App herunterladen
28.57% 1 MONTH DARE (and the 14 Roses) / Chapter 4: Chapter 3 - That Unknown Feelings

Kapitel 4: Chapter 3 - That Unknown Feelings

Lumipas ang isang linggo na laging si Yudge ang nasusunod sa mga lakad nila. Lagi siya nitong dinadala sa restaurant. Kung minsan naman ay sa mall. Kung ano-ano nga ang gustong bilhin nito para sa kaniya pero panay ang tanggi niya. At ipinagpapasalamat naman niyang hindi nito iyon ipinipilit.

"Girl, anong ipinakain mo kay Yudge?" interesadong tanong sa kaniya ni Shana.

"Wala?"

"Weeh? Eh bakit lumampas kayo ng isang linggo?"

Hindi siya nagsalita. She knew that like those other girls out there, Shana was just curious why Yudge is still in a relationship with a girl. He's known for being playboy. Hindi nagtatagal ang relasyon nito sa isang babae. Tatlong araw lang ang pinakamatagal na nakarelasyon nito. At kung belssing man na matatawag o himala ang mayroon sila ngayon, hindi niya alam. After all, she knows better.

"Hoyyy!" untag sa kaniya ng kaibigan. Tinatanong kita. "

Inimis niya ang mga gamit. "Hindi ko rin alam, okay?"

"Oh, saan ka pupunta?" nagtatakang tanong nito.

"Uuwi na."

"Wala kayong date ni Yudge?"

Natigilan siya. Araw-araw ay may date sila ni Yudge. Pero kanina ay nagpaalam itong may practice ng basketball. Napangiti siya ng may maisip na kalokohan. Maybe, it is the right time para bumawi rito.

"Meron, at pupuntahan ko na siya." nakangitinh nagpaalam na siya sa kaibigan.

"Okay, enjoy!" sigaw nito nang makalayo siya. "By the way, i-hi mo ko kay Ridge ha!"

Natatawang sinenyasan na lang niya ito.

>>>

Samantala, sina Yudge ay naroon sa loob ng gym at nagpa-practice.

"Uy 'tol, buti at pumayag ang gf mo na wala kayong date ngayon?" biro ni Lux.

"Ba' t naman hindi papayag? At kung hindi man iyon pumayag, magpa-practice pa rin ako 'no."

"Talaga lang, huh?" tila hindi naniniwalang saad ni Kyle.

Kumunot ang noo niya. "Bakit, sa tingin niyo ba ipagpapalit ko ang basketball doon?"

Nagtawanan ang mga ito.

"Bakit, hindi ba?" kumikislap ang mga matang pang-aasar ni Ridge.

"Of course not! Bakit ko naman gagawin iyon eh mas mahalaga sa akin ang pagbabasket ---"

"Hoy Salvido! Narinig ko iyon huh!!"

Dagli siyang napalingon sa sumigaw at si Aianiell ang nakita niya. 'Patay!' tiningnan niya ang mga kabarkada na nagpipigil ng tawa. So, they knew na naroon si Aianiell. Sinamaan niya ng tingin ang mga ito pero sinenyasan lang siya ng 'lagot sign.'

" Mas mahalaga naman pala sa iyo ang basketball eh, di magbreak na tayo!"

"Oww, paano ba yan.. talo ka na 'tol." bulong sa kaniya ni Ridge.

"Hoy, ang usapan ako dapat ang makipagbreak at hindi ko pa tinatanggap ang break up niya." angil niya bago ito tinalikuran.

Lumapit siya kay Aianiell na nakapameywang pa rin sa kaniya. "Hey, I'm just kidding lang kanina. Hindi iyon totoo, nagbibiruan lang kami."

Tumaas ang kilay nito. "Biruan? Hindi 'ata iyon ang narinig at nakita ko."

"Ow come on, kahit tanungin mo pa sila." he looked at his friends who were smiling differently at him. He just ignored that at sinenyasan ang mga ito na tulungan siya.

"Ah oo, nagbibiruan lang kami Aianieell." pigil ang tawang saad ni Lux.

"See?" baling niya rito.

"Hindi ako naniniwala."

"Okay, what do you want me to do para maniwala ka?" pigil ang inis na tanong niya. Hindi siya papayag na lihim na pagtawanan ng mga kabarkada. Hindi rin siya pwedeng matalo sa usapan nila.

"Date me." seryosong sagot nito

Napangiti naman siya sa sinabi nito. Maybe, she's just missing him kaya nagawa ito ng dahilan para makasama siya.

"Iyon lang pala eh. I'll date you after ng practice." nakangiting wika niya rito.

Tumalikod na siya at mayabang na kumindat sa mga kabarkada. Pero natigilan siya ng biglang magsalita ito.

"I mean, date me... NOW!"

Narinig niya na nagreact ang mga kaibigan.

"Owww, paano ba 'yan, basketball o date Lux?" kantiyaw ni Ridge.

"Ako, basketball." natatawang saad ni Kyle.

"Siyempre date!" pang-aasar ni Lux.

Hindi niya pinansin ang mga ito at inis na hinarap si Aianiell. "Look, kung gusto mong magdate... ikaw na la ---"

"Okay. Then, break na tayo!" at mabilis itong umalis sa harapan niya.

Pero muli itong lumingon kaya akala niya ay babawiin nito ang sinabi pero iba ang narinig niyang binanggit nito.

"By the way Ridge, HI nga raw pala sabi ni Shana!" and then she left.

Hindi agad siya nakapag-react. Hindi niya alam pero tila may naramdaman siyang kung ano ng tila wala lang dito ng sabihing wala na sila at talikuran siya. Napapitlag na lang siya ng magsigawan ang mga kabarkada.

" Yes!!! Paano ba 'yan, panalo tayo!"

"Okay! Bukod sa may kotse na tayo, alipin pa natin si Yudge." masayang dagdag ni Ridge.

"Ridge, mukhang may bago kang admirer ah?" kantiyaw ni Lux na ang tinutukoy ay si Shana.

"Pss, ako na naman ang nakita mo. Dapat iyang si Yudge kasi talo na siya! Wew! Paano ba iyan pre?"

'Shit!' naiinis na hindi niya pinansin ang mga ito at mabilis na hinabol si Aianiell. He didn't see her in the corridor. At kahit saan siya tumingin ay di niya nakita ang hinahanap.

Hinarang niya ang isang babaeng nakasalubong." Hey, have you seen Aianiell?"

"H-h-huh?" inis na tumalikod siya ng mapansing walang mapapala rito.

Lumapit siya sa ilang kalalakihan na nakatambay sa corridor. "Excuse me, have you seen my girlfriend?"

"Si Aianiell, I think nasa may gate na iyon." sagot ng lalaking may kulot na buhok.

Nagpasalamat siya rito bago mabilis na tumakbo papuntang gate.

"Bakit parang nagmamadali si Yudge?"

"Narinig ko, hinahanap ang girlfriend."

"Wow! Siya na ngayon ang humahabol sa babae, huh?"

Hindi niya pinansin ang mga narinig. Hindi rin niya alam kung bakit natataranta siya. Kung tutuusin, pwede namang hayaan na niya ang babae eh. Ano naman kung wala na sila? Hindi naman ito mahalaga sa kaniya. 'Hindi nga ba?'

'Aixst!' ipinilig niya ang ulo.

Ginagawa niya ito dahil ayaw niyang matalo sa usapan nila ng mga kaibigan. Oo, tama iyon nga.

Itinaboy na niya ang anumang iniisip at ipinagpatuloy ang paghahanap kay Aianiell.

>>>

Nakalabas na ng gate si Aianiell ng may humawak sa kamay niya. Tiningnan niya kung sino iyon at si Yudge ang nakita niya. Hinila siya nito patungo sa kotse nito at binuksan iyon.

"Sakay." utos nito.

"Excuse me?" kunot-noong tanong niya.

"Okay, ide-date na kita. I'm sorry." seryosong wika nito na ikinatigil niya.

"Ano?" untag nito ng hindi pa rin siya kumibo.

Inilabas niya ang panyo at lumapit dito. Pinunasan niya ang mukha nito dahil naliligo ito sa pawis. Tila ikinagulat naman nito ang ginawa niya. Hindi ito nagsalita at hinayaan lang siya sa ginagawa.

"Bakit ba pawis na pawis ka?" tinitigan niya ito at bigla siyang natauhan sa ginawa ng makitang titig na titig ito sa kaniya.

"Agad siyang napalayo rito." Ahmm, may extra shirt ka ba? "

Tumango naman ito bago inalia ang tingin sa kaniya.

" Magpalit ka ng shirt. "

Tahimik namang sumunod ito na ikipinagtaka niya. Dati-rati kasi kapag inuutusan niya ito, nakikipagtalo pa ito sa kaniya.

"Date na tayo." wika nito nang humarap sa kaniya.

She lifted her eyebrow. "Break na kaya tayo."

"Look, I'm sorry. I didn't mean what I said a while ago." Ewan ba niya, pero naramdaman niya ang sincerity nito ng sabihin iyon.

"So, ayaw mong magbreak tayo?" pigil ang ngiting tanong niya.

Hindi naman agad ito nakasagot. Tila nag-iisip pa ng dapat sabihin.

"So?"

Tumango naman ito bago yumuko.

She smiled. "Okay, payag na akong magdate tayo, but in one condition."

Pinalis niya ang ngiting lumingon na ulit ito sa kaniya.

"Ano?"

She didn't answee him and just turned her back.

"Hey!"

"Let's go."

"Wait, saan?"

"Magde-date."

"But my car is here?"

"Maglalakad lang tayo." nangingiting wika niya bago mabilis na itong iniwan.

>>>

"Hey, saan ba talaga tayo?" huminto ito sa paglalakad.

"Look! Bili tayong ice cream." mabilis siyang lumapit sa ice cream vendor. "Manong, dalawa nga po sa tinapay. Pahiling po, huh?"

>>>

Kunot-noong lumapit si Yudge kay Aianiell. "Kumakain ka niyan?"

Nagtatakang tiningnan siya nito. "Don't tell me, hindi ka nakain ng ice cream? "

" Of course, kumakain ako. " inis na sagot niya." What I mean is, kung gusto mo pala niyan di sana doon tayo bumili sa --"

" Hep, hep, hep! "putol niya rito." Mas gusto ko ito. "

" But sure ka bang malinis iyan? " Hinampas siya nito." Aray! Bakit? "

" Mahiya ka naman kay Manong! At pwede ba, malinis ito ano? Ang tagal ko na kayang kumakain nito. "Kinuha nito ang dalawang tinapay na may palamang uce cream.

" Bayaran mo. "sabi nito bago siya tinalikuran.

Naiiling na lang na inabutan ng isandaan ang vendor.

"Naku hijo, sobra ito. Php20 lang."

"Ho?" gulat na tanong niya. Ang mura naman ng ice cream nito. Hindi kaya ito nalulugi?

"Php20 lang kako, Hijo." ulit nito.

"Ah, keep the change na lang ho." at tumalikod na siya rito.

"Naku, salamat Hijo!" sigaw nito.

Hindi na lang niya ito pinansin at tumabi kay Aianiell na nakaupo na sa isa sa mga benches na naroon sa park. Kinakain na nito ang isang tinapay.

Iniabot nito sa kaniya ang isa. Nagtatakang tiningnan naman niya ito.

"Kainin mo."

"Huh?" ayaw nga niya. "Iyo na la---"

"Malinis ito, kainin mo." nagbabanta ang mga matang saad nito.

Napipilitang kinuha niya ang iniabot nito. Nakatingin lang ito sa kaniya at tila hinihintay na isubo niya ang tinapay na may ice cream.

He looked down at the food on his hand at lumunok bago dahan-dahang isinubo iyon. 'Well, it tasted good.'

"See, masarap di ba?"

Tumango siya. "Hindi ko alam na may ganito pala. Ah I mean, iyong pwedeng ipalaman ang ice cream sa bread."

"Sanay ka kasing kumain sa mga restaurant."


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C4
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen