AKIO POV.
"Ayos ka lang? H-hindi ka ba nasaktan kanina?" May pagaalala kong tanong sa kanya.
"Ayos lang ako, masakit lang paa ko."
Kung titingnan mukhang masayahin siyang tao. Pero kung tititigan mo ang kanyang mga mata ng matagal mas iba ang makikita mo. Ibang-iba sa kung ano siya ngayon. Gusto ko siyang tanungin kung bakit ang lalim at ang lungkot ng mga mata niya.
Paano ko gagawin yun? Sino ba ako sa kanya?
Tahimik lang kaming nilalakad ang kahabaan ng daan papunta sa condo niya. Wala akong pake kung gaano na kalayo ang nilalakad namin hindi ako napapagod pag siya ang kasama.
"Pagod ka na ba?" Kalmadong kong tanong. Tiningnan niya lang ako at umiling tapos patuloy lang sa paglalakad.
"Yung cp mo nagri-ring, baka importante sagutin mo," utos niya sa akin. Kinuha ko ang cp ko sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag si Ryan ang tumatawag kaya agad ko yung sinagot.
[Tol, nasaan ka na kanina ka pa namin hinihintay!]
[Bakit ba? Anong meron?]
[Tanga tol, nakalimutan mo na? May importanteng client si Ciro sasamahan natin siya diba?]
Shit!
Nakalimutan ko pumayag nga pala ako sa kanya. Nangako pa ako na sasama ako. Anong gagawin ko? Magagalit yun sa akin bukas pag hindi ako sumama.
"Anong problema?" Tanong ni rylie sa akin.
"May importanteng party si Ciro, kailangan nating magmadali." Sagot ko sa kanya
"Sama ako, daya mo naman!" Pagiinarte niya.
"Ikaw bahala." Ayoko makipagtalo sa kanya ngayon. Sinama ko na lang siya at agad din kaming nakapunta sa bahay nina Ciro.
"The bride and the groom are here," kantyaw ni Drei sa amin. Hawak ko pa ang kamay ni Rylie nung nakita nila kaming paparating. Naka-batman costume si Drei. Ang astig niya tingnan.
"Mabuti naman dumating na kayo alam nyo bang kating-kati na ako sa wig na ito" Inis na inis na sambit ni Ryan. Tawang-tawa ako sa itsura niya. Si pennywise ng IT ang portrait niya sa gabing ito. Mukha siyang papatay ng tao sa make-up niya hindi bumagay sa kanya.
"Bakit hindi nyo sinabi na pupunta si rylie? Wala akong costume sa kanya," may inabot si Ciro na paper bag sa akin kinuha ko iyon. Tiningnan ko ang laman ng paper bag. It was a costume of Peter Pan. Ciro is wearing a superman attire. Mukhang pinaghandaan niya talaga ang gabing ito.
"Titingnan ko kung may costume si Cyra na babagay sa theme ng party, tara sama ka sa akin Rylie."
Sumunod si Rylie kay Ciro at ako naman ay pumunta sa fitting room para suotin ang aking costume. Magaan sa katawan ang tela ng costume may sapatos pa na katulad na katulad ng kay Peter Pan. Lumabas ako ng fitting room para pumunta kina Drei.
"Pre, bakat," tawang-tawa si Ryan habang pinagmamadan ang gitna ng pants ko. Bakat nga ang manhood ko dito. Tinakluban ko agad dahil sa hiya. Halloween party naman ang pupuntahan namin kaya hindi na nila mapapansin ang nabakat sa gitna ko kase madilim.
"Fuck you!" I raised my middle finger on him.
"Fuck me daddy!" Pang-aasar niya.
"Nasaan si Rylie?" Tanong ko sa kanila. Nandito na kaming apat sa labas ng bahay pero si Rylie wala pa mukhang nahihirapan siyang humanap ng costume niya.
"Nagsusukat pa pre, di'ko alam kung babagay sa kanya ang binigay ko," may pagkadismayado na sabi ni Ciro.
Mahigit sampung minuto din ang lumipas at hindi pa siya lumalabas.
"Tol... Si rylie..."
Lumabas si Rylie suot ang costume ni Tinker Bell. Lahat kami napatulala sa ganda at elegante ng pagdadala niya ng damit At sa ganda. Hindi siya nagmukhang bata sa suot niya. It was simple and yet beautiful she even bun her hair to looked sexy.
My heart... My heart will burst out my chest.
"Kio... Akio Montenegro!" Ryan waved his hands in front of me.
"May bumubukol..." Nagtawanan sila sa sinabi ni Ryan. Nakakahiya tumigas na lang bigla ng hindi ko namamalayan.
"Ayos ba?" Tanong sa amin ni Rylie.
"Kio, kung ayos daw?" Tinapik ni Ciro ang balikat ko.
"Ayos lang, maganda sayo."
Hindi na kami nagsayang ng oras at pumunta na kami sa venue ng events. Pagpasok pa lang namin sa loob makikita mo na agad kung gaano kayamanan ang nagayos ng lahat ng ito. Sa itaas na bahagi makikita ang isang malaking chandelier na napapaligiran ng nga basong nakalutang at may kandilang puti sa gitna.
Maging ang alak ay nakalagay sa may malaking kawali at hinahalo ng isang witch. Pati ang nga pagkain ay nakabase din sa tema isama na dito ang iba't-ibang klase ng exotic foods.
"Good evening Ciro and to your companion!" Bumeso ang babae nakasuot ng wonderwoman suit.
"Good evening wonderwoman, these are my friends," Ciro introduced us to the lady.
"Shall we go to the backstage?" The lady commanded.
Sumunod si Ciro sa babae at inihatid kami ng isang pang babae sa table namin. Nakaayos na ang table may pagkain at alak na dito.
"Kadiri yung pagkain," aniya ni Ryan habang iniluluwa ang wood worm na tinitikman niya.
"Ang sarap kaya..." sambit ni rylie habang kumakain. Hindi ko din gusto yung pagkain nila kaya umiinom na lang ako ng alak.
"Kio, pahiram cp ang boring," binigay ko ang cp ko kay Drei.
"Attention everyone! I have a very important announcement, as the bar continue to grow we need to evolve something. The change start right now! We are greatful to announce that the famous wine in the country is here! Cheers for the Alfonso!"
Nagpalakpakan ang mga tao may mga ibang sumigaw dahil sa paglabas ni Ciro sa stage.
Nagbigay ng speech si Ciro tungkol sa history ng Alfonso wine at umalis din kaagad. Nagpatuloy ang pagtakbo ng party.
"Ayos ba speech ko?" Sambit sa amin ni Ciro. Nagulat kami sa pagdating niya.
"Mukha kang matalino kahit hindi," natawa ako sa sinabi ni Ryan.
"Grabi ka naman parehas lang tayo!" Banat ni Ciro sa kanya.
Ang nagustuhan ko kay Ciro kahit ang successful na niya hindi niya kami kinalilimutan.
"Let's play spin the bottle!" Pagaya ni Ciro sa amin. "Pag ikaw natapatan ng bote pipili ka kung truth o dare!" Dagdag pa niya.
"Okay," si drei
"Pambata pero sige," pagmamaktol ni Ryan.
"Game!" Excited na tugon ni rylie.
"K," sagot ko.
Pinaikot na ni Ryan ang bote si Drei ang unang tinapatan ng bote.
"Truth," walang gana niyang sambit.
"Nakikipag landian ka ba sa ka-duo mong babae habang naglalaro kayo?" Halos mabuga ni Drei ang baso ng alak sa tanong ni Ryan. Sumeryoso ulit nag mukha niya bago sumagot.
"Hmm... Y-yes." Nagulat kaming lahat sa sagot ni Drei. Mukhang nahiya siya kaya uminom ulit siya ng alak.
Inikot niya ang bote at si Ryan ang natapatan nito.
"Dare," sambit ni Ryan sa amin. Si Drei ang mag-uutos dahil siya ang nagpaikot.
"Kiss someone on lips." Utos ni Drei.
Hindi ko alam ko alam kung may magpapahalik kay Ryan sa kanyang itsura. Kita ko ang pagkainis sa mukha ni Ryan habang lumalayo sa amin.
Lumapit siya sa isang babae at tinanggihan siya nito. Pinuntahan niya ang babaeng nakasuot ng Annabelle at hinalikan ito sa labi. Mabilis lang at bumalik na din agad sa amin.
Inikot ni Ryan ang bote at saktong si rylie yung tinapatan ng bote.
"M-may... Gusto ka ba kay Kio?"
Natahimik ako sa tinanong ni Ryan, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko matapos sagutin ni Rylie ang tanong.
Kahit ipilit ko sa isip ko na ibahin ang sagot niya hindi ko magagawa.
Wala lang ako sa kanya at alam ko yun. Isang kasunduan lang ang naglapit sa amin. Pero umaasa ako na oo ang isagot niya, na gusto niya ako dahil mahal ko siya pwede ba yun?
Syempre hindi dahil may mahal na siyang iba.
Tiningnan ko si Rylie baka makumbinsi ko siya na ibahin ang sagot niya.
"Wala," uminom siya ng alak pagkatapos sumagot.
Ganito pala kasakit ma-reject, hindi pa ako umaamin talo na ako. Mamahalin ko pa din siya ng sekreto, yung ako lang ang nakakaalam.
#