App herunterladen
63.28% Ms. Hoodie / Chapter 293: Kabanata 293

Kapitel 293: Kabanata 293

Ready na ang lahat para mag swimming kinabukasan naka bathing suit pa ang ibang mga kababaihan at isa nga rito si Rica na sobrang sexy pala ng pangangatawan.

"Bro, hindi mo naman sinabi na may perfect body pala yang asawa mo?" Ang sabi naman ni Joshua.

"Haysss…sinabi ko na nga dyan na wag na mag two piece, wala ayaw mag papigil."

"Bakit naman daddy maganda si mommy at sobrang sexy pa kaya ka nga na inlove ka eh." Ang paningit na sambit naman ni Jacob at pinuntahan ang mommy nya na nag su-sunbathing kasama si Faith.

"Tignan mo ang batang ito! Anak!!! Bantayan mo yang mommy mo ha?!"

"Bakit di po ikaw ang gumawa? Busy rin po ako." Ang sigaw pang sagot ni Jacob habang nag lalakad.

"Hayssss!!!"

"Hahaha…mukhang manang mana ang anak mo sa nanay niya."

"Heh!. Di'yan ka na nga muna!"

At iniwan nga ni Kian si Joshua dumating naman sila Kevin at Keith kasama pa ang iba pa nilang pinsan "nasan si kuya Kian?" Ang tanong ni Kevin.

"Ayun binabatanyang mabuti ang asawa nya, oh, ikaw bro di mo ba babantayan si Faith?"

"Ayos lang di naman sya kasing sexy ni ate Rica."

"Grabe ka kay ate Faith kuya kapapanganak nya lang kasi lagot ka pag nalaman nya yan." Ang sabi ni Kevin.

"Subukan niyo lang malilintikan kayo sakin!"

"Tsss…" reaction ng lahat.

Napansin naman ni Keith na tingin ng tingin kay Nico si Wena "Pis, bakit di mo lapitan yung Wena kanina pa nakatingin sayo."

At napatingin nga si Nico kay Wena na nag gagawa ng sand castle kasama yung ibang kasambahay nila Patrick.

"Tigilan nyo nga ko dun baka isipin nung babae pa fall ako."

"Bakit naman? Wala ka namang gf ngayon diba?"

"Oo nga, mabait si Wena kasundong kasundo nga sya ni Kelly eh." Ang opinion naman ni Kevin.

"Ewan ko sa inyo. Nasan nga pala si Jacob?"

"Andun sa mommy nya iniinis siguro ang daddy nya." Ang sabi naman ni Joshua.

"Teka, nasan ang tropa nila Kelly?" Ang sabi naman ni Eric na pinsan rin nila.

"Ayun!" Ang sagot ni Joshua.

At sabay-sabay silang napatingin kila Dave na para bang may pa rampa si Mayor at talagang nakuha nila ang atensyon ng karamihan dahil gaya ni Patrick nag g-gym rin kasi sila Dave at Vince at syempre ang mga asawa nilang si Mimay at Aliyah na bit-bit ang anak nila.

"Woah…ibang klase talaga kapag mga bata pa papatalo pa tayo mga tol?" Ang sabi naman ni Eric.

Napatingin naman sila Kevin sa katawan nila at hindi na tinanggka pang mag hubad ng shirt gaya nila Dave at Vince "Kailan pa natutong mag gym si Vince? Tsaka nasan si Harvey?" Ang tanong ni Joshua.

"Tinatanong mo pa ba yan? Ano mang oras o araw maaari ng manganak si Shai baka nakakalimutan mo kapatid mo sya." Ang sabi ni Kevin.

"Ay, oo nga pala ayun bantay sarado nga si Mommy syempre si Shai yun eh di nga namin akalain na magiging twins rin ang magiging anak nya."

"Eh?" Anila.

"Oo may lahi rin pala tayong twins sa part natin?"

"Hmm…sabi ni lola yung pinsan raw ni lolo eh may twins at triplets pa nag daw eh. Kaya siguro namana nyo ni Shai what I mean is yung genes mo malakas kasi may twins kayong anak ni Mabel." Ang sabi ni Kevin.

"Teka lang, si Kelly ba alam na kung ano gender ng anak nila?" Ang tanong naman ni Nico.

"Hindi pa wala pa namang 6months ang tyan nya pero di ko lang sure kung ilan."

"Teka, bakit may possibility ba na maging twins?" Ang tanong ni Keith.

"Hindi ko rin alam, ngayon kasi mahirap pang ma distinguish kasi naman halos mag 4weeks palang naman ang tyan ni Kelly. Pero ewan lang din wala naman nasasabi sakin ang doctor ni Kelly."

"Well, sa totoo lang mahirap magkaroon ng twins hindi naman sa ayaw ko pero naawa talaga ako nun kay Mabel nung nanganak sya normal section kasi sila James at Reid…"

Hindi naman natapos ni Joshua ang sinasabi niya dahil nagulat sila Kevin at Keith sa pangalan ng mga anak nito "James at Reid yung names?" Anila.

"Nico, hindi mo pa ba nasabi sa kanila?"

"Ah…eh…hindi pa ata o baka nalimutan ko nga ata?"

Tawa naman ng tawa sila Kevin at Keith dahil dun sa name ng twins ni Joshua "wait lang don't tell me yung magiging anak ni Shai yung names eh Nadine at Lustre naman?" Ang pabirong sabi ni Keith.

"Sira! Syempre hindi hiwalay na yung JaDine eh kaya Kath and Niela nalang daw."

Tumawa naman ng tumawa sila Kevin at Keith at yung iba pa sa names ng magiging twins ni Shai at Harvey "hahaha…di naman halatang fan na fan kayong mag kapatid ng mga celebreties ano?" Ang sabi naman ni Kevin na halos utas na sa kakatawa.

"Hahaha…ewan ko ba kay Shai ginaya yung James at Reid ni Mabel sya talaga ang may pakana nun faney na faney kasi ang asawa ko ng JaDine at nag iiyak pa yun nung nalaman nyang hiwalay na ang LT."

"Ibang klase."

Napansin naman ni Nico na parating na ang KelRick at payong na payong ni Patrick si Kelly na naka pure white na maternity dress naman ito pero manipis ang tela at halata ang kanyang suot na bathing suit at syempre may hood parin na suot-suot nya "wifey, hindi ka ba nilalamig sa suot mo?"

"Anong gusto mo mag jacket ako sa beach??"

"Ah…Ahm..ang akin lang kasi halata na yang undies mo sa suot mong yan."

"Eh ikaw nga naka shorts ka lang eh kitang kita yang pandesal mo hindi ba usapan, ako lang dapat makakakita nyan?"

Bumulong naman si Patrick kay Kelly "gusto mo ba ng pandesal ko pwede naman natin yang pag usapan sa kwarto."

"Gusto mong sunugin ko yang pandesal mo? Pagka ganireng init na init ako tumigil ka!"

"So—Sorry na ere na nga mag susuot na ng sando."

Napansin naman ni Patrick na may nakatingin kay Kelly na mga kalalakihan kaya imbes na isuot nya yung sando itinaklob nya nalang kay Kelly "ano bang ginagawa mo?!" Ang nagagalit na sambit ni Kelly habang hawak ang sando ng asawa nya.

"Ha? Ah... Eh…wifey parang mas bagay kasi yang sando ko sayo try mo nga."

"Ano?"

"Si—Sige na please?"

"Haysss…kahit kailan ka talaga!"

At isinuot nga ni Kelly yung sando ng asawa nya "oh? masaya ka na?"

"See, sabi ko naman sayo bagay sayo."

"Ewan! Maupo na nga tayo nasan sila kuya?"

"Ayun tara dun sa kanila."

Pag tingin naman ni Kelly sa kinaroroonan ng mga kuya niya nakita nyang nakatingin naman kay Patrick yung ibang babaeng bisita rin ng resort na pag mamayari ng mga Santos at tinaasan nya ito ng kila "Ahem…hubby, lagyan mo ko ng lotion baka mangitim ako!" ang sabi nya habang nakataas ang kilay sa mga babaeng nakatingin sa asawa nya.

"Pe—Pero nag lagay ka na kanina bago tayo umalis."

"Haysss…gusto ko nga ng marami!"

"Ah…O—Oo sige pero maupo muna tayo dun."

"Okay…HUBBY!" pinagdiinan nya talaga yung hubby sa mga babaeng nakikitang nakatingin sa asawa nya.

At nang makarating yung dalawa sa kinaroroonan ng mga kuya at pinsan nila "oh, bakit ngayon lang kayo?" Ang sabi ni Kian.

"Ah…tinanghali po kasi ng gising si Kelly."

"Tsss…ano pa bang tinatayo tayo mo diyan? Maupo na tayo!" Ang sabi ni Kelly na animo'y galit sa asawa nya.

"O—Oo sige."

Bumulong naman si Jacob kay Patrick "nag away na naman po ba kayo ni tita Kelly?"

"Hinde alam mo naman yan napaka moody."

"Well, goodluck nalang po sa inyo."

"Ikaw bata ka mag gawa ka na nga lang ng sand castle diyan gandahan mo ha?"

"Opo naman sisguraduhin kong mas maganda ito sa ibang sand castle na naririto."

"Gusto mo bang tulungan kita? Mag hire na ba ako ng engineer or architect?"

Piningot ni Kelly ang tenga ni Patrick "anong engineer pinagsasabi mo dyan? Sand castle ang gagawin ni Jacob at hindi magtatayo ng bahay."

"O—Oo nga baka lang naman ka ko..."

"Heh! Isuot mo na nga itong sando mo."

"Hoy! Wag mong mahubad hubad yan! Ang nipis ng suot mo!" Ang sabi ni Kian.

"Kuya naman! Beach ito at wala ako sa bahay."

"Sabi ko nga po dyan wag yun ang isuot pero nag pupumilit."

"Ahhh…ang sweet naman ni bayaw." Ang sabi ni Rica.

"Heh! Isa ka pa dyan eh mag bihis ka na nga tama na yang pag papa tan mo."

"Tigilan mo nga ko ilang buwan rin akong nag diet para dito."

"Haysss… ewan ko na hindi ko na alam gagawin ko sa inyong mag ina si Jacob ayaw mag pa lotion gusto ring mag pa tan pag kayo lang mag ina naging ulikba bahala kayo!"

"Daddy, summer time, right mommy?"

"Yes, my baby."

"Haysss!!! Ewan ko na sainyo dun na nga muna ko sa cottage bahala kayong masunog dyan."

"Summer time." Anila at nag tawanan at hindi na nga kinaya ni Kian ang kulit ng mag ina nya kaya nag walked out na nga ito.

"Ang kj kasi, summer kaya nga ganito ang suot kasi summer isa pa itong si Patrick eh."

"Eh wifey naman buntis ka kasi kaya kailangan mo mag ingat."

"Haysss…ikuha mo na nga lang ako ng maiinum nauuhaw nako."

"Okay anong gusto mo hot or cold?"

"Sapakin kaya kita? Summer nga! Alangan namang hot!"

"Ehhh...ang akin lang naman kasi…"

"Kumuha ka na nga lang! At siguraduhin mong wag kang titingin sa kung sino-sinong linta dyan sa tabi-tabi."

"May linta? San?"

Bumulong naman sa kanya si Jacob "tito ang ibigsabihin ni tita mga chix sa tabi-tabi sa katawan nyong yan sure akong mag lalaway ang mga girls."

"Hoy! Bakit marami ka ng alam sa ganyan ha?"

"Basic po, summer time."

"Haysss…tung batang ire."

"Oh? Ano pa gang ginagawa mo? Kuha mo na kong ng maiinum."

"O—Oo ere na nga. Ate Rica kayo po gusto nyo?"

"Ah, no need I'm fine right baby?"

"Yes po, ako ng bahala kay mommy ko…summer time."

"O—Okay…haha…summer time ha. Ahm…ate Faith kayo po?"

Hinanap naman ni Kelly ang ate Faith niya "sinong ate Faith ang sinasabi mo? Eh wala naman sya dito."

Tinanggal ni Jacob yung sumbrebro na nakatakip sa mukha ni Faith na nakabaon na pala sa buhangin "hi babysis."

Nagulat naman si Kelly dahil nasa tabi nya lang pala si Faith "Susme, ate Faith naman bakit di ka nag sasalita? Paano kung naupan na kita diyan kanina?"

"I know naman na di mo ko mauupan dine. Hehe…Pero sige bayaw kuha mo rin ako ng maiinum."

"Okay po 2cold drinks coming right up."

At umalis na nga si Patrick "sa wakas matatanggal ko na rin ang sando nya ang init eh."

"Wag mo ng tanggalin gaya mo nag seselos rin sya kasi may mga matang nakatingin sa body mo. Right baby J?" Ang sabi ni Faith.

Jacob nods "eh?"

"Yah, overprotective talaga ang mga boys kapag ganitong summer kaya tignan mo ang kuya Kian mo kulang na nga lang kumutan nya ako dito pero hindi nya naisip na nag pa sexy talaga ko para sa kanya para hindi na sya titingin pa sa ibang babaeng andito. Right baby?"

Jacob nods again and he said one more time "summer time."

Tawa naman ng tawa itong si Kelly kay Jacob "bakit feeling ko, nag summer lang ang dami ng alam ni Jacob."

"Of course tita Kelly its summer time."

"Hahaha…pero puro summer time hahaha...ewan ko sayong bata ka tapusin mo na nga lang yang sand castle mo."

"Okie po."

Bumangon naman na si Faith sa pagkakahimlay este pagkakahiga niya sa sand "ang init na baka matusta na ko."

"Woah! Kala ko naka two piece ka rin ate eh."

"Nah, ayoko mag bathing suit alam mo na kapapanganak ko pa lang kaya ere naka tube lang ako at shorts. Dami ko kasing body fats."

"Ahhh…kala ko dahil magagalit rin si kuya Keith sayo."

"Nako, sure akong wala yung pake kasi di pa ko sexy buset nga yun eh sabi ko nga mag two piece rin ako aba dedma."

"Hehe…kasi nga he knows na hindi mo pa kaya." Ang sabi ni Rica.

"Oo ate andun na nga pero grabe di man lang sya nag react na ganire ang suot ko? Sarap niyang tirisin."

"Eh…baka kasi ate alam nyang mahihimlay…"

"Ano?"

"What I mean is ibabaon mo yang sarili mo sa sand kaya he ain't worry."

"Tama si Kelly dapat nga di ka muna bumangon nakakatanggal ng taba yung sand dito. Sabi ng mga staff."

"Talaga ate?"

"Jacob, bilis tabunan mo ulit si tita."

"Po?"

"Oo, gusto ko pag bangon ko kasing sexy na ako ng mommy mo."

"Eh?"


AUTORENGEDANKEN
lyniar lyniar

Kayo ba namiss nyo na ba mag beach? Share niyo naman ang naging experiences nyo habang nahihimlay este nag eenjoy. HAHAHA

-don’t forget to gimme your votes and comments natanggap rin po ako ng reviews just hit the star and lemme know your opinions. Ciao!(^______^)

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C293
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen