"Anong ginagawa mo rito?"
Sabay na sabi ng dalawa.
Pareho silang gulat at nagtataka.
'Anong ginagawa ng taong ito dito?'
Parehong tanong ng isip nila.
'Baka guest din dito sa resort o baka katiwala dito!'
Sabi ng isip ni Jaime
"Pwede ko bang malaman kung sino ka?"
Tanong ni Jaime na mahinahon kahit na naiinis na rin dahil gusto nyang makapasok.
Sinisilip nya ang loob ng bahay, hinahanap ang dalawa.
"Anong SINO AKO?
Ikaw ang sino ka? Private property ito, paano ka nakapasok? Sinong nagdala sa'yo dito at sinong nagbigay ng pahintulot na makababa sa islang ito?!"
Galit na bulyaw sa kanya ng lalaking nagbukas ng pinto.
"Alam kong private property ito, pero andito ako dahil hinahanap ko ang anak kong si Kate! Gusto ko syang makausap, kaya pwede ba papasukin mo ako!"
Sagot pa rin ni Jaime ng mahinahon kahit na nagaalburuto na ang kalooban nya.
"Walang Kate dito, hindi ko kilala ang anak mo at tresspassing ka!"
Sabi ng lalaki kay Jaime na sa tingin nya ay kasing edad din nya.
"SECURITY!"
Sigaw ng kausap ni Jaime.
Naiinis na si Jaime.
"Wala akong oras para magpaliwanag sa'yo, kailangan makita ko agad ang anak ko!"
Papasukin na sana ni Jaime ng pwersahan ang bahay ng madinig nila ang isang ingay na tila nagmula sa langit.
BRAATRATATRATATRATAT!
Itiningala ni Jaime ang ulo nya at nakita ang kulay green na helicopter na dumaan sa kanila.
At mukhang nagmula ito sa kabilang parte ng isla malayo dito sa private property na pinuntahan nya.
'Papa?'
Hindi pwedeng magkamali si Jaime, natitiyak nyang sa Papa nya ang helicopter na dumaan at papalayo na.
Minsan na nya itong natanaw ng magtungo sya sa Old Mansion para makausap ang ama at para makakuha ng impormasyon kung saan naroon si Kate.
'Sa kanya yun, natitiyak kong sa kanya yun! Regalo ni AJ sa kanya!'
Yun ang sinabi ni Gene na dahilan sa kanya. Niregaluhan sya ni AJ ng chopper dahil sa pagtulong nya sa nangyari sa Hacienda Remedios.
Alangan namang sabihin ni Gene na wedding gift ni Eunice ang chopper kila Kate at Mel para madali nilang matakasan si Jaime.
"Anak ng ...."
'Kung sa kabilang resort nagmula ang helicopter ng Papa ibig sabihin, mali ang napupuntahan kong resort?'
'Mali ang impormasyon nakuha ko?'
Nagsusumigaw ang isip ni Jaime, hindi sya makapaniwala sa maling impormasyong nakuha nya pero hindi na nya magawang magisip kung sino o paano nangyaring nagkamali sya dahil parating na ang mga security ng nasabing private resort.
"Security, hulihin nyo ang lalaking yan at ipakulong!"
Utos ng lalaking nagbukas ng pinto.
"Yes Sir!"
Sabay sabay na sigaw nila.
Ang nagbukas pala ng pinto ay ang mismong may ari ng private resort na ito at galit na galit ito kapag may tresspassing sa property nya.
Hindi na nagpaliwanag si Jaime sa nangyari, kumaripas na lang ito ng takbo.
Nang makita si Jaime ng lalaking inupahan nya, natakot ito, pinaandar ang bangka papalayo at iniwan sya.
'Nabayaran na naman ako ng kalahati, tama na yun! Ayaw ko ng gulo!'
Tinawag ni Jaime ito pero umiling ang lalaki at pinatakbo na ng mabilis ang bangka. Natatakot na madamay.
"Bwisit na!"
Sigaw ni Jaime.
Palapit na ang mga humahabol sa kanya kaya walang nagawa si Jaime kundi languyin ang dagat kesa mahuli ng mga humahabol sa kanya.
Pinaputukan sya ng isa sa humahabol pero hindi sya tinamaan.
Naglangoy si Jaime ng naglangoy papalayo sa resort hanggang sa mapagod.
*****
Nang mapagod si Jaime, nagpalutang na lutang lang ito.
Maya maya may nadinig syang speedboat na parating at hinintuan sya.
"Anong ginagawa mo dyan sa tubig? Naghahanap ka ba ng sirena?"
"Papa?"
Nakaramdam ng tuwa si Jaime ng makita ang ama.
Tinulungan si Jaime ng alalay ni Gene para makapanhik sa speedboat.
"Anong ginagawa nyo dito Papa?"
Tanong agad ni Jaime pag kasampa kahit na hingal na hingal pa ito.
"Hindi ba dapat, ako ang magtanong sa'yo nyan?"
Sagot ni Gene.
"Papa, nandito ako dahil pinuntahan ko po si Kate sa impormasyon natanggap ko!"
"Talaga? Bakit hindi kita nakita? Andun ako kanina, dinalaw ko ang mga apo ko! Hehe!"
"Bakit hindi nyo ho sinabi sa akin na pupuntahan nyo pala si Kate?"
"Bakit ko naman sasabihin sa'yo ungas ka, eh di nasira mo ang magandang moment namin!"
Naiinis na si Jaime, matanda na sya pero kung kausapin ng ama ay para paring isang paslit.
"Papa, yun pong chopper na dumaan kanina, yung green, diba sa inyo yun? Nakasakay ba dun ang anak ko?"
"Oo at hindi lang sya nakasakay, si Kate mismo ang nagmamaneho nung chopper!"
Buong pagmamalaking sabi ni Gene na parang iniinis ang anak.
Nagulat si Jaime, hindi nito alam na marunong magmaneho ng helicopter ang anak nyang si Kate.
"Saan po sila pupunta Papa? Hindi ba delikado na imaneho ni Kate yung chopper?"
"Mas delikado kung naabutan mo sila! Tyak na aawayin mo na naman ang apo ko at sasaktan, pati si Mel!"
"Papa anak ko po si Kate, kaya sabihin nyo na kung saan sila papunta!"
"Saan nga ba yun? Teka iisipin ko! Alam kong nabanggit nila yun eh, hindi ko lang maalala!
Hmmm ..... mamya pagnaalala ko sasabihin ko! Hehe!"
Nakangiting sabi ni Gene talagang iniinis si Jaime.
"Papa naman, please naman pakiusap! Alam nyong kailangan kong makita si Kate para mailayo sa lahat ng ito!"
"Bakit Jaime, sa tingin mo ito talaga ang tamang gawin, ang ilayo si Kate kay Mel?
Hindi mo ba napapansin, the more na pinaglalayo mo sila the more na kumakapit sila ng mahigpit sa isat isa? Kaya bakit mo ito ginagawa? Bakit ka nagpapaka kontrabida dyan?"
"Dahil hindi ho makakayang proteksyunan ni Mel ang anak ko!"
"Sigurado ka? Gaano ka kasiguro na hindi nya kayang proteksyunan si Kate?"
"Papa naman, tingnan nyo nga ang lalaking yun, lalamya lamya, ni hindi ko nga sigurado kung lalaki nga sya!"
Hindi nasusukat ang pagkalalaki sa pangangatawan dahil kung ikukumpara kita kay Mel, sa tingin ko, di hamak naman na lalaki sya kesa sa'yo! Mas magaling na lalaki yang si Mel hindi katulad mo!
Isa kang napaka laking DUWAG!"
"Papa, hindi ho kaduwagan ang isipin ko ang kapakanan ng anak ko!"
"Bakit, ginusto ba ni Kate at ng pamilya mo ang lahat ng ito? Ikaw ang nagsimula nito kaya ikaw ang tumapos! Bakit kailangan mag suffer ang family mo lalo na si Kate sa katarantaduhang ginawa mo nuon?
Kung talagang iniisip mo ang kapakanan at kaligtasan ng pamilya mo, bakit ka nagpaka gago in the first place? You really disappoint me!"
"Tama na Papa, nangyari na ang lahat! Wala na akong magagawa hindi ko na maibabalik yun! Ang tangi ko lang magagawa ay protektahan ang anak ko!"
"Tama, nangyari na nga ang lahat, and here you are trying to be a hero! Bakit Jaime, sa tingin mo ba hindi alam ni Kate ang katarantaduhang ginawa mo?
Alam nya ang lahat ng tungkol sa'yo! Sa mga babae mo, sa kinakasama mo, sa ampon mo at dun sa babaeng iniregalo sa'yo ng mga tauhan mo na dahilan kaya ka natatakot ngayon!"
Nagulat si Jaime.
"Paano ...."
"Sa itsura mo, mukhang hindi mo nga kilala ang anak mo!"