Napaangat ang tingin ko at nakita ko na ang gate. Nakauwi na pala ako, napailing ako dahil naalala ko ang ginawa ko kanina kay Renz. Kahit lutang na lutang ay buti't nakauwi pa 'ko.
He offered me, ihahatid na 'ko pag-uwi pero tinanggihan ko. I was too occupied with my thoughts na yinakap ko nalang s'ya bigla.
Pagkabukas ko ng pinto sa bahay, biglang may bumato sa akin ng walis. Nanlaki ang mata ko sa gulat at nagpasalamat na nakaiwas ako 'kundi sapol 'yon sa mukha 'ko.
Nakita 'kong nakatayo si Tita sa harap at tinignan ako ng masama. Her eyebrows raised at inilagay nito ang kaniyang kamay sa beywang.
"Clean the house! May paparating na bisita rito" iritado niyang sabi sakin at tinigna ako ng masama.
Umiwas ako ng tingin at napabuga ng hangin. Damn, ito na naman s'ya. Tumingin ako sakan'ya at yumuko. "Opo."
Kinuha ko ang binato niyang walis sa tabi, ang bigat nito tapos nung binato ito sakain magkakapasa talaga ako kapag natamaan.
Nang mapadaan ako sa tabi niya nakita ko siyang nakangisi saakin.
Hindi ko nalang s'ya pinansin at dumeritso sa kwarto ko para makapagbihis. Napatingin ako sa kwarto ko at hindi maiwasang mapangiti ng hilaw.
Naalala 'kong unang pumunta ako dito ay namangha ako sa laki ng bahay. Ang daming kwarto at mga facility n'ya. Pero lakinh gulat ko inilagay niya ako sa bodega. Ang daming mga gamit at mga boxed at ito ngayon, buti at nalinis ko lahat.
Nakapagbihis na ako ng isang naluwag na shirt at pajama, para maayos ang pagkakatrabaho ko. Itinali ako ang aking buhok. Tinitigan ko muna ang walis at bago ito kinuha. Nakakapagtataka naman, may bisita sina Tita?
"Magandahang hapon, Yuri." Bati ni Georga at bitbit nito ang isang malaking sako.
Ngumito ako sakan'ya. "Labada?"
Tumango ito bilang sagot at nagpaalam para pumunta sa sala. Ang daming katulong nila Tita at lahat sila ay kilala ko na. Nagtagal din ako dito bilang katulong na rin nila.
Nakarating na 'ko sa sala at nakita 'kong naglilinis si Yaya Minda sa nga paintings at mga furniture. Napalingin ito saakin at ngumiti ako bilang bati. S'ya ang mayordoma dito, at para ko na din s'yang Nanay.
Gusto ko sana magtanong sakan'ya na sino ang dadating pero tumahimik nalang ako at nagwalis. Curious ako sa bisita dahil once in a blue moon lang may bumibisita dito.
Ilalagay ko na sana ang basura sa dustpan pero pagkatingin ko sa likuran may basura uli. Napalingon ko kay Manang at nakatingin din ito saakin at balot na balot sa mata n'ya din ang pagtataka dahil malinis na 'to kanina.
Kinuha ko na ang papel na nasa sahig pero may nahulog uli na balat ng saging. Napapikit ako ng mariin. Damn, kilala ko 'kung sino may gawa nito.
Naramdamn 'kong lumapit sa'kin si Manang at tinulungan ako. Umangat ang tingin ko at nakita 'kong nasa second floor sina Tita at kumakain ng saging. May binalatan uli si Bianca at binato sa'kin ang balat. Napapikit ako sa inis.
"Ang cheap mo talaga. Ang landi mo din katulad ng mga magulang mo." ani Bianca sa nakakairitang boses. Tinignan ko sila ng masama at hiniling na sana mahulog sila. Pero iniwala ko iyon dahil kahit papaano ay mabait ako.
"Yeah right, daughter. She's ugly, cheap, whore at tanga" tumatawang asar ni Tita. Like mother like daughter talaga ang tandem nilang dalawa.
Binigyan ko sila na matilim na tingin. If looks could kill, kanina pa ako nagsasaya.
"Oh scary" pangaasar ni Bianca nakita 'kong may hawak na sandal si Bianca at iwinagayway 'to. Binato niya ito sakin bigla at napahawak ako sa aking noo sa sakit. Tinignan ko sila ng masama pero nakatalikod na sila.
Napapikit ako ng mariin. Patience Yuri. Patience.
Narinig ko ang pagsinghap ni Manang asa aking tabi kaya napadilat ako. Nakatingin siya sakin at parang 'di makapaniwala.
"Yuri iha, gamutin muna natin yang sugat mo" nag-alala ang mukha nito at tinignan ang sugat ko ng maigi.
Ngumiti ako sakanya at umiling. Hinawakan ko ang balikat ni Manang at ngumiti. "Maya na po. Tatapusan ko pa muna to" magalang 'kong sabi saka'nya at kinuha ang dust pan. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Manang bago ako umalis.
Pagkatapos 'kong inilagay ang mga basura sa trash bin ay napahawak ako sa aking noo 'kung saan tumama ang sandal ni Bianca, naramdaman 'kong may malapot at mainit na tubig tinignan ko 'to at napasinghap sa nakita.
Dugo! Naramdaman 'kong tumulo ang aking luha. Sumusobra na ang mga tao dito.
Pumunta ako sa kusina para makapaghanda sana ng pagkain pero nakita 'kong iilan sa mga kasambahay at si Manang na may hawak na aid kit. Nakita ko sakanilang mga kata ang alala.
"Mga walang'ya talaga ang mga 'yon" bulong ni Marie nang makalapit sakin at inakay ako papunta sa silid nilang lahat.
Isang kwarto na silang lahat, at sa loob nito ay double deck lahat ang mga higaan. Ako lang ang naiba. Wala na kasi silang bakante dito.
Inalalayan ako ni Marie na umupo sa kaniyang higaan. Napaangat ang tingin ko na naramdaman 'kong pinunasan nito ang aking pisngi. Umiiyak na pala ako.
"Shh, tahan na. Gamutin muna natin 'yan" mahinang sabi niya nakita ko sa mata niya ang pag-alala. Hindi ko mapigilang mapangit dahil sa sobrang caring nito.
Napalingon ako sa pintuan na may pumasok. Sina Manang Minda at Manang Lucy pati si Clarrise. Mga kasamahan ko dito sa bahay.
Lumapit sakin si Manang Minda at siya na amg gumamot sa noo ko. Napanguso ako at tinignan sila na nakapalibot silang lahat saakin.
Napabuntong hininga ako. "Huwag na kayong mag alala sakin. I'm fine." pag-aako ko sakanila para hindi na sila mag alala.
"Iha, sumusobra na kasi sila sayo." sabi ni Manang at linagyan bigla ng alcohol yung sugat ko sa noo.
Napalayo ako ng 'onti at napapikit. "Ang sakit." Daing ko.
"Oo nga, Manang. Parang hindi kadugo " sabat ni Clarisse at tumatango ito sa tabi. Napailing ako sa sinabi niya at tumawa dahil para itong batang may inaaway.
Naramdaman 'kong nilagyan na ni Manang ng band aid kaya tumingin ako sakanila. "Hayaan n'yo na sila."
Pagkatapos niya akong gamutin ay yinakap ko si Manang. Para 'ko na talagang nanay si Manang. "Salamat po Manang" para akong naiiyak.
Naramdaman 'kong niyakap ako ni Manang pabalik. "Ikaw talagang bata ka" natatawang sabi niya. Bibitawan ko na sama si Manang sa pagyakap pero narinig 'kong may sumigaw.
"Group hug!" Tili nina Marie at Clarisse. Tumayo sila pati sina Manang Lucy at niyakap kami. Napangiti ako. Dito sakanila. Ramdam ko ang pagmamahal ng isang pamilya.
PAGKATAPOS 'nun lumabas na kami sa kwarto nila. Gabi na at maghahanda pa kami nang pagkain kasi may bisita sina Tita. Habang nag lalagay ako ng pinggan, bigla akong hinila ni Clarisse, tatanungin ko sana s'ya kung bakit pero ngumuso lang ito.
"Pinapahiram ko sayo ang uniform na 'to. Bihis kana." Aniya at umalis nang maibigay ang isang chamber maid uniform.
Yung uniform ko kasi nasira nung pagkahila sakin ni Bianca noong nag lilinis ako ng swimming pool. Matagal na rin 'yon pero hindi ko pa naayos ang uniform dahil sa sobrang busy ko at wala nang time.
Pagkalabas ko nang CR nakita 'kong naghihintay na sa'kin si Clarisse. Si Clarisse kasi 19 years old na. At ako 15 years old. She older and mature pero ang mukha niya ay batang bata pa.
"Clarisse is it me or mataba ako? Ba't ang sikip ng uniform mo? " Naiiritang tanong ko at hinihila ang skirt nito dahil tumataas.
Tumawa naman siya ng malakas nang tinampal ang kamay ko na pilit itinataas ang skirt.
"Matagal ko na 'yang uniform ko. Bagay naman sayo kaya let's go. Baka nan'don na ang bisita nila Evil witches" sabi niya at napahalakhak sa binanggit.
Napangisi nalang ako sa asar niya.
Pagkalabas namin nan'don na sila Manang sa sala naka line up. Dali dali kaming tumakbo ni Clarisse at pumili sa huli. Pinaghandaan talaga 'to nila. Ang importante siguro ng bisita.
Napatingin ako sa relo ko ala siete na pala.
Biglang bumukas yung pintuan kaya nag bow na kami. 'Di na namin balak tignan kung sino 'yon. Dahil magagalit si Tita.
Maya maya umayos na kami ng tayo nang nakadaan na ang bisita. Nandoon na yata sila sa kusina.
"Grabe, importante ba sila?" Tanong ni Marie saaking tabi at tinaggal ang hairclip sa ulo. Sasagutin ko sana siya pero narinig ko ang pagtawag ni Bianca sa kusina.
"Yuri, come here" sigaw nito.
Nagkatinginan kami ni Marie at umirap ito dahil kay Bianca, napailing ako sa inakto niya at pumasok sa dining room.
"Yes Ma'am?" Bagot kong tanong. Ngumisi naman siya pagkarinig ng 'Ma'am'
"Paki kuha ng tubig 'don" ngumuso ito. Napatingin ako 'don at nakita 'kong nasa sink ito at naroon ang pitsel.
Tumango nalang ako at sinunod ang utos n'ya. Lumapit ako saka'nya at linagyan yung baso. Napatingin ako sa kasama niya sa lamesa para lagyan sana ng tubig pero nanlaki ang mata ko dahil kilala ko ang tao na naroon. It's Renz, ano ginagawa niya dito? Sila ang importanteng bisita nina Tita? Kasama din yata niya ang kaniyang magulang.
Nakatitig ito sa'kin. Sa sugat ko at tinignan ako pababa hanggang paa. Napalunok ako. Nakakailiang yung tingin niya. Ang hapit pa ng uniform sa'kin at ang ikli. Ang awkward, lupa kainin mo 'ko.
Ngumisi ito kaya napamulahan ako. What the heck? Ano ba iniisip nito? Napatingin ako sa katabi niya at nakita kong nakatingin din ito saakin. Kapatid niya 'to? Medyo mature na ang katawan pero kamukhang kamukha niya.
"Hey, pwede kanang umalis" pagtayaboy ni Tita sa'kin kaya napabalik ako sa aking huwisyo.
Tumango ako at umalis pero bigla akong napatid at nabasa yung damit ko dahil sa tubig. Napatingin ako sa sahig at nakita ko ang paa ni Bianca na nakaharang sa dinadaanan ko.
Narinig ko ang tawa nina Bianca at Tita. Naikuyom ko ang aking kamay at tumayo. Humarap ako sakanila at yumuko. "Sorry."
"Stupid" komento ni Bianca. Narinig ko ang pagsinghap ni Renz at ng magulang niya.
Kinagat ko ang aking labi at dali daling umalis sa harap nila. Nakakahiya, at naiinis ako dahil sa ginawa din ni Bianca.
Naramdaman ko naman yung mainit sa mata ko. Anytime iiyak na'ko kaya pinigilan ko.
Napaiyak nalang ako. Lumabas ako sa bahay at pumunta sa Garden. Napaupo ako sa isang bench na malapit sa poste. At 'yon lang ang tanging ilaw dito.
"Ba't ang sama nila sakin? Wala naman akong ginawang masama." Bulong ko sa sarili ko. Tinakpan ko ang aking mukha at yumuko at hindi ko mapigilang umiyak.
Naramdaman 'kong may tumabi saakin kaya napaangat ang tingin ko at nanlaki ang mata sa gulat.
"Renz?"
***