Rose.
"I'm sorry sa sinabi ni Dio kanina, I really don't mean that," Paliwanag ni Loey sa'kin habang on the way kami sa sasakyan niya.
He offered kasi na ihahatid niya ako sa condo ko. Wala kasi akong car because I chose to not get one. Bukod sa makakadagdag pa ako sa congestion sa kakalsadahan sa Maynila, eh gusto ko ring suportahan ang mga PUV drivers na naghahanap buhay.
Tinawanan ko siya. "Sus, maliit na bagay. Totoo naman kasing weird ako."
"No you're not, mali lang talaga ako ng first impression ko sa'yo."
Narating na namin ang sasakyan niya at pinagbuksan niya ako ng door sa passenger seat at nang makasakay ako ay siya na rin ang nagsara nito.
Napaka gentleman niya talaga.
Sumakay na siya sa driver's seat at sumunod naman ay ikinabit niya 'yong seatbelt sa sakin dahilan para magkalapit kami. Ramdam ko sa tainga ko ang pagbuga niya ng kanyang mainit na hininga.
Dugdugdugdug.
Heto na naman 'yong puso kong pasaway, bakit ba nagwawala ito sa tuwing nagkakalapit kami ni Loey?
Sinimulan na niyang paandarin ang kotse at bumibiyahe na kami.
Binuksan niya 'yong stereo ng kotse at nagpatugtog ng kantang Fix you.
"Cold play," sabi ko then I smiled.
"Yeah. Favorite ko kasi 'to."
"Ako rin."
Napapa jive na kaming dalawa habang nagpi play 'yong kanta.
The car suddenly stopped as soon as Loey saw the red light.
"Lights, will guide you home, and ignite your bones, and I will try..."
"To fix you..."
Sabay naming pagkanta, at nagkatinginan kaming dalawa.
Bakit ganito? Bakit ang awkward?
Natagalan din siyang nakatitig sa'kin.
Tingin na nakakatunaw at 'di ko maiwasang mamangha sa mukha niya.
Tumikhim na lamang ako para maalis ang pagkakatitig niya sa'kin.
Green na rin ang light kaya na divert ang atensiyon niya sa pagmamaneho.
Nanatili akong tahimik hanggang sa marating namin ang condo ko.
"Thank you," sabi ko sa kanya.
"Good night," tugon naman niya.
"Ingat ka," pahabol ko naman. Tumango lang siya at akmang aalis na pero naisipan kong tawagin siyang muli.
"Loey."
Napalingon siya.
"Salamat sa pagshare mo sa'kin sa friends mo."
I smiled and him too.
"No problem, you can call anyone of us if ever you need something."
I nodded.
"See you tomorrow," he waved at tuluyan na nga siyang umalis.
Ay shonga girl? Bakit hindi ko manlang inalok pumanhik sa taas para magkape?
Ang harot mo na Rose. Para ano? Para makasama mo siya ng matagal?
Honestly, natutuwa kasi ako kapag kasama ko siya. Masayahing tao naman pala talaga siya kung hindi lang siya depressed.
Nakita ko kanina kung paano siya makipagkulitan sa mga kaibigan niya.
Napaka jolly niyang tao. At naintindihan ko na kung bakit siya tinawag na happy virus.
He is too blessed. Sobrang mahal siya ng mga kaibigan niya at pamilya niya.
May ibang tao kasi na nag-iisang humaharap ng ganyang sakit, walang nakakaintindi sa nararamdaman nila, and what's worst, they actually end up killing themselves.
I gasped and suddenly, nagka idea na ako kung anong lyrics ang ilalapat ko sa kanta niya.
Gagawin ko itong masaya, aayusin ko ang malungkot niyang kanta.
I will fix you Loey. At ito ang misyon ko sa buhay bago ako mawala sa mundong 'to.