App herunterladen
97.82% Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 45: Ang Sakripisyo

Kapitel 45: Ang Sakripisyo

Anda, Bohol

Kami ay napadpad sa lugar na puno ng kagubatan. Nang kami ay bumaba na sa aming destinasyon, isang munting bahay kubo ang nasa harapan namin. Kami ay tutungo na sana sa loob ngunit may lumabas na dalawang panauhin, ito ay mag-asawa at sila rin ay matanda na.

"Halika na Heleana."Saad ni Yurika, tsaka hinawakan ang aking kamay.

Nakita kong bumalik kaagad sa loob ang matandang babae nang nakita niya ako, tila ito'y natatakot sa aking pressensiya. Isinirado niya ang mga bintana . Tutungo na sana kami sa loob ngunit sinigawan niya kami.

"Lumabas ka sa aming bahay!"Sigaw ng matandang babae. Kami ay nagulat sa kanyang sinabi. Tumingin ako sa matandang lalake ngunit pati rin siya ay nakayuko.

"Hindi na namin kayo matutulungan, patawad."Humingi ng paumanhin ang matandang lalake.

"Pero kayo lang ho ang makakatulong sa kaibigan ko. Ba't niyo po kami tinataboy?" Nagtatakang tanong ni Janine.

"Hindi ko kayo maililigtas, lalong-lalo ka na."Itinuro ako ng matandang lalake. Ako'y nakaramdam ng kaba ng tinitigan niya ako ng maigi sa kanyang mga mata.

"Sa oras na mapapanganak mo ang halimaw na iyan, mamatay ka. Magdidilim muli ang mundo."Saad ng matandang lalake. Ako'y napahigpit sa hawak ni Yurika, pati na rin ang aking pagkahawak sa aking tiyan.

"Magtatakip-silim na, hahanapin ka na ni Hudas."Paalala ng matandang babae.

"Paano ko ho maililigtas ang anak ko na hindi magiging isang halimaw?"Buong lakas kong tanong sa kanya.

"Ikaw ang babaeng manganganak ng lalake, kabilang ka sa mga pambihirang babaeng nanganganak ng lalake kada isang libong taon na ang nakalilipas."Kuwento ng matandang babae.

"Bakit di mo sinagip ang iyong sarili sa simula pa lamang?" Tanong ng matandang babae.

"Paano mo naakit si Hudas?" Tanong muli ng matandang babae na kinatauhan ko bigla.

Sunod-sunod siyang nagtanong sa akin. Wala akong imik, nabubuo na ang mga luha sa aking mga mata. Wala akong mahanap na sagot sa aking kaisipan at wala ring lumalabas na mga salita sa aking mga bibig.

"Babalik ka pa rin sa kanya." Bulong ng matandang babae. Tumulo na ang mga luha sa aking mga mata na aking pinipigilan kanina pa.

"Pwede mo masagip ang bata na hindi magiging halimaw pero ang buhay mo ang nakataya." Paalala muli ng matandang babae.

"Ang nauunang anak ni Hudas ay mga babae, kinakain niya ito upang lumakas ang kanyang kalusugan. At papasok muli sa kanyang asawa upang bigyan siya ng ikalawang anak na lalake." Sabi ng matandang lalake.

"Pero sa sitwasyon mo, ang lalake ang nauna. Magiging mas malakas ito sa kanyang ama." Tumingin siya sa akin.

"Didilim muli ang mundo at mababalot muli ito ng kasamaan."Sabi niya at binigyan ako ng kwintas na may krus.

"Ibang-iba ka sa aking nakikita, nag-iisa ka. Tinuruan mo magmahal ang isang demonyo." Ani ng matandang babae. Siya'y tumungo pa ng mas malapit sa akin.

"Binigay mo ang iyong pagkababae, iyong kaluluwa, at lalong-lalo na ang iyong damdamin." Saad ng matandang babae.

"Hindi nakakalabas ng buhay ang kanyang mga asawa kapag ito'y tumakas, lalong-lalo na kapag ito'y nagdadalang tao."Sabi ng matandang lalake. Ako'y nagtaka sa kanyang sinasabi.

"Nakita mo na ba si Hudas?" Nagtatakang tanong niya.

"Hindi ho siya nagpapakita ng kanyang mukha. Pero nakita ko ang kanyang halimaw na anyo."Pagsisinungaling ko.

Natahimik sila sa aking sinabi.

"Hindi ka ba natakot?"Tanong ng matandang babae.

Ngayon ay nanginginig na ang buong katawan ko.

Takot na takot ako ngunit may parte sa aking kalooban na hindi. Dahil ba pareho kaming malungkot, dahil ba pareho kaming dalawa na may hinahanap o dahil ba wala na kaming nagawa kundi sundin ang kasunduan.

"Iha."Natauhan ako ng hinawakan ako ng matandang lalake.

"Hinahanap ka na niya." Saad ng matandang lalake at ipinakita sa akin ang langis na kumukulo.

"Ano ho ang dapat kong gawin?"Tanong ko sa kanya.

"Madali lang."Ani ng matandang babae. Ako'y tumingin sa kanya, may ikinuha siyang libro sa ilalim ng kanyang kama. Ito'y binuksan niya at ibinigay sa akin.

"Ikaw ay manganganak, ngunit ito'y kapalit ng iyong buhay."Saad nito. Ako'y tumingin sa kanya.

"Hindi ba noon ay tinalikuran mo na ang iyong buhay?"Tanong nito. Ako'y nagulat sa kanyang tanong. Naaalala ko ang pangyayaring tinangka kong magpakamatay.

"Paano-"Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng binuksan ng matandang lalake ang pintuan.

"Gabi na."Ani niya. Ako'y tumingin sa labas. Maraming guwardiya na nakahintay.

"Anong ibig sabihin nito?"Agad na tanong ni Yurika. Ako'y tumingin sa aming paligid at hinanap si Janine.

"Asan si Janine?"Pag-aalalang tanong ko.

"Sino?"Tanong ng lalake. Ang matandang babae ay yumuko.

"Siya'y nagsakripisyo ng kanyang buhay." Saad nito. Ako'y nagulat, pati si Yurika ay tulala rin.

"Wala na siya noong kayo'y lumabas sa lagusan."Ani ng babae at inilipat ng pahina ang libro. Ito'y ipinakita sa akin.

"Sa oras na kayo'y lalabas ng lagusan, may buhay na i-aalay."Ani nito muli. "Siya'y nagsakripisyo."

Kami ay nakahandusay sa gilid ng dingding ni Yurika. Hindi namin kayang tanggapin ang katotohanan. Kanina'y ramdam na ramdam namin ang kanyang pressensiya, habang ngayon ay wala na siya.

"Heleana."Tawag ni Yurika sa akin. Ako'y tumingin sa kanya habang ang mga mata namin ay puno ng luha.

"Bakit hindi ako yung ikinuha?"Tanong niya. Kami ay napuno ng katahimikan.

"Huwag ka ngang magtanong ng mga ganyan."Ani ko sa kanya. Sumakit ang aking tiyan dahilan ako'y mapahawak nito kaagad.

"Hindi pa ba kayo lalabas?"Agad na tanong ng matandang lalake.

"Anong nararamdaman mo?"Tanong ng matandang babae.

"Wala ho. Normal lang ho ito na pangyayari."Ani ko. Kami ay agad na tumayo at lumabas. Nakita kong hinawakan ng matandang babae si Yurika at nag-usap sila ng matandang babae sa di kalaunan.

Ako'y nanatiling mag-isa sa karwahe, hinihintay ko si Yurika ngunit wala pa rin siya. Ako'y lumabas sa loob at papasok na sana sa loob ng bahay ngunit ako'y inihinto ng guwardiya.

"Gusto kong pumasok."Ani ko sa kanya.

"Hindi mo makikita ang iyong hinahanap."Ani ng lalake. Ako'y tumungo nito at binuksan. Walang katao-tao. Ako'y tumalikod, nakita kong nakaupo na si Asher sa isang upuan.

"Kamusta?"Tanong niya. Ako'y napahinga ng malalim.

"Mabuti naman, ikaw?"Tanong ko sa kanya. Kami ay nagkatitigan lamang kagaya ng dati habang hinihintay ang isa sa amin na umuna ng salita.\


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C45
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen