o oh bagay sayo, atyaka eto pa, at eto rin pala." masayang sabi niya habang inaabot sakin ang mga gown para sa Midnight Ball, may 2 days pa naman kami para magprepare pero kasi itong si Mandy sobrang excited.
"Mandy ang dami na neto, isa lang naman ang susuotin ko ah." sabi ko sakanya habang inilalapag ko ang mga ito sa kama niya.
"Eh pano naman kasi besty, lahat ng mga yan bagay sayo. Ang hirap tuloy mamili."
"Ako na lang ang mamimili Mandy, simple lang naman ang gusto ko." iniisa isa kong kinuha ang mga gown sa kama ni Mandy at isinuot iyon sa mga mannequin.
Isa sa mga gown ang nakakuha ng atensyon ko.
It is a strapless, A-line baby blue gown with laces on top.
Simple lang siya pero maganda, kaya nagustuhan ko kaagad.
"Besty ano nakapili kana?" tanong niya sakin habang tinitignan ang mga gowns sa mannequin.
"Yes." tinuro ko ang gown na nagustuhan ko.
"Perfect! Bagay na bagay sayo yan besty! Simple pero maganda, isukat mo na dali." tinanggal niya ang gown sa mannequin at ibinigay sakin.
Kinuha ko na to at pumunta sa bathroom para sukatin.
Lumabas ako ng bathroom at sumalubong sakin ang nakanganga na Mandy.
"Wow, you look stunning besty. Lalong gumanda yung gown nang suotin mo."
"Wag mo nga kong bolahin Mandy."
"Totoo naman ah, humarap ka kasi sa salamin para makita mo yang sarili mo habang suot mo yan." itinulak niya ko papunta sa harap ng salamin and guess what totoo nga ang sinabi niya. Bagay na bagay sakin ang gown na to na para bang ginawa ito para sakin.
"Wow." yun lang ang tanging nasabi ko habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.
"Mapapatulala sayo yung mga lalaki sa ball besty panigurado" she giggled.
"I don't want everyone's attention, baka maraming magalit sakin pag nagkataon." I sighed.
"Anong magagawa natin besty eh pinanganak kang maganda, dapat maging proud ka sa kagandahan mo, wag mong ikahiya." she looked at me in the mirror "See, you looked like a goddess. Kung di lang siguro water ang ability na meron ka baka mapagkamalan pa kitang isa sa mga Khiodis, you really look like them."
"How did you say so? Have you seen them?" I'm curious, gusto ko talaga malaman yung existence nila simula noong napanaginipan ko yung babae.
"Yes, my grandmother's bestfriend is a Khiodis, I saw her in a picture together with her, she has this white hair like yours and an aqua blue eyes." sabi niya na parang iniimagine yung babaeng nakita niya sa picture.
"Ibig sabihin Khiodis talaga yung babae sa panaginip ko."
"Anong panaginip? Napanaginipan mo sila?"
"Isang babae lang, nakaupo siya sa frozen fountain, yung katulad nung fountain sa labas, wait_" bakit ba ngayon ko lang napansin yun? Eto yung palasyo na nakita ko sa panaginip ko! "Mandy, naalala mo yung nilesson natin sa history? Diba eto yung palasyo na pinatayo ni King Mazon and Queen Remicy?"
"Well yes, bakit ba? Parang may naalala ka na something besty, ang weird mo." nagtataka na si Mandy sa mga kinikilos ko.
"Dito ko kasi mismo nakita yung babae sa panaginip ko." I told her, well she's my bestfriend hindi naman siguro niya ipagsasabi sa iba yung tungkol dito.
"Besty alam mo bang may ibig sabihin kung bakit mo napanaginipan yan, well my mom told me about it pero nakalimutan ko na kasi, maybe I can ask her, if it's ok with you."
"Yeah, siguro wag mo muna tanungin ngayon. Saka na lang ulit natin pag usapan to, sumasakit na ulo kakaisip eh."
"Oh sige besty."
Bumalik na ulit ako sa banyo para hubarin ang gown at ibinalik sa mannequin.
Tinignan ko ang gown na pinili ni Mandy, it is a halter, A-line, emerald green gown with laces also on top.
Simple lang rin pero maganda. Im sure pagtitinginan siya sa Midnight Ball pag suot niya yan.
***
Kasalukuyan kaming nagmemeryenda ngayon sa cafeteria at nag kukulitan nanaman ang dalawang magkambal samantalang kaming tatlo ay tahimik lang na nagmemeryenda.
"Josephine pupunta ka ba sa Midnight Ball?" nabaling ang atensyon ko kay Layne nang bigla niya akong tinanong.
"Oo eh, ikaw ba?"
"Syempre pupunta rin ako, pupunta ka eh." sabay kindat sakin.
"Will you please stop that it's gross." sabi ko at umakto na parang nandidiri. "You're going to the ball just because I told you that I'm going too? What kind of answer is that?" nagtatakang tanong ko sakanya.
"Wala, wag mo na intindihin yung sinabi ko, siya nga pala may muta ka." tinuro niya ang mata kong may muta.
Dahil sa sobrang pagkahiya, agad agad kong kinapa ang mata ko kung meron pero wala naman.
"Joke lang hahaha!" at tumawa siya ng pagkalakas lakas na akala mo wala ng bukas. Pinagtitinginan tuloy kami dito, iniisip siguro nila na nababaliw na tong kasama ko.
Tinignan ko siya ng masama pero di parin siya natinag at mas lalong nilakasan ang tawa. Hay nababaliw na nga siguro talaga to, hindi ko alam kung anong nakita ni Tober dito at kinaibigan niya to.
Hindi ko na siya pinansin at inubos ang meryenda ko.
"Besty! Nabalitaan mo na ba na pwede daw natin gamitin yung mga abilities natin sa Midnight Ball, ang saya diba! I'm so excited! Sana bukas na yung ball." biglang sabi sakin ni Mandy.
"Talaga? Akala ko ba sa Ability class lang natin gagamitin to, atyaka next sem pa yun diba?" nakakapagtaka lang talaga, well baka gusto nila makita kung ano ang mga ability ng mga studyante nila.
"Oo pero yun kasi yung inannounce kanina, ayaw mo nun? Magagamit mo na ulit yang ability mo, atyaka gusto ko makita kung pano mo ginagamit yang sayo." sabi niya at bigla niyang pinisil ang pisngi ko na kinagulat ko.
"Mandy, ano ba yang ginagawa mo kay Josephine? Baka masira yang mukha niya kakapisil mo." pagpigil ni Layne kay Mandy.
"Panira ka talaga Layne, naakit lang ako sa pisngi ni Josephine ang pula kasi eh, besty pwede papisil ulit?" she pleaded with a puppy eyes.
Napangiti na lang ako dahil sa kakulitan ni Mandy. Tumigil ako sa pagngiti nang nakita ko ang mga kasama kong napatigil sa mga ginagawa nila at nakatulala sakin.
"Guys totoo ba to? Sampalin niyo nga ko, baka nananaginip lang ako." sabi ni Layne at bigla naman siyang sinampal ni Mardy.
"Oh ayan, gising kana?"
"Aray ha! Talagang ginawa eh." he glared at him but he just smirked.
"Eh sabi mo sampalin ka namin kaya ginawa ko na, hiniling mo yan bro.
"Ibig sabihin totoo nga." di makapaniwalang sabi nito.
"Pero totoo ba talaga? O baka naman hindi si Josephine ang kasama natin ngayon. Hoy! kung sino ka man, ilabas mo si Josephine ko!" hinawakan ni Mardy ang dalawang braso ko at niyugyog.
"Itigil mo nga yan Mardy! Nasasaktan si besty sa ginagawa mo eh!" tinanggal ni Mandy ang pagkakahawak ni Mardy sa mga braso ko at binatukan ito.
"Eh baka kasi hindi siya si Josephine, naninigurado lang ako." sabi nito habang kinakamot ang parteng binatukan ni Mandy.
"Pwede mo naman kausapin ng maayos eh! Tsk!" sermon niya sa kambal niya.
"Pero besty ikaw ba talaga yan?" pinisil pisil niya ang pisngi ko at sinuri ang mukha ko. "May nainom ka bang something?".
"Stop that Mandy." suway sakanya ni Tober.
"Ang wi-weird niyo." sabi ko sakanila at tinignan sila ng masama.
"Confirm, siya nga si Josephine."
"Yeah, akala ko may doppelganger siya."
"Besty's back."
"Back to being rude."
Sabi nila sa isa't isa.
"Hey, what are you talking about?" I asked them kasi nawi-weirduhan na ko sakanila.
"Ah wala naman Josephine, alam mo lalo kang gumanda noong ngumiti ka kanina." sabi sakin ni Layne at inakbayan ako. "Dapat lagi ka ng nakangiti."
"Hep! hep! hep! Wag mo ngang inaakbayan si Josephine! Akin siya eh!" pumagitna samin si Mardy at inilayo ako kay Layne.
"At kailan pa siya naging sayo ha?" lumapit samin si Layne at kinuha ako palayo kay Mardy pero nahawakan niya ang kaliwang kamay ko kaya ang nangyari pinag aagawan nila ako.
"Ano ba tigilan niyo nga si besty! Akala niyo naman magugustuhan niya kayo!" hinila ako ni Mandy palayo sa dalawa.
Ano ba tong mga kasama ko? May mga lahi atang weirdo.
***
Pangatlong araw na ngayon ng preparation namin at mag-iisang buwan na rin ako dito sa Winterhold, ang tagal ko na palang nandito at hindi ko parin nakikita sila mommy at daddy. Kamusta na kaya sila, hay I miss them so much, I wish they're here.
Inatasan kaming mga taga Phoenix House ngayon ng professor namin sa Arts na magdesign sa Grand Hall para sa Midnight Ball dahil kakaunti lang daw ang mga nagvolunteer para dito. White Winter ang theme na naisip ng Principal namin dahil nga nandito kami sa Winterhold. Pumunta kaming apat sa gubat para kumuha ng mga kahoy na magagamit namin pangdesign dahil naisip namin na lalo nitong mapapaganda ang atmosphere sa Midnight Ball.
Madali lang samin ang pagkuha ng mga kahoy dahil pinayagan kaming gamitin ang mga ability namin. Nagpatubo sina Mandy at Mardy ng mga white roses at pinitas ang mga ito para pandagdag sa design, ngayon ko lang nakita kung paano nila gamitin yung ability nila kaya namangha ako agad. Gumawa rin ako ng malaking swan figure na gawa sa tubig na agad ding naging ice dahil sa sobrang lamig dito sa labas.
"Ang galing! Ganyan mo pala nagagamit yang ability mo besty." Mandy said, I just smiled at her as an answer.
Binuhat na ito ni Tober dahil si Layne ang may hawak sa mga kahoy na kinuha namin, nang masiguro namin na kumpleto na ang lahat, bumalik kami sa loob para ipagpatuloy ang pagdedesign.
Halos puti ang kulay na makikita dito sa Grand Hall magmula sa mga upuan at lamesa hanggang sa mga kurtina. Maliban na lang sa mga dahon na nasa mga puting rosas sa vase.
Inilagay ni Tober sa may buffet area ang ice statue at nilagyan ko naman ito ng mga puting rosas sa gilid. Nang makita kong maayos na ito ay lumipat naman ako sa may tables sa gilid para ayusin ang mga vases at flowers.
"Josephine, nagmeryenda kana ba? Tara punta tayong cafeteria." biglang lumapit sakin si Layne at hinila ako papuntang cafeteria, hindi na nga ako nakapalag dahil sa biglaan na lang niya ko hinila.
"One creamy pasta and strawberry shake po. What's yours Josephine?" lumingon siya sakin para tanungin kung ano ang oorderin ko.
"Chicken-vegetable salad and lemon juice." sabi ko at bumalik na ang tingin niya sa cafeteria worker.
"Ok, and also one Chicken-vegetable salad and lemon juice." sabi niya rito at ibinigay na samin yung mga inorder namin. We went to the corner and sat.
"Wooh, today is really a tiring day." he said and started to eat his food. "Josephine, I just want to ask, do you already have a date for the Ball?" he looked at me seriously.
"Yes, Mandy asked Tober to be my date." I answered without hesitation. His serious face turns into a shock but later on he just smiled.
"Oh, maybe I can asked you to a dance if it's ok?"
"It's ok, it's just a dance." I answered.
After we finished eating our food we went back to the Grand Hall and continued what we are doing a while ago. I made some flower arrangement on the handrails of the staircase to make it more beautiful.
"Wonderful! Excited na tuloy ako sa Ball, I'm sure feel na feel ng iba ang pagbaba sa hagdan dahil diyan sa flowers." Mandy giggled and looked at the flowers amazingly.
Nang matapos na namin ang pagdedesign, niligpit na namin lahat ng mga kalat. Maya maya lang ay tinawag na kami ng professor namin sa Arts at nagpasalamat samin.
Hindi na namin namalayan na mag gagabi na pala dahil sa sobrang pagkabusy namin kanina, kaya nagyaya si Mandy na magsleep over sa room niya at magmovie marathon para daw marelax kami. Well hindi ko pa naman natatry makisleep over kasi nga diba ngayon pa lang ako lumabas ng palasyo.
Dumaan muna kami sa cafeteria para bumili ng mga snacks at pumunta na sa room niya.
Halos iba't ibang klase ng mga bulaklak ang makikita sa kwarto ni Mandy kaya pagpasok pa lang maamoy mo na kaagad ang mga halimuyak nito, ang gaan sa pakiramdam.
"Oh kayong tatlo diyan! Si besty ang papiliin niyo ng movie, mamaya kayo nanaman ang mageenjoy tapos kami hindi." kinuha ni Mandy ang mga CD's sa tatlong lalaki at ibinigay sakin. "Oh besty ikaw na mamili diyan, pangit yung mga pinipili nung tatlong mokong na yun."
Tinignan ko yung mga CD's na binigay sakin ni Mandy, hindi ko alam kung anong pipiliin ko kaya binalik ko sakanya. "Hindi ko alam kung anong pipiliin ko, kayo na lang mamili."
Kinuha agad sakin ni Mardy ang mga CD's at siya na ang namili, nilagay na agad niya ito sa DVD at pumwesto na kami sa may couch para makapanoon ng maayos, nasa right side ko si Mandy na katabi si Mardy at sa left side naman si Layne na katabi Tober, ibig sabihin ako ang nasa gitna nilang apat. (gets niyo?)
Horror ang movie na pinili ni Mardy kaya ganun na lang ang galit sakanya ni Mandy at pinaghahampas niya ito ng unan, pero wala na itong nagawa kaya umupo na lang ito ng maayos at nanood.
Nasa kalagitnaan na kami ng movie nang maramadaman ko ang ulo ni Mandy sa balikat ko, sinilip ko ang mukha niya at nakita ko na tulog na pala siya.
"Ganyan talaga yang si Mandy pag horror ang pinapanood, dinadaan na lang niya sa tulog para di matakot." sabi ni Layne, napansin niya siguro yung ginawa ko kay Mandy. "Hayaan mo na lang siya, maya maya magigising din yan pag napansin niya na tapos na yung movie."
"Kaya pala ayaw niya na kayo ang mamili ng movie. Ano ba yung mga hilig niya?" I asked.
"Mahilig siya sa Romance, kabaligtaran naman ng kay Tober at Mardy." he answered. "I'm just curious, ano naman yung mga hilig mo? Nakita ko kasi na binalik mo kay Mandy yung mga CD's kanina." he asked.
"Lahat ng klase ng movies basta maeenjoy ako, I don't know what kind of movie all of you are interested in that's why I decided not to pick one and let you decide." sabi ko sakanya at diretso paring nakatingin sa movie na pinapanood namin. "Ikaw, anong hilig mo?" I asked and looked at him
"Well, I like action and horror as well as romance."
Hindi na ko nasalita at tinuon na lang ang atensyon ko sa panood.
After we finished the movie, inilatag ni Marky ang comforter at binuhat naman ni Layne si Mandy at inihiga dito para makatulog ng maayos. Pumwesto ako sa pinakagilid katabi si Mandy, nakatulog ako kaagad dahil sa sobrang pagod kanina.
"Miracle, Miracle."
Nagising ako dahil sa boses ng na tumatawag sakin, tinignan ko ang paligid ko. "Where am I?" Wala na sila Mandy sa tabi ko.
"Miracle." ayan nanaman yung boses, kanino ba yun? Sinundang ko yung boses hanggang sa napadpad ako sa labas ng school.
"Miracle." nilibot ko ang paningin ko sa paligid para malaman kung kanino yung boses na naririnig ko. Pinikit ko ang mga mata ko at pinakinggang mabuti kung saan ito nanggagaling.
"Miracle." naglakad ako malapit sa fountain at nakita ulit yung babae sa panaginip ko. Pero this time nakikita ko na yung mukha niya at kamukha ko siya.
I stared at her to make sure that what I see is true. What's happening? Bakit kamukha ko siya? She's a Khiodis and I'm not.
"Miracle" ayan nanaman yung boses, asan ba kasi yun? Nilibot ko ang paningin ko sa paligid pero nasa may fountain talaga kung saan nanggagaling yung boses eh.
Unti unti akong naglakad papunta sa fountain kung nasaan yung babaeng kamukha ko.
"Ikaw ba yung tumatawag sakin?" I asked her nang makalapit na ko sakanya. Tumingin siya sakin at ngumiti, dun ko lang napansin na aqua blue ang kulay ng mga mata niya.
Nakangiti parin siya sakin at hindi nagsasalita kaya inulit ko ang tanong ko. "Ikaw ba yung tumatawag sakin?"
Magsasalita na sana siya ng bigla akong magising dahil sa may yumakap sakin.
Iminulat ko ang mata ko at nakita ko na si Tober ang nakayakap sakin. Sobrang lapit ng mukha niya sakin na halos magdikit ang ilong namin.
Teka? Bakit siya yung nasa tabi ko? Eh diba si Mandy katabi ko kanina?
Tinaas ko ang ulo ko para masilip kung nasaan si Mandy at ayun nga nasa likod nitong si Tober.
Pano napunta itong kuneho na to sa tabi ko? Nasa pinakadulo siya kanina ah, imposible naman na magteleport siya dito.
Dahan dahan kong inalis yung pagkakayakap niya sakin pero mas lalo niya lang hinigpitan ito kaya mas lalo ring lumapit ang mukha ko sakanya, konting konti na lang talaga.
"A-ahm Tober." mahina kong niyugyog ang braso niya para magising pero mahimbing parin ang tulog niya.
"Tober gising." tinapik tapik ko yung pisngi niya baka sakaling umepekto pero wala parin.
"Huy Tober." pinisil ko yung pisngi niya and thank goodness nagising rin. Minulat niya ang mata niya at tumingin sa akin.
"What?" he said in a husky voice.
"A-ahm Tober y-yung kamay mo kase." tinignan niya ang mga kamay niyang nakayakap sakin at bumalik ulit ng tingin sakin.
"Pwede bang alisin mo? Alam mo naman siguro na nakayakap ka sakin diba?" Tinignan niya ulit ang mga kamay niya na nakayakap sakin at dun niya lang talaga siguro narealize kaya mabilis niyang tinanggal ang pagkakayakap sakin.
"Sorry." he said while avoiding my gaze.
"Paano ka nga pala napunta dito? Diba nasa dulo ka kanina?" Dumistansya ako sakanya ng konti.
"I don't know."
"Imposible naman na nagteleport ka at napunta ka dito."
"Maybe?"
Argh! Ang hirap talaga kausap nitong lalaking to.
Kinuha ko ang unan ko at inilagay ito sa pagitan naming dalawa para sure na hindi niya ko mayakap mamaya.
Tumalikod na ako sakanya at natulog ulit, kahit papano alam kong hindi niya ko mayayakap dahil sa unan na nakapagitan samin.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!