Chapter 9
Maaga akong pumasok para samahan si Chaos sa friendly game nya ngayon dito sa school na pinapasukan nila Malachi at Ezekiel.Si Lauren naman daw ay sususnod dahil wala syang klase tulad namin.
Ilang araw na matapos ang pagtatalo namin ni Cliff at ilang araw na din kaming hindi nagpapansinan.I mean,hindi ko sya pinapansin sa ngayon.
"And Chaos Melfoi of San Lazaro won the game."announced ng announcer kaya agad akong lumapit dito mula sa aking pagkakaupo sa bleacher at inabutan sya ng towel.
"Hindi mo pa nalampaso.Ang bulok mo na ba,Chaos?"pang aasar ko sakanya pero nginisian lang nya ako.
"Naks!Husay,pare!"bati nila Ezekiel dito na galing kung saan kaya kunot noo ko silang pinagmasdan.
"Sabi na at mali talaga na dito tayo sa school na ito pinasok ni Titus.Talo lagi sa sports!"sabi naman ni Malachi at hindi ako makapaniwala sa katraydoran nila sa pinapasukan nilang school.
"Maka angal akala mo sila ang nagdadala ng panalo."bulong ko kaya tinaasan ako ng kilay ni Malachi habang si Chaos at Ezekiel ay tumawa.Inakbayan pa ako ni Chaos saka ito umiling.
"You got him there,silly."muling tumawa sa akin si Chaos kaya inirapan ko na sya dahil dumadali nanaman sya sa kahibangan nya.
I don't know if he's from the other world or he's just really insane.Ang hilig mangpikon.
"Aww, I'm late!"
Sabay sabay naming nilingon si Lauren na hinihingal pa na kakadating lang.Agad nangunot ang noo nila Malachi dito at nagsa walang kibo na.
"Bakit ang tagal mo?"tanong ko at saka lumapit sakanya.Si Chaos naman ay naghubad ng damit at nagbuhos ng tubig sa mukha saka pinunasan ang katawan at muling nagsuot ng panibagong damit.
"Ang traffic!"she exclaimed at bumuntong hininga pa sya.
"Oh,by the way, they're Malachi and Ezekiel."pagpapakilala ko sa dalawa.Agad namang ngumiti si Lauren at nag abot ng kamay sa dalawa.
"Hi!I'm Lauren!"masiglang bati nya.
Nagkatinginan kami ni Chaos at nagkibit balikat naman sya.I'm a bit nervous, though.
"Hi."biglang sumeryoso ang mapaglaro na si Malachi at tinanggap ang kamay ni Lauren.Ganoon din naman ang ginawa ni Ezekiel na halatang nagpapaka civil.
Saglit silang nagtitigan na tatlo at si Chaos naman ay muling umakbay sa akin at bumulong.
"She's not suspicious, isn't she?"nilingon ko si Chaos at tinanguhan.Natapos naman na ang titigan ng tatlo at agad kumapit sa aking braso si Lauren.Like nothing's unusual at all.
"Tara sa bahay muna?Like the usual!"she smiled at me kaya pasimple akong tumingin sa tatlong lalake na kasama namin.
Para silang nagulat at akmang magsasalita na si Chaos nang tumango na agad ako kay Lauren.
"Sure!Like no boys allowed?"tinaasan ko ng kilay ang tatlo na halatang aangal pa."Dala mo kotse mo?"tanong ko kay Lauren at masaya naman syang tumango.
"Omg, let's go!"excited nyang sabi.
"Umuna ka muna at ayusin ang kotse mo."agad na tumango si Lauren sa sinabi ko at nagpasama pa ito kay Chaos dahil naiilang daw sya sa mga estudyante na tingin nang tingin sakanya.
"Ipaalam mo kaya muna kay Titus na sasama ka kay Florence?"seryosong tanong ni Malachi.
"He'll know this eventually naman."sagot ko at napakamot naman sa ulo si Ezekiel.
"Sure ka?Samahan ka kaya namin nang patago?"suhestyon nito na agad kong inilingan.
"Eh hindi ba at sabi nyo ay kauri nyo sya?So,may possibility na maramdaman nya kayo."paliwanag ko at parang mas namroblema naman sila.
"Eh paano pag napahamak ka?Yari kami kay Titus."si Malachi na umirap pa sa akin."He's busy with your school paper,his work,soccer,at idagdag pa na napepressure na sya sa ama nya."umiling pa ito.
