Dumating na ang araw ng pagsunod nina Lemon at Killian,at dahil naghahanap ng trabaho si Brave kasama sina Haven at Edge ay nagprisinta si Dane na samahan ako na sunduin ang dalawa sa Pasay.
"Kung nagkataong nakaharap mo yung Kaze ng hindi sinasadya? What would you do? Yung sya lang talaga at hindi nya kasama yung Kristy." ani Dane habang nasa taxi kami.
"Sa totoo lang,hindi ko alam. Gusto ko lang magkausap kami at matuldukan na ang kung anong meron kami. We need closure,lalo pa at may asawa na sya. Masakit iyon sobra pero kailangan kong indahin,kasi masasaktan ko din si Brave." ang honest kong sagot habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Tama yan. Pero huwag mong kalimutan ang asawa nya at si Lourd. Hindi mo man sila gagantihan,kailangan malinis mo ang kalat na ginawa nila,kailangan maibalik ang tiwala ng mga tao sa iyo,sa Papa mo at sa buong kumpanya nyo." sabi ni Dane at tiningnan ang phone nya,may binasa syang text. "Nagtext si Haven,naghihintay pa din daw silang matawag mga pangalan nila."
"Mabuti naman. Ayun nga talaga ang plano ko. Kailangan malinaw ko ang lahat. Alam kong medyo mahihirapan ako dahil dun sa last encounter namin ni Kristy. But I will do my best." at huminga ako ng malalim.
"Tutulungan ka namin."
"Salamat." ani ko at ngumiti.
Hindi ko mapigilang maisip si Kaze,masaya kaya sya sa piling ni Kristy? Siguro,oo. Kasi kung hindi ay hindi naman nya ito papakasalan.
Nakakapang hinayang lang yung lahat ng pinaghirapan namin ni Kaze noon. But everything of that is in the past now. I have Brave now,unti unti na nyang sinasakop ng buo ang puso ko. Hindi ko man sya mahalin tulad ng pagmamahal ko kay Kaze ay alam kong sa paglipas ng panahon ay lalawak at lalalim din ang damdamin ko para kay Brave.
Nang makapag bayad ay bumaba na kami ng taxi. Saktong tumunog ang phone ko,tiningnan ko kung sino ang tumatawag,si Killian pala.
"Oh,Killian? Malapit na ba kayo?" ang agad kong sabi.
"Nasiraan ang bus dito sa tagaytay,naglalakad kami ngayon ni Lemon at naghahanap ng Van." ang sagot ni Killian,nadidinig ko sa background ang pagdaldal ni Lemon kaya napangiti ako.
"Ganon ba? Tumawag na lang ulit kayo pag malapit na talaga. At pakisabi kay Lemon itigil nya ang kakaputak." ani ko at tumawa.
"Oo nga eh,ewan dito biglang naging madaldal. Sige,tatawag ako ulit." ani Killian. "Lem,utang na loob,tumahimik ka! Bubusalan ko ng bibig ko ang bibig mo!"
Nanlaki ang mga mata ko at naputol na ang linya kaya bumaling ako kay Dane na busy din sa phone nya.
"Oh? Nasan na daw sila?" ang baling sa akin ni Dane at inilagay sa loob ng bulsa nya ang kanyang phone.
"Male-late sila. Punta muna tayo ng MOA!" nakangiti kong sabi.
"Yan din sana ang sasabihin ko sayo eh. B1 at B2 talaga tayo."
"Banana 1 at Banana 2?" ang paninigurado ko pa.
"Hindi,Beki 1 at Beki 2! Pag kumontra ka itutulak kita sa malaking globo ng MOA at papaikutin ko iyon hanggang mahilo at maduling ka. Ge! Kokontra pa?"
"Ang ganda ng MOA! Tara na!" hinila ko sya at nagtawanan kaming dalawa.
Sa sobrang lawak ng MOA ay kung saan saan kami nakarating ni Dane. Pati sya ay hindi din pala ito kabisado.
"Magpahinga muna tayo dyan!" sabay turo ni Dane sa mga artificial na puno na pwedeng upuan ang pinaka paso ba yun? Ah ewan,basta yun na yon. "Iihi muna ako. Hintayin mo ako."
Tumango lang ako at inilibot ang paningin sa paligid. Ang daming tao dito,karamihan pa mga batang silahis,paano ko nasabi? Masyadong halata sa mga kilos nila.
Tiningnan ko ang phone ko kung may text si Killian,pero wala pa din.
Si Brave kaya? Hindi pa sya nagtetext,kumain na kaya sya? Sana matanggap sila sa trabaho.
"Akala ko namamalik mata ako." nanigas ako at nanlaki ang mga mata ng marinig ang pamilyar na boses sa aking likuran.
Halos dahan dahan pa ang paglingon ko. Only to find out na hindi ako nililinlang ng aking pandinig. Sa isang iglap ay hindi na magkandamayaw ang puso ko,parang tumatakbo na parang tumatalon.
Nakapamulsa sya at matiim ang tingin sa akin. Hindi ko mabasa kung anong sinasabi ng kanyang mga mata. All I know is,that Im trembling!
Oh Good Lord!
"K-kaze?" sa wakas ay sabi ko. At dun ko lang napagtanto na halos hindi na pala ako humihinga.
"Kailan ka pa nakabalik? Im very much sure na nabalitaan mong nagpakasal ako kaya ka bumalik." aniya at sarkastikong ngumiti.
"K-kaze. Hindi ganon iyon. Let's talk. Yung maayos na pag uusap." ani ko at tumayo sa harap nya kahit nanginginig ang aking mga tuhod.
Walang nagbago,napaka gwapo nya pa din. Sya pa din ang Kaze na nakilala ko.
"Dapat noon pa! Tang ina,Keeyo! Alam mo ba kung anong ginawa mo sa akin?" ang singhal nya at halos mapatalon ako. Yung mga malalapit sa amin ay nagtinginan din.
"Hindi mo maiintindihan kung hindi mo ako hahayaang magsalita!" ang frustrated ko ng sabi.
"Excuse me? keeyo?" ang biglang sulpot ni Dane na nakabalik na pala.
"Kung ganon,magpaliwanag ka!" at bigla akong hinablot ni Kaze,pati si Dane ay nagulat. Sumenyas na lamang ako na magtetext ako at tumango sya.
"Dahan dahan Kaze,ano ba?" ang inis kong sabi. Ang bilis nyang maglakad at namalayan ko na lamang na nasa parking lot na kami.
Tinulak tulak nya ako palapit sa isang kotse. Pinatunog nya ito. "Sakay! Mag uusap tayo,kung yan ang gusto mo."
Napalunok ako ng sariling laway at sumakay na sa front seat. Hindi na lamang ako nagsalita,hindi na din ako nagtanong kung saan nya ako dadalhin. Kung papatayin nya ako dahil sa tindi ng galit nya sa akin ay tatanggapin ko ng buong puso kung iyon ang ikasisiya nya.
Napanganga ako ng pumasok ang kotse sa garahe ng isang kilalang motel. May lumapit na lalaki ibinaba ang gate ng garahe,lumabas si Kaze at pinagbuksan ako ng pinto.
"Labas. Mauna ka sa kwarto." matigas nyang sabi. Halos ilang beses akong napalunok ng sarili kong laway.
Ngunit tahimik akong nauna sa kwarto,hanggang ilang sandali pa ay pumasok na din si Kaze,naabutan nya akong nakaupo sa kama. Pinipigilan ko ang panginginig ko,hindi ko nga alam kung bakit ako nanginginig. Sa nerbyos ba o dahil malakas talaga ang buga ng aircon.
"Ngayon,magpaliwanag ka!" singhal ni Kaze kaya napakislot at napapikit ako. Nang imulat ko ang aking mga mata ay dahan dahan na syang naghuhubad.
"K-kaze? Anong ginagawa--"
"Magpaliwanag ka na lang. Makikinig ako habang nagpapahinga." matigas pa din nyang sabi at nahiga sa kama kahit naka brief na lang kaya bahagya akong umurong.
"Y-yung,ahm--" shit! Bakit ba hindi ba ako makapag salita ng diretso?
"Stop stuttering. Just explain yourself." iniunan nya ang kanyang mga kamay kaya kitang kita ko ang mga buhok nya sa kili-kili. Muli akong napalunok.
"Yung video na yon. Hindi naman sinasadya iyon. Ewan ko ba,madali nila akong napasunod. At hindi ko naman alam na gagamitin iyon laban sa akin." ang paninimula ko at tumingin ako sa cp ko,may text na galing kay Dane at hindi ko iyon magawang mabasa.
"Hindi sadya? Pero ang lakas mong umungol? Akala ko sa akin ka lang ganon? Tang ina Keeyo! Para akong pinapatay ng makita ko iyon! Ang taong mahal na mahal mo nakikipagtalik sa ibang lalaki? At dalawa pa?! Wala akong kamalay malay na iniiputan mo na ako sa ulo!" aniya at bumangon at humarap sa akin,nagbabaga sa galit ang mga mata nya kaya hindi ko sya matingnan ng maayos.
"Sorry. Oo na,kasalanan ko na,at sobrang pinaghirapan ko iyon,nagdusa ako ng higit pa sa akala ninyo." nakayuko kong sabi at pinipigilang pumatak ang mga luha.
"Tapos,malalaman ko pa na mga magulang mo ang nagpasunog ng lugar namin dati? Sila ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ko,pati sina Ate at kuya!" napatingin na ako kay Kaze,namumula na ang mga mata nya. Pero dahil nandito na din naman ay tatapusin ko na ang issue.
"Hindi totoo yan! Napatunayan ng hindi totoo yan! Na si Kristy at Lourd ang gumawa nyan! Plinano nila para pabagsakin ang pamilya at kumpanya,para magalit ka sa amin,ginamit nila ang kahinaan ko!" ang umiiyak kong sagot. Bigla syang natigilan at nagsalubong ang mga kilay.
"Paano mo nalaman na Kristy ang pangalan ng asawa ko? Hindi naman kayo pormal na naipakilala noon?"
Asawa ko. Talagang asawa na? Edi tatapusin ko na talaga.
"Hindi na mahalaga yon. Ang gusto ko ay malinis ang pamilya at kumpanya namin,gusto kong bawiin nina Kristy at Lourd ang lahat ng mga ginawa nila. Kung hindi nila gagawin,ako ang gagawa ng paraan para gawin nila iyon." ani ko,pinunasan ko ang luha ko at tumayo nya. Naglakad na ako papunta sa may pintuan.
"Tayo? Wala bang dapat ayusin sa ating dalawa? Hahayaan mo lang na ganito tayo? Ganon mo kadaling itapon ang lahat?" aniya at hinablot ako. Tinitigan nya ako ngunit pumikit ako,ayoko na. Baka bumigay lang ako. Hindi ko na kinakaya ang nararamdaman ko ngayon. Durog na durog na ang puso ko.
"Ano pang aayusin natin? Masaya ka naman na may asawa ka na. Hindi ako ang unang nagtapon ng kung anong meron sa atin. Ikaw,dahil nag asawa ka. By the way,congratulations!" ngumisi ako at muli ng tumalikod.
"Hindi mo naiintindihan Keeyo." nabasag na ang boses ni Kaze,alam kong iiyak na sya. Huminga ako ng malalim dahil naninikip na ang dibdib ko. "Hindi mo na kailangan malaman kung anong pinagdadaanan ko,pero gagawa ako ng paraan."
"Huwag mo ng pahirapin pa ang sitwasyon Kaze. May kanya kanya na tayong buhay. Wala akong balak bawiin ka sa asawa mo,mula sa araw na ito tapos na tayo." sagot ko, wala ng tigil ang pag agos ng luha ko,kaya binuksan ko na agad ang pintuan.
At bago ko ito maisara ay narinig ko pa ang sinabi nya.
"Hindi pa tayo tapos, Keeyo. Kung wala kang balak bawiin ako. Ako ang babawi sa iyo,magiging akin ka ulit at walang makakapigil sa akin."