko sa kaniya na walang sawa sa pag amoy habang yakap ako.

"You know what? Mas lalo ka pa gumanda sa buhok mo. Right mom?" Ani Spencer

"Kahit ano bagay na bagay sa 'yo Natasha."

Sagot ng kaniyang mommy

"Kahit pa ako. Bagay na bagay sa 'yo!" Bulong ni Spencer sabay kagat sa ibabaw ng aking tainga.

"Hoy!" Napasulyap ako sa mommy niya na ngayon ay naiilang kaming tignan. "Mahiya ka nga!" Inis kong sabi at pasimple siyang kinurot sa tagiliran.

"Kumusta naman ang trip to cebu niyo?" Tanong ni madam matapos sumimsim ng kape.

"Sobrang saya po!" Sagot ko habang pilit na kinakalas ang bisig ni Spencer na nakapulupot sa akin.

"Babalik talaga ako ng cebu. At gusto ko kasama kayo ng mother mo at si mom." Seryosong sabi ni Spencer.

"Imposible kaya--" 'di pa man ako tapos mag salita ng mag-salita ang mommy ni spencer

"Walang Imposible kung mananalig ka sa gusto ng puso mo." Malumanay na usal ni madam habang salitan kaming tinitignan ni Spencer.

"Minsan, sa buhay ko sinubok na rin ako ng kapalaran. Talagang darating tayo sa punto na pag pasuko ka na, doon pa lang pala aayon sayo ang tadhana." Ani madam.

Kita ko sa mga mata niya ang punong-puno ng pag-asa. Batid kong may malalim siyang pinagdaanan para masabi ang napaka makabuluhang bagay na iyon.

"Matuto lang tayo mag dasal. Mag pakatatag at mag tiwala." Pag papatuloy ni madam saka bumuga ng malalim na pag hinga.

"Bueno, mauna na ako ah. Susunduin ko pa si Mr.Vahrmaux sa Airport." Usal niya sabay sabit sa kaniyang balikat ng sling bag.

"Hatid ko na po kayo." Offer ko.

"Oh siya sige." Maligayang sabi ni madam.

Kumindat naman ako kay Spencer at sumenyas na okay lang ako. Nanatili lamang siyang naka upo sa kusina at naka ngiti nang iwan ko.

"Natasha, gusto talaga kitang makausap." Mahinang sambit ni madam habang sumusulyap sa aking likuran.

"Bakit--"

"Ngayon ko lang ulit nakita na ganiyan kasaya ang anak ko. Nag papasalamat ako at may isang gaya mo ang nasa kaniyang tabi..."

"Walang anuman po. Mas masaya po ako dahil nakilala ko siya. Kahit pa--"

"Mahal ka ng anak ko. Sana sapat na dahilan na 'yon para manatili ka sa kaniya..."

Nanlaki ang aking mata sa narinig. Nang mag angat ako ng tingin, nahuli ko pa ang tangkang pag punas ng luha ni madam sa kaniyang pisngi.

"Wala akong karapatan para sabihin sa 'yo na manatili ka sa buhay niya. Nakikiusap ako sa 'yo bilang isang ina..." tuluyan nang bumuhos ang luha ni madam na mas lalo kong kinabigla.

Hindi ko alam pero parang may kung anong bagay ang tumatarak sa aking puso.

"Naaalala mo ba yung unang araw na nag kita tayo? Sa bathroom?" Bigla nanlaki ang kaniyang mata kasabay ng pag sibol ng ngiti sa kaniyang labi.

"Oo-oho."

"Alam mo ba na, habang hinihintay ka namin noon, masaya siyang nag kukuwento. Noon ko na lang siya ulit nakita na sumaya at humalakhak ng ganon Natasha... at sino ako para pigilan siya sa bagay na mag papasaya sa kaniya? Kahit ngayon lang ay mag papaka nanay ako para sa kaniya. Even though it means, may iba pa siyang masaktan..."