"Kaya nga wag na ipaalam!Gagawan ko ng paraan in case something bad happen."pagkukumbinsi ko sakanila kaya sa huli ay wala din silang nagawa kaya sumama na ako kay Lauren.
Pansin ko naman ang maya't maya na pagtawag sa akin ni Cliff pero hindi ko na iyon pinapansin.Nakakasawa ang ugali nya.
"Hindi yata kayo nagpapansinan ni Cliff?"kunot noong tanong na ni Lauren na agad kong tinanguhan.
"Ayaw ko lang ng gulo.Ang gulo nya!"sumbong ko kaya natawa sya at umiling habang patuloy na nagmamaneho.
"It's because he really loves you."ngumiti sya ng tipid sa akin at ako naman ay napatitig sakanya.
"You really like him,do you?"naitanong ko nalang bigla na ikinatigil nya bago sya dahan dahang tumango.
"But he's into you, though.So, let's just get over it and put him aside."tumawa sya na agad kong sinang ayunan.
"Hindi mapakali kasi kung anong gusto sa buhay."sagot ko naman.Umirap sya at tumango.
"True!Gusto lagi ay may reserba!"she exclaimed kaya napangiti ako dahil palagay ko ay mali sila Titus ng iniisip na sya si Florence na nangloko sakanila at ngayon ay itinatago ang kapatid.
Nakarating kami sa bahay nila Lauren at wala kaming ginawa kundi ang magkwentuhan at tawanan.Nasa kwarto nya kami ay gumagawa ng girls things.Like make ups and stuffs.
"Ano bang ideal guy mo?"tanong nya habang naglalagay sya ng kanyang nail polish.Ganon din ako.
"Hmm..."saglit akong tumigil at nag isip."Someone who can protect me."simple kong sagot na tinanguhan nya."Ikaw anong ideal guy mo?"
"Let's say na... someone who can protect me and at the same time ay kayang mamuno."sagot nya na nagpatigil sa akin.
Unti unting dumadapo ang kaba sa akin nang ngumisi sya at tumingin sa kawalan.Ang maganda nyang mukha ay napaka inosente.Hindi mo kakakitaan ng kademonyitahan.Nah,just kidding.
"Someone like... Clifford."she added at tingin ko ay doon lang uli ako nakahinga at unti unting tumango.Pilit kong kinalma ang aking sarili.
Lumipas ang araw at sabado na ngayon.Nandito ako kila Titus na palasyong bahay at nakikipaglaro kay Malachi ng basketball.Tinuturuan nya ako dahil hindi ko naman maabala si Titus ngayon dahil ang daming gawain nito.
Tahimik itong nakaupo sa kanilang veranda habang abala sa mga papel at kung anong parang invisible screen na nakalutang sa harap nya.So cool.
"Ang duga mo talaga!"pumadyak pa ako sa sahig ng court nila nang bigla gumamit si Malachi ng kapangyarihan kaya biglang napunta sa kamay nya ang bola.
"Ang bagal mo kasi!Sabi pating wag kang mag travel!"umirap sya sa akin saka nagshoot ng bola.
"But you can't just use your powers on me!"depensa ko dahil totoo naman!Nakaka pikon kaya tong si Malachi!Napakaduga!—
"Manahimik nga kayo!"sigaw na sa amin ni Titus kaya nagkatinginan kami ni Malachi saka nag irapan.
"Ikaw kasi sigaw ka nang sigaw kanina pa!"sisi nya sa akin kaya inis akong namewang sa harap nya.
"Eexcuse me?! Napaka duga mo kasi!"bwelta ko kaya maya maya lang ay pumutok na ang bolang hawak ni Malachi at nag aapoy na ito kaya agad nya itong ibinato sa sahig.
"Hindi kayo tatahimik?!"sigaw ni Titus at padabog na tumayo at lumapit sa aming dalawa ni Malachi."At ikaw!Ikalma mo nga yang utak mo at kanina pa ako nabibingi sa pag h-hysterical mo!"tinuro pa ako nito at saka hinigit sa braso.
"W-what?!I didn't do anything—"
"Pumasok ka sa loob at kumain ka nalang don.Nagluto na si Ezekiel!"inis nyang sabi habang patuloy akong hinihigit sa braso kaya wala na akong nagawa kundi ang magpahigit.
Sinulyapan ko si Malachi na kanina pa tatawa tawa habang nakasunod sa amin.Sinamaan ko sya ng tingin at nakita iyon ni Titus.
"November,quit being childish,damn it!"saway nya sakin.
"Eh kasi yang alagad mo napaka bully!"
"Isa pa Malachi itatapon kita palabas!"banta nito sa kaibigan kaya natatawang umuna na sa amin ito papunta sa kusina.
Gaya ng sabi ni Titus ay nakapagluto na nga si Ezekiel kaya naman kumain na kami ni Malachi habang si Titus at Ezekiel naman ay abala sa pag uusap sa may likuran ng kanilang kusina.
"Can I have that one?"biglang tanong ni Malachi at itinuro gamit ang hawak nyang tinidor ang green peas na nasa plato ko.
"Duh?You have on your plate,Malachi."at inginuso ko pa iyon sakanya kaya inirapan nanaman ako ng baklang ito.Kainis.
"Just a simple peas and you can't give it to me?"hindi makapaniwala nyang sabi na ikinakibit balikat ko saka nagpatuloy sa pagkain.
Maya maya ay naramdaman ko ang sunod sunod na pag vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa kaya kinuha ko iyon.
Kumunot ang noo ko dahil si Clifford nanaman iyon.Hays.
Cliffoconda: where are you?
Cliffoconda: can we talk now? you've been ignoring me the whole week!
Cliffoconda: nobnob dali na bati na tayo
Cliffoconda: pumunta ako sainyo,ang sabi ni tita ay umalis ka daw
Cliffoconda: kasama mo ba sya uli?
Cliffoconda: he's no good for you nobnob
Umiling ako at muling ibinalik sa aking bulsa ang aking cellphone.Hindi ba nya nauuunawaan na kailangan ko ang buong linggo na ito para hindi sya pansinin?
I mean,papansinin ko naman sya kaso naka sched pa iyon next week!Bakit ba napaka kulit nya?!
"Who?"biglang tanong ni Titus habang papasok ito sa kusina kasunod ni Ezekiel.
"Ha?"taka kong tanong.Naupo sya sa tabi ko at pumangalumbaba.
"Sinong papansinin mo next week?"tanong nya at doon ako napairap.
"Ang chismoso mo talaga!Si Cliff lang iyon!Nangungulit uli!"inis kong sabi kaya nangunot ang noo nya.
"Napaka maldita mo talaga ano?"humalakhak si Malachi at pati si Ezekiel ay napailing saka tumawa.
"Why... don't you avoid him for a while?"biglang tanong ni Titus at doon ko sya tinignan na parang ang bobo nanaman nya.
Oo,ang bobo mo!
"Papalayasin kita dito,isa pa."banta nya nang marinig nya ang sinabi ko.Nangunot lang ang noo ko doon saka sya sinagot.
"I am avoiding him the whole week already.I can't do that to my best friend for a long time."I shrugged.
"Chess tayo,Nov?"biglang anyaya sa akin ni Malachi kaya nabuhayan ako at agad tumango.
Makakaiwas ako sa kadaldalan nitong dyos na gurang na ito.
"Sure!Tara!"masigla kong sagot at gulat naman doon si Titus.
"Hoy, babae, kinakausap pa kita!"pigil nito sa akin pero nagkibit balikat lang ako sakanya saka kumapit sa braso ni Malachi."Saka akala ko ba magkaaway kayo, ha?!"pahabol nya na parehas namin hindi pinansin.
Gaya ng usapan namin ni Malachi ay naglaro nga kaming dalawa at hindi nya ako inaaway dahil focus na focus sya sa laro dahil kanina pa sya paulit ulit natatalo .
Hays.Lakas makaakit kasi tapos bobo naman pala maglaro .Ano ba to?
"Hays!Dinuduga mo ata ako eh!"angal nya nang manalo na uli ako sakanya na tinawanan ko naman.
"Mali kasi ang tira mo lagi—"
Kapwa kami natigil ni Malachi nang may biglang parang may blue na puti na nagliwanag sa may pintuan nila at halos mapatago ako sa likod ni Malachi nang may lumabas doon na isang lalake na matanda na at isa ding babae.Akala ko ay sila lang ang lalabas doon pero may dalaw pang lalake na lumabas doon.
Nang mapansin ni Malachi na natulala na rin sya gaya ko ay nagmamadali syang tumayo at lumapit sa harapan nang mga unang lumabas sa may pinto.
Nagulat ako nang luhod sya doon at yumuko.
"Mahal na Hari't Reyna,ikinagagaglak ko ang inyong pagdating!"bati nya doon sa dalawang matanda na unang lumabas.
Ako naman ay napababa sa couch na kanina naming inuupuan ni Malachi saka ako sumilip sa mga ito.
They're dressed so well!Para silang mga taong sobrang yayaman na galing sa lumang panahon!Oh my!And what?Hari at Reyna daw sabi ni Malachi!
"Kamusta,Malachi?"bati dito ng babae na may napaka lambing na boses.
"Maayos naman,Mahal na Reyna."tumayo na si Malachi at hinarap ang mga ito ng maayos.
"Where's Titus?"tanong ng tinawag ni Malachinna hari.He's so gorg!
"Nasa kusina,Mahal na Hari."
"Call him, please.Thank you."sabi ng babae kay Malachi at agad naman itong tumalima.
Halos maubusan na ako ng hininga sa sobrang kaba habang pinapanood ko silang tumayo doon kasama ang posibleng gwardya nila.
"You can show yourself,lady."biglang sabi noong hari daw kaya halos magtindigan na ang balahibo ko nang tignan ako ng dalawang gwardya at isang pitik lang ng isa sakanila ay kusa nang gumalaw ang mga paa ko kaya mas kinain na ako ng kaba.
Holy shit!
Habang otomatikong naglalakad ang aking paa palapit sakanila ay manghang nakatingin sa akin ang babae habang ang hari ay seryoso na pinapanood ako.
"Papa,anong ginagawa nyo dito?"kalmadong sabi ni Titus saka ako sinulyapan saglit at inalalayan at biglang nawala ang pagkontrol sa aking mga paa.
Nanghihina akong napakapit sa mga braso ni Titus dahil pakiramdam ko ay naparalisa saglit ang aking mga paa.Pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa sobrang kaba!
"Hey,calm down."bulong sa akin ni Titus nang mapansin nya ang biglaan kapit ko sakanya.
Saglit nya hinaplos ang buhok ko at biglaan na ang pagkapayapa ng aking katawan.Finally.
"So, she's your visitor?"biglang sabi ng babae.
"Yes,mama."magalang na sagot ni Titus sakanyang—wait what?!Nanay nya yan?!Yang sobrang ganda na yan?!Eh di tatay nya yang matandang gwapo?!
Bigla akong sinamaan ng tingin ni Titus at binulungan.
"Manahimik ka nga."marahan nyang sabi kaya pinilit ko uling ikalma ang aking sarili para naman hindi na sya mabingi.
"We have something to discuss to the three of you."biglang umubo kunwari ang hari kaya nakuha ko iyon at agad tumango at bumitaw kay Titus.
"A-aalis na ako."bulong ko sakanya.Nangunot naman ang noo nya.
"Ihahatid na muna kita—"
"We need this talk right now,Titus Abraham."masungit na sabi ng tatay ni Titus kaya ako naman ay otomatik nang lumakad palapit sa couch kung saan nakalagay ang aking bag.
"Ihatid mo sya sa labas."sabi ng nanay ni Titus saka marahang ngumiti sa akin at nawala muli ang kaba ko dahil doon.
"Tatay at nanay mo pala yon?!Hindi kaya ampon ka?"pang aasar ko kay Titus habang tinatahak namin ang malaking bakuran nila.
"Excuse me, I'm above all the handsome faces—"
"Yeah, whatever."at nauna na ako sakanyang lumabas sa gate at sumunod naman sya.
"You can go alone?You want me to—"
"Hindi na!Huwag ka mag alala at mag iingay agad ako pag may problema."
"Sure?"paninigurado nya kaya ngumiti ako at tumango.
Matapos ko magpaalam kay Titus ay tuluyan na akong umalis.Bago ako lumiko paalis ng village na iyon ay saglit kong sinulyapan ang malapasyong bahay saka bumuntong hininga at lumakad na palayo.
Kanilang bahay lang ang nandoon and that's kinda odd though.
Nakarating ako sa sakayan ng bus at doon ko lang nasulyapan ang oras.Gabi na pala at hindi ko manlang namalayan iyon.Pag nandon kasi sa loob ng bahay nila Titus ay feeling ko patay ang oras.
Pero ang gara no?Makaluma ang pormahan ng magulang ni Titus pero makabago ang paraan ng pagtawag nya dito.Mama at Papa? That's kinda cute.