Martha's POV
Pumasok kami sa isang lagusan ni Mizore. Akala ko ay ipapahatid lamang ako nito. Balak pala nito akong samahan sa mundo ng mga tao.
"Mizore, asaan ang aking kapatid?"pagbasag ko sa katahimikan na bumabalot saamin kanina pa.
Lumingon ito sa direksyon ko at ngumiti saakin.
"Magkikita narin kayo maya maya, Prinsesa."wika nito saakin saka ibinaling nito ang tingin sa dinaraanan.
Nang makatawid kami sa liwanag ay agad naman naming nakita si Maverick na mukhang kanina pa nag aantay sa aming pagdating.
"Mizore."agad na wika nito ng makita kaming dalawa.
"Maverick."wika ko dito. Napakunot noo na lamang ito habang tinititigan ako.
"Mizore, sino siya?"pagtatanong nito kay Mizore na dahilan upang titigan ko ito ng masama.
Alam kong malaki ang galit niya saamin ni Ina dahil una sa lahat ay pinaslang siya ni Ina upang hindi malaman ng aking Ama na may iba itong kalaguyo noon pa. Pangalawa ay hindi ko ito nagawang tulungan nung araw na iyon.
Paano ko siya matutulungan? Napakabata ko pa noon. Wala akong sapat na lakas upang kalabanin si Ina.
"Maverick, siya ang iyong nakababatang kapatid na si Martha."ani ni Mizore dito. Tinitigan naman ako ni Maverick ng pataas at pababang direksyon matapos itong sambitin ni Mizore.
"Wala akong ganiyang klaseng kapatid, halata namang mahina ang isang iyan."wika nito na naging dahilan para mag labas ako ng pangil dito at lumabas ang berde at pula kong mata na kagaya ng mata ni Morioka.
Agad din naman itong naghanda upang sugurin ako.
"Tama na iyan. Siya ang Prinsesa ng Lavreska."awat saamin ni Mizore.
"Bakit siya ganyan? Bakit hindi niya ako kilala?"inis kong sabi kay Mizore. Hindi rin naman kasi ako makapaniwalang hindi ako nito makikilala, eh magkapatid kami sa Inang Reyna.
Hinawakan ako ni Mizore sa balikat bago ito magsalita.
"Ganiyan ang nangyayari sa mga patay na, na muli kong binubuhay."pagpapaliwanag nito saakin at saka ako tinitigan nito ng diretso sa mata. Maya maya pa ay ibinaling nito ang tingin nito kay Maverick.
"Gusto kong ituro mo saakin kong asaan ang kakambal ni Morioka."wika ni Mizore dito. Agad namang tumango ito saamin.
Agad namang inilahad ni Mizore ang kamay nito at humulma ng hugis bilog sa hangin at saka kami pumasok doon kasama si Maverick.
Dinala kami ng lagusang iyon sa isang bahay.
"Anong gagawin namin dito?"tanong ko sa aking kapatid. Tinitigan lamang ako nito at hindi sinagot. Nakakabadtrip magkaroon ng ganitong kapatid. Ewan ko ba.
"Mizore, sa tabi ng bahay na ito ang bahay ng kakambal ni Morioka."wika nito kay Mizore. Napataas ang isang kilay ko dahil sa ginawa nito. Aba, ako ang nagtatanong tapos ako ang hindi sinagot, ano iyon?
"Hoy, ikaw! Tinatanong kita bakit hindi mo ako sinagot?"wika ko dito. Tinitigan naman ako nito ng masama. Aba, ang kapal ng mukha.
"Dapat ba kitang sagutin? Hindi naman ikaw ang master ko."sabi nito saakin. Ahy, wow ha!
Hinawakan muli ako ni Mizore sa balikat at tinitigan ako sa mata. Hindi ko alam ngunit parang ang mga mata nito ay tila ba nangungusap na pagpasensiyahan na lamang ang kapatid ko.
Matapos nun ay ibinaling ko ang pansin sa bahay kung saan kami dinala ng lagusan.
"Dito muna kayo pansamantalang mananatili habang asa mundo kayo ng mga tao."sabi nito saamin.
Inilibot ko ang tingin ko sa bawat sulok. Malinis at maganda ang pagkakagawa ng desinyo ng bahay.
Pwede na.
"Maraming Salamat, Maverick."pasasalamat ni Mizore kay Maverick. Nagulat na lamang ako ng biglang yumuko ang aking kapatid sa harap ni Mizore.
"Walang anuman dakilang manlilikha."ani nito kay Mizore dahilan upang mapakunot noo ako dito. Dakilang manlilikha? Sino ba talaga si Mizore?
Ibinaling ko na lamang muli ang tingin ko sa ibang direksiyon upang maiwasan ang kung ano anong katanungan na pumapasok sa aking isipan.
Lumabas ako ng bahay at agad naman akong sinundan ng dalawa nang lumabas ako.
"Maganda ang pagkakagawa sa tirahan na ito. Pwede na."wika ko dito habang tinititigan ang kabuuang desinyo ng aming titirahan mula sa labas.
Maya maya pa ay nakarinig kami ng tawanan mula sa gawing kanan namin. Paparating ang isang babae kasama ang isang lalaki.
"Ang kakambal ni Morioka."wika ni Maverick saamin ni Mizore. Nagkatinginan naman kami ni Mizore sa isa't isa at parehas naming tinitigan ang dalawa mula sa malayo.
"Talaga? Ibibilhan mo ako ng ice cream?"wika ng kakambal ni Morioka sa lalaking kasama nito saka ito nagtatatalon na tuwang tuwa.
Debale yang tuwang iyan, malapit ng mawala.
"Napag alaman kong Sam ang pangalan niya."wika ni Mizore saakin habang patuloy ko itong tinititigan.
"Oo naman. Gusto ko kasi parati kang masaya eh."ani ng lalaki sa Sam na iyon. Ang sweet naman nila.
Naalala ko tuloy ang dati kong iniirog. Ayaw ni Inang Reyna sa kanya kaya nais akong ipakasal sa iba. Hindi na bale, kapag nakuha ko na ang kapangyarihan niya, sisiguraduhin kong babalikan ko siya.
Babalik ako dahil mahal na mahal ko siya at hindi ko hahayaang masira kami ng dahil lamang sa ayaw siya ng aking Ina.
Maya maya ay biglang napalingon sa direksiyon namin ang babaeng nag ngangalang Sam at agad na tumakbo sa direksiyon papunta saamin dahilan upang mapakunot noo ako.
Anong mayroon at agad itong tumakbo saamin. Maya maya ay nakaramdam ako ng isang malakas na sampal mula sakanya.
Napakunot noo na lamang ang lalaking kasama nito saamin.
"Sam? Okay ka lang?"tanong nito sa babae.
"Kilala mo ba sila?"dagdag pa nitong tanong dito. Hindi naman ito sumagot sakanya saka agad na umalis sa harap ko.
Ano iyon? Sinampal lang ako? Hindi nakipaglaban o ano? Humalakhak ng sobrang lakas si Maverick dahil sa nangyari.
"Anong nakakatawa?"tanong ko dito habang nanlilisik ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Umiling lamang ito.
Akala mo kung sino itong kapatid kong ito, samatalang binuhay lamang siya ni Mizore.
Tumingin ako sakanya pataas at pababa bago ako padabog na naglakad papasok sa loob ng titirhan namin.
"Prinsesa!"dinig kong tawag saakin ni Mizore ngunit hindi ko ito nilingon at dumiretso na lamang ako sa isang silid na mukha namang nakaprepara para saakin.
Nahiga ako atsaka ko tuluyang ipinikit ang aking mga mata upang makapagpahinga ng tuluyan.
A/N: Sana may nagbabasa parin ng story na ito. I'll update thrice nalang siguro in a week para sa mga pabitin ko, hahahaha. Hope you like this chapter! Don't forget to vote and put some comments! Thank you!