App herunterladen
29.41% The Hidden Goddess (Taglish) / Chapter 4: Chapter 4: The Seven Kingdoms

Kapitel 4: Chapter 4: The Seven Kingdoms

Lumipas ang ilang araw na ganun ang nangyari. Magigising ng maaga, papasok sa klase at masuswimming sa lawa. Buti nga at hindi parin kami nahuhuli.

Kasalukuyan akong nakikinig sa history teacher namin dahil kinukwento niya sa amin ang history ng Winterhold.

"Ayon sa hystory book natin ipinatayo ng mag asawang si Haring Mazon at Reyna Remicy ang Winterhold noong panahon ng mga Khiodis_"

"Sir diba isang Khiodis din si Reyna Remicy?" tanong ng isang kaklase namin.

"Yes you're right, alam naman nating dyosa ang mga Khiodis diba, so back to the story tayo gaya nga ng sinabi ko kanina ipinatayo nila ang Winterhold para maprotektahan ang mga tulad natin lalong lalo na ang mga Khiodis sa mga Darktross."

Darktross? Narinig ko yung binanggit ni tito Varlisle kay Daddy ah.

"Siguro ngayon niyo pa lang narinig ang Darktross, well ngayon pa lang sinasabi ko na sainyo na ubod sila ng sama. Pumapangalawa sila sa mga Khiodis dahil sa kapangyarihan nilang black smoke, kung ginagamit ng mga Khiodis ang kapangyarihan nila sa kabutihan, kabaliktaran naman sa mga Darktross masyado silang nabulag sa kapangyarihan at gustong agawin ang trono ng mga Khiodis para sila ang maghari sa buong Atlanta_"

"Sir I have a question, ilang kingdoms po ba ang meron dito sa Atlanta." tanong nung kaklase namin sa likod.

"Basically, there are seven kingdoms noong meron pa ang mga Khiodis pero ngayon six na lang dahil inubos sila ng mga Darktross. Nangunguna ang mga Khiodis dahil sa may kakayahan silang kontrolin ang winter at ice ability na kayang sirain ang dark smoke ng mga Darktross kaya pumapangalawa lamang ang mga ito, sunod ang Beaufort na may lightning and water abiliy then Ortiz na may Fire ability, Veer na may earth ability, Gother na may wind ability and lastly ang Delion na plant manipulator. Ang ibig sabihin lang nun ay may 5 tayong mga royal dito, kilala niyo naman kung sino sila."

Dahil sa dami ng nalaman ko at marami paring katanungan sa isip ko, di ko napigilang magtanong.

"But sir, bakit po walang pumasok dito na galing sa Veer?"

"Good question Ms. Beaufort, well wala sila dito sa Winterhold dahil nasa Peculiar at Avalon Academy sila. Base sa nabalitaan ko mayroong triplets ang mga Veer, isang lalaki at dalawang babae."

"Cool! Kung sa aming mga Delion ay twins, triplets naman sa mga Veer!" manghang sabi ni Mardy.

"Tama ka diyan Mr. Delion, well may tatlong Academy dito sa Atlanta. Ang Winterhold kung saan kayo kasalukuyang nag-aaral ay nandito sa Winter forest, ang Avalon Academy na school para lang sa mga babae ay nasa Avalon island na kung saan pinapalibutan ng makakapal na hamog, at ang huli ang Peculiar Academy na school para lang din sa mga lalaki ay nasa floating island ng Margu."

Marami pa sanang ikukwento si sir sa amin kaso kulang sa oras kaya ididiscuss na lang niya next meeting.

Lumabas na kami ng classroom at dumiretso sa cafeteria.

"Grabe sobrang cool pala ang history ng Winterhold." masayang sabi ni Mardy.

"Yeah right, pero nashock talaga ako kasi di man lang nakwento satin nila mom at dad ang about sa mga Veer." pag sang-ayon ni Mandy sa kakambal niya.

"Yun nga rin ang pinagtataka ko eh, sila ang 5th Kingdom dito sa Atlanta pero wala man lang tayong alam tungkol sakanila bukod sa mga Khiodis at Darktross, Veer remains mystery to me." sagot naman ni Layne.

Tahimik lang akong nakikinig sa pinag uusapan nila ng maisipan kong umalis at pumuntang library. Nagpaalam lang ako saglit na ibabalik ang mga libro sa library at dumiretso na sa library.

Hinanap ko ang libro na may history ng Winterhold matapos kong ibalik ang mga librong hiniram ko noong nakaraang araw.

Nang makita ko na ang librong hinahanap ko ay agad ko itong kinuha at umupo sa dulo ng library na dati kong pwesto.

"7 Kingdoms emerged from Atlanta and they were called Khiodin, Darktross, Beaufort, Ortiz, Veer, Gother and Delion. Hundreds of years ago, there's a Khiodis goddess named Meridel and she has a bestfriend named Tross, came from the Darktross Kingdom. At first Tross only see her as his bestfriend but as time goes by his feeling gets deeper until he fell inlove. Tross didn't tell Meridel his true feelings about her because he didn't want to destroy their friendship. Everything is perfect between them, until Meridel met Marcus, a guy from the Beaufort Kingdom. She fell inlove with Marcus without knowing what Tross will feel if he knew about it."

Ibig sabihin magkaibigan ang Khiodis at Darktross noon? At may lihim pa na pagtingin si Tross kay Meridel.

Maraming tanong sa aking isipan ng mabasa ko ito, itinuloy ko na lang ulit ang pagbabasa para masagot ang mga katanungang iyon.

"Tross is ready to confess his true feelings for Meridel but he saw Marcus and Meridel kissing on the side of the lake of Winter Forest."

Lake of Winter Forest? Yun yung lake sa likod nitong school ah.

"He was shocked and also hurt on what he saw, it was like his heart was pierced many times by a sharp knife. He just stayed there for a while and tears began to fell from his eyes. It was his first time to cry and it is because of Meridel, his first love. He began to walk towards the two lovers infront of him, Meridel saw him and stopped what she and Marcus was doing. They were both shocked when they saw Tross infront of them teary eyed."

Grabe ang sakit nun ah. Mahal na mahal pa naman ni Tross si Meridel.

"Tross still confessed his feelings even though he knew that Meridel will never see him as a man and will never love him back, after that confession he leave Meridel and Marcus shocked. That incident leads to revenge, the love that makes Tross a good man destroys him and that is the time that the Kingdom of Darktross began to take down the Kingdom of Khiodin."

Ibig sabihin ang pagmamahal ni Tross kay Meridel ang naging dahilan ng lahat. Totoo nga na kayang baguhin ng pag ibig ang isang tao, mapabuti man o masama.

"Meridel felt guilty when she knew about Tross's feeling. She wants to compensate for all the things she had done but Tross didn't let her, he only thinks of revenge, he wants to destroy all the Khiodis especially her. At first, she didn't think of this as a treat because she thought she knew that Tross is a good man and he can't do bad things, but love really changed him and turned him into a man full of hatred. The Darktross Kingdom killed many Khiodis, and that is the time that Meridel began to build a safe place for Khiodins to get away from Tross and the Darktross. But still some Khiodins were not able to survived from the Darktross until their Kingdom were cautiously disappeared from the 7 Kingdoms."

Napakakomplikado pala ng lahat noon, dahil lang sa iba ang minahal ni Meridel nagkaroon na ng gulo.

Hanggang dito muna ang binasa ko at saka ko lang namalayan na gabi na pala, chineck ko ang relo ko kung anong oras and it's already 7:48. Sinasara nila ang library ng mga 7:00 at kailangan wala ng studyante sa loob ng library kundi may parusa na ipapataw samin, ibig sabihin. Lagot pano to.

Nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko at dumiretso sa pintuan para macheck kung bukas pa ba ito and luckily bukas nga. Bubuksan ko na sana ang pinto ng makarinig ako ng footsteps galing sa labas kaya minadali kong isara ito at nagmadaling naghanap ng pagtataguan. Nagtago ako sa likod ng isa sa mga shelves doon at sinilip kung sino ang taong papasok sa library and then I saw Mam Ayola, our terror English teacher.

Why?! Sa lahat ng teacher na pwedeng mapadaan dito bakit siya pa?!

Dahil sa likas na ata sakin ang pagiging shunga ay nasagi ko ang isa sa mga libro na naroon na naging dahilan ng malakas na tunog na agad ring narinig ni Mam Ayola.

"Who's there?"

Nanatili parin akong nakatago sa pwesto ko at hindi nagsasalita, takot ko na lang na mahuli ng isang terror teacher no.

"I said who's there?! Reveal yourself now kid, if you don't want me to increase your penalty!" sabi nito habang palapit nang palapit sa kinaroroonan ko.

Anong gagawin ko?! Konting konti na lang malalaman na ni mam na ako to.

Malapit na sa kinaroroonan ko si Mam Ayola ng may biglang nagtakip sa bigbig ko at hinila ako papunta sa likod ng ibang shelf na sumakto naman sa pagkarating ni Mam Ayola sa dati kong kinaroroonan.

"Hmmm!" pilit kong tinitignan kung sino yung taong nagtatakip ng bunganga ko.

Infairness ang bango ng kamay.

"Shhh!" inalis na niya ang kamay niya sa bunganga ko but still di ko parin siya makita dahil madilim kaya binalik ko na lang ang atensyon ko kay Mam Ayola.

"Oh, it's just merely a cat, i thought it was someone." sabi nito at lumabas na ng library.

Hindi ko napansin na may pusa pala doon kanina. Tulog kasi, kaya hindi mapapansin lalo pa at madilim na dito sa library.

Nang wala na si Mam Ayola ay nilingon ko sa likuran ko kung sino yung taong nagligtas sa akin mula sa insidenteng yon kanina.

"Tober?!" gulat na sabi ko rito.

Well siya lang naman yung taong kinaiinisan ko at ang nagligtas sakin mula kay Mam Ayola.

"What are you doing here?!"

"Should I receive a thank you from you because I saved you from that terror teacher instead of that question?" nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi nito.

"Sorry and thank you for saving me."

"You're welcome but you should treat me lunch tomorrow." sabay ngiti nito ng nakakaloko.

Ang hirap talaga basahin kung ano ang iniisip nito, minsan tahimik, minsan galit tulad nung nangyari dito sa library, minsan walang expression at minsan naman sweet.

"T-teka, ililibre kita ng lunch? Ibig sabihin may kapalit yung pagtulong mo sakin ganun ba?"

"Of course, wala ng libre sa panahon ngayon."

"Hmm! Ang sama mo naman, dapat ang tulong walang kapalit!" Sabi ko rito.

"Sinong masama?" tumingin siya sakin ng masama.

Nakita ko na yang mga matang yan dati, ganyan na ganyan yung mga matang nakita ko noon sa library nang muntik niyang saktan si Thomas.

"Bakit ganyan ka makatingin ha?!" pilit ko paring nilakasan yung loob ko kahit deep inside eh takot na takot na talaga ako.

"Sinong masama?" tanong ulit nito at naglakad papalapit ito sa akin.

"I-ikaw." sagot ko at umatras palayo sakanya.

Ano bayan! Bakit ka ba nauutal Sephine?!

"Sino ulit?" at mas lalo pa itong lumapit sa akin hanggang sa maramdaman ko na ang shelf sa likod ko.

"I-ikaw." pag uulit ko sa sagot ko kanina.

Ipinatong niya ang kamay niya sa magkabilaan na palapag ng shelf sa likod ko causing me to be cornered by him.

"Masama ba talaga ako?" tanong niya habang diretsong nakatingin saking mga mata.

"A-ah ano, k-kalimutan mo na y-yung sinabi ko hehe." tumingin ako sa mga paa ko para iwasan ang tingin niya.

"Sagutin mo na lang yung tanong ko Miracle." inangat niya ang mukha ko para matignan siya sa mukha pero iniiwasan ko parin ang mga mata niya.

"Look at me!" utos niya sakin.

Unti unti kong inangat ang tingin ko sa mga mata niya. Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa akin hanggang sa magtama ang mga ilong namin.

Tumingin siya sa mga mata ko, pababa sa ilong. Kitang kita ko ang paglunok niya ng mapatigil ang tingin niya sa mga labi ko na parang naakit siya rito.

Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa akin, konting konti na lang maglalapat na ang mga labi namin at ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya.

Pinikit ko ang mga mata ko dahil sa alam ko na ang susunod na mangyayari. Pero imbis na halik sa labi ang natanggap ko, isang halik sa noo.

"I don't want to stole a kiss from you because I respect you." tumayo na ito ng maayos at dumiretso sa pintuan.

I don't want to stole a kiss from you because I respect you.

I don't want to stole a kiss from you because I respect you.

I don't want to stole a kiss from you because I respect you.

Ano ba Sephine, paulit ulit lang?

"Wait!" sigaw ko sabay habol sakanya.

"Would you please learn to shut up your mouth, mahuhuli tayo dahil sa bunganga mo." walang emosyong sabi nito.

Yan nanaman siya sa walang kaemo-emosyong mukha niya. Ang weird niya talaga.

"Grabe ka naman sakin, oo na shut up na ko."

Walang ni isa sa amin ang nagsasalita habang naglalakad, hanggang sa makarating na kami sa mga rooms namin.


AUTORENGEDANKEN
MissKayeArco MissKayeArco

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C4
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen