App herunterladen
68.42% Reaching My Dream / Chapter 13: Chapter 12

Kapitel 13: Chapter 12

"Para kanino ka bumabangon?" gagong bungad ni Justin sa akin.

"Para sayo kasi itatapon na kita ngayon." Barumbado ko ding sagot sa kanya.

"Ay huwag ganun, mawawalan kayo ng gwapong spiker pare. Iniwan mo na nga ako kagabi, nag-side trip ka pala."

"Justin…" I trailed off.

"Ano?"

"Lalayag na ang ship mo."

Bumangon siya sa bed niya pero patayo na sana siya papunta sa akin ng mauntog siya. Double deck ang mga beds sa dorm kaya sa madali niyang makichismis sa akin hindi niya na napansin na sumubra na siya sa tayo.

"Hoy, anong ibig mong sabihin? May nangyari ba kagabi? Aguy! Hindi ko na-witness."

"Practice lang." tawang sagot ko sa kanya.

Bumalik siya sa bed niya tsaka binato sa akin 'yung unan niya. Sinalo ko naman ito at binato pabalik sa kanya.

"Tarantado. My fragile heart's little hope broke."

Naghanda na ako dahil 7:30 am ang call time naming players para sa parade. Dahil player kaming magkakaibigan sa different sport events, talagang maaga kaming nag-punta ng college namin. Natapos ang parade at opening program ng university games. Madaming mga parang napakawalan sa kulungang mga estudyante ngayon dahil isang linggong walang klase. Pagkatapos kasi ng university games, finals na. Madugong labanan na naman.

Dahil mamayang hapon pa ang first game namin, nanood muna kami ng basketball nila Karl at Andrew. Panalo ang COE laban sa CAS, 103/64 ang score. No sweat, hindi man lang naglaro ng matagal sila Andrew at Karl. Baseball naman ang susunod naming papanoorin dahil may laro sila Paul, kalaban naman nila ang CIT, isa sa mga talagang kalaban ng college namin ang College of Industrial Technology. First runner up sila last kaya hindi pwedeng matatalo kami ngayon.

Pinauna ko na sila Justin sa oval para makahanap ng maayos na pwesto para mapanood namin ng maayos sila Paul dahil tinawag ako ng coach namin.

From: Justin

Pre nasa tent kami.

--

Na-gets ko na agad ang sinabi niya tent dahil dun nagpapa-sign ng attendance card ang mga non-players ng COE. Nasa malapit 'yun ng oval, likod lang ng cafeteria ng CBEA, malapit din 'yun sa volleyball court. Medyo natagalan ako sa office ni coach dahil sinabi niyang mag-scout na kami ng pwede naming i-recruit na new players sa team ng university dahil madami na sa aming varsity an graduating ngayong taon.

Nasa tapat na ako ng beach volleyball court ng matanaw ko sila Justin, may mga kasamang naka-uniform ng college t-shirt nila Ailyn. Tapos may dirty ice cream stand sa tabi nila, hawak pa ni Justin 'yung bell na ginagamit doon. Ano naman trip ng mga ungas na 'yun? Malapit na ako ng makitang may nagpapa-picture pa sa kanila nila Andrew, Karl at Macky. Anong trip nila? Lumapit na ako sa kanila ng makita ko si Ailyn sa tabi ni Justin na nag-uusap, mukhang kadadating lang din niya.

"Anong trip niyo?" tanong ko sa apat saka ako tumabi kay Ailyn.

"Secret walang clue." hayop na sagot ni Macky sa akin.

"Anong trip nila?" kay Ailyn na ako nagtanong.

"Nag-offer daw silang tulungan kami para sa org activity namin. Entrenego tawag namin dito, we are given 1,000 pesos per year level to serve as capital. We sell anything, tapos 'yung 70% ng income mapupunta sa amin tapos 'yung 30% mapupunta sa org. Nakita daw sila ni Faye kaya ayan. Sabi ni kuya Justin hindi daw pwedeng hindi niya magamit ang charms niya ngayon university games kaya naglagay pa sila ng promo na kapag 5 cups or 5 cones pataas ang bibilhin, may free picture at hug."

"Hoy Laxamana, tumabi ka nga dyan. Group leader si Ailyn dito kaya kasali siya sa free hug and free picture." Si Justin na hinila na sila Ailyn sa tabi niya.

Nakita ko na 'yung nag-pasa ng confession sa kanya sa secret files ang bumibili, ang lawak pa ng ngiti ng gago. Ang dami pa niyang binili para buong CHS students bibilhan niya, papansin. Ng matapos mabigay ang binili niya, lumapit na siya kay Ailyn para i-hug siya at magpakuha ng picture na nakaakbay pa kay Ailyn. Makakasuntok ako ng wala sa oras dito.

"Kalma ka lang kuya Nigel." Si Faye na tinapik ako.

"Bakit ba pinagdedesisyon niyo si Justin? Walang matinong gagawin 'yan."

"Thank him later."

Makahulugang tapik ni Faye sa akin.

Bumalik na si Ailyn sa tabi ko na mukhang nahihiya dahil sa nangyari. Batchmate namin si Guerrero, yung lalaking nagpa-picture kay Ailyn.

"Anong sabi?"

"Lunch daw."

"Pumayag ka?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Hindi pero parang di ako tatantanan e. Sana kung saan kailangan kang sumapaw, sumapaw ka. Akala ko ba nililigawan mo na ako, bakit wala ka man lang ginawa?" irap niya sa akin.

Ngumisi ako, "Okay boss."

Pumila ako sa pila ng mga bumibili sa ice cream na tinitinda nila. Nang ako na ang bibili, "Justin kumuha na kayo ng sa inyo, pati kayo Faye. Ilan lahat 'yun?"

"Libre mo?" takang tanong ni Macky sa akin.

"Oo."

"Mayroong himala." Sigaw ni Justin na rason para magtinginan ang mga tao sa direksyon namin.

"5 cups and 5 cones, 10*5=50,15*5=75, bali 125 po lahat." Compute ng isang kaklase ni Ailyn.

"Sino sa amin ang gusto mong i-hug at ka-picture?"

Tanong ni Karl na nasa harapan ko na. Talagang tinago nila si Ailyn sa likod nilang apat.

"Tumabi nga ako, syempre sa tanong gusto ko ang gagawin ang hug at picture. Kailang ko nang markahan ang akin, madami nang sapaw e."

Parinig ko kay Guerrero na malapit lang sa tent namin na pinapanood na kami ngayon. Hinila ko na si Ailyn para mayakap siya. Naghiyawan pa sa kilig 'yung mga kaklase niya samantalang sila Justin naman ay naglabas ng mga phone para kunan kami ng picture. Dahil photographer din si Karl, siya ang inutusan kong kumuha ng picture namin ni Ailyn. Nakatayo lang si Ailyn doon, ang stiff niya. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya pero saktong bumaling siya sa akin kaya nagtama ang mga labi namin. Mas lalo lang lumakas ang hiyawan dahil mas marami na ang nakiki-usyoso sa amin ngayon.

"Gandang pang-profile picture with caption na mine. Sana all, Laxamana."

Sabi ni Karl na bumalik na sa pwesto namin. Ramdam ko ang hiya ni Ailyn dahil umatras siya para magtago sa likuran nila Justin at Macky. May mga bumibili pa sa kanila na balak na ako o si Ailyn ang picture at hug pero sinabi na ni Justin na tapos na ang oras namin dahil limited edition lang kami.

"Sorry, di ko sinadya, di ko naman alam na babaling ka sa direksyon ko e. But I don't have regrets, I hope nakuha na ang message ng mga lalaki na may gusto sayo na off-limits ka na."

Hinampas niya ako, "Hanggang kailan ba ako mapapahiya lagi kapag ikaw ang kasama ko?"

Tumawa ako, "Hindi kahihiyan 'yun, privileged 'yun."

"Kapal ng mukha mo, wala ngang kumuha ng ice cream na ikaw ang target."

"Hinahamon mo ba ako? Justin, ilan na ba ang—"

"Oo na, stop na. You win."

Saktong lunch break nang mabenta lahat nila Justin ang ice cream, sobrang thankful ang mga kaklase ni Ailyn dahil pwede na daw silang manood ng games na walang iniisip na org activity. Inaya ko si Ailyn kumain pero may coverage daw sila after lunch kaya sa headquarters na lang ng Sirmata sila kakain, tumulong lang daw siya sa mga kaklase dahil siya ang group leader nila.

To: Ailyn

Nood ka ha, 3pm.

--

"Justin, nasaan 'yung jersey shirt ko?"

"Malay ko sayo, hindi ko naman pinakialaman 'yang bag mo. May jersey din ako, oy!"

"Nalagay ko siya sa bag ko, swear hindi ko pwedeng makalimutan 'yun. Old jersey ko na lang nandito o."

"Yan na lang suotin mo, baka nakalimutan mo sa dorm 'yun."

Magsisimula na 'yung game namin pero wala pa rin akong nakikitang Ailyn, College Teacher Education ang kalaban namin ngayon. Magaling din naman sila sa volleyball kaya mahirap din silang kalaban. Nasa decision set na kami, ilang puntos na lang ay panalo na sila. Bawi na lang kami next game. Parang wala ng pag-asa na manalo kami dito e. Ako ang magsi-serve ng bola ng makita kong papasok ng volleyball court sila Ailyn. Nagulat ako nang makitang suot niya ang jersey shirt ko. Nakapatong 'yun sa college t-shirt niya. Dahil mahaba sa kanya yung damit ko ay tinali na lang niya sa baba ne'to. Para akong nakikita ng rason para ipanalo ang game na'to. Inayos ko ang bawat serve at hit ko sa bola, pati mga spike ko ay talagang sinure ko lahat nga hindi mababalik sa amin. Last two points na lang ay panalo na kami. Nakahabol pa sila kaya nagkaroon ng extension ang game namin. Sa akin nakasalalay ang last point.

"Go Laxamana."

Narinig kong may sumigaw sa kabilang court. Nasa CTE court si Ailyn pero ako ang chineer niya. Nagsigawan ng balimbing ang mga taga-college nila. Nag-serve na ako at hindi naibalik ang bola sa amin kaya nanalo kami. Nagsipuntahan na ang mga team mates ko sa akin pero tumakbo ako papunta sa kinakatayuan ni Ailyn. Binuhat ko siya tsaka umikot pa ako. Ang saya ko dahil andito ang inspirasyon ko.

"Parang nanalo na si Laxamana sa championship a. SANA ALL!" sigaw ni Salvador, player ng CTE.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C13
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen