"Marami pa namang isda sa dagat, anim lang iyan oh! Lutuin mo na kasi!" nagpapadyak-padyak siyang pumalapit kay Akari matapos ay hinawakan ang braso nito.
Tinaasan ko ng kilay si Akari na kasalukuyang namumula na ang pisngi.
"Ari, pakibalik nalang ito sa dagat" walang emosyong utos niya kay Akari at binigay na ang balde.
Malakas akong tumikhim upang agawin ang kanilang atensiyon.
"Nagbibiro lang naman ako eh, halina sa cabin at mag-inuman tayo dun" mas napasimangot pa siya nang banggitin ko iyon.
Naalala kong tanging tubig lamang ang aking iniinom kaya huwag nalang pala.
"Don't drink" aniya pa matapos ay inagaw sa akin ang bote at walang pakundangan itong inihagis sa dagat.
Napapangiwi at napanganga na lamang ako nang makitang sa harap ng bapor ito tumilapon; basag na basag na tila ba mga talunaryo lamang ng alikabok sa barko.
Anong trip niya?
Natatarantang bumaba si Ebonna habang napapahawak sa bibig na para bang hindi makapaniwala.
"Oh my god, oh my god!"
Naiiritang tinitigan ko si Akari na kasalukuyang sumusunod na kay Ebonna pababa nitong terasa.
Ngayong araw pa lamang kaming lahat nagkakilala subalit daig pa nila ang magpinsan kung magsama, papaanong nakarating na sila sa ganiyang estado gayong kani-kanina lamang nila nakita ang isa't isa?
Napasinghap ako habang pinakatitigan silang maigi sa baba, nililinis na nila ang kalat at mariing itinatapon ito sa dala-dalang basurahan ni Ebonna.
"Aray!" napailing-iling ako nang maaninagang napayamot si Akari dahil sa kaunting gasgas na naitamo sa hintuturo.
"Ayos ka lang ba? Akin na nga iyan, hindi ka kasi nag-iingat! Khalil, pakitawag nga muna si Macaire kundi si Kaisa please"
Napabusangot ako nang utusan ni Ebonna, bakit natataranta na siya gayong gasgas lang naman ang napala ni Akari.
Hindi ko naman kasalanan kung tanga ang lalaking iyan.
"Hindi na ayos lang 'to ano ka ba" ngumingiti akong tinatanaw lamang silang dalawa sa baba.
Hindi ko alam pero kinikilig ako habang tinitingnan silang dalawa.
"No, hindi ayos iyan. Baka ma-infection ka pa niyan!"
"Mas mabuti kapag si Uncle Hosea nalang muna ang ipapatawag ko, kasalukuyang natutulog sina Macaire at Kaisa eh, ayaw ko naman silang istorbohin"
Nanlaki ang mata ni Ebonna matapos ay marahas na napatayo.
"Hindi naman siya ang medical purser dito bakit si papa ang ipapatawag mo? First mate siya, First mate! 'tsaka ayos lang naman daw sa kaniya, hindi naman siguro aabot sa bituka iyan kaya huwag nalang!" hindi ko inalis ang aking nanunuyong ngiti sa kanilang dalawa.
"Tatawagin ko na kasi, baka ay may pumasok na maliit na bubog sa lalaking iyan at maimpeksiyon pa" akma na sana akong tatalikod sa kanila nang mayroong bagay na tumama sa aking ulo.
Namataan ko nalang na mayroon ng gumugulong na takip ng bote sa lapag.
"Huwag na nga sabi! Hindi iyan maiimpeksiyon, ang arte mo ha" bumalik siya sa pagkakaupo at tinapos na ang pagliligpit sa ginawa niyang kalat habang pilit na binabalewala si Akari sa kaniyang tabi.
"Khalil" napalingon ako sa aking likuran at nakitang bumalik si Uncle Jazzib dito.
"Oh?"
"May sasabihin ako sa'yo"
"Ano?"
"Pero hindi dito, mas mabuti pa kung doon tayo sa quarterdeck mag-usap" napakamot ako sa ulo.
Tumango ako sa kaniya at nagsimula nang bumaba dito sa terasa, sinusundan ko lamang ang kaniyang mga yapak sapagkat hindi ko naman alam kung saan ang direksiyon papuntang quarterdeck.
"Ito pala ang mapa ng barko"
Marahas kong tinanggap mula sa kaniya ang papel at nagsimula na namang maglakad.
"Khalil"
"Oh?"
Hinarap niya ako matapos ay napabuga ng hininga.
"Galit ka pa rin hanggang ngayon?"
"Ewan ko sa'yo, mas mabuti pa siguro kung maglakad ka nalang muna" hindi ko lang nasisiguro subalit parang inirapan niya ako bago muling tumalikod sa akin.
"Huwag ka na kasing magalit"
Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy nalang ang paglalakad papunta sa quarterdeck.
Habang naglalakad ay tinatanaw ko nang maigi ang kabuuan ng mapang aking hinahawakan.
Hindi ko lubos maisip kung papaano ito nakakabisa ng aking mga pinsan, kayrami kasing mga bahagi itong barko ni Uncle Jazzib.
Sa kabuuan ay mayroong limang palapag ang malaking barkong ito at kasalukuyan pa rin kaming nasa taas, sa ikatlong palapag pa naman ang quarterdeck na sinasabi ni Uncle Jazzib.
"Makakabisado mo rin iyan, araw-araw din naman kayong tuturuan ng inyong guro" hindi ko alam kung ano ang kaniyang pinagsasatsat ngayon.
"Matagal na ba itong barko?" hindi siya umimik.
"Uncle?" hindi niya pa rin ako sinasagot dahil patuloy lamang siya sa paglalakad.
"Uncle!" mas binilisan niya pa ang kaniyang paglalakad sa ngayon.
Padabog akong tumigil sa paghahagpang habang tinititigan na lamang ang kaniyang likuran, gulat na napatingin sa akin ang kasalukuyang naglilinis na mga trabahador dito sa aking paligid subalit hindi ko nalang sila pinansin.
Napasinghap nang malakas si Uncle Jazzib matapos ay biglang humarap sa aking gawi.
"Ang sabi mo ay mas mabuti pa kung maglakad muna ako kaysa umimik, ang layo pa ng quarterdeck Khalil" sinimangutan ko siya.
Ginalit ko ata siya.
"Tumigil lang naman ako sa paglalakad kasi nakaapak ako ng tae, tingnan mo" nagdududa na ako ngayon kung titingin pa ba ako kay Uncle Jazzib o sa mga naglilinis dito, ang sama ng mga tinging pinupukol sa akin eh.
"Anong tae ba iyan, tae ng isda?" pumalapit siya sa akin at mariing sinuri ang aking suot na sapatos.
Napabusangot ako nang tingnan niya akong maigi.
"Sa quarterdeck kasi tayo mag-uusap hindi dito, ang kulit mo" walang emosyon akong napahakbang papalayo sa kaniya.
"Tinatanong lang naman kita Uncle, bakit ka nagagalit diyan?" kasalukuyang ako na ang nauuna ngayon kay Uncle Jazzib habang mariin pa ring sinusuri ang mapa.
Susubukan ko ngang gawin itong paglo-locate ng lugar habang sa mapa lamang bumabase, tuturuan ko si Uncle Jazzib sa aking hindi ko pa nasusubukang alas.
Nagngingiting tinatanaw ko ang malaking pintuang mayroong nakalagay na movie theater sa itaas, ang grande ng lugar na ito kung susuriin mo talaga.
At dahil nakabukas itong pintuan ay napasilip ako sa loob kung ano ang laman nito, napabuga ako ng hangin habang namamanghang tinatanaw ang napakalawak na lugar sa loob, mayroong nakaayos na mga upuang hinimok yari sa marmol.
Mayroon ding mga tagapaglinis ng lugar na ito, dito siguro magpapalabas ang mga theater actors na sinasabi ni Uncle Jazzib.
Nabibighani rin ako sa angking lawak at kalinisan ng entablado sa harapan.
"Khalil" napangiwi ako nang tawagin niya ang aking pangalan.
Lumabas na ako sa movie theater matapos ay tinuloy ang paglalakad.
Ang susunod na aking nadaanan ay itong cabin, dito kasalukuyang natutulog ang aking mga pinsan sa ngayon. Nasuri ko na kung ano ang mukha ng cabin kung kaya't hindi na ako nag-atubiling pumasok pa, kagaya rin ng movie theater ay malawak din ito. Subalit may ibang kwarto itong mga babae na kung titingnan mo ay mas malawak pa sa kwarto naming mga lalaki.
Walang problema silang natutulog sa malaking kama habang kami naman ay sa hammock lamang pinapatulog, hindi naman masakit.
Ang susunod na naabutan kong pintuan ay walang nakalagay na etiketa kung kaya't hindi ko nawawari kung ano ang nasa loob nito, pipihitin ko na sana ang pintuan subalit hindi ko ito tuluyang magawa sapagkat labis itong nakasarado.
"Para kay Esme lamang ang kwartong ito, nais niya kasing gawan ko siya ng magarbong kwarto kaya't tinupad ko na ang kaniyang nais. Lahat naman ng kaniyang nanaisin ay tinutupad ko" matipid akong napangiti sa sinabi niyang iyon.
Gustong-gusto ko talaga ang pag-uugali nitong aking tiyuhin, hindi ko alam kung may nagawa pa ba siyang mali maliban dun sa pagtakbo niya papalayo sa mga pulis noon.
Tinuloy ko na naman ang aking paglalakad, kasalukuyan na kaming bumababa dito sa hagdan.
Nangangalay na ang aking mga tuhod subalit hindi ko ito iniinda sapagkat nagugustuhan ko naman ang paglalakad na ito.
Hinihingal akong napaupo sa pinakahuling hagdan habang sinasapo ang noo.
"Tumayo ka diyan, nandito lang ang quarterdeck oh"