"Ano ba yan?! Talagang gusto mo ba mag overnight dito,Jiko?" bulong ni Chance,habang pinapanood namin ang mga kagrupo ko na naglalangoy sa napaka laking pool nina Arloo.
Yes! Talagang sumunod siya dito. You know Chance,pag sinabi niya ay gagawin niya.
"Oo naman! First time ko kaya ito. Kaya please? Ipagpaalam mo na ako kina Mama at Papa!" pagmamaka awa ko. Aba! Minsan lang ako makaranas ng ganitong overnight.
Sobrang ipinagpasalamat ko nga na hindi na niya naabutan ang rehearsal. Ayaw ko din namang makita niya na may ibang humahalik sa akin,baka sumabog siyang parang bulkan.
Tiningnan niya muna si Arloo na kakwentuhan sina Khyerr,Perry,Summer at Ritz. Saka siya bumaling sa akin.
"Wala akong tiwala sa Arloo na yan,Jiko." aniya na ikinalaki ng mga mata ko.
"Chance naman. Kaklase ko yan,huwag ka ngang magbigay ng malisya! Hindi ko siya gusto,alam mong ikaw lang ang mahal ko. At saka,isipin mo nga,mukha ba siyang papatol sa bakla?" pagdadahilan ko naman. Nakakahiya naman kasi para kay Arloo na pinag iisipan na siya ni Chance ng ganon.
"Jiko,makinig ka." ani Chance. "Akala ko din dati hindi ako papatol sa bakla. Pero nagkamali ako,minahal kasi kita. At ang pagmamahal ko sayo,walang katapusan. Oo nga at hindi mo siya gusto. Pero siya? I doubt! The moment na naabutan ko siya na sinusubuan ka,nagpahayag na siya ng gyera. Basta,wala akong tiwala sa kanya."
Parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi ni Chance. Sana nga,hindi maglaho ang pagmamahal niya para sa akin.
"Chance. Trust me please?" pagmamaka awa ko. "Text mo na sina Mama at Papa."
Bumuntong hininga si Chance,alam kong pagbibigyan niya ang gusto ko. Hindi niya ako matatanggihan,tulad ng hindi ko pagtanggi sa mga gusto niya.
"Sige. But if the prize is right. Remember,sasamahan kita dito." aniya at pilyong ngumisi kaya kinurot ko siya sa braso na ikinatawa niya.
"Tol?" boses ni Ritz. Kaya nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Kailan pa naging tol ang tawag niya sa akin? Sampalin ko siya eh! "Keme lang! Kiji,sama ka sa amin,ililibot kami ni fafa Arloo sa buong bahay."
"Impakta ka! Akala ko kung sinong tol?!" sabi kong ganyan at nilingon ko si Chance. "Tara! Sama ka!"
"Hindi na. Hindi naman ako kasama sa grupo niyo. Maghihintay na lang ako dito." ani Chance at ngumiti. Nginitian ko din siya at tumayo na ako.
"Fafa Arloooo!! Yuhooo! Sasama si Kijii!" sigaw ni Ritz habang naglalakad kami papunta kay Arloo. Tinulak ko nga. Ayun,muntik ng madapa.
Nakakamangha talaga itong bahay ni Arloo,nasan kaya mga parents niya? Tas yung mga maids,pag nakikita o nakakasalubong kami eh nagba-vow. Parang ang sarap maging maid dito.
Ang chandelier nila,kahit hindi pa sinisindihan eh grabe kung kuminang,mapapakanta ka talaga. Tas ang hagdan,parang grand staircase ng Titanic,ang dinning hall napaka haba ng lamesa,ang mga muwebles,mga vase na kung mababasag mo eh kulang pa buhay mo pangbayad.
"Naiihi na ako. Ang dami kong juice na nainom." ang bulong ko kay Ritz.
"Fafa Arloo. Puputok na daw ang panubigan ni Kiji." ani Ritz na ikinanganga ko.
"Ganon ba? Tara muna sa leisure room at sasamahan ko si Kiji sa restroom." sagot ni Arloo at sumunod pa din kami sa kanya.
Oh! Oh! I think its a bad idea.
Pumasok muna ang lahat sa leisure room,dun sila nagwala. Ako din gusto kong magwala kaso ihing ihi na talaga ako.
"Lalabas na ihi ko!" sabi kong ganyan at nilingon nila ako. Wala ng hiya hiya,mas nakakahiya kung dito ako maiihi.
"Tara,follow me." sabi ni Arloo at lumabas,sumunod ako sa kanya. Nakaka amazed din talaga ang hallway nila,para kang nasa hotel dahil sa mga ilaw at wallpaper. Lumiko si Arloo at sumunod ako,tumigil siya sa tapat ng isang pinto. "Dito."
"Salamat!" agad akong pumasok. Napanganga ako dahil pati ang CR ay sobrang ganda. Pero mamaya ko na yan pupuriin,iihi muna ako.
Pagkatapos kong gawin ang dapat ay nagpunta na ako sa sink at naghugas ng mga kamay. Bumukas ang pinto at pumasok si Arloo kaya medyo kinabahan ako.
"Sakto na ang edad mo para umakto ang boyfriend mo na parang bata ka. He don't have to worry that much dahil safe ka naman sa akin." ani Arloo. Nagkitinginan kami sa salamin.