Kung ganon, may alam si madam sa mga nangyayari? Naalala ko tuloy noong lumayas ako sa bahay na ito. Pinarusahan ako ni Spencer at dinala sa secret room. Kung saan inamin niya sa akin na pangalawang beses niya na raw umiyak dahil sa babae. Kung ganon, yung babaeng 'yon kaya ang dahilan kung bakit sobrang nag bago si Spencer na halos mapundi na ang kaligayahan?

"Salamat po. Madam." Mahina kong sambit saka siya niyakap ng mahigpit.

Kumaway pa ako sa kaniya bago tuluyan maka alis. Habang ako naman ay na-estatwa sa aking kinatatayuan. Iniisip kung sino ang babaeng naging tinik sa dibdib ni Spencer sa mahabang panahon.

"Ash?" Tawag ni spencer na yumakap sa akin mula sa likod.

"Ang tagal mo naman bumalik..."

"Ah? Sorry."

"Bago isara ni spencer ang gate, natanaw ko pa ang kotseng itim na pumarada sa tapat ng bahay niya.

"Tapusin mo na yang breakfast mo." Ani Spencer.

"May naging girlfriend ka na ba?" Tanong ko mula sa kawalan.

"Ha?" Naninigkit ito at napangisi ng tumingin sa akin.

Ibinaba niya ang hawak na news bulletin saka ako hinarap.

"Oo nga pala wala pa. Pero, may minahal ka na ba noon?" Tanong ko nang di ginagalaw ang aking agahan.

"Bakit? Ano ba'ng napag usapan niyo--"

"Wala naman. Gusto ko lang malaman kung gaano ka kadalas mag dala ng babae dito sa bahay mo? O kung ilan na ba ang na ano ... kasi ano... "

"Anong na ano?" Taas kilay niyang tanong.

"Ang nahalikan?" Tanong ko.

"Binahay? Kinama? Sineryoso? Alin don?" Taas kilay niyang tanong.

"Hindi ah.. bigla lang kasing pumasok sa isip ko yung sinabi mo na pangalawang beses mo na umiyak sa babae? Tama ba?"

"Hm.. Oo. Wala kasi yung puso! Ang sama ng ugali niya..--"

"Ex-Girlfriend mo?"

"Basta babae. Salbahe at mataray." Natatawa niyang sagot.

"Napairap na lang ako dahil mukhang wala akong mapipiga sa kaniya. Wala siyang kuwenta kausap."

"Natasha mag handa ka." Seryoso siyang tumitig sa akin na para bang may nais ipakahulugan.

"Para saan?" Tanong ko.

"Ipapakilala kita kay Mr. Generoso Vahrmaux." Naka ngiti niyang sabi bago ako talikuran.

"Spencer!"

Pag tawag ko habang umaakyat ng hagdan.

"Yes?"

"Wag na. Ayoko."

Yumuko siya at pumikit ng mariin.

"I'm sorry." Sambit niya.

"Wala kang kasalanan." Sagot ko saka siya niyakap habang naka upo siya sa side ng kama.

"Napakabuti mong tao Natasha. Karangalan ang makilala ang isang gaya mo. Gusto kong makita ni Dad yung katangian na nakita ko sayo. Please?"

Kahit pa kinakabahan, sumang-ayon ako sa kagustuhan ni Spencer. Basta't kasama ko siya, wala akong dapat ikatakot.

Nag-kuweto sa akin si Spencer tungkol kay Mr. Generoso. Mga katangian niya, mga ayaw at hilig niya. Golf ang favorite sport ni Mr. Generoso at favourite niya ang pakbet. Lumaki siya sa Pilipinas gayong british-columbian ang mga magulang niya. Pero si Mr. Generoso ay asul ang mata. Sadyang namana lang ni Spencer ang mata niya sa kaniyang Mommy na May lahing kastila.

Simpleng dress lang ang suot ko. Tanging hikaw lang ang suot ko na alahas at pamana pa sa akin ng lola ito. Light lang ang make up ko dahil iyon ang gusto ni Spencer. Binagayan ko ang asul na dress ng three-inches heels na regalo niya sa akin mula pa sa cebu.

