Rose.
Good morning.
Bumugad sa akin ang isang text message galing kay Loey. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
Ganito pala ang feeling ng may nag go-good morning sa'yo.
I was about to type a reply but he texted again.
Don't smile. Bawal kiligin.
Natawa ako. Paano ba kasi? Ito ang unang beses na nagka boyfriend ako, siguro ay inosente pa ako pagdating sa mga ganitong bagay kaya OA siguro ang kilig na nararamdaman ko ngayon.
I will be busy today. Please take care.
I love you.
Don't smile just be cold about it.
Napa iling-iling na lang ako. Siguro ay nahihirapan siyang i-express ang nararamdaman niya sa'kin. Magka girlfriend ka ba naman ng bawal sumaya, magalit o malungkot.
Napa buntong hininga ako nang malalim. Alam kong napaka selfish nitong desisyon ko. Alam kong one day pwede akong mawala at maiwan siya. Pero sa kabilang banda, nabuhay muli ang pag-asa ko.
Pag-asang magiging normal pa ulit ako.
"Lord, kung itinadhana mang maging kami ni Loey sa huli. I pray na magkasama pa kami nang matagal."
Mahinang usal ng puso ko.
Lumipas ang buong araw at sa bahay lang ako namalagi. Hindi na ako gumagala sa malayo simula nang atakehin ako, minsan lumalabas na lang ako kasama sina Angel kahit n'ong mga time na iniiwasan pa ako ni Loey. Iniiwasan ko na lang din magtanong tungkol sa kanya.
Masaya ako dahul kahit papaano ay napalapit ako sa mga kaibigan niya.
Lumipas ang maghapon at wala akong ginawa kundi matulog. Kahit panunuod kasi ng movie ay bawal sa akin, dahil baka ma absorb ko raw ang emotion ng mga karakter na mapapanuod ko.
Kaya ang ending, 10 PM na ay hindi parin ako makatulog.
Nakahiga lang ako habang nakatingin lang sa phone ko. Hindi pa siya nagti-text ulit simula n'ong last text niya kaninang umaga na hindi ko rin nareplyan. Sobrang busy nga niya, naghahanda kasi ang Peter pan para sa nalalapit nilang world tour concert.
Makalipas ang ilang minuto ay tumunog na rin ang phone ko sa wakas.
At si Loey iyon.
Katatapos lang naming mag-practice. I'm sorry if I texted late.
Kumain ka na ba? I'm sure you're done. It's 10PM already. And I think you are sleeping already.
Sweet dreams :) Good morning for tomorrow.
Kahit pilitin pa niyang huwag mag tunog sweet ay nasi sweeten parin ako sa kanya.
Nagugutom ako.
I replied.
Gising ka pa pala?
Napakagat-labi ako. Mayamaya pa ay sunod-sunod na notifs ang natanggap ko sa phone.
Magpapadeliver ako ng food diyan, ano gusto mo?
Ah, no. I will go there, wait for me.
Just 30 minutes okay?
Hala, seryoso? Napaka sweet niya naman talagang boyfriend. Nag-abala pa talagang puntahan ako.
I don't know who will I react to this. Talagang kinikilig ako ngayon at hndi ko na mapigilang magpa gulong-gulong sa kama.
Huwag na kaya? I'm okay. Matutulog na lang ako. I replied
Mas mabilis pa sa alas kwatro ang reply niya.
I'm on my way now.
Okay Rose, kalma!
Wala pang 30 minutes ay dumating na kaagas siya. Now I can really prove that he wasn't joking. Kahit pagod siya sa practice ay nagawa parin niya akong puntahan.
"Hi."
Napangisi ako nang bumungad siya sa pintuan, at marami siyang bitbit na pagkain. Giniya ko siya papasok at dumeretso kami sa kusina. Natutulog na si Yaya Shirley kaya di na naming mayayaya.
Ang daming pagkain. May roasted citrus chicken salad, shrimp scampi with noodles, salmon with cucumbers at marami pang heart-friendly recipes.
"Para naman akong kakatayin nito eh," reklamo ko sa kanya. Literal kasi na parang sampung tao ang kakain sa dami ng dinala niya.
Ngumiti lang siya sa'kin. "I'm not sure kasi kung anong gusto mo, I'm in a hurry kasi kaya binili ko na lahat. Ayokong nagugutom ka."
Ngumiti ako ng napaka tamis. "Oh! Bawal kiligin," Pagsaway nito na nakaturo pa sa akin kaya agad kong ibinalik sa pagseseryoso ang mukha ko.
Umiiling-iling siya habang inihahanda parin 'yong pagkain.
"Paano ba naman ako hindi kikiligin? Eh sobrang sweet mo sa'kin. Kita mo nga ini-spoil mo ako," katuwiran ko sa kanya.
Hindi siya kumibo at nagpatuloy lang sa pag prepare ng pagkain.
"Nahihirapan k aba sa'kin?" muli ay tanong ko. Kung tutuusin, pwede naman siyang maghanap ng normal na girlfriend. Yung Malaya siyang napaparamdam ang pagmamahal niya at hindi katulad ko na kailagang pag-ingatan na di makaramdam ng kahit ano.
"Tomorrow dadalhan ulit kita ng foods, pero ako na ang magluluto," pagda divert niya sa usapan.
"Really? Marunong ka na?" namimilog ang mga matang sabi ko.
He stared at me in the eye. At shocks ha! Bakit ang sexy niya?
"I will learn how to cook for you," Aniya saka ngumiti.
"I think, I just died right now," sabi ko pa habang nakahawak sa dibdib. Kumunot ang noo nito.
"Stop joking."
At tumawa naman ako. Naiinis na nakatingin siya ngayon sa akin. "Akala niya siguro nakakatawa."
Tumigil na ako sa pagtawa dahil hindi na siya natutuwa.
"Kain ka na," anito. At sinimulan ko na ring kumain.
Pinagmamasdan niya lang ako habang kumakain. "Saluhan mo kaya ako?" sabi ko sa kanya.
He just shook his head. "Busog na ako na nakatingin sa'yo."
Kyahhh… yoko na!
"By the way…"
Patuloy niya para maputol ang moment ko sa pagkakilig. "Hmmm?" tugon ko naman.
"I have a good news for you." He looked at me seriously.
"I already found a heart donor for you."
My heart suddenly raced with what he had just said. "Talaga?"
Tumango siya at hinaplos ang buhok ko. "So please stay strong until you received that heart."
What else could I ask? I just want to thank the Lord. He heard my prayers.