App herunterladen
26.92% once upon a baby / Chapter 7: Chapter 7

Kapitel 7: Chapter 7

Zia POV

Maaga akong nagising, pagkabangon ko ay pumunta muna ako ng banyo pra magtoothbrush at magayos ng buhok. Ilulugay ko na lang muna ang buhok ko. Pagkatapos kong magayos ay bumaba na ako. Nakita ko na si daddy na nagkakape sa dining habang nagbabasa ng dyaryo.

"Morning dad!" bati ko sabay halik sa pisngi.

"Morning iha, Tessa pakihanda na ang agahan para kay Patricia" utos nito sa katulong. "tinawagan mo ba si Xander kahapon? Ngayong araw ay titingin kayo ng gown mo." tanong ni daddy sakin.

"Yes dad. Susunduin na lang ako ni Xander dito mamaya. Syanga pala dad, nagsend ng invitation yung mommy ni Gio, nxt week birthday na tita Cora. May paparty sila, we need to attend dad dahil nandoon din ang ibang investors natin." pagpapaliwanag ko.

"Sige iha, sabihin ko kay Xander na isabay ka na sa pagpunta doon sa party" sabi nito habang hindi man lang natitinag ang mga mata sa binabasa sa dyaryo.

"Dad, baka naman pwedeng ako na lang po magisa pumunta dun? May kotse naman ako, kaya ko na po magisa dad" pagsusumamo ko. Hindi agad sumagot si daddy, kaya ibig sabihin noon ay hindi sya pumapayag sa gusto ko.

"Mas ok na magkasama kayo ni Xander pumunta doon. And besides he is your fiancee. Mas maganda tignan kung magkasabay kayong pumasok doon sa party. This is just for the both of you, baka kung anong isipin ng mga naroroon. And iha, be kind to him. Alam ko namang ayaw mo sakanya pero pakitunguan mo naman sya ng maayos".

"Ok dad" sabi ko na lamang at itinuon ko na ang pansin sa pagkain. Alam ko namang kahit tumutol ako ay wala din magagawa dahil si daddy parin ang masusunod.

After naming magbreakfast ay nagcheck muna ako ng mga emails ko. Nang matapos ako ay agad na akong nagtungo sa banyo para maligo.

"hmm, what should i wear?" nililibot ko ang paningin ko sa closet ko habang nagdedecide kung ano ba ang isusuot ko. "im gonna wear jeans na nga lang" sambit ko sa sarili ko.

I look for jeans, white shirt na medyo maluwang and white shoes. Tinali ko ulit ang buhok ko. I grab my slingbag and put my phone and wallet there. Naglip gloss lang ako. Habang pababa na ako ng hagdan may narinig na akong bumusina sa labas.

"Sya na siguro yun.!" pabulong kong sabi habang pababa ng hagdan. "Dad baka si Xander na po iyon, una na po ako dad!" sabay halik sa pisngi ni daddy.

"Magiingat kayo anak, and enjoy!" pangiti ngiti pa si daddy ng tapunan ko ng tingin.

"we will dad! bye!" sabay kaway kay daddy. Pagkarating ko sa gate nakita ko naman agad ang kotse ni Xander. Tumayo ako sa tapat ng driver seat habang nakatingin doon. Bigla namang bumukas ang pinto nito, at kita ko sa loob ang nakasilip na si Xander.

"Sumakay ka na! May gagawin pa ako kaya bilisan mo!" utos nito sakin. Napairap na lang ako. Padabog akong pumasok ng kotse nya at isinara ito.

Habang nasa daan hindi kami nagiimikan. Nakatuon lang sa tanawin sa bintana ang mga mata ko. Nang marating na namin ang shop ay agad naman kaming sinalubong ng sales lady.

"Good morning mam,sir. This way mam please?" sabay turo sa pagdadalhan samin. Sumunod naman kami sa kanya at itinuro ang sofa doon. "Please wait for a moment, ihahanda ko lang po yung mga gowns na wede nyo pong pagpilian. Excuse me". sabay alis ng sales lady, tumango na lang kami bilang tugon. Naupo naman kami sa sofa, sa magkabilang dulo kami nakapwesto, parang magkagalit lang ng peg.

"This way po mam" sabi ng sales lady ng makabalik ito. Sumunod naman ako sakanya at nakita ko sa isang room ang mga gowns na suot ng mga manikins. Napamangha ako, ang gaganda ng mga gowns. Naglibot pa ako hanggang sa may naka agaw ng attensyon ko. Isang elegant bridal gowns cape sleeves ball gown flower wedding gown with long tail robe mariage yon. Ang ganda, may kasexihang taglay din itong gown na to, kita ang likod at paekis din ang nasa side nito kaya kita ang tagiliran ng sinumang magsusuot nito. Napahaplos ako sa gown, sigurado ako maraming mamamangha sa akin dahil hindi naman nila ako nakikitang nagsusuot ng mga damit na kita ang cleavage.

"Miss ito ang gusto ko" tawag ko sa sales lady.

"Sige po mam, ihahanda ko po para masukat na po ninyo, sa may dressing area na lang po muna kayo mam, isusunod ko na po ito" tumalima naman ako at tinungo ang sinasabi nito.

Nangmaisukat ko na ito ay akmang tatanggalin na ng saleslady ang nakatakip na makapal na kurtina para sana makita ng groom ang suot kong wedding gown pero mabilis ko itong pinigilan. "ayokong makita nya ang suot ko, gusto ko masorpresa silang lahat sa araw ng kasal ko" sinunod naman ako ng sales lady. Nakatingin pa rin ako sa sarili ko sa harap ng salamin. Fit na fit sa akin ang gown, kitang kita ang hubog ng katawan ko. Well, maganda rin naman ito, kahit itinago ko sa mga tao ay iniingatan ko din naman na hwag masira ang figure ko. Napangiti ako, kahit hindi ako excited sa kasal, ay nakikita ko ang kasiyahan sa pagsuot ko nitong wedding gown."Minsan ko lang to mararanasan, hindi man sa taong mahal ko, pero kahit dito na lang sa pagsuot ng gown ay maenjoy ko ang araw na yun."

Hinubad ko na ang gown at nagbihis na. Pagkatapos ko makausap ang sales lady ay pinuntahan ko na si Xander. "Hatid mo na ako" utos ko dito haang nkatayo sa harap nito.

Napatingin naman sakin si Xander. Nakakunot ang noo nito ng sumulyap skin. "Wala ka bang napili? Bakit di mo sinukat?" takang tanong nito.

"I don't need to explain, just bring me home." pagtataray ko.

"ok fine! Next time bring your car or call mang Nestor to drive you wherever you go! Hindi yung ginagambala mo ako, ikaw na nga nakisuyo ikaw pa tong mataray!" sabi ko sabay tayo at lumakad patungong pinto. Naiwan akong nakanganga, sasagot pa sana ako ng makita kong nakalabas na pala ito ng shop. Nagapadjak na lang ako na sumonod dito.

Nang marating ko ang tapat ng passenger seat akmang bubukasan ko na iyon ng biglang pinaharurot nito ang sasakyan. Naiwan akong gulat na gulat, napasunod na lang ang tingin ko sa kotseng umalis.

"Hoy! Kahit kelan talaga napaka ungentleman mo! Iwanan ba ako, grrr!! Nakakainis kang lalaki ka!" sigaw ko dito.

Naghintay na lang ako ng taxi, pupunta muna akong mall. Magshashopping muna ako baka sakaling mawala tong init ng ulo ko. Kailangan ko munang magpalamig.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C7
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen