App herunterladen
78.57% 1 MONTH DARE (and the 14 Roses) / Chapter 11: Chapter 10 - He Lost

Kapitel 11: Chapter 10 - He Lost

"May problema?"

"Dad." umupo ito sa tabi niya.

"Kanina pa kita pinagmamasdan. Come on, tell me. What is it?"

He looked at his Dad. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya rito ang kaniyang problema. Oo nga at ayos na sila, pero kamakailan lang iyon at inaamin niya naroroon pa ang konting pagkailang sa parte niya.

Ngumiti ito ng tila mabasa ang tumatakbo sa isip niya. "I know it's hard for you na magsabi sa akin ng problema mo dahil matagal tayong hindi naging okay. Siguro, may ilangan pa at gusto kong maalis na iyon ng tuluyan. And I think, this would be the right time para simulan iyon.

Yumuko siya at tumangi rito. Di nagtagal at namalayan na lang niya ang sariling nagkukwento rito. Mataman namang nakinig ito hanggang sa matapos siya.

"I'ts really wrong, son. But what important is, pinagsisisihan mo ang nagawa at ikaw mismo ang nagpatalo."

"Do you think, Dad, mapapatawad niya ako?"

His Dad nodded. "Yes. Just explain everything to her at mag-apologize ka."

"Well, I've been doing that since the day I realized na mahalaga siya sa akin at hindi ko po siya kayang saktan."

"That's good. Just do your best and I'm sure na magigung okay din ang lahat sa pagitan niyo."

He smiled at him. "Thank you, Dad."

"But I'm telling you ngayon palang, it would not be easy, son."

Nag-aalalang tumingin siya rito. "What do you mean, Dad?

But he did not answer him. He just stood and tapped his shoulder bago tumalikod na sa kaniya.

" Wait, Dad!." pigil niya rito." What do you mean by it would not be east for me? "

Lumingon naman ito." Malalaman mo rin, son if ever."

Nagtatakang nasundan na lang niya ng tingin ang ama. Kung ano man iyon, ayaw na niyang malaman pa. Ayaw niyang isipin na magagalit sa kaniya si Aianiell...

Kanina pa tahimik si Yudge sa upuan niya. Si Kyle at Lux ay tahimik namang ino-obserbahan siya. Si Ridge ay nagpunta sa tita nito para magtanong tungkol kay Aianiell. Susubukan daw kung may malalaman ito since, ang tita nito ang School Dean at ito rin mismo ang nagbigay ng scholarship kay Aianiell.

They already know what happened. Last Friday ay ipinaalam niya sa mga kaibigan ang pag-alis ni Aianiell sa boarding house nito. Pati na rin ang tungkol sa text nito na nagsasabing alam nito noon pa ang tungkol sa dare. And he really regrets that, kahit ang mga kabarkada. They saw his pain, after all, hindi naman niya itinago iyon sa mga ito.

They returned his credit card and the key of his car. Humingi rin ng tawad ang mga ito sa kaniya dahil sila raw ang pasimuno ng pustahan. But he told them na lahat sila ay may kasalanan. Kung hindi naman kasi siya sumang-ayon sa mga ito, walang dare na mangyayari.

Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung kailan papasok si Aianiell. Nakausap niya kanina si Shana and she told him na kahit ito ay hindi alam kung kailan babalik ang kaibigan. Wala raw itong alam kung bakit di napasok si Aianiell since Friday, last week. It's already Wednesday at sa totoo lang, nami-miss na niya ang girlfriend. He's not even sure kung nagsisinungaling sa kaniya si Shana. Baka may alam talaga ito pero ayaw lang sabihin sa kaniya.

Naipilig niya ang ulo.. Girlfriend? Wala nga pala silang relasyon at alam iyon ni Aianiell since day one. She heard everything about the dare. Kaya pala sinagot agad siya nito. Gusto niyang magalit dahil siya ang parang lumalabas na napaglaruan. But then, alam niyang wala siyang karapatan para magalit dahil siya naman ang nagsimula ng lahat. Sumang-ayon lang ito sa kaniya.

It was really his fault. At hindi niya maiwasang masaktan lalo na at tinatanong niya ang sarili kung lahat ba ng ipinakita nito sa kaniya ay pawang pagkukunwari lang? He doesn't want to accept that, dahil iba ang nakita at naramdaman niya noong mga panahon na magkasama sila. And his heart knew about that.

Napatigil siya sa iniisip at napaayos ng upo ng dumating si Ridge. Agad itong lumapit sa kanila. Palibhasa'y walang klase kaya kung ano-ano ang pinaggagagawa ng mga kaklase nila.

"Oh, ano 'tol?" bungad dito ni Lux.

Umupo ito sa lamesa at tumingin sa kanya. "Totoong transferee si Aianiell Mortez pero hindi talaga siya scholar."

"Hah? So, paano siya nakapasok dito?" tanong ni Lux.

Nakikinig lang siya sa mga ito.

"Siyempre, nagbayad ng tuition." sagot ni Ridge. "Kayang-kaya naman pala niyang mag-aral dito."

"Eh bakit ang sabi nung kaibigan niya at ng tita mo scholar siya?" nagtatakang tanong ni Kyle

"Iyon lang ang sinabi ng tita, ewan lang pagdating doon sa Shana. Maybe, hindi rin nun alam kung sino ba talaga si Aianiell."

"Anong ibig mong sabihin?" hindi nakatiis na tanong niya.

"Aianiell Mortez came from America at bumalik siya ng Pilipinas para dito na ipagpatuloy ang studies niya."

"Really? So, why the pretentions?" Kyle asked.

"That is because she wants to live a simple life."

"Ang galing ha? Ni hindi man lang natin napuna."

"Simple lang kasi siya. Sa pananamit, sa kilos, and remember, sa boarding house lang siya tumutuloy?" bumaling sa kaniya si Ridge. "Wala ba talaga siyang nabanggit sayo?"

Hindi siya sumagot. Hindi niya maproseso ang mga nalalaman sa kaibigan.

"Bakit pala hindi na siya napasok?" usisa ni Lux.

"Nag-excuse raw for 1 week. She's with her lola and lolo. Isinaman sa America."

Napatango-tano na lang sina Kyle at Lux.

"Tinanong nga ako ni tita kung bakit ang dami ko raw tanong tungkol kay Aianiell. Sinabi ko na ang totoo. Sabi pa nga niya, Yudge...i't won't be easy daw kung nagalit nga siya sa ginawa natin."

He stared at Ridge. Was it just a coincidence na pareho ang sinabi ng daddy niya at tita ni Ridge?

" Bakit naman daw? "curious na tanong ni Kyle.

" Eh apo pala iyon ng dating chief director ng AFP. Iyong ang pangalan ay Arnulfo Mortez? At ito pa, Lt. Colonel lang naman ang daddy niya. Do you know Mr. Wilson Mortez?" tumango sila." That's her, dad. Dalawa rin ang tito niyang lieutenant, idagdag niyo pa ang kuya niya.

Napanganga sina Kyle at Lux sa narinig while he remained silent. Kaya pala sinabi ng daddy niya na hindi magiging madali para sa kaniya ang lahat. It was because she is surrounded by high ranking officials of AFP. At alam niya, kahit general ang daddy niya hindi ito makikialam lalo at hindi basta-bastang tao ang pamilya ni Aianiell.

Pero bakit hindi nito iyon sinabi sa kaniya? Bakit naglihim ito? Isa pa, bakit ito pinayagan ng mga magulang na magboard lang?

Tila iisa ang nasa isip nila ni Kyle dahil narinig niyang itinanong nito iyon kay Ridge.

"Siguro, pakiramdam ni Aianiell nakakulong siya sa kanila kaya hayun, nagrent ng kuwarto. Isa pa, ayaw siguro niyang kakaibiganin lamang siya dahil kilala ang pamilya niya. Look, si Shana Gomez lang ang kaibigan niya rito."

"Kailangan buong pangalan talaga 'tol?" natatawang asar ni Kyle rito. "At kailan mo pa nalaman ang apelyido ni Shana?"

Natigilan naman si Ridge at bahagyang namula ang mukha. Nang makahuma, sinamaan ng tingin si Kyle. "Tigipan mo nga ako. Si Yudge ang concern dito." bumaling ito sa kaniya. "Paano na?"

Hindi siya umimik bagkus ay mabilis na nagpaalam sa mga ito. May mahalaga siyang pupuntahan at aasikasuhin. Gusto niya, pagpasok ni Aianiell ay okay na ang lahat.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C11
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen