MOVE ON! Napakadaling sabihin ngunit napakahirap gawin. Dalawang linggo na rin mula ng mangyari ang paglalasing ni Shilo. Bumalik si Christian at tinulungan siyang alalayan si Shilo. Umiiyak na siya ng balikan siya ni Christian at hanggang sa pag-uwi ay iyak lang siya ng iyak. Nang gabi din iyon ay pumunta sa bahay sina Shan at Carila para sunduin ang lasing na lasing na si Shilo. Hindi na niya na harap ang dalawa dahil sa pag-iyak niya. Tahimik lang si China habang kumakain sila kanina at mukhang ayaw din pag-usapan ng kanyang kapatid ang nangyari noong nakaraang gabi. Maaring may idea na rin ito sa dahilan ng pag-iyak niya ng gabing iyon.
Nais nga niyang batukan ang sarili. She is moving on but in the very first place ay hindi naman naging sila ni Shilo. Kapag nalaman ito ni Carila at Anniza ay siguradong batok ang aabutin niya. Ang tanga niya naman kasi. Sana noon pa man ay pinigilan na niya ang sarili na mahalin si Shilo. Hindi na dapat niya pinalago ang nararamdamang atraksyon dito. Ngayon, heto siya at nasasaktan. Mas lalo pa siyang mahihirapan dahil araw-araw niyang nakakasama ang binata. Paano niya ito haharapin ng hindi umiiyak sa harap nito? What happen that night keep on flashing on her mind. Para iyong sirang plaka na laging pinapaalala sa kanya na hindi siya mahal ng taong kanyang iniibig.
"Maze, are you okay?" nag aalalang tanong ni Anniza.
Naririto kami ngayon sa simbahan. Hinihintay namin na magsimula ang kasal ni Carila at Sir Shan. Naririto na si Sir Shan habang si Sir Shilo ay wala pa rin. Dalawang linggo na silang hindi nagkikitang dalawa. Para bang iniiwasan siya ng boss niya. Lagi kasing nasa labas ito. Pinapahatid nalang nito sa personal driver ang mga dapat nitong pirmahan. Pabor din sa kanya na lagi itong wala sa opisina ngunit miss na niya ang kanyang boss. Ngayon nga ay umaasa siya na makikita ito ngunit narinig niya kanina na hindi daw ito pupunta.
"Okay lang ako." Ngumiti siya ng mapakla sa kaibigan.
"Sigurado ka. Kanina ka pa hindi mapalagay. Parang ikaw ang bride ah."
Inirapan niya si Anniza dahil sa sinabi nito. "Excited lang akong makita si Carila. Akalain mo iyon makikita na rin natin sa wakas na maganda iyong kaibigan natin... At nakamake-up ang babaita."
Ngumiti si Anniza. "For the first time. Isang himala talaga ang mangyayari sa kasal niya."
Tumawa silang pareho sa sinabi nito. Nawala ang tensyon na nararamdaman niya dahil sa sinabi ni Anniza. Kahit papaano ay nakalimutan niya na maaring pumunta si Shilo roon. Na magbabago ang isip nito. Natigil ang tawanan nila ng lumapit si Sir Joshua. Ang gwapo nito sa suot na three pieces suit. Nakakatulo ng laway kaso hindi siya ganoong kasing babae. May isang tao na siyang pinag-ukulan ang atensyon.
"Hello, girls. You're all look so beautiful today."
"So, hindi kami maganda kapag nakikita mo kami sa opisina?" inis na tanong dito ni Anniza.
Tumawa si Joshua. "Wag kang ganyan, babe. Alam mo naman na araw-araw kang maganda sa paningin ko." Hinawakan pa ni Sir Joshua ang baba ni Anniza.
Agad na tinabig ni Anniza ang kamay ni Sir Joshua. "Boss, tigilan mo ako. Wala tayo sa opisina. Wala kang karapatan na hawakan ako."
"Common, Anniza-babe, alam kong gusto mo ang mga hawak ko."
Ngumiwi si Anniza sa sinabi ni Sir Joshua. Pigil naman ang tawa niya. Abnormal talaga si Sir Joshua, iniinis na naman nito si Anniza.
"Ewww, boss. Hindi ako bastos kagaya mo. Nakakadiri kaya ang mga hawak mo sa akin. Kinakalibutan ako sayo."
"Oh! Stop denying, Anniza." Lumapit pa ito kay Anniza at may ibinulong na narinig niya pa rin. "I know, you like me."
Tinulak ito ni Anniza. Kitang kita niya ang pagrehistro ng pagkadisgusto sa mukha nito. "Eww!" tili nito at iniwan sila.
Nang magwalk-out si Anniza ay tumawa ng malakas si Sir Joshua. Humawak pa ito sa tiyan. Napa-iling na lang siya rito. Si Sir Joshua talaga, ang hilig nitong inisin si Anniza. Ang babaita naman kasing iyon, ang hilig mag-walk out kapag napipikon na.
"Ang cute talaga ni Anny kapag na iinis." Sabi nito sa pagitan ng pagtawa.
"Baliw talaga." Bulong niya.
Tumigil sa pagtawa si Sir Joshua at tumingin sa kanya. Magsasalita sana ito ng biglang natigilan. May sumilay na isang ngisi sa labi nito pagkatapos makabawi. Lumapit ito sa gilid niya at inakbayan siya. Bigla siyang na asiwa sa ginawa nito. Nakasuot siya ng off-shoulder blue dress kaya hantad ang mga balikat niya. Ramdam niya ang paglapat ng balat nito sa balat niya.
"Ikaw Maze? Ang ganda mo ngayon. Blooming ka pa. Sino crush mo?"
Napataas ang kilay niya. Siya, blooming? Mukha nga siyang zombie. Kung wala siyang make-up ay baka tumakbo na ito dahil mukha siyang panda sa sobrang itim at laki ng eye bag niya. Ilang gabi na kasi siyang nag-iisip kung paano hindi mahalin si Sir Shilo.
Tatanggalin na sana niya ang braso nito ng may taong kumuha noon. Napalingon silang pareho ni sir Joshua. Nagulat sila ng makita si Sir Shilo na nakatayo sa kanilang likuran. Seryuso ang mukha nito na nakatingin kay Sir Joshua.
"Stop messing around, Joshua." Matigas na sabi nito at binitiwan ang braso ni Sir Joshua.
"Hi, Shilo Chauzo. Akala ko hindi ka pupunta."
"It's my brother's wedding. Why shouldn't I come?" wala pa rin emosyon nitong tanong.
Nakita niyang tumaas ang kaliwang bahagi ng labi ni Sir Joshua. Nararamdaman niya na may bumabalot na tensyon sa pagitan ng magpinsan. Agad siyang pumagitna. Baka mamaya lumabas na naman ang pagiging dragon ni Sir Shilo. Ang gwapo pa naman nito sa suot na black suit. Pang ulam ang kagwapuhan ng boss niya.
"Sir Wang, buti nakapunta po kayo." Agaw niya sa pansin nito. Tumingin sa kanya si Shilo.
"You are also here, Ms. Reyes?"
Tumungo siya at ngumiti rito.
"Good to see you here." Sabi nito at tumalikod.
Bigla siyang nakaramdam ng paghihinayang. Hindi manlang siya nito kinausap ng matagal. Para paring staff ang turing nito sa kanya kahit pa nga wala na sila sa loob ng opisina.
"Manhid." Narinig niyang sabi ni Joshua at iniwan siya doon.
Napuno naman siya ng pagtataka sa sinabi nito. Hahabulin na nasa niya si Joshua para tanungin kung para kanino ang sinabi nito ng mag-anunsyo ang wedding coordinator na nandoon na daw ang bride. Agad siyang umupo. Mamaya na lang niya tatanungin si sir Joshua.
SA RECEPTION na sila nagkita ni Anniza pagkatapos ng kasal sa simbahan. Nakita niyang hinila ito ni Joshua para sumabay sa kotse ng lalaki. Siya naman ay sumabay sa isang van para sa lahat ng staff ng MDLGC. Hinanap pa nga ng mga mata niya si Shilo ngunit hindi na niya ito makita pagkatapos ng pictorial sa loob ng simbahan. Nasa iisang mesa siya kasama si Anniza, Sir Joshua at tatlo pang staff mula sa opisina nila. Katabi niya si Anniza kaya ito ang kakwentuhan niya. Buti na lang at pormal ng makipag-usap si Sir Joshua. Mukhang behave ito dahil nasa malapit ang mga magulang.
"Nakita niyo ba si Sir Shilo?" tanong ni Claire na head ng Accounting department.
"He is there somewhere." Baliwalang sagot ni Joshua na kumakain pa rin.
Pasimple niyang iginala ang mga mata sa paligid para hanapin si Shilo pero talagang wala ito. Kahit sa mesa ng pamilya nito ay wala ito. Simula ng mag-umpisa ang salo-salo ay wala ito. Nakaramdam siya ng kalungkutan sa loob ng kanyang puso. Nais niyang makita ang binata kahit sa malayo lang pero talagang ayaw siyang pagbigyan ng araw na iyon.
"Maze, okay ka lang? Hindi mo ba gusto ang food?" tanong ni Anniza na gumising sa naglalakbay niyang isipan.
Napatingin siya rito at sa mga kasama. Puno ng pagtataka ang mukha ng mga ito. Ngumiti siya. "Okay lang ako. May naalala lang."
Tumungo si Anniza. "Wag mo munang alahanin kung anuman iyon. Kain ka na at mag-enjoy. Minsan lang magkaroon ng ganito."
Ngumiti lang siya rito. Kung alam lang ng mga ito na ang pinaga-alala niya ay ang boss nilang dragon. Iwan niya lang at baka mabatukan siya ng wala sa oras ni Anniza.
"Wag kang mag-alala, Maze. Mapapansin ka din niya. Basta ilabas mo lang ang kunting landi diyan sa katawan mo." Biglang sabi ni Joshua na ikinalaki ng mga mata nilang lahat ng nasa mesang iyon.
Nakatikim naman ito ng isang batok kay Anniza. "Gago ka talagang lalaki ka. Anong pinagsasabi mong ilabas ni Maze ang kunting landi sa katawan niya? Gago, wag mong itulad si Maze sayo. Malanding lalaki." Inis na sabi ni Anniza.
Tumawa lang si Joshua sa sinabi ni Anniza. Tumingin ito sa kanya ng may kislap ng kalukuhan ang mga mata. "Take my advice. I'm sure, you will thank me later. Ang taong broken hearted madaling pa-ibigin."
Binatukan ulit ito ni Anniza at hinawakan sa tainga. "Tumigil kang, abnormal ka.Wag si Maze. Matinong tao 'yan. Hindi kagaya mong manyak ka."
Hinila ni Anniza si Joshua sa tainga. Sumigaw naman si Joshua na nasasaktan ito. Nakita niyang nakatingin na sa kanila ang lahat. Kasama na doon ang bagong kasal. Nahihiya naman na nagtakip siya ng mukha. Iyong dalawa talaga. Walang piniling lugar ang pagtatalo. Nakita niya na tumayo ang mga magulang ni Joshua nang tinanggal niya ang kamay sa kanyang mukha. Nagulat ang mga magulang ni Joshua na makitang ginaganoon ni Anniza ang boss nito. Hinila ni Anniza si Joshua paalis sa lugar na iyon habang pinagsasabihan habang si Joshua ay hawak ang kamay ni Anniza na hawak ang tainga nito. Walang pakialam ang mga ito na nakagawa ng eksena. Napayuko na lang siya. Wala na talagang pag-asa ang dalawang iyon. Buti at maayos naman ang takbo ng trabaho ng dalawang. Secretary pa naman ni Joshua si Anniza.
"Okay! That's a little bit of a scene." Sabi ng host na mukhang nagulat din sa nakita. "Okay. Let's proceed to the next program. The bride throws her bouquet."
Tumayo si Carila na may ngiti sa labi. Instead of standing in the middle of the stage, she walks towards the crowd. Nanlaki ang mga mata niya ng lapitan siya nito.
Carila gives her the most genuine smile and Carila is the most beautiful bride she ever saw. Bigla nitong inilahad sa harap niya ang hawak nitong bulaklak. Nagtataka naman siyang napatingin dito.
"I want to give it you." Kinuha nito ang kamay niya at ibinigay sa kanya ang bouquet. "You deserve to have it, Maze." Inilapit nito ang mukha sa kanya at may ibinulong. "You can have him now. Treasure him please. He is special to me."
Tumayo ito ng tuwid at naglakad palapit sa host. Naiwan siyang tulala. Nahihiwagahan siya sa sinabi nito. Kanina pa siya nakakarinig ng mga salitang hindi naman niya alam kung anong ibig sabihin. Una si Joshua, na sobrang weird ang sinasabi sa kanya. Ngayon naman ay si Carila na mas weird pa kay Joshua.
"Sorry girls but my girl friend must have that bouquet. I want her to get married soon because she deserves all the happiness in this word." Sabi ni Carila habang nakatingin sa kanya.
Lahat ng tao ay napatingin sa kanya dahil sa sinabi nito. Nahihiyang napayuko naman siya. Ang weird talaga ng mga kaibigan niya. Mukhang nahawa na si Carila ng ka-abnormal ni Joshua. Ito ba ang nagagawa ng pagpapakasal nito kay Shan. Nagiging weird na rin ito. At saka, bakit ba siya ang pinagdidiskitahan ng mga kaibigan niya?
Sumunod ang paghagis ng garter. Isa sa mga pinsan ni Carila ang nakakuha ng garter. At bilang parte ng program ay kailangan isuot ng lalaking nakasalo ng garter sa nakasalo naman ng bouguet. Naiilang man ay sinunod niya ang sinabi ng host. Ayaw naman niyang masabihan na ma-arte. Ibinigay na nga lang sa kanya ni Carila ang bouquet ay mag-iinarte pa siya. Buti na lang at gentleman ang pinsan ni Carila. Cute naman ang lalaki kaya kahit hindi siya comfortable sa isipan na may lalaking hahawak sa balat niya ay gorabells lang. Nakita pa nga niya na binulungan ito ni Carila at namula pa ang pisngi.
Pagkatapos nitong isuot sa kanya ang garter ay sumigaw pa ang mga tao ng kiss. Bigla siyang nakaramdam ng pag-init sa magkabilang pisngi. Hindi niya iyon inaasahan. Ang alam niya kasi ay hanggang sa pagsuot lang ng garter. Ang mas nakakagulat pa ay sumali sina Shan at Carila sa panunukso. Lumapit sa kanya ang lalaki.
"I'm Andrew. Can I kiss you in your cheek?" magalang nitong tanong.
Ngumiti siya. Carila's cousin is a gentleman. Asking her first is not every guy do. Tumungo siya bilang sagot. A kiss on cheek is nothing for her. Wala naman iyong meaning para sa kanya. It will be like a friend kiss. Hinawakan ng lalaki ang braso niya at unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya. After a second, naramdaman niya ang labi nitong lumapat sa pisngi niya. And in her left side, she saw someone walking away from that place. Hindi niya alam kung na malik-mata lang siya pero nakita niyang naglakad palabas ng reception hall si Shilo. Natigilan siya kaya hindi niya namalayan na umalis na pala sa stage si Andrew at naiwan siyang tulala doon. Kung hindi pa siya hinawakan ni Carila sa balikat ay hindi pa magigising ang kanyang diwa. Puno ng pagtataka ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
"Are you okay?" tanong nito.
Ngumiti siya ng bahagya. "I'm fine." Tumingin ulit siya sa pinto ng hall. Nagbabakasakali na makita niya ulit si Shilo ngunit wala ito roon. Mukhang pinaglaruan lang siya ng kanyang paningin. Marahil sa kadahilanan na kanina niya pa ito nais makita. Bumalik siya sa mesa na bagsak ang balikat.
Nakakalungkot naman na matatapos ang araw na hindi niya muling masilayan ang gwapong mukha ng boss niya. Nagpatuloy ang program at nakaramdam na siya ng pagkainip. Hindi na kasi bumalik si Anniza at Joshua. Hindi naman niya kinahiligan na makipagkwentuhan sa ibang tao. Tumayo siya at magalang na nagpaalam sa mga kasama sa mesa. Lumabas siya ng hall at naglakad palabas ng hotel. Hindi niya alam kung saang parte ba siya ng hotel, puro glass window lang kasi ang nakikita niya. Sumunod lang siya sa mga taong nakitang naglalakad. Sa likod ng glass window ay isang malawak ng fountain.
Gabi na pala kaya kitang-kita ang mga naggagandahang ilaw. Ilang saglit pa ay nagbago ang mga ilaw na iyon at sumabay sa kanta. A dancing fountain happen. Napakaganda ng mga ilaw. Kinapa niya ang phone at kinuhaan iyon ng larawan. At dahil sa sobrang pagkahumaling sa nakita ay hindi niya namalayan ang oras. Pakiramdam niya ay nasa ibang mundo siya habang nakatingin sa sumasayaw na mga tubig.
"Is it beautiful?"
Nanigas si Maze sa pagkakatayo ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Unti-unti siyang lumingon. Napaatras pa siya ng makitang nakatayo sa tabi niya si Shilo. Seryuso ang mukha nito habang nakatingin sa fountain na ngayon ay parang isang malawak na pool na lang. Nagwala ang puso niya. Bakit ba ang lapit nito?
"O-oo." Nanginginig ang boses na sagot niya.
Lumingon sa kanya si Shilo. Walang emosyon ang mukha at mga mata nito. Balik na naman ito sa pagiging cold heartless dragon. Umiwas siya ng tingin dito.
"Gusto mo bang makalapit doon?"
Napabalik ang tingin niya sa tanong nito. "Sa loob?'
Tumungo ito biglang sagot.
Ngumiti siya. Napuno ng saya ang puso niya. Kanina pa niya gustong pumasok doon at makita ng malapitan ang fountain. Hindi niya alam kung anong meron sa fountain na iyon pero parang hinahatak siyang lapitan ito.
"Let's go. I know someone who can let us." Tumalikod ito.
Sumunod naman siya. Nagtataka man siya sa inaasal nito ay hinayaan na lang niya. Minsan lang maging ganito si Shilo. At isa sa mga minsan na iyon ay kapag lasing ito. Kaya susulitin na lang niya. May nilapitan silang isang lalaki.
"Shilo Chauzo!" tuwang sabi ng lalaki at nakipaghand shake.
Tumungo lang dito si Shilo bilang tugon.
"What are my boss doing here? And who's that beautiful lady beside you?" sabi ng lalaki na nakatingin na pala sa kanya.
Bigla siyang nahiya. Napayuko siya para takpan ang namumula niyang mukha. Hindi talaga siya sanay na tinatawag na maganda. Iwan ba niya, pero hindi talaga siya confident sa mukhang taglay. Marami naman nagsasabi sa kanya na maganda siya pero sa tuwing titingin siya sa salamin at maalalang hindi man lang siya matapunan ng kahit sulyap ni Shilo ay nagdududa siya sa sinasabi ng mga tao.
"She is my secretary. Kasal ni Kuya kaya kami naririto."
"Oo nga pala." Tumungo –tungo ang lalaki. Ngumiti ito sa kanya ng magsalubong ang kanilang tingin. "Hi! I'm Gabby. Friend nitong boss mo... Ay! Natin pala na mukhang walang balak ibigay ang pangalan mo sa akin." Inilahad nito ang kanang kamay.
Ngumiti siya ng bahagya rito. Hindi niya alam pero naiilang talaga siya. "Mazelyn." Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.
"Nice--"
"Gab, can we come inside?" putol ni Shilo sa iba pangsasabihin ni Gab at pinaghiwalay pa ang mga kamay nila.
Nakita niyang nagulat si Gabby sa ginawang paghiwalay ni Shilo sa mga kamay nila ngunit saglit lang iyon. Ngumisi si Gab. "Ya! Do you want to go inside, Maze?"
"Can we?"
"Oo naman. Kung hindi mo maitatanong isa ako sa mga manager dito at boss mo ang may-ari ng hotel na ito. " Balak sana nito hawakan ang braso niya ng agad itong pinigilan ni Shilo.
"Please! Lead us the way!" walang emosyong sabi nito.
Ngumiti si Gabby habang umiiling. Nagtaka naman siya sa inasal ni Shilo. Anong nakain nito at ganoon ang mga kinikilos? Mukha na naman itong pinaglihi sa sama ng loob. Nararamdaman na naman niya ang dragon dito at kung hindi susunod si Gabby dito ay lalabas na naman ang dalawang sungay na itinatago nito ng mga sandaling iyon.
Lumakad na si Gabby papunta sa isang glass door. Sumunod silang pareho ni Shilo. Nasa unahan niya si Shilo at tahimik lang siyang nakasunod sa mga ito. Nakatingin siya sa malapad nitong likod. Kailan kaya niya mayayakap ang likuran nito? Sigurado siyang ang laki ng muscle nito at kaya siya nitong buhatin na gamit ang isang braso. Ano kayang pakiramdam na mabuhat ng mga braso nito? Sigurado parang nasa langit na siya kapag nangyari iyon. Ngiti palang nito ay parang langit na paano pa kaya kapag nasa bisig na siya nito. Naramdaman niya ang paggapang ng maiinit na bagay sa kanyang pisngi.
Natigil lang siya nang huminto si Shilo. Nakita niyang binubuksan ng isang staff ang pinto. Excitement creep her heart ng mabuksan ang pinto at pumasok sila sa loob. Mukha na nga talagang swimming pool ang lugar. Swimming pool na hanggang tuhod lang. May ganoon bang swimming pool? Well, it doesn't matter. Marahan siyang naglakad sa gilid noon.
"Maze, you can't go any further. Sorry but guest is not allowed in this area. Baka madulas ka." Sabi ni Gabby. Nasa boses na nito ang pagkaprofessional.
Lumingin siya rito at nagthumbs up. Lumapit na lang siya sa gilid ng fountain. Ang linis ng tubig. Nakakagiyang hawakan. Yumuko siya ng bahagya at hinawakan ang tubig. Napakalamig niyon. Napangiti siya. This place is beautiful. Kinuha niya ang phone at kinuhaan ang lugar. Madilim na ang lugar at ang tanging ilaw lang na naroroon ay ang ilaw na nagmumula sa fountain at ng hotel ngunit napakaganda pa rin noon sa pangingin niya dahil nakikita niya kung gaano kalinis ang tubig.
"Do you want to wish?" tanong ni Shilo na hindi niya namalayaang na lumapit.
"Wish?"
"It's a fountain, remember." May kinuha ito sa bulsa at ibinigay sa kanya.
Kinuha niya iyon. Nagsalubong ang kilay niya na isang casino coin o mas tamang sabihin na isang poker chip ang binigay nito. Sa casino ba ito galing kanina kaya wala ito sa reception.
"Make a wish."
"Bakit mo ginagawa ito, Sir Wang?" tanong niya bigla. Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. Maaring dahil kanina pa siya nagtataka sa kinikilos nito. She is not used with kind Shilo. Sanay siya sa lagi itong galit o hindi kaya naman ay hindi namamansin.
"Well, gusto ko lang makabawi sa'yo. Alam kong nasaktan kita sa sinabi ko noong isang araw. Tapos nagkasakit ka pa kinabukasan. Ang sabi ni Kuya, nalasing daw ako sa lugar niyo at inalagaan mo ako. It's my way to say thank you and I'm sorry."
Hindi niya napigilan ang ngumiti. Shilo infront of her is different from the Shilo she knows for almost three years. At aaminin niya, mas gusto niya ang Shilo na nasa harap niya ngayon. A kind Shilo is much better that dragon Shilo. May mabuti din palang bunga ang ginawang kalukuhan ni Joshua. Biglang bumait sa kanya si Shilo. Sana ay magtuloy-tuloy iyon. Kaso baka hindi makamove-on ang puso niya. Hindi ba dapat ay kalimutan na niya ang nararamdaman para sa binata ngunit dapat ba na ngayong mabait na sa kanya si Shilo.
"Make a wish now. I will wait for you outside." Tumalikod ito.
Lalong lumawak ang pagkakangiti niya. Naramdam niya ang paglukso ng puso niya sa tuwa. For the first time, naging mabait sa kanya si Shilo. Hindi lang iyon, naka-usap din niya ito ng matagal na walang kinalaman sa trabaho. Napatingin siya sa bagay na binigay nito. Shilo gave it to her. Parang ayaw niyang itapon iyon sa fountain ngunit kailangan niya iyong itapon, ibinigay iyon ni Shilo para makagawa siya ng isang kahilingan. Humarap siya sa fountain. Hinalikan niya muna ang poker chip bago marahang itinapon sa fountain.
Pagkatapos niyang itapon ay ipinikit niya ang mga mata at humiling. Nang mga sandaling iyon ay iisa lang ang tanging hiling niya. Pagkatapos niyang humiling ay lumapit siya kay Shilo.
"Are you done?"
Tumungo ako bilang sagot. Hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi niya.
"Anong hiniling mo?" tanong nito at nagsimula nang maglakad.
Sumunod siya rito. "My wish...."
'My only wish is to be your woman until the end of this world.'