Rose
Hindi makapaniwala sa nakikita ko ngayon,
Sumabulat sa aking harapan ang lahat ng Posters ni Loey na nakadikit mula sa dingding ng kwarto ni Ana.
Naguguluhan ako, kanina lang n'ong kausap ko siya ay mistulang hindi niya ganoon ka kilala si Loey o ang Peter pan. Paanong naging puno ng larawan ni Loey ang kwarto niya ngayon?
Pero isinantabi ko muna iyon at tinungo ko ang side table para hanapin ang gamut ni Ana, ngunit bago pa man ako makalapit ay nakita ko na kaagad ang nakadisplay na picture frame na naglalaman ng larawan ni Ana kasama si Loey. Sobrang sweet nila at masaya sa larawang iyon.
Napahawak ako sa nakaawang kong bibig at halos mabuwal ako.
May relasyon ba silang dalawa noon?
Bakit hindi ko ito alam?
Nawala na sa isip ko ang pakay ko at hiindi ko na napansing nakagapang nang pumapasok si Ana sa kwarto niya. Pinilit nitong tunguhin ang kaniyang side table at kinuha ang gamut saka ininom iyon.
Nakuha pa niyang itaob 'yong picture nila ni Loey pero huli na ang lahat.
Tulala lang akong nakatingin sa kanya.
Medyo nawala na rin yata ang sakit na nararamdaman niya dahil umipekto na ang gamut sa kanya.
"Rose, I can explain," mahina niyang sabi.
"Sino ka ba talaga?" tanong ko sa kanya.
Nagsimulang tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya.
Walang emosyong nakatingin lang ako sa kanya, pero halo-halo parin ang nararamdaman ko sa loob-loob ko.
Napa sapo ako sa noo ko. "Ano mo si Loey? Siya baa ng dahilan kung bakit mo binibigay 'yong puso mo sa akin?"
Nakayuko lang siya at umiiyak.
"Sagutin mo ako Ana!" pagsusumamo ko sa kanya.
"Ako si Zoey,"
sabi niya sabay ng pag-angat ng kanyang ulo at tumitig sa akin ng masisinsinan.
Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig nang marinig ko iyon.
Ako si Zoey…
Ako si Zoey…
Ako si Zoey…
Paanong siya si Zoey? Paano nangyari iyon?
Hindi ba at patay na siya?
Nagbagsakan na rin ang mga luha mula sa mga mata ko at naramdaman ko ang hirap ng paghinga.
"I can't believe this," sabi ko habang umiiling.
"Rose, walang magbabago. Ibibigay ko parin sa'yo ang puso—"
"At paano si Loey?" pagpuputol ko sa sinasabi niya.
"Sa tingin moa no ang mararamdaman niya kung malaman niyang 'yong inakala niyang patay na ay buhay pa pala?"
"Rose, listen. Hindi niya kailangang malaman." Nilapitan ako nito at hinawakan ang kamay ko tanda ng pakikiusap.
Umiling-iling parin ako at tila wala s ataman huwisyo ang pag-iisip ko ngayon.
"Excuse me," sabi ko at umalis na muna ako.
Nagtungo ako sa kwarto at doon ay inisa isa kong ipasok sa utak ko ang buong pangyayari.
Pinalabas niya kay Loey na patay na siya dahil sa kalagayan niya, at nang Makita niya na naghahanap si Loey ng heart donor ay iprinisinta niya ang sarili para I donate ang puso niya.
Napatayo ako mula sa pagkaka-upo sa kama at nagdesisyon akong balikan si Zoey sa kwarto niya para pakinggang ang paliwanag niya.
"I want to hear your explanation."
Tumango siya at lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya.
"'yong kinuwento ko sa'yo. 'yon ang totoong nangyari," Pagsisimula niya.
"Natakot ako, nandiri ako sa sarili ko. Dahil pakiramdam ko ay hindi na ako karapat-dapat kay Loey."
Walang humpay ang pagtulo ng luha niya sa mga mata.
"And I'm dying Rose, I don't know when. Kaya natakot din ako na baka mahirapan si Loey. I decided to let him think that I am dead, para nang sa gan'on ay makapag-move on na siya. I don't want to let him suffer with me."
She held my hand again. "Wala na akong balak pang magpakita sa kanya, pero n'ong malaman ko na may girlfriend si Loey at kailangan ng heart donor, I decided to offer my heart. Jamilla Cortez is not my Aunt, she is my Mom."
Kaya pala tinawag niya itong mama kanina.
"Hindi ako nag dalawang isip na ibigay sa'yo ang puso ko, dahil alam kong ikaw ang magpapasaya ulit kay Loey. I want him to be happy with you Rose."
Hindi ko alam kung ano ang mararmdaman ko. Sobrang gulo sa utak nito at nasasaktan din ako para kay Loey. Knowing that he suffered when she was gone.
I can't imagine someone doing that, but a part of me somehow understands Zoey.
"Nakiki-usap ako Rose, Sana huwag mong sasabihin kay Loey."
Hindi ko siya masagot. "Rose please?"
"Ayoko nang guluhin pa ang masayang relasyon niyo, so please Rose, huwag mo nang sabihin sa kanya?"
I don't know, I can't even think straight right now.
Maraming salamat po sa pagbibigay ng powerstones at pagcocomment.
pa follow po ako sa page ko. beke nemen.hehe @MissHeiress
pwede rin po kayo mag join sa group ko.
MISS HEIRESS STORIES OFFICIAL
thankyou!