App herunterladen
92.3% Lie, Rylie. / Chapter 24: Lie, Rylie 24

Kapitel 24: Lie, Rylie 24

Akio's POV.

Maging babae ka naman.

"Himala gumagala ka na sawa ka na ba sa mga libro sa bahay nyo?" Pangaasar sa akin ni Ryan. Hindi siya makapaniwala na bumisita ako sa kanya.

Kailangan ko lang ng makakausap, pakiramdam ko sasabog ako kapag nasa bahay ako. Hindi din ako makapagbasa ng maayos dahil si Rylie lang din ang tumatakbo sa isip ko.

"Tsk, nababaliw ba ako kapag wala siya." Dalawang linggo ko ng hindi nakikita si Rylie. Sa loob ng panahon na yun nababaliw ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nararamdaman ko lahat ng ito.

"Binasted ka na pre pinipilit mo pa, desperado na." Binatukan ko siya sa sinabi niya.

"Pre umamin siya sa akin, mahal niya ako pre," wala akong natanggap na magandang reaksyon mula sa mukha niya.

"Baliw ka na talaga," dagdag pa niya.

"Bahala ka na nga kay Ciro na lang ako magpapatulong!" Pagmamaktol ko habang papaalis ako ng kwarto niya. Hinawakan niya ng magkabilang kong balikat at pinaupo ulit sa kama niya.

"Tol, binibiro lang kita di'ba sabi niya sa pasko magkikita na kayo. Dalawang araw na lang ang hihintay mo tol!" Pangangatwiran niya.

"Tol, gusto ko siyang sopresahin. Kailangan ko ng tulong mo." Sambit ko.

Kay Ciro sana ako lalapit kung paano nita ako tutulungan sa sa sopresa ko kay Rylie pero dahil si Ryan ang may pinakamagaling umarte siya na ang nilapitan ko. Ayaw ni Ciro yung plano ko pero kapag sinabi ko kay Ryan siguradong papayag 'yan basta kalokohan.

Sinabi ko na ang plano ko sa kanya. Nabanggit ko din na nandun na sina Ciro at Drei nagaayos ng mga bagay-bagay. Mamayang gabi ko isasakatuparan ang plano ko.

"Baka bugbugin ako ni Rylie, pero para sayo gagawin ko." May pagaalala niya sambit sa akin.

Sana gumana yung plano, ayaw ni Rylie ng mga romantic date mahilig siya sa mga mababangis at extreme na activities. Ilang araw ko na din pinagisipan yung plano kaya sa tingin ko walang aberyang magaganap mamaya.

Umalis na ako ng bahay nina Ryan para magayos at maligo para mabango ako kapag nakita ako ni Rylie mamaya. Simpleng damit lang ang sinuot ko para hindi mahalatang sosorpresahin ko siya.

To: Rylie

Where are you? Nasa condo mo ako.

Hindi ko siya natagpuan sa condo niya kaya nagtext ako para alamin kung nasaan siya. Nagalala ako baka hindi matuloy ang plano ko dahil wala siya dito. Nakakainis.

From: Rylie

I'm on my way wait for me.

Napangiti ako ng malawak sa reply niya. Dadating siya tuloy ang plano. Ilang minuto din ang lumipas at nakita ko na ang maaliwalas at maganda niyang mukha. Na-miss ko ang mahal ko ng sobra.

"Sobra napatagal ako may binisita pa ako."

"I miss you." Ito na lang ang nasabi ko habang nakatitig sa kanya. Gusto ko siyang yakapin kaso baka magtaka siya sa mga kinikilos ko. Ayokong maramdaman niyang nagte-take advantage ako sa kanya.

"Ang weird mo, bakit ka napadalaw?"

"Pinasundo ka sa akin ng tropa." Palusot ko.

"Nasaan sila?" Takang-taka niyang tanong.

"Basta ang daming tanong! Tara na magdidilim na."

Hindi na siya nagtanong pa at sumunod na lang din sa akin. May kotse akong dala hiniram ko kay Ciro. Ito ang ginamit ko papunta sa venue ng lugar.

"Nandito talaga sila seryoso ka ba?" Tawang-tawa niyang tanong. Pinagbuksan ko siya ng pinto para makalabas ng sasakyan.

"Nandito nga sila, bakit naman kita dadalhin dito kung wala sila." Pagmamatuwid ko.

Asylum Manila

Nasa harapan kami ng isang sikat na horror house sa Manila. Nasa loob na ang mga mokong at naghahanda na para sa plano.

"Pasok tayo sa loob, huwag kang matakot nandito naman ako." Ngumiti ako sa kanya at naweirduhan lang siya sa nga kinikilos ko.

"Sira hindi naman ako takot sa mga ganyang lugar." Banat niya.

"Wag kang magsalita ng tapos hindi mo alam ang kwento ng horror house na 'yan."

"Sige nga anong kwento?" She asked.

"Basta, tara na dami mong tanong."

Wala na akong oras para makipagtalo sa kanya. Naaawa ako kay Ryan baka init na init na siya sa costume niyang suot. Si Drei ang bahala sa mga ilaw at projection sa loob ng horror house. Si Ciro naman ang magliligaw sa mga tao para hindi mapasok yung hinanda kong dinner date sa loob ng horror house.

May 50 rooms ang bahay na ito. Iba't-ibang takot ang daka ng mga kwarto ito. Ang plano kailangan matakot ng malala si Rylie sa bawat kwartong papasukan namin hanggang makapunta kami sa kwartong pinaghandaan namin.

We walked in already shaking in my shoes, sweating through my cotton shirt after our encounter with the zombie nurses and caped ghoul. And the first room we entered was Dr. Vanicutt's abandoned operating room, which had streaks of dried blood on the wall and a dissected cadaver resting on the surgical table.

When we walked past it, a deranged patient popped out of its stomach. Sumigaw ako na parang natatakot ako para matakot din siya pero bigo ako. Walang reaksyon lumabas sa mukha niya.

Dahil hindi siya natakot tumakbo kami sa kabilang pinto. We ran through a crematarium. There was a skeletal ghoul burning what were supposed to be his past victims in a bloody prison cell. Nang papalapit na sa amin ang nasusunog na bungo ng katawan ng tao tinadyakan lang ni Rylie ang mga ito.

"Ano klase kang babae?" Manghang tanong ko. Hindi niya ako sinagot at hinila ang kamay ko sa kabilang pinto. Mukhang nage-enjoy pa siya sa mga nangyayare.

These were unnerving, but the most skin-tingling room was the bedroom of Anastasia, Dr. Vonecutt's missing daughter. The Victorian-style interiors were lined with demented dolls and stuffed animals.

"Ang cute ni anastasia, kamukha siya ng katabi niya si Anabelle." Turo niya sa life-sized animatronic Annabelle. Nakipag-picturan pa siya kay Anastasia at pumayag naman ito at ngumiti. Kanina lang wala siyang kibi habang nagsa-slide sa rocking chair niya ngayong

nakita niya si Rylie nagagawa mo pang ngumiti!

Tomboy ka ba?

Before we exited the room, a life-sized animatronic Annabelle doll sitting at the center of the room in a rocking chair suddenly came to life.

Napabalikwas kami ng tingin sa kanya. Akala namin ay simpleng life sized doll lang siya pero nagkamali ako. Totoong tao. Na-weirduhan ako sa kinikilos ni Rylie dahil nilapitan niya ang manikang tao at pinisil ang pisngi nito.

"Hilig mong mag stop dance ha," bulong niya dito. Walang kibo ang manika at nakatingin lang sa tuwid na direksyon ng kanyang mata.

"Rylie tara na, madaming pang pintong papasukan." Inip kong sambit sa kanya.

Ilang pintuan na ang pinasukan namin, peri hindi pa din siya natatakot. Dapat nakakapit na siya da balikat ko o mahigpit ang hawak niya sa braso pero hindi. Hindi yun ang nagyare. Mukha tuloy ako ang natatakot dito.

Nakita ko na si Ciro sa loob nakacostune siyang IT at si Drei naman nasa gilid niya na nakacostume din habang may inaayos. Walang alam si Rylie na si Ciro ang nag-guide sa amin papunta sa room ni Valak ng The Conjuring.

Madami na kaming sinayang na oras dito na kay Ryan na ang huling baraha sana matakot niya si Rylie. Si Ryan ay si Valak na aaligid sa amin sa loob ng red room. Siya din ang magtatakot sa amin para makapunta kami sa room na dapat namin kalagyan.

May tiwala ako kay Ryan kay Rylie wala. Maging babae ka naman kahit ngayon lang.

"Maging babae ka naman," bulong ko sa kanya.

"Ano?" Sigaw niya.

"Wala tara na!"

#

Asylum Manila Story:

The zombie nurse who guarded the entrance told us the fictional tale of Asylum Manila. Dr. Vanicutt, a once-celebrated psychiatrist, opened the Asylum in 1939 to treat mentally ill patients in Manila. When his wife passed away and his daughter Anastasia mysteriously disappeared, Dr. Vanicutt also lost his mind. Instead of treating his patients, he began performing grotesque and unthinkable surgeries on them.

Now, the Asylum is riddled with evil, haunted by tortured souls, and crawling with deserted patients seeking a way out. Rumour has it that Dr. Vanicutt is still residing in the Asylum waiting for new patients to torture.

A/N: Nilagay ko na dito baka magtanong yung iba at baka hindi ko na din malagay dahil busy.

A/N: Hindi po ako nage-edit ng works ko first draft final na yun hehe. Tsaka ko na aayusin kapag tapos na. Salamat sa inyo mahal na mahak ko kayo.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C24
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen