App herunterladen
44.11% Online It Is / Chapter 44: Chapter 22.5

Kapitel 44: Chapter 22.5

Chapter 22.5:

Abby's POV:

"Maghiwalay na tayo babe."

"W-What did you just say?" Nauutal kong sabi, biglang umusbong sa dibdib ko ang kaba. 

Okay naman kami ni Nich ah, bakit siya makikipag-hiwalay sa akin?

"That's what you said in my dream babe." Malungkot na sabi ni Nich sa kabilang linya.

"My gosh babe! Tinakot mo ako!" Pasigaw kong sabi habang halos maluha-luha.

"Bakit naman? Sinabi ko lang naman sa'yo kung ano yung sinabi mo sa akin sa panaginip ko ah."

"Duh syempre, masyadong seryoso ang pagkakasabi mo.  Akala ko tuloy, totoo nang gusto mong makipag-hiwalay sa akin. Nakakainis ka babe!" Pagmamaktol ko. 

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Nich sa kabilang linya.

"Haynako babe, masyado ka nanamang nag-ooverthink. Hinding-hindi ako makikipag-hiwalay sa'yo. Kaya nga ang sabi ko ay hindi ko na sasabihin sa'yo, kaso tinoyo ka nanaman kaya sinabi ko na."

"Sino'ng tinotoyo? Hindi ako tinotoyo duh. Pero babe..."

"Pero ano?"

"Wala, ingat ka diyan palagi ha. Baka mamaya malaman ko na lang na may babae ka na diyan." 

Mga ilang segundong wala akong narinig mula sa kabilang linya.

"Babe? Are you still there?"

"A-Ah, yes babe. Sorry may nahulog lang, kaya pinulot ko. Ano na nga ulit ang sabi mo babe?"

"Ang sabi ko, maraming magagandang babae diyan sa Texas, baka mamaya malaman ko na lang na may babae ka na pala." Iniisip ko pa lang na magkakaroon siya ng bago, pakiramdam ko ay maiiyak ako ng wala sa oras.

"Don't worry babe, hindi ako mambababae. At kung mayroon man ay tandaan mong ikaw lang ang mahal na mahal ko. Tsaka sabi ko naman sa'yo 'diba, ang mukha mo ang pinakamagandang mukha para sa akin kaya ba't pa ako maghahanap ng iba." Malambing na sabi niya sa kabilang linya.

"At kung mayroon man? So may balak kang magkaroon ng iba?" Iba ata pagkakaintindi ko sa sinabi niya.

"Syempre babe, wala. Kaya kahit anong mangyari tandaan mo na mahal na mahal kita babe ha. Ikaw lang sapat na, yiee!"

"Che! Ayan, bumabanat ka nanaman. Anyway babe, may aasikasuhin lang ako saglit. Ikaw rin, baka malate ka sa shoot."

"Okay babe sure! Magpeprepare na rin ako maya-maya. Sige, ingat ka diyan babe ha, I love you!"

"Ingat ka rin babe, love you too!"

Nang maibaba ko ang tawag ay nakaramdam ako ng pagkalma. It was a great decision na tawagan si Nich. He never fails to always lighten up my mood.

~

Maaga akong natapos ngayon sa trabaho dahil sa akin ibinilin ni mama si Pau sa pagsundo sa kaniya sa school. Nasa ibang bansa kasi si mama para sa isang business meeting, pati si papa ay as usual nasa construction site na hindi ko alam kung saan, basta ang alam ko ay sa malayong lugar sila naka assign ngayon.

Talagang binilisan ko ang paggawa ng paper works dahil baka sabunin nanaman ako ng kapatid ko pagdating ko sa school, mahirap na. 

Dalawampung minuto bago ang uwian nila Pau ay nasa school na ako. Oh 'diba ang aga ko. 

Pero ang pinagtataka ko ay parang halos wala ng tao sa school. Teka, masyado ba akong maaga? 

Bumaba ako ng sasakyan at dumiretso sa gate ng school. Saktong nandoon ang security guard kaya agad ko itong tinanong. 

"Ahh, excuse me po sir. Bakit po parang walang tao dito sa school? Saan po sila nagpunta?"

"Ma'am half-day lang po ang pasok ng mga estudyante ngayon dahil may meeting ang faculty, kaya wala na po talaga kayong makikitang tao dito ma'am maliban sa amin na empleyado dito."

"What?!" Nagulat ata si manong sa pagsigaw ko. "Sorry po sir, I mean, gano'n po ba?"

"Oho ma'am. May hinihintay po ba kayo?"

"Opo sir, yung kapatid ko po. Sa akin po kasi hinabilin ang pagsundo sa kaniya ngayon, eh hindi ko naman po alam na half day lang pala ang pasok nila." Nanghihinayang na sabi ko.

"Ano po ba ang pangalan ng kapatid mo ma'am?"

"Pauline Rocelle Dizon po, kinder po siya sir."

"Kayo po pala ang ate ng batang 'yon ma'am. Nice meeting you po!" Nagulat ako nang bigla akong kamayan ni Manong.

"Ah eh, kilala niyo po pala siya." Nahihiyang sabi ko.

"Opo naman ma'am. Ang bait nga po ng kapatid mo ma'am, medyo masungit pero isa siya sa pinaka-kilala kong bata dito sa school dahil madalas ko siyang nakakakuwentuhan kapag hinihintay niya ang sundo niya. Madalas nga po niya akong bigyan ng tsokolate, pang-energized daw sa trabaho at para daw pambayad niya sa pag-stay sa guard house araw-araw. Pero hindi ko naman po nakakain lahat ng binibigay niya, kaya madalas ay iniuuwi ko na lang para sa mga anak ko." Kita ko ang kinang sa mata ni manong habang nagkukwento tungkol sa kapatid ko. Akalain mo 'yon, thoughtful pala ang maattitude kong kapatid. 

Pero bago pa kami mauwi sa chikahan ni manong ay tinanong ko na siya. "Sir, alam niyo po ba kung saan nagtungo ang kapatid ko?"

"Sa pagkakaalala ko ma'am ay may sumundo sa kaniyang lalaki kaninang uwian."

"Po? Lalaki?" Bigla akong kinabahan dahil si papa lang ang bukod tanging sumusundong lalaki sa kapatid ko, at madalang pa mangyari 'yon. And the fact na wala si papa dito ngayon ay mas nakadagdag sa pagkakaba ko.

"Opo ma'am, kasing edad mo po ang tantsa ko. Hindi po masyadong pamilyar yung lalaki kasi ito pa lang ang unang beses kong nakita siya, pero mukhang close na close sila ng kapatid niyo ma'am kaya inisip ko na lang na baka kamag-anak niyo." What? Wala naman akong natatandaan na kamag-anak namin na pupuwedeng sumundo kay Pau. Imposibleng sila kuya Rexie o si Jonathan dahil busy ang mga 'yon sa trabaho.

"Gano'n po ba sir. Sige po, salamat." 

Agad akong bumalik sa sasakyan at dali-daling kinuha ang cellphone para i-dial ang number ng kapatid ko.

O'diba, ang bongga ni kapatid. Kinder pa lang ay may cellphone na. 

Nagriring ang cellphone niya pero hindi niya sinagot. Damn, answer your phone Pau.

Ilang beses kong idinial ang number ni Pau, at nanginginig ang kamay ko habang nagtitipa sa screen ng cellphone ko.

Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan kong scenario. Pa'no kung may mangyaring masama sa kapatid ko? Pa'no kung nakidnap pala siya? Kawawa nama ang kidnapper kung gano'n, mararanasan niya ang attitude ng isang maattitude na bata. 

Teka, ano ba 'tong iniisip ko. Dapat mag-alala ako sa kapatid ko, pero heto ako at iniisip kung gaano kalupit umattitude si Pau.

I tried locating her phone, but it's useless. Hindi naka-switch ang mobile data ng phone niya.

Paikot-ikot ang aking lakad sa harapan ng sasakyan. Ano'ng oras na, mag-iisang oras na ako dito sa tapat ng school pero hindi ko pa rin alam kung saang lupalop ng mundo nagpunta si Pau.

Iyon na lang ang pagliwanag ng mukha ko nang makita kong sinagot ni Pau ang tawag.

"Hello ate, what's the matter? Nasa work ka pa po ba? "

"Where the hell are you Pau? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Medyo napalakas ata ang boses ko.

"At home. Anyway, why are you shouting? I'm not deaf ate, my gosh!"  Masungit niyang sabi.

My gosh, thanks God at safe si Pau. 

Her attitude says it all.


AUTORENGEDANKEN
kylnxxx kylnxxx

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C44
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen