App herunterladen
8.87% M2M SERIES / Chapter 33: Daddy Lucas (Finale: Ivan)

Kapitel 33: Daddy Lucas (Finale: Ivan)

"Sir Ivan? Sir Ivan?" napabalik sa kanyang ulirat si Ivan habang matagal na nakatitig sa kawalan sa pader ng isang kilalang hospital dito sa Maynila. "Pasok po kayo. Diretso po kayo don Sir sa pinakang-dulo and then hintayin niyo na lang po ako."

Kasalukuyang sasailalim sa HIV testing si Ivan. Habang naglalakad papunta sa nasabing lugar, hindi niya maiwasang hindi mangliit. Alam naman niya na bounded by confidentiality ang lahat ng ididisclose niyang impormasyon dito at maging ang presensya niya sa pasilidad na ito ay hindi rin pwedeng ilabas ng kung sino man, ngunit hindi niya lang talaga maiwasan. Bukod sa kahihiyan, binabalot din siya ng takot. Parang naninikip ang kanyang dibdib, hindi matigil ang pagpapawis ng kanyang kamay na siyang nagiging dahilan upang siya ay manlamig dahil na din sa ventilation ng kwarto.

Hindi nagtagal ay narating din ni Ivan ang nasabing lugar. Tagong tago ito at punong puno ng mga aparato. Nakabasa siya ng ilan sa mga posters na may kinalaman sa HIV, iba pang STDs, at AIDS. Hindi siya mapakali habang tinitingnan ang mga ito. Mas nadadagdagan ang kanyang takot. Mas nadadagdagan ang kanyang pangamba.

"Sir? Okay ka lang po?" halos mapatalon siya sa gulat dahil sa sinabi ng medical representative.

"O...oo. A... ayos lang ako." ngunit ang totoo'y malapit nang lumabas sa kanyang dibdib ang kanyang puso dahil sa labis na kaba.

'Sige Sir, upo na po kayo jan, ihahanda ko lang po itong mga gamit." at hindi nagtagal ay naayos na ng medical representative ang kailangan. "Sir, bago ko po kayo kuhanan ng blood sample, nais ko pong ipaalam sa inyo na lahat po ng taong sumasailalim sa ganito ay binibigyan namin ng free HIV Counseling. Tatanungin ko po kayo ng mga ilang katanungan, maari pong lubhang personal, at kayo din po, pwede niyo rin po akong tanungin pagkatapos. Malinaw po ba?"

"Si...sige."

Maraming mga bagay ang naitanong ng Medical Representative kay Ivan. Karamihan dito ay may kinalaman sa kanyang sarili, sa kanyang kasarian at sa kanyang mga pananaw sa buhay. Tinanong din siya patungkol sa kanyang lifestyle.

"Sige Sir, dako po ako sa mas personal na tanong ha? Bale, kailangan ko lang po malaman kung saan, kalian at sa paanong paraan po kayo na-expose at humantong po kayo sa HIV Testing?" napalunok ng laway si Ivan.

Hindi siya handa sa katanungan.

Hangga't maari ay inililigaw niya ang isip nitong mga nakaraan upang hindi maisip ang anumang may koneksyon sa HIV upang hindi siya matakot ngunit heto na, tinatanong siya.

Paano nga ba siya umabot sa ganito?

Nang matapos ang lahat sa pagitan nilang tatlo nina Addy, Lucas at siya, tila nawalan ng direksyon ang buhay niya. Aaminin niyang pinaghalong pagkahiya, pagsisisi at galit ang kanyang naramdaman. Hindi niya malaman kung sino ba ang dapat sisihin. Siya ba? Eh hindi lang naman siya ang nangaliwa. Si Lucas ba? Eh ginusto niya rin naman. Si Addy ba?

Kinabukasan matapos ang insidenteng iyon, para siyang gulay na naglalakad sa university nila. Ngunit nang makasalubong niya si Addy ay tila ba nagkalakas ito ngunit hindi siya nito pinansin. Tila naging hangin lang siya. Nasaktan siya, oo. Alam niyang may kasalanan siya, pero hindi lang siya. Kaya naman ginawa niya ang lahat para makausap ang binata. Hindi na niya hinagad pang maisalba ang relasyon nila dahil sirang sira na ito, sinira nila pareho.

"Ano pa bang gusto mo?" inis na wika ni Addy nang hilahin siya ni Ivan sa pader ng isa sa mga tagong CR sa university.

"Gusto ko lang magkalinawan tayo!" wika ni Ivan.

"Ano pa bang hindi malinaw? Hindi pa ba malinaw na pareho tayong tinuhog nung gagong 'yon? Hindi pa ba malinaw na pareho tayong nagloko?" emosyonal na wika ni Addy. "Nagagalit ako, Ivan. Nagagalit ako. Dahil niloko mo ako. Pero niloko din kita. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nahihirapan ako. Naiintindihan mo ba? At itong mga ganito mo, hindi ito nakakatulong! Kaya please, tantanan muna natin ang isa't isa. Hindi mo ba napapansin? Nasasaktan lang natin ang isa't isa sa tuwing naglalapit tayo."

"Gu... gusto ko lang humingi ng sorry." at may patak ng luhang kumawala sa mata ni Ivan. "Alam ko hindi lang ako 'yung may mali dito, hindi lang tayo... pero gusto ko pa ring humingi ng tawad sa part ko. Tama ka naman eh, hindi ito tungkol sa kung sino ang mas nagkasala. Nasaktan kita kaya dapat lang na humingi ako ng tawad. Niloko kita. Nasaktan kita. Alam kong hindi ka pa handang magpatawad pero susubukan ko pa rin. You're one of the best things that happened to me, ako lang talaga 'tong hindi ka naalagaan kasi natukso ako. Sorry, I messed up. I messed you up."

"Sana maniwala ka kapag sinabi kong naiintindihan kita, Ivan. Hindi lang ikaw 'yung nagloko dito. Hindi lang ikaw 'yung may kasalanan. Hindi lang ikaw 'yung dapat humingi ng tawad. Naappreciate ko 'tong mga sinabi mo pero sorry... hindi pa siguro sa ngayon. Alam ko dadating 'yung araw na mapapatawad kita, hihingi ako ng tawad sa'yo at mapapatawad ko 'yung sarili ko, pero hindi pa ngayon. Hindi ko pa maproseso 'yung nangyare. Sana maintindihan mo."

Naiintindihan ko naman siya at sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ba ipinagpipilitan kong maayos ang lahat ng mga bagay bagay kahit bago pa lang naman ito natuklasan. Kaya ibinigay ko ang distansyang hinihingi nila sa akin. Sa tuwing magkakasalubong kami sa school, parang hangin ang isa't isa. May tensyon, oo. Lalo na sa mga kaibigan naming na alam na may nakaraan kami pero hindi alam kung ano ang dahilan kung bakit nagkawalaan kami.

Ngunit alam ko sa sarili kong nagbago na ang lahat. Hindi ko matiis, hindi ko maalis. Parang tinatawag ako ng kamunduhan. Nung una pinilit kong pigilin, pero ang hirap pa lang labanan ng tukso. Sa totoo lang, dapat hindi nilalabanan ang tukso dahil matatalo ka lang, kaya iniwasan ko. Pero kahit anong iwas ko, pilit niya akong nilalapitan. Dahil nga sa nasanay na siguro ang katawan ko sa kakatihang itinuro sa akin ni Lucas, isang gabi, naisipan niyang magdownload ng isang gay dating app. Noong una, nakikipag video chat lang siya at nakikipaglibugan sa chatbox, para sana maibsan kahit papaano ang init na nararamdaman niya sa kanyang sarili. Ngunit habang natagal ay parang mas nagdedemand ng mas mapangahas na galaw ang kanyang sarili.

Hindi nagtagal ay may nakilala siyang isang lalaki, nasa edad trenta na rin ngunit wala pang asawa at anak. Ka-building niya lamang. Noong una niya itong nakita ay naramdaman niyang may pagkakaparehas sila ni Lucas kaya hindi nagtagal ay may nangyare sa kanila. Isang buwan din silang ganoon, puro pagpapakasasa sa laman nang may biglang ialok ang lalaking ito kay Ivan.

"Gusto mo sumama sa'min ng barkada ko? Magpaparteee?" wika nito matapos nilang mag-sex.

"Wow? Party people ka pala niyan sa lagay na 'yan ha. Sige ba, saan ba 'yan?" tanong ni Ivan.

"Dito lang sa unit ko. Bale may pupunta ditong tatlong lalaki tapos ako, tapos ikaw. Bale lima lang tayo." mapanuksong pang-aakit ng lalaki kay Ivan. Sa madaling sabi'y napapayag siya nito.

Ang buong akala niya ay magsasaya lamag sila habang naglilibugan, ngunit may kasama pala itong mga paraphernalia na ni hinagip sa buhay niya'y hindi niya naisip na masusubukan niya. Ngunit dahil lulong na sa alak, libog, at kantsaw ng mga kaibigan, at dahil na rin nalulunod siya kalungkutan at uhaw sa atensyon at pagtanggap, napilitan siyang gawin din ito. Sa totoo, mas naging malibog siya pagkatapos niya itong masubukan. Ibang klaseng saya, ibang klaseng sarap at enerhiya ang bumabalot sa kanya. Hindi na niya niintidnihan ang nangyayare. Basta ang alam niya kung sinu-sinong lalaki na lang ang pumapasok sa kanya.

Dahil dito, mas na-engganyo siyang gawin muli ito. Kung minsan, kumpleto silang lima, kung minsan hindi. Kung minsan may dayo. Pero hindi nawawala ang alak, paraphernalia at kantot. Tumagal ng halos tatlong buwan ang ganitong set-up sa buhay niya at sa totoo, nag-eenjoy siya. Para siyang bumalik sa dati. Masaya. Ngunit isang umaga, hindi niya inasahan na may balitang gigimbal sa kanyang pagkatao.

"Ivan, nagpositive sa HIV 'yung dayo nung isang gabi. Hindi namin alam kung may virus na siya nung gabing may ginawa tayo pero putang-ina, magpa-check ka. 'Yung isa nating kasama, 'yung nag-akit don sa dayo, nilalagnat na daw."

Parang tumigil ang mundo niya ng mabasa niya iyon. Hindi siya kaagad makapag-react. Hindi niya alam ang gagawin. Tatawagan ba niya ang magulang niya o hindi? Napatulala na lang siya at iniisip niya kung totoo ba 'tong nangyayare o hindi? Baka naman panaginip lang, pangungumbinsi niya sa sarili. Hindi niya alam kung paano niya naitawid ang araw na 'yon habang luting kakaisip kung anong mangyayare sa kanya. Kinagabihan, nagsearch kaagad siya ng mga sintomas ng HIV at AIDS at kada lipas ng araw ay chinecheck niya kung nararanasan niya bai to. Kung minsan, may nakikita siyang tila itim sa kanyang titi ngunit kapag pupunta na siyang doctor, parang bigla itong nawawala. Kung anu-anong klaseng pananakit din ang nararamdaman niya.

Sa makatuwid, hindi na naging tahimik ang buhay niya. Kada-umaga ay tila isang parusa para sa kanya upang isipan na naman ang kanyang kalagayan, kung may sakit ba siya o wala. Maraming nagdaang masasayang araw sa kanyang buhay kagaya ng kanyang kaarawan, pagkakakuha sa pinapangarap niyang trabaho ngunit hindi siya tuluyang maging masaya dahil sa takot at pangambang baka may HIV siya.

Pagkalipas ng anim na buwan, nagkaroon na siya ng lakas ng loob upang magpa-test. Itinanon niya talagang anim na buwan ang nakalipas dahil anim na buwan ang window period ng HIV bago ito madetect ng aparatong gagamitin sa katawan. Hindi rin biro ang pagpapatest dahil kailangan ng rekomendasyon muna ng doctor bago ka payagang magpa-test.

"Sige Sir. Bounded by confidentiality naman po ang lahat ng sinabi niyo kaya po wala po kayong dapat ipag-alala." pagtatapos ng medical representative. "Paano Sir, kukunan ko na po kayo?" at inilabas na nito ang heringgilya na gagamitin upang kuhanan siya ng blood sample.

Napapikit siya ng maramdaman ang pagtusok ng karayom sa kanyang balat. Kitang kita niya kung paano umakyat ang kanyang dugo sa lalagyan. Habang pinagmamasdan niya ito ay umuusal siya ng dasal, na pagbigyan lamang siyang mabuhay muli ng normal ay magiging maingat na siya.

"Sir, okay na po. Balik na lang po kayo after three days for the result."

Paglabas na paglabas niya ng laboratory ay may nakita siyang dalawang lalaking magkayap, punong puno ng tuwa at umiiyak pa ang isa sa saya.

"Susko, Salamat po, Lord. Non-reactive." mahinang wika ng isa sa kanila.

Napangiti na lamang siya ng mapait. Napahiling siya ng bahagya n asana, sa ikatlong araw, siya rin ay makapag-saya ng ganon.

***

Ang tagal na mula nung huli siyang tumuntong sa isang simbahan ngunit hindi niya alam kung bakit siya dinala rito ng kanyang paa. Naging mabigat batahin ang mga nakaraang araw. Walang nakakaalam na may pinagdadaanan siyang ganito. Marahil gusto niya lang makapagpahinga kahit papaano, bago na rin siya sumuong sa hospital at harapin ang realidad. Bumili siya ng kandila sa mga nagtitinda rito at pagdakay taimtim na lumapit sa tirikan ng kandila. Dito'y nakita niya ang mga imahen na mistulang naktitig at nakikipag-usap sa kanya.

"Na-surpresa kayo 'no? Hindi niyo akalaing pumupunta pala ako sa ganito nang hindi nasusunog 'no? Hehe." pang-aaliw niya sa sarili. "Ewan ko nga ba, siguro gusto ko lang ng makakausap. Alam niyo naman eh. Alam kong alam niyo 'yung pinagdadaanan ko. Alam ko din naman na ako ang nagdala sa akin sa ganitong sitwasyon kaya wala akong karapatang magreklamo pero.... pero kahit ganito ako..." muli ay may tumakas na isang butil ng luha sa mga mat ani Ivan. "...natatakot pa rin ako. Nasasaktan ako. Napapagod ako. Pagod na pagod na ako. Araw-araw na lang, kailangan kong lagging isipin kung okay baa ko? Kung healthy ba ako? Kung mamamatay na ba ako bukas? Ewan. Hehe. Hindi ko na alam eh. Gulong gulo na ako."

"Kakapalan ko na lang 'yung mukha ko? Alam ko baka hindi niyo na ako pakinggan pero susubukan ko pa rin. Baka po.... baka pwedeng isa pang chance? Baka pwede? Hin... hindi ko po kasi alam kung paano ko haharapin kung sakali mang may sakit nga ako eh. Promise, magtitino na ako. Isang pagkakataon lang. Baka pwede naman."

Nasa ganoong sitwasyon siya ng maramdaman niyang may tumabi sa kanya. Napalingon siya sa kung sino ito at laking gulat niya sa nakita.

"A...Addy?" tinugon siya nito ng isang ngiti. "A...anong ginagawa mo dito?" wika ni Ivan habang nagpupunas ng luha.

"Wala. HAHA. Bakit? Gusto ko lang pumunta dito sa simbahan kasi kapag nandito ako feeling ko safe ako eh, parang may peace of mind." wika nito. "Kumusta ka na?"

"Heto... kinakaya naman ang buhay. Ikaw? Pa-third year ka na diba? Bilis lang ng panahon ah."

"Oo nga eh." maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone ni Addy at may kinausap. Mukhang kailangan na niyang umalis. "Sorry ha? Urgent lang sa school. Kailangan ko na agad umalis."

Isang ngiti lang ang isinagot niya at tumango na lamang siya. Gustuhin pa man niyang makausap ang dating nobyo pero parang hindi umaayon sa kanila ang sitwasyon. Tumalikod na siya at muling humarap sa kandilang kanyang itinirik ng may maramdaman siyang tapik sa kanyang likuran.

Hindi na niya kinailangan pang lumingon. Alam na niya kung sino iyon. Muling nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha at siya'y napapikit. Parang nabunutan siya ng tinik at parang nagkaroon siya ng panibagong lakas para harapin kung ano man ang mangyayari.

***

Hawak hawak na ngayon ni Ivan ang resulta ng kanyang HIV test. Nanginginig siya habang hawak hawak ang putting envelope na naglalaman ng resulta ng kanyang test. Hindi niya alam kung kaya niya itong buksan. Hindi niya alam kung may lakas ba siyang harapin ang katotohanan kung sakaling may sakit man siya. Sa kanyang kalutangan, dinala siya ng kanyang mga paa sa chapel ng nasabing hospital at taimtim na nagdasal.

"Ikaw na ang bahala. Basta kung ano man ito, bigyan mo na lang ako ng lakas para magpatuloy."

Pagkatapos ay huminga siya ng malalim at inumpisahang sirain ang envelope. Habang papalapit ng papalapit ang pag-alam sa katotohanan ay mas gumagrabe ang kaba ng kanyang dibdib. Para siyang mababaliw. Para siyang papanawan ng ulirat dahil sa tensyon. At hindi nagtagal ay binuksan na niya ang kapirasong papel na naglalaman ng resulta ng kanyang test. Halos matigalgal siya sa pagkakaupo sa nabasa...

"Non-reactive"

***

Kung minsan, nahihirapan talaga tayong makaahon mula sa pagkakalugmok sa mga bagay bagay na kinasanayan na natin. Iyon ang totoo. Ang sabi, pakawalan na natin ang mga bagay na sumisira sa atin pero kung minsan, aminin man natin o hindi, ang mga bagay na sumisira sa atin ay ang mga bagay na atin nang nakahiligan, mga bagay na mahirap palayain, mahirap bitwan.

Naway magsilbing halibawa sa inyo si Ivan upang ating mapagtanto ang kahalagahan ng pagiging maingat. Hindi tayo hayop na kapag nakaramdam ng mga bagay ay magpapadala na lamang sa agos. Tayo ay may isip na kayang manimbang ng tama at mali, ng delikado at kabaha-bahala. Lagi nating tatandaan, na sa kahuli-hulihan, kung ang kapalit ng ating gagawin ay ang ating inner peace, hindi ito worth it gawin kahit gaano pa ito kasarap, kahit gaano pa ito kauso.

Nawa ay hindi na natin kailangan pang danasin ang mga dinanas ni Ivan para malaman natin ang kahalagan ng pagiging matapat hindi lamang sa inyong kasintahan kung hindi pati sa ating sarili. Ang pagbabago ay hindi isang overnight process. Walang timeline na makakapagsabing nagbago ka na nga. Maaring nagawa mo ito sa loob ng anim na buwan, pero hindi ibig sabihin non, immune ka na at hindi ka na babalik sa dating ikaw. Ang pagbabago ay araw araw na laban. Piliin mong magbago at maging mas mabuti araw-araw. Nawa ay hindi tayo dumating sa punto ng ating buhay na desperado na tayo bago natin gawin ang tama. Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pangalawang pagkakataon.

Patuloy na maniwala, patuloy na lumaban!


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C33
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen