Rylie's POV.
Impyerno
Nasa gitna ako ng kamang puti, nakahiga lang ako dito wala akong kilos na ginagawa. Nang imulat ko ang aking mata at tiningnan ang paligid. Lahat ng unan, kumot, maging ang buong kama ay puno ng dugo. Naamoy ko ang lansa at sangsang nito at ng tingnan ko ang aking suot na puting blusa puno din ito ng dugo. Nagulat ako dahil duguan ako, hindi ko makabangon sa pagkakahinga tila' nakakadena ang aking buong katawan sa kamang ito. Nagsisigaw ako pero walang lumalabas na boses sa aking mga bibig. Pinikit ang aking mga mata sa takot pinilit kong makawala pero-
"TULONG! AYOKO DITO TULUNGAN NYO AKO," Hindi ko namalayan panaginip lamang pala ang lahat. Tiningnan ko ulit ang kama na hinihigaan ko wala ng dugo at wala ng masasang at malansang na amoy. Pawisan ang buong katawan ko, kaya dali-dali akong bumangon para magpahinga ng ilang sandali bago ako maligo. Ang weird ng panaginip ko sa dinami-dami ba naman ng pwedeng panaginip yun pa?
Pwede naman akong managinip na nakikipagsuntukan ako sa mga barumbado sa kanto o kaya naman nakikipaghabulan sa mga pulis gamit ang aking race car astig yun! Para sa babaeng tulad ko yun ang gusto mapanaginipan.
Ilang minuto pa ay naligo na ako ngayon ang unang araw na parusa ko sa lalakeng yun. Kailangan niyang magbayad sa ginawa niya sa akin. Sa totoo lang hindi ko din alam kung may ginawa ba siya talaga sa akin, kaya ko ginawa yun para mapatunayan na wala siyang ginawa nung gabing yun. Gusto kong malaman, kaya ko tinangkang gawin siya Buddyguard. Sana mali ang hinala ko, sana.
Tinext ko ang tagpuan kung saan kami magkikita dito ulit sa paborito kong lugar sa may Milktea shop na may view ng napagandang dagat, hindi ako mananawang tumambay dito. Balak kong pumunta ng peryahan since hindi pa ako nakakapunta sa ganoong klaseng lugar gusto kong subukan tapos mag-iinom ako titingnan ko kung ano gagawin niya pag nalasing ako. Ire-record ko lahat ng sasabihin niya para may proweba ako.
Umorder na ako't lahat ay wala pa din siya akala ko nag-usap na kami pero mukhang hindi niya sineryoso. Sinusubukan talaga ako ng lalakeng yan.
"Hi miss beautiful wala ka bang kasama? May I join you?" Sambit ng lalaking parang kabuti na bigla na lang sumulpot sa unahan.
"Hindi ko alam na may kabute palang nagsasalita dito," pinamewangan ko pa siya habang tumatawa.
"Hmm. Bad girl I love it," Talagang nanga-asar pa ang pangit na ito. Naiinis na ako mukha di ako lulubayan ng isang ito mukhang kailangan ko ng gamitin ang pinakahuling sandata. Bumuwelo muna ako. At sabay sinuntok siya sa pagmumukha ng gago.
"Ou-ouch shit, bakla ka ba? Ang lakas mo sumuntok at talaga sa mukha ko pa tingnan mo ginawa mo pinadugo mo ilong ko!" Nagalit ang gago, mukhang napalakas nga suntok ko pero dapat hindi ako ang magmukhang talo dito. Kahit sa mata ng lahat ako ang may mali dito.
"Kasalanan mo yan binabastos mo ako, kung gusto mo ng away tara suntukan tayo manyakis!" Good bitch rylie nakuha muna simpatya ng tao, sa panahong hindi na uso ang mga hindi lumalaban. Pag hindi ka lumaban mapagiiwanan ka, tatapak-tapakan ka.
"Alam mo kung hindi ka lang babae napatulan na kita," sambit niya habang pinupunasan ang dugo sa kanyang ilong.
Tiningnan ko lang siya ng masinsin balak ko siya I-seduce sana gumana, "Pede naman natin itong pagusapin." Nilapitan ko siya at akmang kunyare may ibubulong.
"Go to hell," sabay tuhod sa kanyang birdie napangiwi siya sa sakit at napahiga sa sahig at dali-dali ko siyang tinunlungang tumayo kawawa naman mukhang siya ang napagbuntungan ng galit ko pero kahit ganun binastos niya pa din ako.
Kinuha ko ang kamay sabay nagpakilala.
"Rylie Santiago, nice meeting you Mr. Pervert."
Ayoko sa mga lalakeng manyak, bastos, at arogante. Hanggat kaya kong ipagtanggol ang sarili ko gagawin ko. Nag-aral pa ako taekwondo at may black belt ako dito kaya bastusin na nilang lahat ng babae wag lang ako. At ngayon kailangan kong puntahan si AKIO. Kailangan ko siyang pagbayarin. Kung may ginawa man siya kung wala naman lalayuan ko na agad siya madali naman ako kausap.
#