Ano ba ang gusto niyang palabasin?
"Ganon talaga si Chance. Pero mabait yon. Kung kikilalanin nyo siya hindi kayo magsisisi." sagot ko naman.
"Okay. Huwag lang kayo magpapaka PDA dahil nakakairita." aniya,tumalikod na at lumabas.
Hmp! Hindi ko alam kung magkakasundo pa talaga kami ng Arloo na yan. Hindi ko siya maintindihan. Kaya mas napatunayan ko na mali ang hinala ni Chance na may gusto sa akin si Arloo,napaka imposible.
At yun nga,inabutan na kami ng gabi,lahat kami ay pinaghandaan ng masasarap na pagkain,napag alaman din namin na out of town pala ang parents ni Arloo kaya mag isa lang siya. Pagkatapos ng dinner ay sinamahan kami ni Arloo sa gagamitin naming kwarto.
Apat na tao kada guestroom kaya tatlong kwarto naukupa namin. Si Chance ay hindi pumayag na maghiwalay kami ng kwarto.
"Youre really getting into my nerves!" inis na sabi ni Arloo kay Chance.
"Huwag mo akong ini-english tol. Kung hindi ka payag ay pwede naman kaming umuwi ni Jiko." sagot din ni Chance kaya natahimik kami. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko para matigil ang dalawa.
"Sus! Para kayong mga bata! Stop fighting at matulog na tayo." pagsingit ni Khyerr at bumaling kay Arloo. "Bro,wala kang magagawa kung gusto nila magsama at magtabi. Magkarelasyon sila,and they can do whatever they want."
"Bahala na kayo. Sige,matulog na tayo." sabi na lang ni Arloo at pumasok na sa kwarto.
Hindi ko alam kung anong oras na pero naalimpungatan ako sa mga halik sa leeg ko,siyempre sino pa bang gagawa nun?
"Chance. Itigil mo yan. Makikita nila tayo." ang bulong ko. Kahit ang totoo ay nasasarapan na ako sa mumunting halik na ginagawa niza sa leeg ko.
"Umuwi na ako,Jiko" bulong ni Chance na ikinagulat ko.
"Bakit?"
"Aalis mamayang umaga ang nag aalaga sa anak ko. Kailangan kong umuwi. Sumunod lang ako dito para makasiguradong okay ka." sagot niya at hinalikan ako. Pag hinahalikan na talaga ako ni Chance ay nawawala na ako sa katinuan.
Sobrang na touch ako sa sinabi niya. Lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto kaya nilingon ko ang mga kasama namin sa kwarto.
"Uuwi na din ako,Chance." sabi ko ng maghiwalay ang mga labi namin.
"Sigurado ka? Baka hanapin ka nila." nag aalalang tanong ni Chance,umiling ako at ngumiti.
"Sigurado ako. Kung ako nga ang lagi mong inuuna,dapat ganon din ako sayo." ani ko at ngumiti si Chance.
"Inuuna kita hindi dahil kailangan o obligasyon ko iyon. Inuuna kita kasi mahal kita,at huwag mong kakalimutan yon." aniya at niyakap ko siya.
"Mahal na mahal din kita,Chance."
Nilingon ko ang mga kasama namin sa kwarto,tulog na tulog sina Khyerr at Ritz na nasa foam sa lapag sa tabi ng kama,nasa sofa naman si Arloo at kami ni Chance ang gumamit sa kama.
Dahan dahan ang paglakad namin papunta kay Arloo para gisingin sana ito at makapag paalam na uuwi na.
"Arloo." sabay tapik ko kay Arloo,madali naman siyang nagising. Pagkakita sa amin ni Chance ay bumangon siya.
"Oh,Kiji? May kailangan ka?"
"Uhm,salamat sa pagpapatuloy pati sa pagkain. Pero kailangan na naming umuwi ni Chance eh." sagot ko. Nilingon ni Arloo si Chance.
"Mahihirapan kayong makasakay. Mamayang umaga na lang." sagot naman ni Arloo. "2AM pa lang oh."
"Jiko,ako na lang ang uuwi. Maiwan ka na lang." sabi ni Chance,pero hindi naman ako papayag dun.
"Uuwi tayong dalawa. Dun ako matutulog sa inyo." final kong sabi at pareho silang walang nagawa.
Lumabas na kami ng bahay,sakto may dumating na taxi na tinawagan ni Arloo. Nagpasalamat lang kami ni Chance kay Arloo at sumakay na kami sa taxi.
Pagsakay sa taxi ay sumandal si Chance. Ako naman ay inihilig ko ang ulo ko sa kanyang dibdib. Dinig na dinig ko ang malakas at mabilis na tibok ng puso niya,tulad ng sa akin na ganon din tuwing nakikita ko siya o kasama ko siya.
"Chance,hindi ka ba nagsisisi na ako ang minahal mo?"
"Hindi. Bakit naman ako magsisisi? Mula ng minahal kita marami na akong natutunan. Ang pagmamahal ko sa iyo ay hindi dapat pagsisihan,dahil ng minahal kita yun ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko,Jiko."
Right there and then,may parang kung anong bumara sa lalamunan ko at nag unahang tumulo ang mga luha ko.
Wala akong masabi kaya mas sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Chance.
Ipinapangako ko,kahit anong mangyari, hinding-hindi ako bibitaw Chance.