App herunterladen
100% The Mythic God / Chapter 66: Chapter XXIII

Kapitel 66: Chapter XXIII

Chapter XXIII. Turn into a Demon

ANG mga atake ni Zuki ay nagtataglay ng bilis at mapanirang lakas, hindi lamang ang pisikal na anyo ng binata ang nagbago, maging ang mga pamamaraan ng pag-atake nito ay ibang iba kaysa kanina ng lumalaban ito kay Grim.

Samantala si Grim naman ay patuloy sa pag salag sa mga atake ng binatilyo, nagtataka dahil ang pamamaraan ng pag laban nito ay ibang iba kesa kanina, ang mga atake ng binata kanina ay may mga sinusunod na galaw.

Pero ang kaniyang kaharap ngayon ay puro bilis at lakas ng atake lamang ang ipina pamalas, ang ganito kalakas na pwersa ay sayang lang kung hindi ito nailalabas sa tamang pamamaraan. Hindi mailalabas ng isang adventurer, ang kaniyang buong potensyal kung wala itong sapat na kaalaman.

Ang buong lakas ni Grim ay malaki na ang ibinawas, sa mga sunod sunod na atake ng kaniyang kalaban, itinuon n'ya ang lahat sa pag dipensa sa malalakas na atake ni Zuki, ang buo n'yang katawan ay may bakas ng mga hindi kalaliman na sugat.

Ang mga ito ay dahil sa lakas ng mga suntok ng kalaban, ang pagtama ng kamao nito ang nag bibigay ng nakakayanig na atake sa kaniyang katawan. Nararamdaman na n'ya ang pagka-pagod, namamanhid man ang kaniyang mga braso ay hindi n'ya hinahayaan na ibaba ang kaniyang dipensa.

Suntok sa kanan, at suntok sa kaliwa. Ang mga atake ni Zuki ay paulit ulit lamang, subalit ang mga atake nito ay may kasamang malakas na pwersa na pwedeng pumatay ng kaniyang mga kalaban. Kaya lang nakakatagal si Grim ay dahil ginagamit na niya ang buong potensyal ng kaniyang lakas.

Ang buo niyang katawan ay nababalutan ng itim na enerhiya, ang itim na enerhiyang ito ay sinamahan ng kaniyang elemento. Ang kaniyang buong katawan ay tila ba nababalutan ng nagliliyab na itim na apoy.

Nang mga sandaling iyun ay lumayo si Grim sa kaniyang kalaban, ang kaniyang Aura ay kaniyang pinalakas. Ang kaniya namang mga kamay ay nababalutan ng itim na liwanag. Ilang sigundo lang ang lumipas ay may nabuong hugis.

Ang hugis na nabuo ay kawangis ng armas na kung tawagin na "Scythe" o mas kilala bilang "karit" na siyang uri ng sandata na may kakayahan na humiwa ng malalaking puno at sumira ng mga gusali.

Iwinasiwas ni Grim ang kaniyang Scythe na likha ng kaniyang Aura. Nag-iwan ito ng itim na linya sa ere, at mararamdaman ang hindi kalakasan na hangin. Ang paglabas ng itim na aura sa kaniyang katawan ay hindi pa humihinto.

Nagkakaroon pa ng kakaibang hugis mula sa kaniyang likuran, para itong itim na apoy na mabilis na nagkakaroon hugis. Ang hugis nito ay maipapares sa pakpak ng isang nilalang. Mayroong mga patulis na bagay naman ang unti unting tumutubo sa ulo ni Grim.

Sa madaling salita si Grim ay unti unting nagbabago ng anyo. Dahil ito sa kaniyang pag-gamit sa kaniyang "Forbidden Technique" ang Black Soul Boosting Technique ang technique na ito ay ang siyang ginamit niya kay Reiss.

Ang epekto ng technique na ito ay ang palakasin ang isang aktwal na angel ranker patungo sa demon ranker, at ngayon susubukan niya kung ano ang epekto ng technique na ito sa kaniya. At mukhang masasagot na ang kaniyang katanungan.

Nararamdaman ni Grim ang pag pagaspas ng kaniyang naglalakihang mga pakpak sa kaniyang likuran, at ang nakakapanibagong pag bigat ng kaniyang ulo dahil sa dalawang sungay nito. At ang pag hampas sa hangin ng mahaba nitong buntot.

Ang kaniyang katawang tao ay nagbago bilang isang demonyo, ang itim na aura nito ay naglabas ng kapangi-pangilabot na presensya. Ang mga beastman at elf na kabilang sa hukbo ni Zuki ay naramdaman ang kapangi pangilabot na presensya.

Kanina lamang ay may naramdaman sila na mabigat na presensya subalit tila ba hindi sila ang puntirya ng presensya nito, subalit ang nararamdaman nilang presensya ay siyang nagpapa-nginig sa kanilang katawan.

Para silang pinipilit na lumuhod dahil sa presensya na kumakalat sa buong palapag. Samantala habang nakikipag laban si Reiss sa Tatlong Beastman ay napangisi ito ng maramdaman ang presensya ng kaniyang pinuno.

Ang pwersang iyun ng kanilang pinuno ang nagbigay sa kaniya ng lakas na mayroon siya ngayon, ang kaniyang pagiging isang tao ay kaniya nang tinalikuran. Ngayon ay isa na siyang ganap na demonyo na sumusunod sa kaniyang panginoon at yun ay walang iba kundi ang kanilang heneral na si Grim Blackburn.

Ang tatlong magkakapatid na beastman ay kasalukuyang nababalutan ng puting enerhiya, ang antas ng lakas ng mag-kakapatid ay unti unting tumataas. Si Ophir ay napapakapit ng mahigpit sa kaniyang espada at si Recon naman ay mas pinagbuti ang paghawak sa kaniyang sibat.

At si Alena naman ay mas pinatalim at pinatibay ang sinulid na nakabalot sa buo niyang katawan, ang kaniyang mga kamay ay tila kamay ng mabangis na nilalang ang mga talim ng kuko nito ay kayang humiwa ng kahit ano sa isang iglap lamang.

Ang magkakapatid na beastman ay seryosong nakikipag-laban sa isang aktwal na demon rank at isa nang ganap na demonyo.

Si Clemson naman ay kasalukuyan nang may malay, nakatingin ito ngayon sa magkakapatid na beastman na nakikipaglaban sa babaeng nababalutan ng itim na enerhiya. Hindi niya inakala na ang babaeng ito ay ang kaniyang kalaban kanina lang.

Malaki ang pinagbago ng anyo nito, hindi na niya nakikita rito ang bakas ng pagiging isang tao, ang nakikita niya ngayon ay ang itsura ng isang demonyo na kayang tumapos ng buhay ng sino man sa isang iglap.

Susubukan niya sanang tumayo subalit pinigilan s'ya ni Feiya, napatingin siya sa dalaga nakita niya ang maaliwalas nitong mukha habang ito ay nababalutan ng puting liwanag. Para itong angel na bumaba sa kalangitan kung titingnan subalit hindi ito ang oras upang isipin niya ang mga ganitong bagay.

Nasa gitna sila ng tensyonadong digmaan at sa ganitong pagkakataon ay hindi pwedeng mag-isip tungkol sa tinatawag na pag-ibig, dahil para sa kaniya ang tingin lamang sa kaniya ng dalaga ay isang malapit na kaibigan lamang.

Samantala sa lugar kung saan nag sasagupa ang dalawang lalake na kapwa nababalutan ng itim na aura, ang mga ito ay sina Zuki, at Grim na kapwa may Malalaking Pakpak sa kanilang likuran at dalawang sungay sa kanilang ulo at pulang mga mata.

Ang pinagkaiba lamang ng dalawa ay ang pamamaraan mag isip at pamamaraan sa pakikipag-laban, si Grim ay nagagawang makontrol ng tama ang kaniyang kapangyarihan. Si Zuki ay kagaya parin kanina, tila wala ito sa sarili nitong pag-iisip.

Tila ba ibang Zuki ang kaharap ngayon ni Grim, isang uri ng nilalang na siyang kinatatakutan ng karamihan, ang totoong demonyo. Ang itinatagong katotohanan sa puso ng kahit anong nilalang ang pwersa ng kasamaan ay nasa kaibuturan ng puso ng lahat ng nilalang.

Sa loob naman ng isipan ni Zuki ay nasa loob parin ito ng madilim na silid, kasama ang isang pigura ng lalake ng kamukhang kamukha ng binata. Ang lalake ay nakatingin sa binata habang ito ay nakangisi at tila ba'y iniisip ito.

"Lumipas man ang isang siglo, ang pagkakaibigan natin ay hindi nabuwag, ang lakas na tinamasa mo bilang isang Hero bilang ang nag-iisa kung kaibigan, nais kitang paglingkuran subalit palaging ito ang aking nasisilayan, ang malungkot mong mga mata ang palagi kung nakikita, Tsuki, mali! Mas dapat na kitang tawagin sa bago mong pangalan, Zuki Takigawa aking kaibigan" sabi ng lalake at inalala ang una nilang pagkikita ng batang si Tsuki.

Ang nag-iisang tao na itinuring siya bilang siya, hindi siya nito tinuring na isang demonyo, tinuring s'ya nito bilang kaibigan. Siya ang sumusuporta rito noong ito ay isang munting prinsipe pa lamang, kapag ang bantay nito ay wala na sa paligid ay saka lamang siya mag papakita rito.

Doon sila laging naglalaro, lumipas ang ilang taon ay nag binata na ito, siya naman ay nag binata narin at lumago na rin ang malaki nitong pakpak. Nabatid na din noon ng batang si Tsuki kung anong lahi ang kinabibilangan ng kaniyang kaibigan.

Isa itong aktwal na demonyo, subalit ito ay may angking kabutihan, alam nito na mabuting nilalang ang kaniyang kaibigan, simula pagkabata ay magkasama na sila, palaging ito ang kalaro nito noong siya ay bata pa.

Sumagi sa isipan ng lalake ang huling araw na sila ay nagkita ng kaniyang kaibigan, hindi niya inaasahan na madidiskobre ng mga maharlika ang pagka-kaibigan ng isang tao at ng isang demonyo. Hinuli siya ng mga kawal ng palasyo at doon ay unti unti siyang pinahirapan.

Alam niya na ito ang magiging katapusan ng kanilang pagkakaibigan, ang pagkakaroon ng ugnayan ng isang tao at demonyo ay isang malaking kahangalan. Ang tingin ng lahat rito ay isang uri ng pananakop. Namatay siya ng hindi man lang nasilayan sa huling pagkakataon ang kaniyang kaibigan.

At ngayon nasa harap na niya ang imahe ng kaniyang kaibigan, ang pangalawang buhay na ipinagkaloob rito ng diyosa ng buwan, gusto niyang bumalik ito sa normal. Nakikita niya sa mga mata nito ang labis na kalungkutan.

Kalungkutan dahil sa sunod sunod na pasakit na dinanas nito, ang mawalan ng matalik na kaibigan, mawalan ng minamahal at pagtaksilan ng sarili nitong kaibigan. Ang kalungkutang ito ang dahilan ng napakalalim na sugat sa puso ng binata.

Ang sugat na kahit mabuhay kang muli sa bagong katauhan ay dala dala mo parin ang sakit mula sa nakaraan….


Load failed, please RETRY

Bald kommt ein neues Kapitel Schreiben Sie eine Rezension

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C66
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen