App herunterladen
26.31% Reaching My Dream / Chapter 5: Chapter 4

Kapitel 5: Chapter 4

Nasa university admin building canteen kami ngayon kasama ang mga tropa ko. Galing kaming library para sa isang group paperwork. Ang daming estudyante ngayon dito, mabuti na lang nakapwesto na kami sa malapit sa may electric fan.

"Ang daming tao, wala nang vacant table. Sa Vidad's na lang tayo kumain." Lumingon ako sa nagsalita para i-confirm ang hinala ko. And yeah, I'm right si Ailyn nga 'yun kasama ang dalawang babae. Thursday ngayon kaya suot nila ang gala uniform ng college nila.

Siniko ko si Justin, "Can we share table with them? Tatlo lang naman yata sila." Nguso ko sa direksyon nila Ailyn. Five steps away lang naman sila sa amin.

"Aba! Nagpapapasok ka ng kalaban sa teritoryo natin. Matatalo ka niyan pero sure, ikaw na umaya sa future jowa mo."

Nagkunwari akong lalabas ng canteen at talagang sa tabi niya ako dumaan para makita niya ako.

"Uh, ikaw 'yung nagpahiram ng reviewer sa amin 'nung quiz show diba kuya?" pansin sa akin 'nung isa niyang kasama.

"Oo. Bakit?"

"Congrats po pala. Tapos na ba kayo sa table?"

"Thanks. Hindi pa e. Nasa pila pa sila. Marami ba kayo? May three vacant seats pa 'yun."

"Sa Vidad's na lang tayo kuma—" hindi na niya natuloy ang sasabin ni AIlyn kasi tumunog 'yung tyan niya.

I chuckled, "Gutom ka na yata? Dun na kayo. Anong order niyo kukuhanan na namin kayo."

"Ah hindi na kuya. Sa Vidad na la—" tumunog na naman ang tyan niya.

Natawa na rin pati 'yung mga kasama niya, "Diba kanina mo pa sinasabi na gutom kana kasi di ka nakapag-breakfast? Dito na lang tayo baka mas marami pang tao doon kasi lunch break na."

She had no choice, umupo na sila sa table namin tsaka sinabi na nila sa akin ang orders nila. Nagulat pa 'yung ibang kasama namin dahil may iba na kaming ka-share sa table.

"Bisita ni Nigel." Si Justin na ang nagsabi.

Tumawa pa si Karl sabay baling sa akin, "Akala ko ba magmo-move on na tayo? Bakit ganito?"

"Support ka pa rin namin bro." Gatong pa ni Justin

Kilala nila si Ailyn dahil sa kadaldalan ni Justin. Kapag may encounters kasi kami ni Ailyn ay palaging nakikita ne'tong ungas na 'to.

"Ailyn, si Karl, Andrew, Paul, Ron at Macky tsaka 'tong epal na 'to e kilala mo na naman."

Ngumiti siya sa kanila, "Ailyn po mga kuya. Si Krishna at Hannah pala. Blockmates ko."

"Kuyazoned amputa. Kaya pala gusto nang mag-move on." Parinig ni Andrew.

"Gago." Yun na lang ang nasabi ko kay Andrew kasi nararamdaman kong alam ni Ailyn ang pinag-uusapan namin.

"So, Ailyn. Ano namang masasabi mo sa Mariano Marcos State University? Nalaman ko kasi sa aking reliable source na galing ka ng Laboratory high school ng Ilocos Sur Polytechnic State College eh." Tanong ni Macky sa kanya.

"Malaki siya compared sa ISPSC, I don't know yet, I will answer your question if nagtagal na ako rito kuya."

"Sabi pa ng reliable source ko, BS Accountancy dapat ang kukunin mo sa University of Northern Philippines kaso mas pinili mo ang slot mo for full scholarship dito. Bakit naman?" Napataas ang kilay ko dahil sa dami nang alam ni Macky tungkol sa kanya.

"Si Nicole Angeline ba ang source mo? Akala ko hindi na kayo nag-uusap because according to my reliable source, you ghosted her." Napa-angat ako ng ulo at hindi mapigilang magpapalit-palit ang tingin sa dalawa.

"Gago, siya 'yung nakilala natin 'nung SCUAA? Wala ghoster ka pala pare." Si Andrew nang na-realize niya ang binanggit na pangala ni Ailyn.

"She's my friend. I know you kasi I used to see your photos on her phone 'nung high school kami until one-time bigla na lang siya ulit gumamit ng dating apps because you ghosted her daw."

"Ay, foul ka sa part na 'yun, beshy. Hindi ko siya ghinost 'no, nawala ko 'yung phone ko that time tapos di ko naman memorize digits niya tsaka full name niya. Di ko siya mahanap sa facebook niya kaya hinayaan ko na lang." he explained.

Kinakantyawan na namin si Macky dahil sa kagaguhan niya.

"Kunin ko nga number mo para mag-chikahan tayo, feeling ko magka-vibes tayo." Si Macky na binibigay na ang phone kay Ailyn.

"Fuck off. Off limits pare." Ako na ang sumagot ngayon.

"Aguy! Alam mo bang crush ka ne'tong friend ko? Di 'yan nagka-crush kasi siya ang laging crush. Sana all may crush."

Kinuha ni Ailyn ang phone ni Macky at nilagay doon ang number niya, "Text me kung may gusto kang malaman about kay Nicole. I need money, pwede ko siyang ibenta sayo kuya if the price is right."

"Ayun naman. Pahingi din ng number mo para may taga-update kung anong ganap ne'tong friend namin dito. Kawawa namang walang usad ang lovelife." Si Justin naman ngayon ang kumausap kay Ailyn.

"Kunin mo na lang po kay kuya Macky, I need more friends here. Para kapag wala akong kasama pwede ko kayong i-contact."

"Una na kami mga kuya, may 2pm class pa kami eh."

Paalam na niya. Naiirita ako na ang open niyang makipag-usap sa mga kaibigan ko samantalang hindi ko siya makausap ng maayos. Palabas na sila ng canteen, padabog akong tumawa sa table namin para habulin sila. Tinawag ko siya pero di niya ako narinig kay tumakbo na ako at hinarang siya.

"Are making me jealous?"

"Bakit ko naman po gagawin 'yun? Ni hindi nga tayo close tsaka why would you be jealous?"

"Sige, gagawin ko lahat para maging close kita para may karapatan na akong magselos."

Iritang sinabi ko sa kanya at iniwan na sila doon, walang pakialam kung ano mang sabihin ng mga nakakita sa ginawa ko.Padabog kong kinuha ang bag sa harap table namin kanina at umuwi na lang muna ng dorm tutal alas tres pa naman ang next class ko. Tinawag pa ako nila Andrew pero hindi na ako lumingon dahil sa badtrip ko sa nangyari.Natapos ang klase ko sa araw nang hindi pa rin pinapansin ang mga kaibigan ko.

"Hoy, Laxamana! Basketball." tawag ni Ron na papunta na sa basketball court ng dorm.

"Sige lang."

Pero bumaba na ako kasi natanaw ko si Ailyn na kasaman na naman si John. Ano bang trip niya? Bakit ba ang hilig-hilig niyang makipagkaibigan sa mga lalaki? Hinintay ko silang makarating sa guard house para marinig ang usupan nila. Prente akong umupo sa stone table kunwari may hinihintay.

"Sige na John, madali lang naman 'yung ipapa-drawing ko. Kayang-kaya mo 'yun."

"Madali lang naman pala, edi ikaw na gumawa."

"I can't draw. Hindi ako marunong." Frustrated na niyang sagot kay John.

"Madami akong deadline na problem sets, notes tsaka plates." Problemadong baling ni John sa kanya.

"Ako na gaagawa sa notes mo. Promise, gagandahan ko sulat ko. Sige na."

"Hindi nga pwede. Madaming akong gagawin."

"Uy! Anong meron sa inyo?"

Si Justin na kadadating lang ng dorm na hinihintay ang dalawa na umalis sa logbook area.

"Ano yan?" tanong neto sa papel na hawak ni Ailyn.

"Draw your dream business/businesses and explain why you want to have that kind of venture. Anong gagawin mo dito?"

"Papa-drawing daw si Ailyn kuya e busy ako, ang dami kong plates." Pag-explain ni John.

"Your problem is solved." Hinila ni Justin si Ailyn sa stone table at pinaupo sa tabi ko.

"Sure akong walang plates na gagawin itong tropa ko dahil hindi marunong mag-cram 'yan. Siya ang makakatulong sa'yo. Thank me later."

"Oh si kuya Nigel na lang Ailyn mas magaling pa 'yan sa akin for sure kasi Civil Engineering." Si John naman ang nagsalita ngayon at umalis na rin.

Hinintay kong magsalita si Ailyn pero hindi pa rin siya nagsasalita. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ni Justin.

"Ahm... Nevermind." 'yun ang sinabi niya tatayo na sana siya pero hinila ko siya.

"Akala ko ba gusto mong makapagtapos ng matiwasay ng college? I'll help you."

Kinagat niya ang kanyang labi parang nahihiya pa, "Talaga? Hindi ka ba galit sa akin?"

Umiling ako, "Hindi ko kayang magalit sa crush ko."

I caught her off-guard. Bigla siyang lumayo sa akin. Tumawa ako.

"Have dinner with me." I told her.

"Bakit?" taas-kilay niyang tanong.

"Because, I'll help you with your assignment. Have dinner with me or you won't pass that requirement and fail, your choice." Akmang iiwan ko na siya pero hinila niya ako.

"Okay, deal. Dinner, then."

"6:30 hintayin kita rito, sa may Mangga na tayo kakain. Kunin mo na lahat ng gagamitin sa gagawin mong requirement. I'll just keep them sa roon namin para pagbalik natin ng dorm sa lobby na lang tayo gumawa." Utos ko sa kanya.

Tumango naman siya, "Can I bring my books, too? Habang hinihintay ko ang ipapa-drawing ko sayo, mag-aaral na din ako."

"So, you want to study with me too? Study buddies turn to lovers parang mas gusto ko 'yun kaysa sa dorm mates turn to lovers."

Inirapan niya ako, "Ewan ko sayo kuya."

"Hayop! Kuyazoned yata talaga ako sayo a."

"You want to be close with me di ba? Then, do it." Sabi niya na ikinagulat ko.

"Ay! Pucha, binibigyan na ako ng karapatan para magselos." Tumatawang sigaw ko pero si Ailyn ay tumakbo na papunta sa building nila.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C5
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen