App herunterladen
73.07% Lie, Rylie. / Chapter 19: Lie, Rylie 19

Kapitel 19: Lie, Rylie 19

Akio's POV.

Masaya ka ba?

Nakita ko si Rylie, nakaupo sa isang punongkahoy, nakatingin sa malayo at mukhang malayo ang iniisip.

"Bakit nasa labas ka pa?"

"Hindi ako makatulog, pumasok ka na gusto ko mapagisa."

Hindi ako nakinig sa kanya at hindi ko alam kung bakit ako napaupo sa tabi niya.

"Hindi rin ako makatulog pero ayokong mapagisa." Ngumiti ako sa kanya.

"Kapag ba nagpakamatay ako sasama ka?" Seryoso ang mukha niya habang sinasabi ang mga linyang hindi ko aakalain na maririnig sa kanya.

"Sira ba ako, syempre hindi." Tumawa ako. "Tsaka bakit ka naman magpapakamatay sira ka ba?" Pagbibiro ko.

"Sira na ako matagal na," tumawa din siya ng malakas at napalingon sa malayo. Pinahidan niya nang patago ang mga luhang papatak pa lamang. Nasasaktan ako kapag nasasaktan siya.

"Ano bang gumugulo sa isip mo?" Tanong ko sa kanya.

"I lost my him, I lost my dad he abandoned me," gumuhit ang malungkot niyang mukha. "Hindi pala lahat ng kadugo mo pamilya mo, dati akala ko hindi niya ako iiwan kase siya lang ang kakampi ko kapag pagtatalo kami ni mom, siya ang unang lalakeng minahal ko..."

Pinahidan ko ang luhang kanina pang gustong pumatak sa kanyang mga mata.

"Nandito naman ako, kami hindi ka namin iiwan rylie, mahal ka ki- namin." Muntik na akong madulas sa sasabihin ko. Hindi pa ito ang tamang oras lalo na ngayon.

"Your dad love you trust me, walang ama ang iiwan na lang ng ganun kadali ang anak niya."

"May mas mahal na siyang iba ganun naman talaga pag may nawawala may pumapalit baka napaltan lang talaga ako at si mom."

"Nasaan ba ang mommy mo?" I asked.

"She's gone two years ago."

"Sorry, condolence."

"Thank you, pasok na ako."

Ang tatag niya mas lalo niya akong napahanga hindi ko alam na ganito pala ang pinagdaanan niya sa loob ng dalawang taon. Nabuhay siya sa isang mahabang bangungot. Ngayon gabi din hindi ako makatulog sa sinabi niya. Nakaramdam ako na dapat may gawin ako. Yun ay ang pasayahin siya at pilitin limutin lahat ng sakit.

"Rylie! Rylie!" Kumatok ako habang sumisigaw. Binuksan niya ang pintuan at mukhang galit siya dahil sa napakaaga kong paggising sa kanya.

"Ano ba ang aga-aga pa anong trip mo?" Inis na inis niyang sambit. Hinila ko ang kamay niya para ipakita ang gusto kong ipakita.

"Ang ganda... Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko." Nawala ang inis niya at napalitan ng pagkamangha.

We amazed by the view of sea of clouds that sorrounds the mountain. Habang manghang-mangha siya sa kanyang nakikita ako naman ay kinukuhanan siya ng video para siyang nasa shoot ng A Walk to Remember. Napatingin siya sa akin dahil sa ginagawa ko.

"Anong ginagawa mo?" Nakangiti pa din siya.

"Make a pose."

"Ayoko wala pa akong hilamos ikaw kase... Wala kang sinabing may ganito palang magaganap."

"Maganda ka pa din dali, mawawala na yan mamaya."

Nauto ko siya sa unang pagkakataon. Ngayon ko lang nakita ang ngiti niya ngayon. Masaya ako dahil napasaya ko siya. Napasaya ko ang taong mahal ko.

"Masaya ka ba?" Tanong ko kanya.

"Sobra, salamat." Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako kaya nabitawan ko ang kamera na hawak-hawak ko. Hinigpitan ko ang kamay ko sa kanya, naririnig kaya niya ang lakas ng tibok ng puso ko? Kung pwede lang kumawala ng puso ko kanina pa niyang ginawa.

"Thank you for making me happy." She is crying on my shoulder.

"Bakit ka umiiyak akala ko ba masaya ka?"

"Tears of joy."

"Iiyak din ba ako?" Pagbibiro ko.

Hinampas niya ng paulit-ulit ang dibdib ko. "Sira ka talaga."

Wala akong ideya kung saan sisimulan ang misyon kong pasayahin siya. Basta ang alam ko lang palagi akong nandito sa tabi niya. Gusto ko ako ang lalapitan niya sa lahat, mamahalin ko siya palihim, hindi ko hihilingin na ibalik niya ang pagmamahal ko.

"Kain tayo gutom na ako." Pagiinarte ni Rylie sa kalagitnaan ng klase.

"After class."

"Kanina pa naman tapos, galit lang yang baklang prof na yan."

Sumimangot siya at tumingin ng masama sa professor namin.

Halos mag kalahating oras ng overtime ang prof namin. Mainit ang ulo niya dahil madaming hindi nakapagpasa ng paperworks. Katwiran niya ang haba ng dumaan na walang pasok at hindi man lang namin naisingit ang mga dapat gawin. Kasama ako sa mga hindi nakapagpasa, maging sina Ciro, Ryan, Rylie at Drei ay wala din.

"Tumayo lahat ng walang projects at i-explain kung bakit kayo hindi nakapagpasa." Istrikto niyang pahayag.

Anong idadahan ko? Sasabihin ko bang nag hiking kami ng dalawang araw at nakalimutan gawin ang mga school works? Syempre hindi maniniwala yan, sa dami ba naman ng kakalimutan 'yun pa!

"Ser, kase... Nagkasakit po ako," mangiyak-ngiyak na paliwanag ni Ryan.

"Dalawang linggo kang nagkasakit? How unbelievable, remain standing!" Utos niya kay Ryan. Kinakabahan na ako sa sasabihin ko kapag tinanong ako. Kainis!

"Ser, baka naman pwede nating pag-usapan ito..." Kinindatan ni Ciro ang Prof namin. At mukhang tumatalab ang charm niya dahil napapangiti niya ito ng bahagya.

Nilapit niya ang mukha niya dito at sabay bumulong. "Let's talk with deal, please..."

"Take your lunch class."

Naligtas kami dahil kay Ciro nadaan lahat sa pinagbabawal na paraan. Mabuti nagagamit namin ang pagiging babaero niya sa mga ganitong ipit na sitwasyon.

"Ano yung deal Ciro?" Tanong ni Ryan habang kumakain kami. Halatang nangaasar ni Ryan kaya sinamaan siya ng tingin ni Ciro.

"Tingin mo sa akin pumapatol sa kapwa ko lalake? Open naman ako pero di ako ganon tol, yung deal dadalhan ko siya ng alak bukas," paliwanag niya.

"Lucas!" Sigaw ni Rylie habang papalakad si Lucas sa kinauupuan namin. "Join us!" Ngumiti siya kay lucas. Tahimik na umupo si Lucas sa tabi niya.

Hindi niya alam kung gaano niya ako sinasaktan sa ginagawa niya.

"Alis na ako," walang gana kong sambit. Akala ko pipigilan nila ako pero wala silang ginawa ano bang klase silang mga kaibigan? Tiningnan ko si Ryan para sumama sa akin at umiling lang siya. Wala na akong ginawa kung hindi lisanin ang lugar. Napahiya na din ako.

Tinitigan ko sila sa malayo, habang kumakain sila nagtatawanan sila. Mukhang masaya sila kasama si Lucas.

Kailan pa nila naging close si Lucas ng hindi ko nalalaman.

At talagang payag sila na si Lucas ang magiging boyfriend ni Rylie?

Naguguluhan ako sa mga nangyayare, para akong sinaksak patalikod, ang masakit pa mismong kaibigan ko pa.

A/N: 7 days akong hindi makakapag-ud. Sorry;)

#


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C19
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen