App herunterladen
92.22% Ms. Hoodie / Chapter 427: Kabanata 427

Kapitel 427: Kabanata 427

Nag simula na ang shoot ng kambal habang ang mga kuya naman ni Kelly eh normal lang ang pag kilos ng pumunta ang mga ito sa lola nila na para bang walang sikretong itinatago.

"Hindi ba tayo papasok?" Sabi ni Patrick kay Kelly habang nasa loob sila ng kotse at tinatanaw sila Kian na masayang nakikipag kwentuhan sa mga kamaganak.

"Hindi na, tara na umalis na tayo."

"Are you sure?"

"Oo, uuwi rin naman ako diyan mamaya ayokong makita sila kuya baka di ako makapag pigil makapag salita na naman ako ng kung ano. At pag nagkataon ako pa ang lalabas na mali sa paningin nila Lola."

"Eh, malay mo kabaliktaran ang mangyare."

"Hindi na, alam kong sa kilos palang nila kuya halatang wala silang nabanggit kila Lola about dun sa kambal."

"Kilalang kilala mo talaga ang mga kuya mo no?"

"Um. Bata palang ako sila ba ang tumayong magulang ko kaya masakit saking malaman na matagal na pala nila akong niloloko."

"Eh paano, pag uwi mo mamaya? Anong sasabihin mo sa lola nyo?"

"Wala, gaya nila kuya mag mamaang maangan lang din akong wala akong alam at walang nangyayaring kung ano samin. Just go with the flow! Tapos!"

"Ohh... Pero, kailan mo gagawin yan? I mean, hindi ko naman sinasabing patawarin mo na sila pero hanggang kailan ka magagalit sa mga kuya mo? Tutumbasan mo ba yung taong nag sinungaling sila sayo? Para lang maging patas kayo? Ganun ba ang gusto mong mangyare?"

"Kung pwede lang! Ganun ang gusto kong mangyare pero hindi eh... Kapag nakikita ko silang ganyan, masaya na parang lahat ng problema itinatawa nalang... Nagiging marupok ako... na parang gusto ko ng makipag ayos sa kanila. Yung tipong sa mga oras na ito gusto kong tumakbo papunta sa kanila para maki jamming sa kwentuhan pero sabi ng isip ko "hindi pa ito ang time para makipag ayos ka" kasi ang sakit pa Patrick hindi ko lubos maisip na sa tagal ng panahon na mag kakasama kami nila kuya lahat ng weakness at mga secrets ko alam nila. Wala na nga akong privacy kasi sobrang strict nila sakin na I used to it. Pero sila?..."

Napatigil si Kelly sa pag sasalita dahil bigla nalang syang naiyak at kaagad naman siyang kinomfort ni Patrick.

"Wag ka ng umiyak naiintindihan kita."

"Sila kuya kasi yung andiyan parati sa tabi ko yung parating resbak ko sila din yung bumibili ng nga gusto ko mas spoiled pa nga ako sa kanila kaysa kay Mama. Pero ngayon? Parang gusto ko nalang sumabog. Ang sakit kasi... Bakit kinailangan pa nilang gawin sakin yon? Hindi ba nila ako kapatid para pagkatiwalaan? At kailangan pa nila akong pag lihiman? Tapos parang nanunumbat pa sila kasi hindi ko daw sila maintindihan kung bakit nila na gawa yun ni Mama sakin. Para naman daw yun sa kapakanan ko pero bakit? Bakit parating ganon? Ako nalang ba dapat ang parating umiintindi sa gusto nila? Bakit hindi i-try na lumagay sa lugar ko?"

"It's okay, I understand you ganyan din ako noon di ba? Kaya nga nag layas ako samin at kila Dave nanirahan. Pero, palagi mong tatandaan na kahit anong mangyare sila parin ang pamilya mo. Hindi ka mabubuhay sa mundong ito kung wala sila. Hindi ba kaya rin ako bumalik samin kasi dahil sa mga payo mo. Kaya ako naman ngayon ang dadamay sayo. "

"Salamat."

"Um. Alam mo namang di kita kayang matiis eh. So, paano? San mo gustong pumunta?"

"Ahm... Hindi ba may work ka ngayon?"

"Ah, actually oo at nag sisimula na. Pero ayos lang andun naman si Mr. Johnsen sasamahan na muna kita kung san mo gustong mag punta."

"Tara nalng sa workplace mo."

"Ha? Are sure?"

"Um. Pwede ba ko dun?"

"Ah, oo naman pero ayos lang sayo?"

"Oo para naman matulungan din kita."

"Sige na nga. Wag ka ng iiyak ulit ha?"

"Um."

"Okay, let's go!"

At sakto namang pag alis nung kotse nakita yon ni Kian.

"Hmm? May problema ba kuya?" Tanong ni Kevin habang nasa terrace sila ang nag mimiriyenda ng camote cue at halo-halo kasama nag pinsan nila.

"Wala, parang may nakita lang ako pamilyar na kotse."

"Kotse? Baka kay Joshua yon parating nag paparit-parito yun eh." Sabi ni Nico isa sa mga pinsan nila.

"Si Joshua? Yung anak ni Aling Vicky diyan sa may kabilang kalsada?" Sabi ni Keith.

"Hindi ba at nasa Canada rin yon? Nakabalik na?" Sambit ni Kevin.

"Nako, oo kayumabang nga at bumili ng bagong kotse." Sabi naman ni Jason na isa rin sa mga pinsan nila na nakatira rin sa Dela Cruz compound.

"Eh di ba yun naman eh engineer hindi na nakapagtataka kung bumili man yon ng kotse." Sabi ni Kian.

"Oo hindi nga, pero hindi ka pa ba magtataka kung linggo-linggo may bagong kotse?"

"Vince?" Pagulat na sambit nila Kian.

"Sup mga kawsin!"

"Kailan ka pa dine?" Sabi ni Keith.

"Halos kararating laang din

nyan ng kayo eh dumating." Sabi ni Jason.

"Oo nakatulog lang ako kaya di na ko nakasalubong sa inyo."

"Ay, bakit ka naririto? Sinabihan ka ba ni Kelly?" Tanong ni Kian.

"Ah... Hindi, may pinaasikaso laang ang inay dine."

"Ohhh... Akala ko dahil mag babakasyon si Kelly eh kaya andito ka rin."

"Ha... Ha... Hindi naman."

Pero sa totoo lang pinapunta talaga sya roon ni Kelly para may kasama itonf mag bakasyon.

"Parang masarap yang halo-halo nyo ah, meron pa gang tinda ang tita Vina?"

"Ay, syempre meron lakad at pumaroon ka kila tita Vina sa bakery ika'y paniguradong ba kwento ni Lola kanina." Sabi ni Nico.

"Ay sige, parang masarap eh."

"Samahan na kita Vince." Sabi ni Kevin.

"Hindi na kuya ayos lang."

"Hindi, parang gusto ko rin kasing bumili sa bakery. Mga kuy's may gusto ba kayong ipabili sa bakery?"

"Wala ayos na ito sakin." Sabi nila Kian at Keith.

"Kayo Nico, Jason?"

"Ayos na rin ire samin." Sagot ni Jason.

At pagkatapos nga'y sumama itong si Kevin kay Vince na papuntang bakery dahil may gusto rin pala itong sabihin sa pinsan.

"Ha? Ah... Eh... Wala naman."

"Wag mo kong inaano Vince vukod sakin sayo lang madalas nag sasabi ng sikreto nya itong si Kelly kaya umamin ka pinapunta ka nya dito no? At wala talagang ipinaaasikaso sayo si Tita Ada."

"Ah... Eh..."

"I knew it! So, alam mo na rin ang tungkol sa kambal?"

"Ahm... Opo Sir! Si Kelly kasi! Pero totoo nga bang nag sikreto kayo sa kaniya? Bakit naman di nyo agad sa kaniya sinabi? Tampong tampo sa inyo yung bata eh."

Kevin bonked him "bata ka diyan! Lagot ka na naman niyan kay Kelly pag narinig ka nun. Alam mong ayaw nyang tinuturing syang bata."

"Hehe... Tayo, tayo lang naman ang andine kuya. Pero to be honest naawa ako kay Kelly kasi para syang pinagsakluban ng buong mundo. Mantakin nyo ba naman, naging introvert sya dahil na rin sa inyo sobrang strict nyo rin kasi sa kaniya tapos lahat ng gusto nyong mga kuya nya sinusunod nya. Halos wala na nga syang sariling desiyon kasi pinanghihimasukan nyo sya parati, kasi ang laki rin tiwala nya sa inyo. Tapos sa isang iglap lang may dalawa pa pala syang kuya na kailangang pakisamahan? Ang malupet na nire eh nag lihim kayo sa kaniya including tita Keilla."

"Yah... Gulong gulo na rin talaga ko eh kaya nga kinumbinsi ko sila kuya na maki pag team up na kay Patrick tutal kaya rin naman nandidine sila kuya Flin and kya Nick is sila yung bagong model ng Mall nila Patrick."

"Ano?! New model ng mall? Nila Patrick?!"

"O-- Oo... Hindi mo alam?"

"Aba'y hinde! Wala rin namang na kwento sakin si Kelly about doon!"

"Ay, oo nga pala hindi rin alam ni Bunsuan ang pa tungkol roon."

"Ay si'ya! Eh lalo nyo laang ginagalit si Kelly Ann Marie ni'yan!"

"Wala na nga kaming choice kaya nga humingi na kami ng tulong đi'yan kay Patrick."

"Ang galing ano? Pag tayo eh naririne talaga sa Batangas ay bumabalik na ng kusa ang ating accent sa pananalita. Hahaha..."

"Heh! Wag mong baguhin ang ating dinidiskusyon!"

"Ay uho, pasensya na... Pero paano pumayag si Patrick? Ay, parang pag nagkataon eh inilalaglag nyo yung tao dahil magkakaayos nga kayong mag kakapatid eh magagalit naman si Kelly kay Patrick."

"Ay, hindi naman gayon yon. Ang samin lang eh parang mas okay na si Patrick ang dumiskarte dahil sya naman ang bf ni Kelly at boss nung kambal. At sabi nya rin naman eh sya na raw ang bahala basta ga'y kami eh wag mangingialam. Siguro ba'y gusto rin ni Patrick na mapatunayan sa amin na gagawin nyang lahat alang-alang laang sa kaniyang sinisintang si Kelly kaya siya'y tinutulungan kami."

"Sana laang eh hindi kayo mabuking ni Kellang. Dahil alam nyo ang babaitang yun eh kapag naka radar eh talaga namang pag na galit eh talagang napaka hirap suyuin kaya nga ako'y di na muna nakikipag talo sa kaniya."

"Bakit? Tila ata ika'y may gustong sabihin kay Kelly."

"Ah... Eh... Pag ga sinabi ko sayo kuya eh di mo sasabihin kila ate at Inay?"

"Ay ano ga iyon? At ika'y bigla nalang naging seryoso di'yan."

"Ay, magiging ninong na uli kayo."

"Anak ng! Buntis ka?"

"Ako?!"

"Ay mali, I mean naka buntis ka? Sinong ama?"

"Ano ga kuya Kevin ang nakain mo? Dahil ga itan sa halo-halo?"

"Ah... Hahaha... Sorry na ako laang eh naguguluhan talaga tapos dumagdag ka pang kulugo ka!"

"Pero uho, magiging ninong na uli kayo. Ay, sa hindi ho inaasahang pangyayare eh na buntis ko si Mimay."

"Ano?!"

"Ay uho, at sa ating pamilya eh kayo palaang ang aking nasasabihan. Kaya ako'y tulungan nyo naman kila Inay kung paano ko sasabihin."

Kevin bonked him "ay, tinamaan ka ng magaleng! Napagkakaligalig mo naman at gumaya ka pa kila kuya Kian at kuya Keith."

"Ay uho nga eh. Ay... Wala ng magagawa andidi'yan na eh. Di ko nga rin alam kung papaano ko sasabihin kay Kellang alam nyo namang ayaw talaga nun na nag sisikreto sa kaniya."

"Ay, uo... Lalo't galit pa nga rin sya sa aming mga kuya nya."

"Eh sa tingin nyo ba eh magagalit iyon?"

"Ay ulaga ka eh bff nya si Mimay tapos inano mo? Ay nako, bahala ka di'yan!"

"Teka lang naman kuya Kevin! Hoy!!! Kakampi nyo ko!!!"

At the same time,

Patuloy lang sa pag shoot ang kambal sa beach...

"3 more pose pa raw then we can go inside na." Sabi ni Ms. Lea dun sa kambal na nire-retouch.

Naka summer outfit ang kambal at kitang kita na napaka physically fit nila sa tig 6pack abs nila at lalo pa silang naging matikas sa bagong gupit nilang buhok.

"Ms. Lea excuse me I wanna discuss something." Sabi ni Mr. Johnsen.

"Oh, okay... Twins, I gotta go."

At ng maka alis naman si Ms. Lea sinundan naman sya ng tingin ni Nick at napansin yon ni Flin.

"Bro! Hey! Nick!"

"What?"

"You okay? Who are you looking at?"

"Why she always with that guy?"

"Ha?"

"Are you looking at them?"

"Who do you think I'm talking to, Bro?"

"Okay, okay. chill. But of course Ms. Lea is our manager and that guy is Mr. Johnsen and he is Patrick assistant and Patrick is not here. So, what do you think they are talking about?"

"Bro, the point here is when we start shooting he always calling Lea for something and something and something!"

"Bro, do you know what the main point here?"

"Hmm?"

"The point here is you're jealous that's why you're paranoid."

"No way! I'm just concern to Lea cause you know she is our lovely manager."

"Oh look, Mr. Johnsen is hugging her!"

"What? Where are they?"

"Who are you looking for Nick!" Bungad ni Lea.

"You okay?" He checked her as if something is wrong with their manager.

"Hmm? O... Of course, what's with him Flin?!"

"Pffft...He is just being himself. You know him he is paranoid."

Ms. Lea sighed.

At ang hindi alam nung kambal ay naroroon na rin sa lugar nila itong si Kelly.

"Young Master, Young Miss!" Bungad ni Mr. Johnsen.

"Oh, what's up? Is everything okay?"

"Yes President. Everything here is under our control."

"Good. Ano ng nangyayare? Are we done here?"

"Hindi pa po pero patapos na then next na po eh sa loob."

"I see. Ahm... Order some food for Kelly. Yeobu, what do you want to eat?"

"Nothing, di pa ako gutom pero dito talaga ang workplace mo ngayon? Sa beach?"

"Um. Ayaw mo ba?"

"Ah, hindi naman pero don't tell me kaya kakaunti ang tao dito ipinasara mo ang beach na ito dahil may shoot kayo."

"Okay lang po kay Young Master/ President naman po itong beach na ito."

"Anooooo???"

"Oh? Bakit? Sa tingin mo ba hindi ko kayang bumili ng beach?"

"Young Master!!!" Ani Kelly na may pag tungo pa.

"What the? Stop that I'm your fiancé so what is mine is yours too."

"Hinde, ayoko!"

"Eto na naman po tayo. Anyways, Mr. Johnsen, call someone para masamahan ang Ma'am Kelly ko dito mag libot-libot."

"Yes po."

"No need I can walk around I will call you nalang later dito lang naman ako sa tabi-tabi."

"Are sure?"

"Um. Sige na, I know naman na busy ka."

"Okay sige, just don't go kapag alam mong di mo na ko nakikita understand?"

"Opo Young Master."

"Kelly!!!"

"Hahaha... Sige na see you later." The she kissed him sa cheeks.

"See you later love you!" He kissed her too sa cheeks din then nag punta na sya kung nasasaan yung kambal kasama si Johnsen.

At habang nag lalakad yung dalawa iniinform na ni Johnsen si Patrick sa mga nangyare "opo young master gaya po ng sinabi ko everything is under our control. Kayo po ba sigurado na sa gagawin natin?"

"Um. Like what we've plan."

"Pero Young Master, paano kung magalit si Young Miss sa inyo? Sigurado po bang hahayaan nyo nalang na magkita yung mag kakapatid? Pero tandaan nyo hindi nyo pa nasasabi kay Young Miss na ang bago nyong model eh ang mga kuya nyang kambal."

"I know, at gaya ng nasa plano let's go with the flow. Isa pa, hindi rin naman sinabi sakin ni Kelly kung sino ang twins nyang mga kuya kaya normal lang na di ko alam yon di ba?"

"Eh... Opo, pero paano nga po kung magalit sya sa inyo dahil na misinterpret nya kayo."

"Don't worry I can handle her now."

"Kaya idol ko po kayo eh."

"Anyways, did the twins cut their hair?"

"Opo, at talagang nasa dugo po nila Young Miss ang mga gwapo at magaganda. Ayun po sila."

At ng makita nga ni Patrick yung twins na mangha ito "so, ano pong masasabi nyo? Para po silang master piece!"

"It's really good that I pursued Kelly. Sigurado akong kapag nagka anak kami pwede ding maging model gaya ng mga uncles nila."

"Aba, opo naman gandang lahi!"

"President!" Bungad ni Flin.

At kumaway naman si Patrick at lumapit sila ni Johnsen dun sa kambal.

"Sup? Are you guys enjoying your stay here?"

"Um. The place is really beautiful and your staff is very accommodating. Right Nick?" Sagot ni Flin na siniko si Flin dahil ang sama ng tingin kay Mr. Johnsen.

"Yeah."

"Ah, by the way, thankyou guys for cutting your hair. I know every strands of your hair is important."

"It's okay we can still grow our hair for donation. Don't bother!"

"Um. But I'm so grateful that you two our my new models. At dahil nga diyan I brought your sister here."

"Wait, what? Kelly's here?" Pagulat na sambit nung twins.

"Um. So be ready cause in any time andito na yon nag gagala lang. You know what I'm saying?"

"Yeah. But it's really okay to see us here? I mean, what if she misundertand us?"

"Yeah. Flin is right! What if..."

"Why? Are you guys afraid to see her?"

"Of course not it's just that..."

"Young Master! Young Master!"

At di na nga naituloy ni Nick ang sinasabi dahil biglang may tumawag na isang lalaking staff kay Patrick.

"Anong nangyayare?"

"Ahm... Si Ma'an Kelly po..."

"What happened to her?" Sabay sambit nung twins.

"Hinabol nya po yung mag nanakaw!"

"What?"

"Ah, he said..." Sambit ni Mr. Johnsen pero di nya na rin naituloy kasi naiintindihan pala nung kambal na sumunod na dun sa lalaki staff. "Naiintindihan nila ang tagalog pero nahihirapan silang mag salita ng tagalog? Malapit na talaga akong matuyuan ng pasensya sa kanila!!!"

"Are you done talking?"

"Ah... Ahm... Sorry po Young Master. Pero hindi po ba dapat sumunod na rin tayo sa kanila?"

"Not so fast, just stick to the plan."

"Opo Young Master!"

"Oras na makita nung kambal na in trouble ang kapatid nila di sila mag aatubiling rumesbak. Then from that, doon na mag sisimulang lumambot ang puso ni Kelly."

"Napaka ganda po talaga ng naisip nyo Young Master. Sigurado po akong this time matutuwa na sa inyo si Sir Kian."

"Yeah!"

Pero ang hindi alam nung dalawa na ang pekeng nakawan serye ay naging totohanan na.

"Flin, Nick! What are you guys doing here?" Pagulat na sambit ni Lea na mismong nanakawan ng bag.

"We are looking for our sister she's trying to catch the thief right now!"

"What? That's Kelly?!"

"Um. Did you see her?" Tanong ni Flin.

"Ye-- Yes, actually... she's helping me, my bag got stolen."

"What? So the one...who..."

"She's there! Let's go Flin!"


At nag madali na nga yung kambal para tulungan si Kelly.

"Babysis!!!" Anila.

"What the?! Anong ginagawa nila dito?" Ani Kelly na para bang nakikipag isparing dun sa mag nanakaw.

"Babysis look out!" Sabay sambit nung twins dahil yung nag iisa kaninang kalaban ni Kelly ay may kasamahan pa palang isa na nag balak saksakin ito sa likod buti nalang naka lapit agad si Nick at sinipa ito.

"You okay?"

"Ye-- Yes."

"You dare to hurt our baby sister?!! You will die!!!" Pag sugod na sambit naman ni Flin at nag flying kick dun sa kalaban kanina ni Kelly.

At wala na ngang nagawa si Kelly kung hindi ang matulala nalang sa ginagawa ng mga kuya nya.

"Mga Sir, tama na po yan!" Sabi ni Johnsen na inawat ka agad yung twins at ipinahuli sa pulis yung dalawang mag nanakaw na bugbog sarado na.

"Yeobu! Are you okay?!!!" Ang nag aalalang sambit ni Patrick na hindi inakalang ang acting lang sana ay nauwi na sa totohanan.

"I'm okay." Sagot ni Kelly na lumapit namang ka agad dun sa twins dahil nakita nitong nagkaroon ng galos ang binti ni Nick at si Flin naman ay sa kamay. "We need treat your wounds."

Nagkatinginan naman yung kambal at sabay sinabing "we.. we are okay it's just a scratch."

"No, we need to make sure to clean your wounds to avoid infections."

"Oh... Okay. Thanks!" Anila.

"No need to thank me I am the one who needs to say thankyou. So, thankyou for helping me."

"We-- Welcome..."

Nagulat naman yung kambal na bigla silang niyakap ni Kelly.

"Young Master, mukhang mas okay po talaga pag totoo yung acting eh. Tignan nyo mukhang okay na sila." Pabulong na sambit ni Johnsen.

Patrick bonked him "manahimik ka! Baka marinig ka ni Kelly!"

"So-- Sorry po."


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C427
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen