Lumabas ako saglit para magpahangin. Hindi ko kasi kinaya ang mga salitang binitawan ni Kuya. How can he be so sure na wala akong alam? Na hindi ko alam ang lahat ng nangyayari?. Paano nya nasabing kailangan ko ng tanggapin na wala na sya?. Madaling sabihin sa kanya dahil hindi sya ako. Hindi nya alam ang nararamdaman ko. Wala sya sa posisyon. At mas lalong hindi nya alam ang hirap na pinagdadaanan ko. Wala sya kailanman sa sapatos ko. Para sabihing dapat maniwala na ako?. Naniniwala naman ako. Yes! I admit. Wala na sya. Naniniwala na ako dun. Sa nakita ko pa lamang na lagay ng truck at sasakyan ni Aron sa intersection?. Alam ko. Sa pagtahak pa lamang dito sa ospital. Alam ko kung ano ang pipiliin nya. Kung sakaling may buhay pa sya ng tinakbo sya rito. Alam ko na kung sinong ililigtas nya.
At tama nga ako. Dahil iyon ang naging desisyon nya.
He told a while ago that she's my wife! Naiintindihan nya ba ang mga salita na lumalabas sa labi nya?. Kung hindi. Bakit hindi nalang sya tumahimik at hayaan akong ayusin ang sarili ko.
I get that they're worried. I can see that. They are my family at alam kong sila rin ang unang makakaramdan ng totoong damdamin ko. Pero pwede din namang magpreno diba?. Alam na nga nya. Bakit kailangan pang ipamukha sakin ang lahat?. To slap me from my reality?. For me to wake up and smile like an idiot?. Na ipakitang umiiyak ako sa harapan ng maraming tao. Nope! I can do that! Pero hindi sa mata ng lahat. I can cry but not publicly. My life is as private as I can. Ayokong gumawa ng eskandalo para lang makakuha ng simpatcha sa marami.
And.
I can't just blame him though. Alam kong nag-aalala lang sya sa akin. Sa kalagayan ko. At sa kapakanan ko. Pero hindi na ako bata! Ang tanging kailangan ko lang ngayon ay ang pananahimik nila. Let me do what I want. Hayaan sa kung paano ako gumalaw. Ayoko ng dinidiktahan ako kapag ganitong magulo ang isip ko.
"Si Kuya... nag-aalala lang sa'yo.." I didn't notice her presence. My not so little anymore. My one and only sister, Bamby.
I look faw away. Na kanina ko pa naman ginagawa iyon. Nasa labas kami. Alas nuwebe na ng umaga. Umaga na pero hindi tirik ang araw. Maalinsangan lang. Makulimlim. Mukhang may nagbabadyang ulan.
"Ikaw ang una nyang hinanap pagkagising nya." Bamby continue talking. I let the space of silence between us kahit pa alam kong nagpapaliwanag lang sya sa kung bakit ganun ang asta ni Kuya kanina. "Honestly. Ako rin naman. Nag-aalala sa'yo.." may lungkot sa kanyang boses. "The accident is so sudden. Hindi namin alam na–.."
"Bamby.." I called her name para pigilan ito sa kanyang kwento. Saka ko lamang din sya nilingon. Nagkatinginan kami. "I'm okay. Don't worry, okay?." Matagal bago sya tumango. Ako na ang unang umiwas ng tingin sa kanya. Habang sya. Ramdan ko pa rin ang titig nya.
"Sya..." Kwento nya pa rin. Ayaw paawat sa pagsuway ko. I know who she is referring to. My wife!.
"Ikaw lang ang bukambibig nya simula nung umalis kami ng bahay para isugod sya ng ospital.."
Damn Lance! Shot pa ba?.
Pinaloob ko ang labi. Wanting to say a curse kaso hindi ko kaya kasi si Bamby ito. My lovely sister.
"Hindi kailanman nawala iyon sa kanya."
Pumikit ako habang lumulunok dahil hindi ko kaya ang sakit na dumaan sa lalamunan ko.
"Pero, bakit sya pa?." Bakit sya pa?. Marami naman dyang iba, diba?. Curse me dahil sa tabil ng dila ko. Nagpapakatotoo lang ako! Gusto kong sumbatan ang lahat. Bakit?. Bakit sa dami ng tao sa mundo?. Kami pa?. Sya pa?. Bakit, hindi...nalang...ako?!
Natahimik si Bamby. Napaisip rin siguro o di kaya ay nagtaka sa sinabi ko. Not saying that sila dapat! God knows! No please!. Ayoko!. Mas lalong hindi ko kaya kapag may nangyaring masama sa kanila. Even to anyone. Bakit kaya ganito ang buhay ng tao?. Hindi ko maintindihan ang takbo nito. May nabubuhay. May namamatay. May pinapatay at may binubuhay. How ironic, isn't it?. Parang laruan na tumbang preso. Kung mabagal ka at hindi makakalusot sa kalaban, ikaw ang taya. Pero kung madiskarte ka at mabilis ang kilos. Malaya kang maglalaro. Nakakatawa kung iisipin hindi ba?.
"Hindi ko kayang...wala sya.." I feel like my heart is talking here. Pakiramdam ko. Ang puso ko ang nagdidikta ng laman ng utak ko't sinasabayan laman ng labi ko.
Bamby didn't bother to say anything. Alam nyang dapat wala syang sabihin sa mga oars na ganito. She just held my back. Hinagod nya ito.
Alam kong wala silang kasalanan dito. Aksidente. Walang may gusto. Walang nakakaalam. Wala nga ba?. If meron nga. Bihira sila. But we're not them. We're not one of them. Also. We are not with them. Hindi kami kabilang sa kanila para malaman ng mas maaga ang mangyayari. Syempre. Siguro. That's not easy to take. May consequences at lalong may hakbang para pigilan ang mga ganung bagay. Sana. Nabilang din ako sa kanila para naagapan ang lahat. Pwede nga ba?. I don't even know. Not so sure. Pero kapag may tiwala at paniniwala. For sure. It has.
"She wishes you that..." Biglang nagsalita ulit si Bamby after half of an hour. I guess. "Take care of Danica and Daniel." Tinignan kong muli sya. Sa malayo naman ang tingin nya. "Bago kami nagkahiwalay. Bago ko binitawan ang kamay nya. At bago rin ako nawalan ng malay. Ayoko sanang magkwento sa'yo Kuya pero para saan pa kung ipagpapabukas ko pa hindi ba?. I want you to know the truth. That's the least I can do for her. For you.." I sigh. Bumuntong hininga din sya bago nagpatuloy. Inaalala siguro ang lahat. It is still fresh. I saw some tears coming from her eyes. "And , please Lance." Kinilabutan ako. Parang si Joyce ang nagsalita at hindi ang kapatid ko. "Please. Take care yourself too.." nanigas ako. May dumaang malamig na hangin sa paligid ko dahilan para mas lalo akong manlamig.
Lumingon si Bamby sakin. With tears on her cheeks. Nag-uunahan. Wala sa sarili kong pinunasan ang mga yun. "That's her last wish, Kuya.." duon na sya humagulgol. Ako dapat iyon eh. Pero hinde! Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko matanto kung bakit hindi ko kayang umiyak sa mga nalaman na gusto nya!.
Ang bigat sa dibdib na bago pa ang lahat. Iyon na ang hiling nyang iniwan pa sa best friend nya. It aches my deepest core na kulang nalang madurog ito ng pinung pinuo. Daig pa ang buhangin o abo. "Take care yourself, Kuya. Please.." hindi lang hiling ng asawa ko ang binabanggit nya. Kundi, nilang lahat.
Tama naman sila na I have to accept and release the pain then let go. Tama sila sa puntong iyon. At mali din ako sa mga pagkakataong tinatanong ang pag-aalala nila sa akin. Pamilya ko nga pala sila. Hindi nila kayang nakikita akong malugmok ng mag-isa. Hindi nila kayang nakikita akong hindi umuusad gayong sila, malapit na sa tuktok.
Though her last wish is making me sane. Hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam ko na, nahihirapan ako't nasasaktan...sa pagkawala nya!