Tristan's POV :
Di ka man mawala sa isip
Ikaw ay pilit na lilimutin
Saan ba dapat pumunta,
Kung ikaw lang ang alam Kong,tagpuan.
Paalam na,
Paalam.na..
Kaya Kong wala ka..
https://youtu.be/luml9QUYvFw
"Kuya?"
Dahan dahan bumukas ang pinto ng aking kwarto,kasabay nito ang pagpatay ko ng blutooth speaker at cellphone ko.
"Hanggang ngayon?"
Hindi ko pinansin ang sinabi nya,tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid na bahagi ng aking kama.
"Ano bang kailangan mo ?" -tanong ko
"Ako may kailangan ?parang sa ating dalawa ikaw ang may kailangan" -sagot nya
Tinignan ko sya ng masama,ang aga aga naman Neto mambwisit
"Ano bang ibig mong sabihin?" -naiinis ko uling tanong
Umupo sya sa aking kama at natatawang nakatingin sa akin
"Kailangan mo lang naman na mag Move on na kay ate Lyrics,anong petsa na ? Tatlong taon na diba ang nakalipAs?umaasa ka pa rin ?"
Hindi ako sumagot sakanya,kinuha ko sa ibabaw ng side table ang cellphone ko,at akmang lalabas na ng kwarto ko
"Ano kuya ?iiwas ka na naman?na pag usapan natin yung nangyari sa inyo ni ate lyrics ?Ano bang nakain mo at pumayag ka na mag antay ng 7years sakanya e kung pwede naman kayong in a relationship ? -pangungulit nya
" Lumabas ka na lang nga Cahil,si mommy na lang ang kulitin mo kesa ako,ilang beses ko ba sayo sasabihin na wag kang tanong ng tanong about Kay lyrics,kung ano lang ang alam mo yun na lang ,wag kana makulit." -pikon Kong sagot sakanya
Nginitian nya lang ako,nakakapikon na ngiti nga e,tumayo sya sa kama at pabagsak na sinara ang pinto.Napaka epal talaga nito.
"MAG MOVE ON KANA!!!"
Pasigaw nyang litanya,Hindi na ako sumagot sakanya dahil magkakapikunan na naman kaming dalawa.Humiga ako sa aking kama,may konting inis dahil sa kapatid ko ang lakas mang asar.
Oo kapatid ko sya nagiisang kapatid ko.Cahil ang pangalan nya,palibhasa bunso napaka kulit,pati personal Kong buhay gustong kalkalin.
Ang pinaka ayoko pa naman sa lahat e yung tatanungin ,kukulitin ako about sa pribado kong buhay,lalong lalo na ang tungkol sa buhay pag ibig ko..
At Kay Lyrics..
(End of Tristan's POV )
Cahil's POV :
Lumabas na ako ng kwarto ni Mr.Dramatic actor Kong kuya,paka drama kasi,ang hilig mag pa tugtog ng mga senti,paano kaya sya makaka move on kung dinaramdam niya araw gabi ang paghihiwalay nila ni ate Lyrics?Maiintindihan ko pa sana yung pag iinarte ng kuya ko kung 1month ago lang nangyare lahat yun ?Heller ?THREE YEARS AGO NA YUN!!TATLONG TAON !TATLO ! Iniisip ko nga e saan sya humuhugot ng emosyon para pagluksaan ng ganoon katagal yung paghihiwalay nila ni ate lyrics ?ganoon ba talaga ang mga lalake ?matagal maka move on ?
Nandito na ako ngayon sa sala,umupo sa sofa,kinuha ko sa bulsa ng short shorts ko ang cellphone kong antigo haha,android naman sya pero lumang version.Makahanap nga muna ng ka chat,scroll up down,up,down...wala akong makausap,busy lahat ?wala naman pasok ah...
"Anong pinagtatalunan niyo ng kuya mo ?inasar mo na naman?alam mo namang hari ng mga pikon yun."
Yan si mommy,nako baka mapagalitan ako,naririndi na kasi yan sa mga asaran namin ni kuya na nauuwi sa giyera.Umupo sya sa tabi ko,bahagya ko naman tinakpan ang cellphone ko.
"Cahil?ano inasar mo kuya mo?" -mom
"Slight"-sagot ko
" Ano naman ang ginawa mo?"-mom
"Nagtanong lang"-sagot ko ulit
" Anong tinanong mo at kung maka react ang kuya mo ang o.a ?lakas ng boses ?" -tanong muli ni mommy
"AAA ano."- ako
" Cahil ano ba kinakausap ka ng maayos ah?ano bang ginagawa mo Jan sa cellphone mo?may tinatago ka ba ? "- Mom
"Wala po your so judgemental."- Biro ko
Hindi ko na pinansin pa yung mga speech ni mommy,wala kasi syang preno mag salita,nako kung sasakyan lang ang bibig ng nanay ko hinuli na ito dahil over speeding na..Anyways iniistalk ko yung Facebook ni ate Lyrics,hmmp sabunutan ko kaya ang babaeng ito.Scroll down,down,down.nang biglang....
" Sinasabi ko na e"- sigaw ni mom
Nakatayo sya at nakapameywang sa harap ko.Hawak hawak nya ang cellphone ko.Tinitignan ang Facebook ko.INVADING OF PRIVACY!!
"Kaya kayo nag aaway ng kuya mo e!Di ba si Lyrics to ?Ikaw babae ka talaga !Di ba ayaw na ayaw nyang pinaguusapan to ?heto rin yung pinagtatalunan nyo kanina noh?kaya ang ingay nyo ??" -mom
"Hmmm opo,Nag iinarte lang yun mommy,grabe naman nya kasi damdamin yung nangyare noon,tignan mo mom yung Facebook ni ate lyrics,naka move on na sya ?e si kuya ?Ano ?muntimang sa kwarto nya ?nagsusuplado,akala mo gwapo"-katwiran ko
" Manahimik kana lang Cahil!Kung yun ang gusto ng kuya mo,kung ayaw na nyang pagusapan ang tungkol kay lyrics,ang mabuti mong gawain is shut your mouth" -mom
Pagka sabi ni mommy nyan ibinato nya sakin yung cellphone ko ,grabe porket bubulok bulok tong cellphone ko dapat binabato ?huhuhuhu alam na kaya ni kuya ang tungkol dito ?emotero na naman for sure ang kuya ko hays.
(End of Cahil's POV )
Tristan's POV :
Kasalukuyan akong nag aayos ng bag ko ,inilalagay ko ang extrang damit na ibabaon ko sa trabaho,isang puting T-shirt ang dala ko.Mas komportable akong isuot ang kulay puti,kesa sa mga dark colors pakiramdam ko namamaho ako kapag ganoon ang suot suot ko.Medyo na turn off nga ako nung makita kong black ang uniform na gagamitin ko e.Nagtatrabaho kasi ako sa isang coffee shop,bilang isang crew ,mag iisang taon na rin ako sa trabaho kong ito.Masaya naman ako sa takbo ng pagtatrabaho ko dito,napakagaan kasama ng mga kasamahan ko isama mo pa diyan yung besspren ko,oo mag kasama kami sa trabaho kaya hindi talaga nagkakaroon ng oras para mapagod o mainip.Nagmamadali na akong bumaba ng hagdan,30 minutes lang naman ako maligo kaya dirediretso na yun ,magbibihis tapos aayusin ang gamit na dadalhin ko.Sa sala na abutan ko si mommy na nanunuod ng TV ,nag kiss lang ako sakanya at agad ding umalis,ayoko kasing nalelate ako, pakiramdam ko tatamarin na akong pumasok kapag di ako nagmadali.Papasakay na ako ng jeep,kahit isa na lang ang bakanteng upuan at mistulang lata na ng sardinas ang loob ng jeep na ito,sumakay na ako,Hindi ko naman kailangan magmadali pumasok kasi Hindi naman ako ang opening pero nakasanayan ko na talaga ang parating mag madali.Mag sasampung minuto na rin akong nakakasakay pero Hindi pa rin umaalis ang sinasakyan ko at si kuyang barker o taga tawag ng pasahero pilit pa ring isinisigaw na kasya pa ang tatlo at sampuan daw ang kasya na pasahero ,e labing apat na nga ata ang magkabilang bahagi ng jeep na to,at kalahating pisngi na lang ng pwet ko ang nakaupo.Saklap!
Naglalakad na ako papasok sa coffee shop,halos isang oras din ang byahe ko ,dala na rin ng kaliwat kAnang traffic kaya imbes na 30mins na byahe e inabot ng isang oras.Pag ka pasok ko sa shop nakita ko sa counter si Hikari,ang bespren ko,habang nasa tabi niya naman si manager Joan.Dumiretso muna ako sa kinalalagyan ng bundi clock para mag time in,at nagmamadaling pumunta sa crew room para magpalit ng uniform,inilapag ko sa upuan na naririto sa loob ang dala Kong bag.Kinuha ko ang pang itaas Kong susuotin,habang nag bibihis ako nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya,may parating na alien.
"Tukmol???"
Sinasabi ko na e may alien na napadpad sa earth,Madami na talagang kababalaghan ang nagaganap sa panahon na ito.
"Anong ginagawa mo dito?Alien?nagbibihis pa ako,pagnanasahan mo na naman ang katawan ko ?e." -Biro ko
"Hoy tukmol!kahit kelan Hindi kita pagnanasahan,kapal mo talaga,itatanong ko lang kung bakit ang aga mo pumasok ?"
"Alam ko kasing late na naman papasok si Miguel,kaya pumasok na lang ako ng maaga,saka para makita mo na rin ako alam ko naman kasi na excited kang makakita ng pogi haha"- pagbibiro ko
" Haynako tukmol mo talaga !In denial ka pa e,kaya ka maaga pumapasok kasi gusto mo nang makita ang maganda Kong mukha whahahaha"
Itinulak ko palabas ng crew room ang alien na ito,sabay sara ng pinto mukhang naaaning na ang isang to
"HINDI MAGANDA ANG MUKHA MO ALIEN!!MATANDA!MATANDA!!
Pasigaw Kong pang aasar.Hindi ko na narinig pa ang sagot nya sa mga pinagsasabi ko.Nang maiayos ko na ang aking sarili agad Kong inilagay ang dala Kong bag sa loob ng locker ko at lumabas na rin agad ng crew room.Dumiretso na ako agad sa dining ng coffee shop na ito,dito muna ang station ko habang wala pa si Miguel,punas punas muna ng mga lamesa at inaarrange ko din ang mga upuan,konti pa lang naman ang tao e,usually kasi mga lunch time kami napupuno,ewan ko ba ang alam ko dapat sa umaga kami dinadagsa ng tao para magkape pero Hindi e,siguro kaya tanghali ang peak namin kasi yung iba umiinom ng kape pampababa ng kinain instead na magsoftdrinks na nakakabusog rin.
Mag iisang oras na ako dito sa shop ng dumating si Miguel,kahit kelan talaga late ito,sanay na sanay kame sa kanya,madaming rason,kesyo napuyat sya dahil may tulo ang bubong o di kaya may sakit sya at pinilit nya lang bumangon,Hindi na nga sya halos hingan ni manager Joan ng reason sa mga late nya e,nagsawa na rin siguro,swerte nga niya e kung sa ibang trabaho siguro yun,matagal na syang tinanggal dahil sa pagiging late nya.Nakita ko syang nag time in at pumasok na sa crew room,pag ka bihis nya mag la-lunch na ako gutom na ako ah.
(End of Tristan's POV )
Hikari's POV :
"HINDI MAGANDA ANG MUKHA MO ALIEN!!MATANDA MATANDA!!
Ang kapal talaga ng mukha ng tukmol na ito pasalamat ka sinarhan moko ng pinto kungdi may Palo at kurot ka na matatanggap mula sakin.
" FEELINGERONG POGI!!!" -Sigaw ko
Hindi na ako nakarinig ng sagot mula sa bespren ko,baka Hindi ako narinig may pag ka bingi yun e.Bumalik na ako sa station ko sa counter,nakita ko rin si tukmol na lumabas na ng crew room dumiretso sya agad sa dining para mag buss ng mga lamesa,actually Hindi nya gawain yan,counter din ang station nya si Miguel na tatamad tamad ang nanjan kaso late na naman.
Halos magiisang oras nang paikot ikot si tukmol sa dinning at wala pa rin si Miguel,habang ako katatapos ko lang ichecked yung mga cake na available na nasa pantry.
"Hikari,maglunch break ka muna para kapag dagsa na yung tao,e Hindi ka gutom"
"Sige po manager Joan" -sagot ko
Nagtanggal muna ako ng apron ko at inilagay ko muna ito sa ilalaim ng counter may maliit kasi dun na drawer,habang si manager Joan na muna ang nagbantay sa counter in case may customer na dumating.Pumunta ako sa crew room at kinuha ang aking bag sa loob ng locker,may baon Baon na kasi akong pang lunch sawang sawa na kasi Kong kumain sa mga fast food nasusuka nako haha ang Arte ko noh,sarreh nagmamaganda lang.Pagkatapos ko kunin ang baunan ko pumunta nako agad sa dining para duon kumain.
Nakaupo na ako ngayon sa dining,si tukmol naman ayun nagpupunas ng salamin,Hindi ko na sya inalok kumain mag aarte lang yan, kesyo Hindi sya kumakain ng ginisang sardinas na may itlog,nako kilalang kilala ko na yan fourth year high school pa lang mag kasama na kami ,bale mag pipitong taon na kame mag bespren.Lahat ng kalokohan nyan nung high school alam ko,pati nga sa panliligaw kasama ako nyan ,susme kung gaano sya katagal magpa cute dun sa nililigawan nya ganun din ako katagal magaantay sa kanya paka landii kasi ng lalakeng yan,pero infairness naman sa bespren Kong yan napaka romantic,sweet At all out kapag nagmahal.Kaso nga lang malas yata sa love,yung pinaka mamahal kasi nya ayun humingi ng seven years na space Arte diba ?ang alam ko lang nag hiwalay sila dahil graduating na si Bess nun,tapos third year high school pa lang nun yung gf nyang maarte kaya nagdecide sila na magbreak muna para makafocus sila sa pag aaral nila tapos kapag maayos na sila at may magandang trabaho na,e magrereunite sila ,nakakaloka! e last checked ko sa Facebook ni ex gf nyang loka loka may boyfriend na.Feeling ko nga kulang pa yung kwento nitong si tukmol alam ko may naging problema sila kaya nakapag decide sila na tapusin yung 1 year relationship nila.
Halos patapos na akong Kumain ng dumating si Miguel,halatang bagong gising pa yung impaktong yun kaloka .
Bumalik na ako sa station ko pagkatpos na pagkatapos ko kumain, si tukmol ayun nagla-lunch na habang yung impaktong kararating lang pawalis walis lang ,wala na syang gagawin e ginawa na lahat ni Tristan.
Ilang sandali pa ang lumipas may pumasok na na customer .
"Good afternoon Ma'am ,welcome to McLibee coffee shop" -Miguel
Mag gi-greet lang ng customer tong impaktong ito kailangan nakalabas ang dimples ,porket magandang babae lang tong ....
.
.
.
.
.
.
.Natigilan ako ng very light ng makita Kong palapit sakin yung customer,akala ko si Miguel lang ang lamang lupa dito ,Hindi pala .Ang reyna ng mga IMPAKTA dumating.Sino?sa tingin nyo ?e di ang ex girlfriend ni tukmol.
Si Lyrics Silva.
"Isang Choco lattē,for take out"-lyrics
Nakatingin lang ako sakanya at nakataas ang kanan Kong kilay.Oo Mali magtaray ng customer pero pwede bang iexcept tong impaktita na ito ?sinaktan nito ang bestfriend ko.
" Miss?"-lyrics
"Kapeng barako ma'am gusto nyo itry?"-alok ko sakanya
Nakita ko sa mukha nya na naguguluhan sya sa sinabi ko ng biglang...
" Leandra?Leandra Celis?"- lyrics
Aba binuo mo pa ang mabaho Kong pangalan,nagtatago na nga ako sa alyas Kong hikari e paka ano neto.
"Haha.Kilala mo pa pala ako ?ikaw si Lyrics diba?"-pagkukunwari ko
" Oo naman,ikaw ang best friend ni..."-Lyrics
"LYRICS??????"
Hindi pa man natatapos magsalita si lyrics nang biglang may pamilyar na boses ang nagsalita mula sa likuran sanhi para lingunin ito ni Lyrics
"Bess"-pabulong Kong salita na may halong kaba.
(End of hikari's POV )
Tristan's POV :
Kasalukuyan akong nagla-lunch ,si Hikari naman nasa counter na katatapos lang din nya kumain,ni Hindi man lang nga ako inalok ng ulam nya badtrip,masiba talaga ang alien na yun.Si Miguel naman ayun nagwawalis malapit sa entrance ng shop.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko ng maramdaman Kong may pumasok sa shop Hindi ko alam kung babae o lalaki,isa o higit sa dalawa yung nagsidating nakatalikod kasi ako sa pinto at nakaharap ako sa counter.Pero nang marinig Kong bumati si Miguel alam.Kong babae ang pumasok,sa tono pa lang ng boses nya alam na alam Kong nagpapa cute na .Nakita ko naman sa hitsura ng mukha ni Hikari na nabibwiset ito sa kinikilos ni Miguel.Selos siguro.
Pinagpatuloy ko na lang muli ang pagkain ang sarap kaya ng luto ni mommy.Narinig ko nang umoorder yung customer,pamilyar ang kanyang boses parang narinig ko na somewhere,pero ang sarap talaga ng luto ng nanay ko kaya nagfocus na lang ako sa kinakain ko.
" Leandra?Leandra Celis?"
Nang marinig Kong sinabi yun nung customer ni Hikari napatawa ako ng bahagya at bahagyang yumuko baka makita ako ni hikari na natatawa kurutin na naman ako nun.Pero teka ?kakilala kaya ni alien yung customer nya ?matagal na kasi nyang ibinaon sa ilalim ng lupa ang masagwa nyang pangalan.
Dahan dahan Kong tinignan ang kausap ni Hikari .Sandali..
Tinitigan Kong maigi yung babaeng nakatalikod sa akin na NASA harap ng counter.Hindi ako pwedeng magkamali...
"Lyrics!!!"
Napatayo ako sa kinauupuan ko,Hindi ko mainitindihan ang nararamdaman ko.Totoo ba itong nakikita ko?
Lumingon ang babaeng nasa counter at Hindi ako nagkamali sya nga ang pi nakamamahal Kong babae nasa harapan ko muli,nakatingin sa akin .
Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko ,waring namamangha sa nakikita ko.Ilang minuto na ang lumilipas ,Hindi pa rin naaalis ang pagkatitig namin sa isat isa.
Sandaling nabalot ng katahimikan ang buong paligid ,bumagal ang pag ikot ng mundo ko.Nakafocus lang ang paningin ko Kay Lyrics.Matagal Kong inaantay ang Sandaling ito na muli kaming magkita .Parang bumalik kami sa panahon nung una ko syang nakita sa entablado ng aming paaralan kung saan nabihag nya ang puso ko.
Akma Kong ihahakbang ang mga paa ko palapit sakanya ng biglang...
"I'm sorry ,I can't "
Napahinto ako ,Hindi ko na ituloy ang paglapit ko sakanya ng marinig Kong sabihin nya ang mga salitang iyon.
"Bakit?"-nagtataka Kong tanong
Hindi na sya sumagot at nagmamadaling lumabas ng shop.
Sa pangalawang pagkakataon iniwan na naman ako ng babaeng pinaka mamahal ko.
(End of Tristan's POV )