App herunterladen
48.14% Broken Promises / Chapter 13: Chapter 12

Kapitel 13: Chapter 12

Ram's POV:

Its been two months after nung aksidenteng makita namin ni Lyrics ang ex boyfriend nyang Si Tristan pero bakit ganun pakiramdam ko pa rin nakikipag kumpetensya ako sa lalakeng yun?Kampante naman akong mahal ako ni Lyrics pero bakit ganun ang pakiramdam ko?.Honestly hindi alam ni Lyrics ang nararamdaman ko,ayoko ring ipaalam sakanya,ayokong magtanong at lalong ayaw kong pagmulan ng away namin ang ex boyfriend nyang yun.Pero mahirap magpanggap na hindi ka apektado sa nangyayari at sa posibleng mangyari.

Kitang kita ng dalawang mata ko at rinig na rinig ng tenga ko kung paano ang naging reaksyon ni Lyrics ng makita nyang lasing na lasing ang dati nyang nobyo.Ako ang boyfriend nya pero nung mga oras na yun para lamang akong isang sponge absorb lang ng absorb ng mga nasasaksihan at naririnig.

[FLASHBACK]

Patakbong papunta si Lyrics sa exit ng bar na ito.Sasalubungin ko na sya dahil nasa iisang direksyon lang kami,bale papunta ako sya naman palapit.

"Babe?"-bati ko na may ngiti

Sa hindi malamang kadahilanan,tumingin lamang sya sa akin at dun ko napansin na tila may mga luha ang kanyang mga mata.

" Babe whats wrong?"-tanong ko

Pero nagpatuloy lamang sya sa pag lalakad ng tyempong magkadikit na kame tinangka kong hawakan ang kanyang kaliwang kamay ngunit kinabig nya ang kamay ko,at nagpatuloy sa paglakad.Nabigla ako sa nangyayari kaya minabuti kong sundan sya ng marinig kong tinatawag ako ng kaibigan ni Lyrics na si Roan.

"Ram?sandali yung bag ni Lyrics nasa back stage pa."-roan

Ngunit tinignan ko lamang sya at nagmadali muling sinundan si Lyrics.Nang malapit na ako sa kinaroroonan ni Lyrics,napansin ko na may dalawang bouncer ng bar na ito na may akay na kay isang lalake na sa tingin koy nasobrahan yata sa ininom at mukhang miserable ang hitsura.May kasama rin itong babae na pamilyar ang mukha.Hanggang sa marinig ko na magsalita si Lyrics.

" Okay lang ba si Tristan?."-lyrics

Napatingin ako kay lyrics.Tama ba ang narinig ko?Pangalan ba ng dati nyang boyfriend ang binanggit nya?Tumingin muli ako sa lalakeng akay akay ng mga bouncer.At duon ko napagtanto na si Tristan pala ito.Ang exboyfriend ng girlfriend ko kaya pala pamilyar ang mukha nya at ng babaeng kasama nya.Si hikari pala, ang bestfriend ni Tristan.

"Kanina mo paba nakikita si Tristan na parang tanga dun sa stage na nagkakakanta?ni hindi mo man lang nilalapitan para naman hindi sya nagmukhang tanga sa mga tao?"-hikari

Nakatingin lamang ako kay Lyrics sa mga sandaling ito,nagaantay ng isasagot nya,patuloy rin sya sa pag iyak.

"Hindi ko kayang lapitan sya."-lyrics

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Lyrics,ano bang nangyayari sakanya?gusto kong sumingit sa usapan nila pero hindi lumalabas sa bibig ko ang gusto kong sabihin.

" O?talaga?bakit nandito ka sa daraanan namin?kala ko ba hindi mo sya kayang lapitan?"-hikari

Nagpatuloy lamang si Lyrics sa pag iyak pero halata skanyang pinipigilan nya ang pag patak at pagkabasag ng boses nya dahil sa walang tigil na pagluha nya.Hindi ko na kayang makitang umiiyak ang girlfriend ko na sa kadahilanang kahit akoy hindi ko alam kayat minabuti kong hatakin syang palayo ngunit sa pangalawang pagkakataon tinabig nya muli ang aking kamay at bahagya nya akong  tinulak,sanhi para akoy mapalayo sakanya ng kaunti.

"Gusto ko lang malaman kung okay sya?"-Lyrics

Tinitigan ko maigi ang reaksyon ng mukha ni Lyrics.Bakas na bakas dito ang hindi maipaliwanag na emosyon?Ano bang ibig nyang sabihin?ano bang nararamdaman nya at bakit nya ito kailangan pang sabihin sa kaibigan ng exboyfriend nya.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.Para akong sasabog sa kinatatayuan ko.Ano? bakit ganito ?ang nakikita kong kilos kay Lyrics?.Hindi kaya?

"Haha,gusto mong malaman kung okay sya?pwes para malaman mo ilang taon na syang hindi okay,ilang taon na syang tanga,sa kakaantay sa isang babaeng hindi naman worth it para mahalin.Okay kana ba?ano pang gusto mong malaman?itatanong mo pa ba kung mahal ka ng kaibigan ko?well tama ka?mahal na mahal ka pa nito!Okay na Lyrics?nasabi ko na lahat on behalf of my bestfriend na sinaktan at sinasaktan mo."-Hikari

Pagkatapos magsalita ni Hikari mabilis silang umalis ng mga bouncer at ng lasing na lasing na si Tristan sanhi para maiwan kami ni Lyrics sa kinatatayuan namin.Kitang kita ko ang walang tigil na pag iyak ng girlfriend ko,sinundan pa nya ng tingin ang paglabas nina Hikari.Nasasaktan ako sa nakikita kong reaksyon ni Lyrics hindi ko alam kung bakit sya naaapektuhan ng ganito.Hindi kaya ...Mahal pa rin nya ang ex nyang si Tristan.

Magsasalita na sana ako ng mapansin kong akmang lalabas ng bar si Lyrics ngunit dali dali kong hinawakan ang kamay niya, sa pagkakataong ito hindi na nya tinabig ang kamay ko,humawak na sya at sa palagay ko nagpapagil na rin sa kanyang gagawin.

"Babe?"-mahina kong tugon

Pagkabanggit ko nito bigla na lang yumakap sa akin ang pinakaka mamahal kong babae.Bigla na lamang nawala ang mabigat na emosyon na aking nararamdaman,nawala sa isang iglap ang inis na nararamdaman ko kanina sa babaeng mahal ko,sa halip niyakap ko rin sya ng mahigpit dahil wala pa ring patid ang kanyang pag iyak.Sa oras na ito hindi ko dapat pairalin ang selos sa lalaking yun.Kung ano man ang dahilan ng pag iyak ng girlfriend ko,hindi ko na ito dapat tanungin pa,ang gusto ko lamang sa ngayon ay damayan at hagkan ang babaeng pakakaingatan ko hanggang sa makakaya ko.

[End of Flashback]

"Ram,nasa stage na si Lyrics,mag start na yung set nya,tara na."-Roan

Napatigil ako sa pagiisip ng marinig kong tinawag ako ni Roan.Si Lyrics at ang banda na pala nila  ang susunod na kakanta.Dali Dali akong sumunod palabas kay Roan.Napansin ko na marami na rin palang tao ang nandito sa bar na ito.

Pinagala ko ang aking mata at nakita kong nasa stage na si Lyrics,nag aayos sya ng gagamiting mic.Napaka ganda talaga ng girlfriend ko,ang tanging naiisip ko sa mga oras na ito.Hindi nagtagal ay napansin na ako ni Lyrics na nakatitig sakanya.Kumaway sya sa akin at nagiwan ng matamis na ngiti.Nagsalita ako ng I love you gamit ang aking labi na walang sounds malabo kasing marinig nya ito mula sa aking kinaroroonan,idagdag mo pa ang ingay ng mga instrumento at mga taong naririto sa bar.Alam kong nakuha ni Lyrics ang ibig kong sabihin dahil nakatitig sya sa akin,ngunit ngiti lamang ang ibinigay nyang sagot.

May konting kirot akong naramdaman sa ginawang iyon ni Lyrics,naintindihan kaya nya ang aking sinabi?baka hindi nya nakuha ang ibig kong sabihin kaya ngumiti na lamang sya.Pilit kong binigyan ng katwiran ang pangyayaring iyon ayaw kong magisip ng masama sa babaeng mahal ko.Ilang sandali pa ang lumipas ay sinenyasan na ako ni Lyrics na maguumpisa na ang show nila,ngumiti ako at sumenyas ng okay sign gamit ang mga daliri ko sa pareho kong kamay.

"Magandang gabi sainyo!Napapasarap na ba kayo sa mga iniinom nyo?Alam ko yung iba diyan sa inyo nauubos na ang mga pulutan haha,hayaan po ninyo akong sabayan kayo sa mga pinagdaraanan nyo sa gabing ito.Aalayan ko po kayo ng isang kanta,and here it goes."-Lyrics

Pagkatapos magsalita ni Lyrics,naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao rito sa bar.Nagumpisa na ring tumugtog ang banda,Nakita ko ring nakapikit na si Lyrics tanda na kanya nang dinarama ang himig ng kanyang aawitin hanggang sa...

Paano ang iyong pangako

Kung ikaw ay malayo

Sanay di ka magbago

Heto na naman

Kailangan mong lumisan

Ang hirap mong bitawan

Magkahawak ang kamay sa panaginip sumisilip

Ang mga bituin para sayo ay aking iipunin...

Nakatitig lamang ako sa direksyon ni Lyrics.May mali,mali sa gabing ito.

Anong nangyayari ngayon?

Nararamdaman kong hindi kumukurap ang paningin ko kay Lyrics may tanong akong gusto kong makita na sagutin niya kahit sa emosyon lang ng mata nya ngunit nananatiling nakapikit lamang sya.

Ang iyong tinig aking susundan

Bigyang ilaw ang walang

Kahit suntok sa buwan..

Tayong dalawa

Tayong dalawa

Tayong dalawa..

Tayong dalawa

Patuloy sa pag awit si Lyrics.Napakatahimik ng lugar na ito.Tanging tinig lang nya ang naririnig ko sa mga oras na ito.Pilit kong iniintindi ang mga letra nang kanyang inaawit.

Tungkol san ba ang awiting ito?tungkol ba ito kanino?Sa aming relasyon?o sa relasyon nya kay Tristan?.Marami akong tanong,pero nananatili akong nakatayo sa kinalalagyan ko at pilit na sinasagot ang aking mga katanungan.

Nandiyan pa ba ang iyong nadarama

Meron pa ba?o meron ka ng iba?

Hindi ko na kaya.Hindi ko na alam ang gagawin ko.Alam kong may mali dito.May nais akong malaman ngayong gabi,ilang buwan na akong nakakadarama ng kakaibang pakiramdam sa relasyon namin ni Lyrics.Ano bang koneksyon neto sa muli nilang pagkikita ng Tristan na yun?Mahal pa ba ng girlfriend ko ang lalakeng yun?

"Ram,ang galing at ang ganda ng boses ni Lyrics noh,hugot na hugot ang mga sinulat nyang kanta."-Roan

Narinig kong sinabi ni Roan na kararating lamang sa aking tabi

" Sya ang sumulat nyan?"-tanong ko

"Oo,hindi ba nya nasabi sayo?dedicated song nya nga raw yan sa mga taong sawi sa pagibig"-Roan

" Mga taong sawi sa pagibig?tulad nino?"-tanong ko muli

"E sino paba?Edi yung mga guest ng Bar na ito."-roan

" Sigurado kaba?o baka naman sinulat nya ang kantang yan para sa exboyfriend nyang si Tristan."-katwiran ko

Sa pagkakataong ito tumahimik na lamang si Roan.

Mabilis lumipas ang oras natapos na ang set ng banda nila Lyrics.Palabas na rin kami ng bar na ito.

Isa isa nang nagaalisan ang mga kabandmates ni Lyrics.

"Babe,ang tahimik mo ah?pagod kana ba?"-tanong ni Lyrics

" Oo pagod na ako."-sagot ko

"Tara na umuwi na tayo?sabi ko naman sayo huwag mo na kong hintayin e."-Lyrics

Hinawakan ni Lyrics ang kamay ko at akmang hahatakin ako palakad.

" Pagod na akong antayin kang magsabi ng totoo?"-sabi ko

Napahinto naman si Lyrics sa paglalakad.Nakatalikod sya sa akin ngayon.

"Babe?ano bang yang sinasabi mo?tara na pagod ka lang."-lyrics

" Mahal mo pa ba ang ex mong si Tristan?."-tanong ko muli

Sandaling tumahimik ang paligid.Binitawan na rin ni Lyrics ang kamay kong kaninay hawak nya.

"Ano bang klaseng tanong yan Babe?."-lyrics

Nakatayo lamang sya sa harap ko at nanatili pa ring nakatalikod.

"Sagutin mo lang ako."-ako

" Pagod lang ikaw,pagod na rin ako.Ayoko makipagaway sayo."-lyrics

"Hanggang kelan moko tatalikuran?hanggang kelan mo tatalikuran yung mga tanong ko?hanggang kelan mo tatalikuran yung katotohanang mahal mo pa rin si Tristan?hanggang kelan Lyrics?."-tanong ko muli

Sa halip na sagutin ako tumakbo palayo si Lyrics sa akin.Kitang kita ko pa ang pagpunas nya ng luha nya gamit ang kamay nya.

Sa ginawa nya bang ito?nasagot na ang mga tanong ko?na totoong mahal pa rin nya ang lalakeng yun?na mahal pa rin nya ang ex nyang si Tristan?Paano ako?paano?..

[End of Ram's POV]


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C13
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen