After one year…
Loey
Concert in Tokyo.
"Tinkerbells make some noise!!!!!!" Masiglang Sigaw ko sa buong crowd na hyper na hyper habang itinataas ang mga light stick nila.
It's Our concert in Tokyo, Japan.
The Tinkerbells are happily jamming with our songs. Nakakahawa ang energy at sayang pinapakita ng crowd sa amin.
Kasama ko ngayon sa stage ang members na hilerang nakatayo.
If facing the stage, sa left side ako nakatayo, habang katabi ko naman si Kyle, kasunod niya ay si Jaydee, then si Jayem tapos si Dio naman sa tabi niya, kasunod ay si Blake then si Minx kasunod ni Harvey at sa dulo naman si Sean.
"Wan some more?" tanong ni Blake na mas lalong nagpa hyper sa fans.
"Yessss!!!! Tugon ng crowd.
"Hmmm…sadly we're down to our final song," malungkot na ani ni Jayem.
"Owwwww…" tugon naman uli ng crowd.
"But before that, may special stage muna si Kuys Loey," nakangiting bawi ni Blake.
Teka? Hindi ako na inform ah?
Maging ang ibang members ay hindi rin yata na inform base sa mga reaksiyon nila.
"Anong kakantahin ko?" pabulong na tanong ko kay Blake.
He was smiling then he answered me. "Just sing your heart out."
Walangya 'to! 'di ako na orient na may pa ganito.
Hinatak niya ang members papunta sa backstage at nagtatakang sumunod ang mga ito.
Naghiyawan na ang mga tao at naghihintay na sila sa solo performance ko.
"Ahh..."
Takte ano ba? Wala akong idea.
Hmmm… pumasok bigla sa isip ko ang kantang Hiling ng Silent Sactuary.
Minsan, 'di ko maiwasang isipin ka.
Simulang kanta ko.
Mabilis namang sumaliw ang tugtog ng musicians sa pagkanta ko.
Lalo na, sa tuwing nag-iisa.
Ano na kayang balita sa iyo?
Naiisip mo rin kaya ako?
Kasi naiisip parin kita Rose, kahit isang taon na ang lumipas.
Hindi ka nawala sa isip ko at sa puso ko.
Baliw ka Loey, paano ka maiisip ng taong patay na?
Simula nang ikaw ay mawala,
Wala nang dahilan para lumuha
Damdaming pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka parin ng aking puso.
Parang kulang na, pag ika'y wala.
Takte naman, parang maiiyak yata ako! Bakit ba naisip ni Blake ito?
Inikot ko ang paningin ko sa crowd. Pakiramdam ko kasi ay may nakatingin sa aking isang espesyal na tao.
At hihiling, sa mga bituin, na minsan pa sana ako'y iyong mahalin.
Hihiling kahit dumilim, ang aking daan na tatahakin.
Bakit parang feeling ko ay tinitingnan ako ni Rose? Bakit pakiramdam ko isa siya sa mga taong nandito sa crowd at pinapanuod ako?
Hindi ko nga halos ma recognize 'yong mukha ng mga tao sa sobrang dami nila. You/re just dreaming Loey.
Patungo, sa iyo…
Napatingin ako sa gawi ng bleacher sa pinakataas na bahagi. Halos parang langgam na lang sa liit ang mga tao roon. At kahit pilitin ko mang makita ang mga mukha ng mga iyon ay hindi talaga makaya ng paningin ko.
Nakita ko lamang ang isang tao na hindi ko sigurado kung babae ba ito o lalaki.
Nakita ko lamang siyang umalis mula sa pwesto niya at naglaho sa mala buhanging tumpok ng mga tao.
Why do I have this feeling that I might know that person?
It's rest day today. Nagkatipon kaming lahat sa dorm maliban kay Kuya Jayem at Jaydee na naroon na sa kani-kanilang pamilya.
Nanunuod na naman ng pororo ang dalawang isip batang si Kyle at Dio, habang si Blake naman ay nakangisi na namang nakaharap sa phone. For sure babae na naman iyan. Ang ibang members naman ay nagsisyesta sa kani-kanilang kwarto.
Napagpasyahan ko na lang maglaro ng LOL at niyaya ko si Sean.
Inihanda na namin 'yong laptop at headset na gagamitin naming para sa laro.
"Uist, huwag kayo maglaro dito. Maingay si Sean, maiistorbo panunuod naming ng Pororo," babala ni Dio. Napatawa ako ng bahagya.
"D'on kayo sa second floor manuod," nagmamalditong tugon ni Sean.
"Nauna kami rito." Isa pang maldito itong si Dion a namimilog pa 'yong mata.
Umiling-iling ako. "Tara na sa taas bro," pagyayaya ko kay Sean.
Inimbitahan ko naman si Blake. "Ayaw mo sumali?"
Nakangisi parin ito habang nagtatype sa phone. "Hmmm… nope, may lakad ako. I'm meeting a friend."
"Friend o girlfriend?" nang iintriga kong tanong.
"Yes she is girl, but she is just a friend."
"Tsss… ganoon padin 'yon, lalandiin mo parin," pang aasar ko.
"Hindi pare iba 'to. Hindi ko 'to lalandiin kasi may mahal na siya at mahal ko rin iyong taong mahal niya."
Nagtaka ako bigla. Ano 'yon?
Dalawa lang 'yon, it's either tomboy 'yong kaibigan niya, or bading siya. Hahaha
"Dami mong alam, sino nga kasi iyan?"
"Basta, secret friend," huling sabi nito saka tumayo na para maghanda sap ag alis niya.
Kung sino ka mang secret friend ka, masyado mo naman akong pinapa curious.
The last six chapters will be up tomorrow. Thankyou...