App herunterladen
50% Life Is So Complicated / Chapter 3: LISC 3

Kapitel 3: LISC 3

SABRINA'S POV

Kaya naman pala masama ang timpla ng kakambal ko kasi nga daw may na-encounter daw syang gentledog na kumuha daw sana sa libro 'nya'.

"Kasalanan mo talaga yon Sab. Kung hindi ka tumawag edi sana nabayaran ko na ung libro." Tignan mo to hindi pa rin tapos manisi.

"Shut up Sev kasalanan ko na kung kasalanan ko pero ang bagal mo kasi kumilos kahit kailan."

"Fine parehas tayong may kasalanan. Wag lang sana magsalubong landas namin ni Mr. Gentledog" Kita mo kala ko di na matatapos 'to eh.

Ewan ko ba kung bakit gentledog ung pinangalan nya dun sa lalaki.

"Severina gwapo ba?" Baka kasi katulad nung Mr. Reserved eh. Gwapo pero masama ugali.

"Hindi. Pangit. Mataba. Tsaka Ngongo." Makapanlait naman 'to wagas.

"Sabi mo eh. Tulog na tayo tas simulan na natin maghanap bukas ng school. Balik na ko sa kwarto ko." Paalam ko sa kanya.

Hindi ko na kinwento ung nangyari sakin sa cuisine kasi ayoko nang maalala pa. First time kong mapahiya well lahat naman tayo may first time pero nakakahiya pala talaga.

__________

SEVERINA'S POV

*TOKTOK*

"SABRINA" tulog mantika naman 'to. Di ba sya nagigising sa lakas ng katok ko? Bingi talaga kahit kailan.

Sabi pa nya agahan daw gumising tapos sya pala 'tong tulog pa. Bahala nga siya dyan.

Nauna na akong maligo. Nagsuot lang ako ng Sleeveless top tapos jeans then I tied my hair into a messy bun and put some cheektints. There. Done. Bumaba na ako para sana kumain pero naabutan ko don si Sab na kumakain na pala. Galing talaga neto.

"Sev san lakad natin? Aga mo mag-ayos ah." Kambal ko ba talaga talaga 'to? Sabi nya maghahanap kami ng school.

"Sabi mo maghahanap tayo ng school diba? Kaya naligo na muna ako tsaka nag-ayos bago kumain. Para kung sakaling tulog ka pa ako nalang mag-isa maghahanap." Note the sarcasm.

"Ay sh*t oo nga ang tanga ko naman." 'Buti alam mo'

"Maligo ka na para pagtapos kong kumain saktong tapos ka na rin mag-ayos."

__________

"Severina diba sabi nung last teacher natin kung may pagkakataon daw dun nalang daw tayo mag-aral?" Oo nga pala sabihin namin kina dad.

"Sabihin natin kina daddy para hindi na tayo mahirapan mag hanap."

Napagkasunduan nalang namin na sabihin kina mommy at daddy na dun nalang kami mag-aaral kung san nila kinuha ung teacher namin dati para mas madali. 'Yun nga lang sayang effort aga aga naming gumising tas wala naman palang pupuntahan. LIGHTBULB. AHA speaking of pupuntahan inaya ko nalang si Sab na mamasyal sa park.

"Sev ang saya pala 'no? sayang lang hindi natin naranasan 'to nung bata tayo." Totoo nga naman.

Hindi kasi kami masyadong pinalalabas ng bahay kasi nga daw baka daw mapano kami. Muntik na kasi akong mawala noon. Kaya sa takot nila kinulong na nila kami. Dalawa nalang kasi kami ni Sab. Hindi na kasi pwedeng magbuntis si mommy kaya sa sobrang takot ayaw na nila kaming mawala sa paningin nila.

"Oo nga, pero okay lang naman kahit di na tayo bata habang nararanasan natin 'to."

"H'wag na tayong magdrama. Ang mahalaga more first experience to come." Ang saya pala talaga pag first time.

"Mga 5:00 ite-text ko na ung driver natin para magpasundo."

__________

SABRINA'S POV

"Mommy, daddy may napili na po kaming school ni Sev"

Nagdi-dinner kami ngayon nina mommy at daddy might as well sabihin ko na din ung napag-usapan namin ni Sev kanina about sa papasukan naming school.

"Opo dad. Napag-usapan namin kanina ni Sab na kung saan nalang nagturo ung last teacher namin dun nalang din kami mag-aaral."

"Okay. Settled na lahat ako na bahala mag-enrol sa inyo."

"Tsaka namili na rin po kami ni Sev ng gamit namin. Alam nyo ba dad si Sev nag-p*ta" Sinipa ako ni Sev sa ilalim ng mesa. Shete naman oh.

"Did you just curse Sabrina?" Ma-awtoridad na tanong ni daddy saken. Pucha 'nagpunta' dapat yon eh. Si Sev kasi.

"Hala hindi po daddy nagpunta po yon 'nag-pun-ta' sa bookstore kasi po namimiss niya na po makapagbasa ng bagong libro." Sana gumana bwisit ka Sev.

"I'm warning you Sabrina, don't you ever curse again at lalong hindi dito sa harap ng hapag." Katakot talaga si daddy huhu.

"Opo sorry po daddy."

__________

*Kinabukasan*

Kagabi bago matulog we decided na mamasyal ulit kinabukasan which is ngayon. Nagpaalam na kami kina mommy kagabi okay lang naman daw basta daw wag papagabi. Hindi na namin naabutan kaninang umaga sina mommy as usual work work work. Sabay na kaming nananghalian ni Sev tapos umalis na din kami para mas mahaba oras namin.

Una kaming nagpunta sa mall para bumili ng pagkain. Naisip kasi namin na mag picnic nalang.

"Sev kuha lang akong cart" Sabi ko sa kanya.

"Sige kuha ka na tapos sunod ka nalang s- Ouch" Hala ka.

"Anyare sayo Sev? Okay ka lang ba?" Kasi naman si Kuya di tinitignan ung nilalakaran ayan tuloy nagkabanggaan sila.

"Yes, I'm fine." Sige sabi nya eh.

"Kuyan- Gentledog?" The hell? Gentledog? Sino? Itong kaharap nya?

"What did you just call me?" Uh-oh parang galit ung 'gentledog'.

"Sev kala ko ba Pangit. Mataba. Tsaka Ngongo" Bulong ko sa kanya. Ang layo naman nito sa description ni Sev sakin.

"Shut up Sab di ka nakakatulong." Sabi ko nga tatahimik nalang ako.

"Hey it's you again annoying little girl." Panigurado banas nanaman neto si Sev. HAHAHAHAHA

"Yes it's me again Mr. Gentledog. Nice meeting you again." Sev said sarcastically.

"Hey 'Mr. Gentledog'. Sorry alis na kami BYE" quotating the 'Mr. Gentledog' and shouting the 'Bye.' Sabay hila ko kay Sev Nakakahiya naman diba kung gagawa kami ng eksena dito. Di pa nga ako nakaka-get over kahapon tas meron nanaman ngayon.

"Sev kala ko ba Pangit. Mataba. Tsaka Ngongo" Ulit ko sa kanya. Maasar nga HAHAHAHAHA.

"Sab wag na kaya tayong tumuloy. Bukas nalang tayo mag picnic." Mukang wala na sa mood 'to ah.

"Sige tara na dun na tayo sa parking lot mag-antay. I-tetext ko na ung driver natin." Sabi ko sa kanya.

Naglakad na kami papuntang parking lot pero hindi ko pa rin sya tinitigilan ka-aasar sa kanya tungkol kay Mr. Gentledog.

"Sev ang layo naman kasi ng description mo dun sa guy eh. Ang gwapo kaya." Kaso mukang pangit ugali hehe.

"Bulag ka ba Sab? Ang pangit kaya nya." Kanina nya pa sinasabing pangit kahit di naman. Sus baka mamaya sila pala nakatadhana. Pag nangyari yon pagtatawanan ko talaga sya.

"Sige pangit na kung pangit sabi mo eh HAHAHAHAHA" pang-aasar ko sa kanya.

"Bahala ka nga kung ayaw mong maniwala edi wag" Pikon na sya.

*BEEP BEEP BEEP BEEP BEEP BEEP*

Sakit naman sa tenga 'non. Kelangan talaga sunod sunod? Pwede namang dagliang busina lang eh. Kala mo pag-aari yung parking eh. Dadaan lang naman. Sa pagkagulat ko natumba tuloy ako.

"Hey! Miss baka gusto mong tumabi? Nakaharang ka oh. Hindi mo naman pag-aari yan. Alis. Shoo" Nakasilip na pala si Kuya di ko man lang napansin.

"Teka lang naman. Maka-shoo ka ano ako aso?" Sabay tingin ko sa kanya. Owww. Sya ba talaga 'tong kaharap ko? Si Mr. Reserved?

"Oh Hi Miss, miss mo agad ang kagwapuhan ko 'noh? Kaya hanggang dito sinusundan mo ako?" Aba ang kapal naman ng apog nitong lalaking 'to.

"Hoy Mr. Reserved FYI hindi kita sinusundan tsaka kapal mo naman para gawin ko yon." Kagigil. Sana pala hindi nalang kami nagpuntang mall.

"Sabrina mukang mahabang paliwanagan 'to ah." Bulong sakin ni Sev. Nakalimutan kong nandyan pala sya.

"Sige Sabi mo. Now pwede ka na bang umalis? Kasi nakaharang ka pa rin sa daanan eh. Ano ka Reyna ng Daanan?" sige pa mang-inis ka pa at baka butasin ko yang gulong ng kotse mo.

"Halika na nga Sev dun nalang tayo sa tapat ng Parking mag-hintay." Sabay hila ko sa kanya. Wala akong oras para maki-pag argumento sa lalaking 'yon. Kabwisit.


AUTORENGEDANKEN
nelleternally nelleternally

Like it ? Add to library!Happy Reading :)

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C3
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen