"Trish, alam mo... Siguro it's time na para i-let go ang past. You can't be thinking of him forever. May lakad kami tonight ng mga college friends natin. Sama ka. I'm not inviting you. I'm forcing you to come." Sabi ni Sophia na mahilig magparty.
Nag-aalala na ito sa kaibigan. Isinubsob na nito ang sarili niya sa pagtatrabaho simula nung incident with Drake.
"I don't feel like partying tonight. Maybe next time." Sagot naman niya kay Sophia habang binubuklat ang mga journals at account payable records niya.
"Ilang beses ko nang narinig yang maybe next time mo. For the past two years yan lang lagi ang sagot mo. Hindi ko na mabilang sa mga kamay at paa ko." Naiiling na sabi ni Sophia. Stress out na rin si Trish dahil sa encounter sa banko kaya napilitan na itong umoo.
"Sige na. Wag ka nang mangonsensiya. Sasama na po.'" Sagot niya para matigil na ang kaibigan pero tinitigan siya nito.
"Miss Barameda. Are you giving me the same tune again? That's the same music you played the last time na niyaya kita and in the end hindi ka sasama dahil sa emergency na gawa gawa mo lang." Sabi pa ng mautak niyang kaibigan.
"Oh please, Sop. This time it's for real." Nakatitig na sabi niya kay Sophia. Hindi niya talaga maloloko ang kaibigan. Kahit kailan talaga tama ito sa sinasabi niya.
"Okay. Veranda Bar. 7PM sharp." Nakataas pang daliri nito habang tinuturo ang wall clock sa opisina ni Trish.
"Fine. So, can I focus on my work now?" Tanong niya. Taas ang dalawang kamay na lumabas ang kaibigan niya na ngingiti ngiti.
Naiiling iling na lang siya nang maalala ang mga times na inalok siya nitong magparty. Ilang beses na ba siyang umoo at tumakas dito.
Minsan nagdadahilan siya ng emergency na wala naman talaga. Minsan naman ay naglalaho na lang siyang parang bula sa opisina ay hindi agad umuuwi ng bahay para hindi siya makita ni Sophia.
Mabuti at hindi pa rin ito nagsasawang alukin siya. Tinapos niya ang isang set ng files sa table niya at naghanda na siya para umuwi. Bukas na lang niya itutuloy ang isa pang set nito.
Marami rin naman silang client kahit na maliit pa lang ang company niya. Pero plan na niya itong ibenta at magtayo ng bagong company. Nagkasundo naman sila ng business partner/ bestfriend niyang si Sophia na ibenta ito.
Pagdating niya ng bahay ay agad siyang nagtungo sa kwarto niya at nagpahinga saglit. Hindi na niya namalayan na unti unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata niya.
Dahan dahan siyang naglakad palabas sa isang malaking building na tila nababalutan ng mga bulaklak. Sa labas nito ay isang puting sasakyan ang naghihintay sa kanya na may isang bouquet ng white tulips sa harap nito. Hawak ang makapal at mahabang telang suot niya ay dahan dahan siyang naglakad na suot ang five inches white lace stiletto niya papunta sa sasakyan. Maya maya pa ay isang babae ang nagbukas ng pinto para sa kanya. Marahan siyang pumasok dito at isang matamis na ngiti ang iginawad sa kanya ng babaeng mababakas ang katandaan dahil sa mga linya sa mukha nito. Ang lalaking nasa unahan ay nagsimulang patakbuhin ang sasakyan. Ilang oras pa ay namalayan na lamang niyang nasa harap na siya ng isang gusali na nababalutan din ng bulaklak. Pinagbuksan siya ng pinto ng lalaking nagmamaneho at inalalayan siya ng matandang babae palabas ng kotseng puti. Pag-akyat niya sa hagdan ay bumukas ang malaking kulay kayumangging pinto at tumugtog ang musika na masarap sa kanyang pandinig kasabay ng paglingon niya sa lalaking lampas dalawang taon na niyang hindi nakikita. Hindi niya mawari na tila awtomatikong tumulo ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Isang malakas na busina ang kanyang narinig. Luminga-linga siya ngunit wala siyang makita. Kasunod niyon ay mga katok sa pintuan.
Beep! Beep! Beep!
Knock! Knock! Knock!
"Ate Trish?" Rinig niyang tawag sa kanya. Maya maya pa ay napainat siya ng kanyang mga braso.
Saglit niyang kinusot ang kanyang mga mata saka ito iminulat. Napalingon siya sa kanyang alarm clock. Hinagilap niya ang telepono nang marealized ang lakad niya.
"10 missed calls." Ang nakabungad sa main screen ng phone niya na galing kay Sophia.
"Ate Trish, nandito na po si Ate Sophia." Muling rinig niya sa taong nasa likod ng boses na yun sa likod ng pinto.
"Nissa, pakisabi kay Ate Sophia mo, baba ako in 15 minutes." Sigaw niya sa batang nasa pinto. Si Nissa Barameda ay ang kapatid niyang bunso.
Dalawa lang naman silang magkapatid pero matagal bago nagkaanak ang mommy at daddy niya ulit after niya kaya halos 10 years ang gap ng age nila.
"Okay, Ate." Pagkasabi ay agad namang binuksan ni Sophia ang pinto.
"Thank you, Nis. Ako na bahala sa Ate mo." Pumasok ito sa loob ng kwarto ni Trish at saka tinalakan na naman ang kaibigan. Hindi na nga alam ni Trisha kung paano siya nakakatagal sa talakera niyang friend.
"Akala ko tinakasan mo na naman ako. Anong petsa na? You're 15 minutes late sa usapan natin." Sabi nito habang nakatingin sa wristwatch niya.
"Late ka rin naman ah. Sabi mo 7PM Sharp." Pagbibirong sabi ni Trish.
"I know right. Sinabi ko lang yun para makapagready ka ng maaga pero mali ako. Eto ka at kakabangon lang sa higaan. Nakapagpowernap na." Dakdak pa nito sa kanya.
"Anyway 8pm pa ang usapan namin, so may time ka pa to prepare. Baka naghihintay na ang knight in shining Armour mo dun." Napapabungisngis pang sabi ni Sophia na mas kinikilig pa siya sa ideyang naisip niya.
"I knew it. Maaga lang ang time na sinabi mo. Sorry nakatulog ako." Paghingi niya ng paumanhin sa kaibigan. Kahit siya ay ayaw niya rin naman ng may nalelate sa usapan nila.
"And please lang. Stop joking around about Knight in shining Armour. Baka may makarinig sayo. Okay?" Pagkasabi ay kinuha na niya ang towel niya sa closet at itinulak palabas si Sophia.
"See you in a bit." Pagkalabas ni Sophia ay inilock na niya ang pinto at saka nagshower.
Simpleng damit lang ang balak niya isuot. Wala siyang plan na magparty all night although it's friday night.
Mas gusto niya pang mag-overtime sa work during weekends to finish her paperworks kaysa magparty na sakit ng ulo lang ang abot niya.
"Are you sure that's what you are going to wear?" Naniningkit ang makapal at ayos na ayos na kilay na sabi ni Sophia.
"Kailan pa naging conservative ang Bff ko? Balik dun." Dagdag pang sabi nito sabay tulak kay Trish paakyat sa kwarto nito.
Hindi naman formal party ang pupuntahan nila and pupunta sila dun to have fun at hindi para makipagbusiness meeting sa client.
"I want to enjoy the night and not take care of you 'til dawn. So please change your outfit and so that you can meet you Knight in-" Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya ay sinagot na siya ni Trish.
"Okay! Okay!" With her hands up na nagsasabing suko na siya sa kakulitan nito.
Kinuha niya ang black dress niya na fit sa kanyang katawan at ang stiletto niyang black din saka pumasok sa toilet para magpalit.
Paglabas niya ng toilet ay agad na pumalakpak si Sophia pero hindi pa ito nakuntento at kinuha ang make up kit niya. Binigyan siya ng make over with matching change ng hair style.
"Perfect!" Tili nito na tila nakabuo siya ng isang obra maestra. Hindi naman mahalay ang suot niya.
Parang isang formal party ang pupuntahan nila dahil sa cocktail black dress niya pero akma naman sa party at hindi na super formal katulad nung una niyang suot.
"Ma, alis muna kami ni Sophia. Uwi din kami kaagad." Sabi niya sa mommy niya sabay hug and then kiss sa cheeks.
"Nope, Tita. Baka po bukas na kami makauwi." Tatawa tawang sabi ni Sophia.
Nangiti na lang ang mommy ni Trisha dahil sa palabirong kaibigan pero gusto din naman ng mommy ni Trisha na magsaya siya kaysa magmukmok kakaisip kay Drake.
Hindi na lang pinansin ni Trish ang sinabi nito at lumabas na sila ng bahay papunta sa kotse ni Sophia.