Siya naman ay naka suot ng formal. Bagay na bagay sa kaniya ang pagkaka brush-up ng kaniyang caramel brown na buhok.

Sa isang restaurant sa Demetrix Resort kami tumungo. Kung saan naroon na at nag hihintay ang kaniyang mga magulang.

"Spencer, nakakahiya." Sambit ko nang ipag bukas kami ng pinto.

"Narito na tayo. Ngayon ka pa ba aatras?"

"Spencer!" Pag tawag ni Marco na kumaway pa sa amin.

"Anong ginagawa niya rito?" Taas kilay kong tanong.

"I don't know?" Mukhang maging si Spencer ay nag tataka.

"Teka, si Tyrone ba 'yon?" Tanong ko habang naka tingin sa direksiyon ng lalaking naka cross ang kamay sa dibdib. Naka tayo ito sa main door at seryoso ang mukha.

"Yeah..." sagot ni Spencer na halatang gulat din sa nangyayari.

Pero ano nga ba ang nangyayari?

"Sir, kanina pa po kayo hinihintay--" usal ng coordinator.

"Smile. I'm with you." Bulong ni Spencer habang pisil ang aking kaliwang kamay.

Sa isang pribadong kuwarto kami pumasok kung saan agad tumambad sa amin ang mahabang mesa na may sampung upuan. Ngunit anim lamang ang naka upo. Kami bale ang pang walo ni Spencer.

"Good evening." Matikas na bati ni Spencer.

Sabay-sabay na lumingon sa amin ang iba pang naroon. Halos mangatog ako ng mapag tanto ko si Beatrixie na katabi ang kaniyang mommy. Nasa hilera din nila naka upo si Tyrone at Marco. Habang kami naman ni Spencer ay katabi ang kaniyang mommy. Si Mr. Generoso naman ay naka upo sa gitna.

"Good evening." Naka ngiti kong sambit.

Kasunod nito ang pag tayo ni Beatrixie na mayroong malapad na ngiti habang palapit sa amin.

"Good job Spencer." Natatawa niyang sambit sabay halik sa pisngi ni Spencer.

Naka ngisi naman ang nanay ni Beatrixie na parang isang demonyo. Kitang-kita ko naman sa mga mata ni Marco at Tyrone ang pag-aalala. Gayon din ang mommy ni Spencer. Habang ang daddy niy naman ay seryosong naka titig sa amin.

"And you are?" Naka ngiting tanong sa akin ng daddy ni Spencer.

"She's Natasha Amorine. Engineer Arturo's legitimate daughter Pa. A good daughter." Pag-sabat ni Spencer habang sinasalukan ng alak ang kaniyang ama.

"Kung ganon, --"

"Yes. Mag kapatid po kami." Naka ngiting sabi ni Beatrixie.

Hindi ko maintindihan. Bakit parang may mali? Kilala ko si Beatrixie. Gaya ng nanay niya may pagka tuso din siya. Parang hindi man lang siya nag tataka kung bakit magka kilala kami ni Spencer at bakit kami mag-kasama.

"So, anong meron? Bakit pinatawag niyo pa sila Marco at Tyrone?" Tanong ni Spencer.

Pasimple naming hawak ang kamay ng isa't-isa. Ramdam ko ang panlalamig ng palad niya habang ako naman ay pinag papawisan.

"Nakapag usap na kami ng daddy mo. Hindi na siya maka pag hintay para sa kasalan. Kaya naman, napag kasunduan na lang namin na this week na ganapin ang kasalan..." naka ngiting sabi ni Kasandra habang pinag mamasdan ang aking mukha.

"What?" Kunot noo na sambit ni Spencer na masamang tumitig sa mag-ina.

"At si Natasha ang magiging made of honor ko. Ayos lang ba?" Tanong ni Beatrixie na para bang nang-aasar pa.

"No!" Mataas na himig ni Spencer.

"Dad, masyadong mabilis at --"

"Spencer, almost eleven years na natin itong napag uusapan.." -Generoso

"Bigyan natin ng kaunti pang panahon si Spencer. Hindi basta-basta ang pag papakasal." Mahinahon ngunit matigas na sabi ng mother ni Spencer.

"Bakit tita? Hindi niyo po ba ako gusto para kay Spencer?" Tanong ni Beatrixie na tumitig sa mommy ni spencer na para bang inalipusta.

"Hindi. Hija..."

"Nag kasundo na kami ni Arturo. At wala ng dahilan para iatras pa ang kasalan." Ani ng Ginoo.

"At nasaan na nga ba si Arturo, kasandra?" Kunot noo na Tanong ni Mr. Generoso.

"I'm sorry, nakalimutan kong sabihin sa 'yo. Pinalayas na ako ng anak niya sa Hacienda."

Usal ni Kasandra bago sumimsim ng wine.

Tumahimik ang hapag. Mapang husga akong tinitigan ng dad ni Spencer. Si Spencer naman ay napatiim bagang nang marinig ang sinabi ni kasandra.

"Ikaw?" Tanong ni Mr. Generoso na parang hindi maka paniwala sa narinig.

"That's not true!" Sigaw ni Spencer.

"That's true. Hindi nag sisinungaling si mom. Bakit hindi mo tanungin si Ash?" Mataas na tono ni Beatrixie.

"Spencer, bago mo sana pinag katiwalaan ang ahas na inalagaan at binahay mo, sana kinilala mo siyang mabuti." Galit na sabi ni Kasandra nang di nag aalis ng tingin sa akin.

"Kasandra, kapatid siya ni Beatrixie. At alam ko na mabuting tao--" mahinahon na sabi ng mommy ni spencer.

"Mabuting tao? Maganda si Natasha sa panlabas. Pero hindi sa panloob." Taas kilay na sabi ni Beatrixie.

"Enough! Lahat ng to, nonsense! Puwede ba itigil na natin 'to?" Galit na sabi ni Spencer habang naka tikom ang kanang kamo sa ibabaw ng mesa.

"Spencer! Ako ang mag dedesisyon sa bagay na 'to!" Matigas na sabi ng Ginoo.

"Kung mabuti siyang babae, bakit niya piniling maging MUSE sa isang cassino? At ngayon mag isa na lang si Mom sa rest house ni dad sa Pasig--"

"Muse ka sa isang cassino?" Tanong ng Ginoo.

"Dad,-"

"Totoo po lahat ng narinig niyo Mr. Vahrmaux. Sa kagustuhan kong itaguyod ang pamilyang tinalikuran ng aming Padre de pamilya, nalagay ang buhay naming lahat sa alanganin..."

"Ash.." sambit ni Spencer.

Diretsyo kong tinitigan ang daddy ni Spencer habang tuloy sa pag sasalita.

"Itinigil ko ang pag aaral ko para lang itaguyod ang pang araw araw namin. Nakipag sapalaran ako sa Maynila nang walang-wala maliban sa lakas at tatag ng loob. Unang gabi ko sa trabaho muntik na akong mapahamak sa kamay ni Governor Gomez..." di ko na napigilan ang pag buhos ng aking luha. Gayon pa man buong tapang kong hinayag ang katotohanan sa kanila.

"Lumaban ako ng buong lakas. Akala ko katapusan ko na. Mabuti na lang at dumating si Spencer sa Mariago noong gabing iyon. Napakabuti ng anak niyo Ginoo. Iniligtas niya ako..." Pinunasan ko ang aking luha saka muling nag patuloy.

"Hindi madali ang naranasan namin ng mama ko at kapatid ko. Humarap kami sa malaking pag subok habang nag papakasaya kayo sa pera ng Papá na halos malustay sa walang kabuluhan..."

"Nag suicide ang kapatid ko dahil nag cause iyon sa kaniya ng severe depression. Tapos babalik ang Papá matapos mawaldas ang pera niya at sasabihin na ipag bubuklod niya ang bastarda niya kasama ang kirida kasama namin?"

"Napaka walang modo mo!" Sigaw ni Kasandra.

"Tama. Kung yan ang tingin mo sa akin kasandra, wag kang mag-alala.Nananalamin ka lang. Bakit? Gusto mo ba na sabihin ko pa dito kung paano mo binaboy at niyurakan ang mamá? Kayo ng Papá?..."

"Kaya ngayon gusto mo akong saktan sa parehong paraan. Right?" Taas kilay na sabi ni Beatrixie.

"Hindi yan totoo." Sagot ko

"Kung ganon bakit ka nag sinungaling sa amin? Ang sabi mo umuupa ka? Pero ang totoo, ikaw ang nirerentahan ng Finacé ko!" Sigaw ni Beatrixie na ngayon ay nanggagalaiti nang hampasin ang mesa.

"Napatingin ako kay Spencer na ngayon ay tikom at hindi maka titig sa akin ng diretsyo. Anong alam ni Beatrixie sa takbo ng relasyon namin?"

Ito ba? Ito ba yung hinihingi ni Spencer kanina ng Sorry?

"Totoo ba lahat ng narinig namin Natasha?"

Napalingon ako sa babaeng gaalgal na nag salita. Naka tayo ito sa dulo ng mesa katabi ang Papá.

"Mamá?" Halos pag sakluban ako ng langit at impiyerno ng makita ang pag agos ng luha ni Mamá.

"Natasha, nakikipag relasyon ka sa fiancé ng ate mo? Sabihin mong nagkakamali lang kami..." usal ni Papá.

"Sir." Sambit ni Spencer saka tumayo.

"Papá .."

Umiling-iling ang Papá sa akin at tumitig ng kasumpa-sumpa. Sinubukan ko silang habulin ni Mamá pero tinulak ako ng Papá dahilan para madapa ako.

"Oh ano? Feeling mo talaga kakampihan ka?" Agad akong tumayo at hinarap si Trixie. Ang taas kasi ng pangarap mo masyado. But I'm sorry to tell you. Ginamit ka ni Spencer dahil alam niya na makikinabang ako!" Sambit niya na abot langit ang ngiti.

"Ano? Hindi 'yan totoo!"

"Tanggapin mo na lang Ash. Naisahan at napaikot ka namin..."

Halos manlumo ako sa narinig. Pero sigurado akong nag sisinungaling lang siya. Lahat gagawin niya para saktan ako.

"Akala mo ba hindi sinabi sa akin ni Spencer na pinatira niya ang mahal kong kapatid sa bahay niya?" Taas kilay niyang tanong nang di naaalis ang ngiting tagumpay.

Kung ganon alam niya? Pero bakit siya pumayag? Bakit hindi niya ako kinompronta?

"Well, nag kasundo kaming dalawa na paikutin ka. Paasahin at saktan. Ako rin ang nag sabi sa kaniya na papuntahin ka sa dinner. Para naman mas maramdaman mo yung sampal ng katotohanan!"

Kaya pala. Kaya pala iba yung tingin niya nung kausapin niya ako tungkol dito? At ito ang ibig sabihin ng sorry niya?

"At akala mo naman talaga nasaktan mo 'ko?" Tanong ko habang pinupuwersa ang aking sarili na ngumiti at itaas ang pride.

"Kung akala mo na ako ang ginamit niyo, nag kakamali kayo. Dahil nung araw ng birth day mo, nabasa ko yung post ni Dad at nag researched ako about sa 'yo. That's why. Plinano ko na mapalapit kay Spencer. Yung sa Mariago? Aksidente 'yon. Sadyang umaayon sa akin ang tadhana. At oo tama ka dahil gusto lang kitang saktan! Sa paraan kung paano niyo kami sinaktan! Kaya sino ngayon sa atin ang naisahan?"

"Ano? Sabi na nga ba..." kasabay ng malalim niyang pag hinga ang pag tangka niyang pag sampal sa akin.

Pero bago pa man niya ako masaktan inunahan ko na siyang sampalin ng buong lakas na halos tumagilid ang kaniyang ulo.

"Ginamit ko si Spencer dahil sa pera. At para saktan ka. Kahit pa isinangla ko ang kaluluwa ko sa demonyo ng buong buo kong binigay yung sarili ko sa kaniya."

Matigas at mariin kong sambit habang pinipigilan ang pag agos ng luha.

"Kung ganon, may nangyari--"

"At anong ine-expect mo? Di bat nakipag kasundo ka sa kaniya na mag bahay-bahayan kami? Anong gusto mo, mag titigan kami? Sa lahat ng bagay, hindi mo 'ko mapapantayan. When in fact, nahigitan na kita. Trixie." Naka ngiti kong sabi habang pinag masdan ang nanlilisik niyang tingin sa akin.

"Kung sa bagay, ikaw ang nawalan! Ikaw ang tatanga tanga! Ambisyosa ka kasi! Sabihin mo naiinggit ka sa akin. Aminin mo, nag paloko ka sa amin!"

"Kahit ano pa ang sabihin mo, wala ka ng magagawa dahil ikakasal na kami. At nakaka awa ka naman dahil kahit hindi mo aminin, alam kong naloko ka ni Spencer. Kaya nga hindi ka niya kayang ipag tanggol kanina..."

Gusto ko ng umiyak. Gusto ko nang mag wala. Pero lahat ng natitirang lakas at hiya ko ay inipon ko para ikalma ang aking sarili at itayo ang aking Pride.

"Ikakasal? Sana lang lumigaya siya sa 'yo. Gaya na lang kung paano ko siya paligayahin habang nakiki pag laro siya sa akin ng apoy."

"Walang hiya--" agad niya akong sinabutan at kinalmot sa leeg.

"Wala kang panalo sa akin Trixie! Apelyido nga ng sarili mong ama hindi mo madala, Apelyido pa kaya ng isang tuta?" Natatawa kong sabi.

"Tuta? Tinawag mong tuta ang fiancé ko? At sino ka para-"

"Yung fiancé mo na halos mabaliw kapag sinasamba ako. Yung fiancé mo na paulit-ulit na inuungol ang pangalan ko. Yung Fiancé mo na lahat gagawin kahit pa halikan ang paa ko para lang paligayahin ko siya! And I am pretty sure, hindi niya mararanasan sayo lahat ng pinaranas ko! I'm gonna make sure, na sa tuwing hahalikan ka niya ako ang maiisip niya!"

"Malandi ka! Manang mana ka sa nanay mong pokpok!" Sigaw niya sabay sugod sa akin.

Buong lakas ko naman siyang tinulak saka sinampal na halos sumalpak siya sa sahig.

Nang maka tayo siya ay akmang susundan ko nang isa pang malakas na sampal ang kabila niyang pisngi na agad din naman hinawakan ni Spencer ang aking palapulsuhan.

Matalim at malalim siyang tumitig sa akin ng iwaksi ang aking kamay. Sobra akong nadurog dahil hindi niya hinayaan na masaktan ko si Trixie. Napaka sakit na nagawa niyang protektahan sa akin si Trixie na siyang higit na nakasakit sa akin kung tutuusin.

"Leave." Mahinahon na sabi ni Spencer.

Gusto ko siyang sampalin. Pero kailangan kong ipakita na laro lang din sa akin lahat ng ito. Kailangan ko ipakita na hindi ako apektado. Kahit pa pirapiraso na ang puso ko. Ngayon mas malinaw na sa akin kung bakit hindi man lang sila nagulat na kasama ako ni Spencer. Iyon ay dahil kasama sa plano nila ang ipahiya ako. At ang tanga-tanga ko!

"Ash, ihahatid na kita." Offer ni Tyrone.

"No need. Kaya ko ang sarili ko." Sagot ko nang di nag aalis ng tingin kay Spencer.

Mag-isa akong lumabas ng Demetrix Restaurant. Nang maramdaman ko ang sariwang hangin na humalik sa aking mukha, nag pakawala ako ng malalim na pag hinga. Kasabay ng pag agos ng aking luha.

Hindi ko alam kung ano ang buhay na kakaharapin ko ngayong hindi na ako puwede bumalik sa bahay ni Spencer. Lalo naman sa Hacienda. Wala na akong mapupuntahan. Bahala na ang Dios kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C21
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen