App herunterladen
9.93% Ms. Hoodie / Chapter 46: Kabanata 46

Kapitel 46: Kabanata 46

Kinagabihan,

"Ding...Dong..."

Kevin: Baka si Vince na yan ako na mag bubukas.

"Okay." Anila habang nakaupo sa may sala.

Kian: Parang ang tagal naman ata ni Kelly ngayon hindi ba't parati siyang nauuna satin bakit ngayon eh di pa ata sya nakaayos.

Keith: Eh syempre formal ang attire natin baka nahirapan siya mag ayos dapat pala sinabihan natin si Alice pupunta naman pala si Vince dine eh.

Kim: Sa tingin niyo isuot kaya ni Kelly yung binigay nating dress?

Kian: Sana, mukhang okay naman na sya nung dumating tayo kanina.

"Good evening mga pishan." Ang bungad ni Vince.

Keith: Aba at mukhang tao ka rin naman pala pag ayos ang suot.

Vince: Huh! Syempre naman mas pogi na ko seniyong apat.

Bineltukan siya ni Kevin "Asa ka pa!" Aniya.

Vince: Hehe...baka lang naman makalausot. Si Kellang asan?

"Ready..." Bungad ni Kelly habang pababa ng hagdan naka simpleng puting bistida lang sya na syempre may hood pero mukhang elegante dahil sa kulot niyang buhok with bangs.

Vince: Wow...Pis bagay pala sayo ang kulot nag pa parlor ka pa talaga ha?

Kelly: Hindi nanood lang ako sa youtube tas yun ginaya ko sabi kasi ni Mimay. Ayos lang ba?

"Oo Bunso ang ganda mo." Tugon ng mga kuya niya.

Vince: Well, you heard it from your brothers so I guess? Shall we?

Kelly: Sandali lang, uhm...mga kuy's salamat nga po pala sa pa bistida at may hood pa talaga siguradong mahal ito pina customized niyo pa ata sana lang di niyo ibawas sa allowance na kakarampot na nga.

Kevin: Sira! Syempre hindi it's our way to show our sincerity for your forgiveness.

"Yeah."

Kelly: Asus...bilis halikayo.

"Ha? Bakit?" Anila.

Kelly: Haysss...ako na nga lang.

Ni lapitan niya ang mga ito at hinalikan sa pisnge ang bawat isa "Salamat and sorry mga kuy's." Aniya nagkatinginan ang mga kuya niya at niyakap siya.

Vince: Ahhh...ang sweet.

Kelly: Tulungan mo ko naiipit na ko.

Vince: Okay lang yan ngayon nga lang kayo nag kabati bati eh.

Kelly: Tsk...Sigh...

Samantala,

Ang dami ng bisita sa bahay ng mga Benedicto "Iyah, sabi mo pupunta si Kelly bakit wala pa siya?" Ang sabi ni lola Nena.

Aliyah: Ah..opo baka papunta na po dine lang naman po yung bahay nila di ba?

James: Sa subdivision na ito rin nakatira yung babaeng yon? Eh di ba po granny exclusive ang subdi.na ito?

Pinisil ni lola Nena ang pisnge niya "Ano naman kung exclusive? Anong tingin mo kila Kelly? Basta basta?"

Daniel: So, mayaman po si Kelly?

Chollo: Wait, Kelly as in my Princess?

"Oo". Tugon nung apat.

Lola Nena: Ano yon Iho? My Princess?

Aliyah: Wag niyo nalang pong panisinin yan si Chollo nga po pala.

"Happy birthday Granny." Anila at niyakap si lola Nena.

Lola Nena: Salamat mga apo buti't andito kayo kahit wala ang mga magulang niyo.

"Walang anuman po Granny." Anila.

Wayne: Yung gift po namin nasa room niyo na.

Lola Nena: Aba at di ko ata alam yon.

Daniel: Surprise po yun ba naman Wayne.

Aliyah: Di ka pa na sanay diyan.

"Honey, andiyan na sila Kelly." Ang bungad ni Lolo Entong.

Chollo: Sila?

James: Opo nga bakit "Sila?"

Lola Nena: Ahh...yun ba halikayo ng malaman niyo.

Habang papunta sa may labasan sila Lola Nena "Eiii...mga kuy's ang daming tao." Ani Kelly.

Kian: Eh malamang alam mo namang mga kapitbahay natin eh mga yayamanin sigurado ko mga kamaganak rin iyan nila lola Nena.

Keith: Kalma lang baby andito kami di ka nila sasaktan diyan ka lang sa gitna.

Nagpunta si Kelly sa likod ni Kevin "Ehh...ayoko mauna kayo nalang." Aniya.

Kevin: Sigh...sige na diyan ka na sa likod.

Kim: Oh? Nasan si Vince?

Vince: He---Hello?

Kim: Oh? Bakit nasa likuran din kita?

Vince: Ang daming tao mukhang nakaka LL yang mga yan lahat.

"Nakaka LL?" Anila Kian.

Kelly: Sigh...Nakaka "Luwag luwag" ang meaning nun.

"Ahhh..." Reaksyon nila.

Vince: Sabi ko naman sayo Kelly dat di na ko sumama nakakahiya di naman ako taga dine sa subdi.niyo.

Kelly: Eh bakit ba? Sila naman nag invite sayo tsaka nagkataong di kasi pwede si Mimay kaya wag ka na ngang ano diyan.

Kian: Shhh...ayan na sila Mrs. Benedicto.

"Halikayo welcome sa aming munting bahay." Bungad ni Lola Nena.

Sa isip-isip ni Vince "Munti? Eh ang yung labas nila sakop na ang bahay namin pati yung sa kapibhay namin."

"Happy birthday po Mrs. Benedicto." Sambit ng mga kuya ni Kelly.

Siniko ni Kevin si Kelly at bumulong "Baby, bumati ka ano't nasa likuran ka pa rin?"

Kelly: Ehh...kuya nakakahiya kasi yung suot ko.

Aliyah: Kelly!

Pa silip-silip si Kelly "He---Hello?" Aniya.

Lola Nena: Salamat sa pa punta niyo.

Tinulak ni Kevin si Kelly "Ha---ppy Birthday po lola Nena." Ani Kelly.

Lumapit si lola Nena kay Kelly "Salamat." Aniya at niyakap niya si Kelly.

Kelly: Yung...regalo po namin kinuha na doon sa may gate eh di po kaya budol yun?

Lola Nena: Silly! Hindi inatasan siya na kumuha ng mga regalo kaya ayos lang yun don't worry okay?

Kelly: Ahhh...ganun po ba?

Pabulong bulong si James kay Chollo "Ang ganda niya pala pag naayusan."

Chollo: Ummm...

Aliyah: Sorry bro, mukhang isa sakanila ay bf na ni Kelly.

Daniel: At bakit kasama na naman niya yung Vince?

Wayne: Boring...

Lolo Entong: Tara na at kayo eh maghapunan.

"Opo." Anila.

Sa labasan,

Jio: Boss, ano papasok ba tayo?

Bruno: Boss, gutom na kami.

Renzo: Mag tigil nga kayo!

Bruno: Invited naman tayo boss bakit di pa tayo pumasok?

Jio: Oo nga boss ng makalafangi na.

Renzo: Sabihin niyo yung kasama ni Kelly ba ay mga kapatid niyang lahat?

"Yes boss." Anila.

Jio: Ay...hindi pala boss yung isa roon ay pinsan niya yung Vince yung name.

Renzo: Eh yung isa yung naka white na v-neck tapos naka indigo na coat?

Bruno: Ahh...yung panganay na kuya ni Kelly? Si Mr. Kian isa siyang guro sa elementarya.

Renzo: Ki---Kian? Ang pangalan niya?

"Yes Boss." Anila.

Jio: Kian Ezekiel po ang full name nya.

Bruno: Ang sumunod po ay si Kim wala po siyang second name.

Jio: Ang pangatlo si Keithaniel isa ring guro gaya nila Kian at Kim.

Bruno: At si Kevin Isaac siya lang ang hindi guro sa mga kuya ni Kelly.

Nakatulala lang si Renzo "Boss?!!!" Anila.

Jio: Anong nangyare sakaniya?

Bruno: Bay ewan ko?

"BOSS!!!" Sinigawan nila si Renzo sa tenga.

Pinagsasampal ni Renzo yung dalawa "Hindi ako binge!" Aniya.

"So---sorry Boss." Anila.

Renzo: Uuwi na tayo!

"Boss?"

Sinigawan niya rin yung dalawa "UUWI NA TAYO MGA TUKMOL!!!!" Aniya.

Umaakmang sasampalin rin nila si Renzo "Sige? Ano?"

"Ha---ha---ha...ang pogi niyo talaga Boss."Anila.

Renzo: Tsss...ewan ko sa inyo.

Iniwan niya yung dalawa "Ano na naman kayang trip niya?" Ang sabi nung dalawa.

Renzo: Bilisan niyo na diyan kung ayaw niyong di kumain ngayong gabe!

"Ye---Yes Boss andiyan na." Anila.

Sa isang lamesa,

Naroroon sila Kelly at ang mga kuya niya kasama si Vince na kumakain "Tsk...bakit ganre ang pagkain nila dine? Parang di naman nakakabusog mas gusto ko pa luto ni kuya Kim na kare-kareng walang mani." Ang sabi ni Kelly.

Kian: Shhh...Kelly!

Keith: Pero tama naman si baby di ko rin gusto ang lasa ng pagkain ng mga nakaka "LL" na ito.

Vince: Nakiki LL na rin kayo ha?

Kim: Buti nalang pala kumain muna tayo satin ano?

Kevin: Kaya nga sure gutom na tayo lalo na yang si Kellang.

Kelly: Tsk...naiihi ako saan ang c.r dine?

Kian: Hindi ba't nakapasok ka na sa bahay dine? Hindi mo ba alam?

Kelly: Kuya, di naman ako nag c.r nung last ako nag punta dine.

Kevin: Mag tanong ka nalang o pigilin mo para satin ka nalang umihi.

Kelly: Pero kuya naiihi na talaga ako.

Vince: Halika samahan na kita.

Kelly: Ha?

Vince: Bay siguro naman may c.r silang marami dine? Naiihi na rin ako eh.

Kian: Sige na ipagtanong niyo nalang.

Kelly: Okie tara na Pis.

Vince: Sige lika na.

Makalipas ang ilang minuto,

Kelly: Jusme, naliligaw na ata tayo.

Vince: Sabi ko naman kasi sa iyo sabi nung kasambahay nila diretso tas liko raw sa kanan tapos kakaliwa sa bandang sulok.

Kelly: Aba'y ang dami naman kasing sulok ng bahay nare.

Vince: Takte! Sige dine ako sa kaliwa dine ka sa kanan tapos magkita tayo dine uli kapag di pa rin natin nakikita yung c.r okay?

Kelly: Sige!

At nag hiwalay na nga yung dalawa pero napunta si Kelly sa isang room na puno ng mga libro at mga koleksyon ng mga iba't ibang uri ng bulaklak "Woah...ang ganda naman dine." Aniya habang palinga linga ito.

Pag ikot niya "Aw..." May nabunggo siyang matigas na bagay.

"Sino ka?" Sabi nung lalaki pag tunghay ni Kelly.

Kelly: Sino ka rin?

"Sandali lang, you're the talkative girl Kelly right?"

Kelly: Ohhh..ikaw naman yung freak na tahimik na laging basa ng basa ng libro.

"Huh! Its Wayne okay? And what are you doing here?"

Sa isip-isip ni Kelly "Ano raw? Whine? Alak yun ah."

Wayne: Magnanakaw ka no?

Kelly: Hoy! Kapal mo!

Wayne: Tsss...Bakit nandito ka?


AUTORENGEDANKEN
lyniar lyniar

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C46
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen