I let my fears be gone. I let myself be happy...with Liam and with the life I have.
Mabuti na lang dahil hindi naman binigyan ng punishment sina Liam. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling binigyan nga sila ng punishment.
"Plans for vacation?" I looked at Ella who's busy on her phone.
"Let's go find a work! We need to earn and save money for our ojt!" Rose excitedly said.
Umiling si Charm sa amin. Alam naman kasi namin na hindi siya papayagan magtrabaho ng Mama niya.
Inakbayan ko na lang 'to. "Ako na bahala sa mga epic fail namin sa trabaho."
Liam told me that they're going to Manila. Nakakabagot naman kasi talaga kung mananatili sila dito sa Naga.
I don't have any idea if Charm knows that Liam and Dale are half brothers. I feel like not telling it to her. That's Dale's story to share. Not mine.
Sinunod nga namin ang plano naming tatlo. Abala kami sa pagpprint ng mga resume namin sa bahay ni Charm.
"Uso magpahinga, Ella!" It was around eleven in the morning when I decided to stop walking.
Kanina pa kami naglalakad para lang halos lahat ng pwedeng applayan ay mapasok namin.
Halata na rin sa mukha ni Rose ang pagod kaya naman nagdesisyon kaming kumain na ng lunch sa isa sa mga nadaanan naming karinderya.
In the end ay bagsak ako sa kama. Hindi ko akalain na ganon pala iyon. Nakakapagod naman talaga maghanap ng trabaho.
Bukas ang alis ni Liam. As much as I want to see him, I don't have the energy to do so. Nagiwan na lang ako sa kanya ng mensahe. Mukha rin kasing busy siya.
Liam:
I'll see you once school's back. Take care.
It took weeks bago kami tawagan ng isa sa mga pinasahan namin ng resume. Luckily, we got called by the same company.
"Ano ang interview? Kumusta?" Usisa namin kay Rose. Siya kasi unang tinawag.
She shrugged her shoulders. "Petiks lang naman."
Sunod na pumasok si Ella. After how many minutes ay lumabas na rin ito. Then it was my turn.
"Tell us something about yourself." Panimula ng HR.
"I'm Jerard Parcon, nineteen, taking up Bachelor of Science in Food Technology at Bicol State University."
I felt at ease because the HR was smiling at me. I think she's around early thirties or so.
"You'll be attending the training for about two days." She said before dismissing me.
Nakangiti kaming lumabas doon. Sa Dunkin Donuts namin naisipan mag-apply ng trabaho dahil hindi masyadong mabigat ang mga gawain.
The training wasn't that hard. Ibabawas na lang din sa sweldo ang aming uniforms.
"Tulala ka na naman diyan!" It was almost our second month here. Wala namang masyadong customer sa pinili naming branch.
"Hindi kasi masyadong nagpaparamdam si Liam e." I know how I sounded so sad.
Ella sighed and sat on the vacant chair. "Ganyan naman talaga 'yan e. At least you know he'll come back once school's back." Pampalubag loob niya sa akin.
"Teka. Ano ba kayo ni Liam?" Rose butted in.
Mahigpit kong hinawakan ang aking mga kamay. I don't know. We didn't talked about it. Takot din akong magtanong kung ano ba talaga kami.
"Friends...special friends?" I curiously asked myself...hindi ko rin naman kasi alam.
"You kissed...but walang label? Ano 'yun? Travel and kiss buddy?" Ella spat.
Humagalpak sa pagtawa si Rose. Halos mangiyak-ngiyak na ito dahil sa kakatawa.
"I want like that one, too!" She hysterically said.
Agad itong binatukan ni Ella. "Gaga! Desperada na sa jowa, mars?"
"Bakit ba kasi pinaalis mo ng walang label? Baka mamaya niyan may kerengkeng na 'yon sa Maynila!" Rose dramatically said that made me even sad.
Mataman lamang ang naging usapan ni Liam these past few days. Madalas din kasi ay pagod ako sa trabaho. Inisip ko na lang na nasa bakasyon si Liam kasama ang pamilya niya...Dale and his Dad.
Excited ako lalo na ng makuha ko ang sahod namin. Ang kalahati ay ibinigay ko kay Mama. Yung one fourth naman ay tinago ko ay yung tira ay pinambili ko ng mga pampaganda.
We were already informed about how costly our OJT would be. Nahihiya akong manghingi ng pera kay Papa. Kahit naman pulis iyon ay hindi niya naman ako tanggap.
"Holy shit! You're working here?" My lips parted upon seeing Dinah.
She's not wearing any clothes that would make her look lesbian. She looks too girly.
"Change of heart?" Panunuya ko sa kanya na agad niya rin sinagot ng isang irap.
"Just doing my parents a favor." Luminga ito sa paligid.
As usual kaunti ang mga customers. "By the way, Ella, Rose...si Dinah. Kaibigan kuno." I smirked at Dinah who looked at Ella and Rose.
"Dinah. Family friend kuno ni Jerard." Panggagaya niya sa akin.
Nag-order na ito at saka mabilis na nagpaalam sa amin. Huling kita ko sa kanya ay maiksi pa ang kanyang buhok. Ngayon ay hanggang balikat niya na ito.
Pansin ko rin na may inilagay siya sa kanyang labi. Tints? Quite not sure but it looks fine on her small cupid's lips.
"Ganda niya." Rose commented.
Mabilis akong tumango. "She really is pretty."
Halos mapatalon ako ng maramdaman ang mahapding pangungurot ni Ella sa akin.
She raised her eyebrow at me. "Change of heart na rin ba?"
Mabilis kong iwinasiwas sa ere ang aking kamay. "Kadiri ha!"
Humalukipkip sa harap ko si Ella. "Kulang na lang tumulo laway mo e." Tila nandidiri niyang kumento.
"Brief na ba gamit mo, mars? Hindi na panty?" Napaface palm na lang ako ng sabayan ni Rose ang pang-aasar ni Ella.
"Kadiri kayo!" Inis kong singhal sa kanila.
The two just laughed at me. Maaga kaming sumara dahil wala rin naman masyadong customers.
Tahimik akong umupo sa hapagkainan. Nandoon kasi si Papa. Ate smiled at me as I sat in front the vacant spot beside her.
Nasa kabisera si Papa. Sa tabing kabisera ay si Mama at nasa tabi niya naman ako.
"Nakapag enrol ka na ba, Jerard?" Hindi ko alam kung ano pero tuwing kakausapin ako ni Papa pakiramdam ko ay sasaktan niya ako.
It hunted me for years. His one simple slapped traumatized me.
Uminom muna ako ng tubig bago siya sinagot. "Bukas po, Papa."
Nakahinga ako ng ng maluwag ng ang sunod naman ni Papa na kausapin ay si Ate Jen.
Graduating na kasi siya ngayong taon. Nadelayed si Ate dahil may nabagsak siyang isang subject. Engineering ang kurso niya sa Ateneo. Matalino kasi si Ate kaya roon siya pinasok nina Mama.
"Ayusin mo ngayong taon, Jenaldine." Papa warned her.
Napalunok na lang si Ate matapos marinig iyon saka dahan-dahang tumango.
Maaga ang enrollment para sa mga dating estudyante. Mabuti na rin iyon. Nag leave rin muna kami sa trabaho.
Sana lang ay makita ko bukas si Liam. Though, I doubt it if he would come tomorrow. He haven't messaged me or anything.
Hirap ng walang label!
— Bald kommt ein neues Kapitel — Schreiben Sie eine Rezension