App herunterladen
53.33% Oh My Vampire's Home / Chapter 8: 7

Kapitel 8: 7

© xiarls

All rights reserved

**

7

2 weeks later, naging maayos na rin ang pakiramdam ko. Hindi ako iniwan ni Elise at Vien sa pagbantay sa akin sa ospital. Masyado na rin naapektuhan ang pag-aaral nila dahil do'n. pero wala daw silang pakialam basta nasa harap ko sila. Gusto nilang matiyak na maayos na ako.

"Tara na't mag-aral sa lib! May quiz pa tayo mamaya. Ang ingay ditto sa labas ng canteen!" Sabi ni Vien sa 'kin at kinuha ang mga gamit niya.

Hindi naman ako tumayo. Inaalala ko kung saan na ako makakakuha ng pangbayad sa tuition. Exam na bukas at hindi pa rin ako nakapagbayad. Hindi sumasagot sila Mama at Papa sa mga tawag ko. Noong isang araw pa ko tumatawag pero hindi nila sinasagot. Hindi naman kaya ng sweldo ko sa café.

Tinapik ako ng kasama ko. "May problema ba?" pag-aalala niya. "Tulala ka."

Napabuntong-hininga ako at hinarap siya.

"I can't pay my tuition." Napayuko ako. Ang hirap naman talaga ng get up ko ngayong araw. Hindi ko namalayang exam na pala bukas. No permit, no exam policy kasi. Alam niyo naman 'yon, 'di ba? At hindi ako nakapag-aral dahil na ospital ako.

"Don't worry," may kinuha siya sa bag. "Bayad ko na tuition mo kahapon." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pinakita niya sa akin ang exam permit ko.

"Vien, bakit mo naman ginawa 'yan? Hindi mo ako palamunin! Hindi ko kailangan—"

"Hoy, h'wag kang oa! Alam ko ang iniisip mo!" binatukan niya ako sabay abot sa akin ng permit. Sinampal ko siya. "What?" Umiling siya. "Bayaran mo na lang ako next year." Sabi pa niya at tumayo. Kinuha na rin niya ang bag ko at pinatayo. Inakbayan niya ako at naglakad papuntang hindi ko alam.

Alam ko na kung bakit ganito na lang kami magkalapit sa isa't isa. Kahit ako naguguluhan sa mga nangyayari at nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. Lutang na lutang ako tuwing klase. Inaantok sa mga lessons. Hindi naman ako ganito noon. Patay talaga ako kapag bumaba grades ko.

Malapit na kami sa library ng matigilan ako. Napahinto rin siya. May nakita ang hindi ko na dapat Makita. Dito na naman siya? Kalian pa siya bumalik?

"Hey," napatingin ako kay Vien. "You okay?" tumango ako at naglakad ulit. Hindi na siya umakbay sa akin.

Pero sa maling daan at tinahak ni Vien... kung saan siya nakatayo... kung saan ang lalim ng titig niya sa akin kahit hindi ko siya tinitignan. Malakas ang senses ko kaya alam ko kung may nakatingin sa akin kahit malayo.

Hindi ko siya pinansin nang dumaan kami sa harap niya. Pero ang gago talaga! Hinawakan niya ang kanang kamay ko kaya napahinto ako sa paglalakad at hinila ang kamay ni Vien. Napatingin naman siya sa akin at sa kamay ng taong nakahawak sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya. Gago!

"Let me go!" pagpupumiglas ko pero malakas siya. Hinawakan niya pa ng sobrang diin ang pulso ko.

"Let her go!" sabi ni Vien. "Ang who are you?" parang nagbago ang aura ng dalawang nakahawak sa magkabilang kamay ko. Kinuha ko ang kamay ni Vien para kunin ang kamay ng isa. Inakbayad ako ni Vien at alam kong nanginginig ako.

"Let me introduce myself," binitawan niya ang kamay ko at nagpamulsa. "I'm Jev. Rena's ex-boyfriend." Hindi niya nilahad ang kamay niya kay Vien. Rude na jerk at bastard!

"What the hell are you talking about, jerk?! Ikaw na ang nagsabi na wala tayong relasyon!!" sigaw ko. Napatingin naman ang mga estudyanteng malapit sa kinatatayuan naming tatlo.

"Is he saying the truth?" seryosong tanong ni Vien. Nakaakbay pa rin siya sa akin.

"No! I – " hindi niya ako pinatapos magsalita. Kinuha niya ang kamay niya sa balikat ko at umalis. Hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya.

"Let me explain! Hindi naman naging kami!" sabi ko sa kanya pero parang ayaw niya akong pakinggan. Kinuha niya ang kamay ko at naglakad ulit. "Vien!"

"I don't need your explanations, Rena." Sabi niya at umalis.

Naihilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko. Parang nainis naman ako sa ginawa niya. Tumalikod na lang ulit akao pero nabunggo ko si Jev na nasa likod ko na pala. Pumikit ako at huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"What are you doing here, jerk?" Matigas kong sabi. Bigla niya akong hinila at niyakap.

"I'm really sorry for what I've done months ago, Rena." Bulong niya, "I missed you so much. Nadala lang ako sa temptasyon."

Humiwalay ako sa yakap niya at sinampal ko siya ng malakas! Napasinghap naman ang mga tao sa paligid. Hindi ko siya sinagot, bagkus naramdaman kong may dalawang magkabilang braso na humila sa akin palayo sa kanya. Sina Rhea at Elise.

"Thanks a lot, girls. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa harap ng iba." Bulong ko sa kanila.

Hinatid nila ako sa classroom. Umalis si Elise at pumunta sa room niya, sina Rhea naman hinayaan na lang ako sa likod. Hindi na rin sila nagtanong kung ano ang problema ko.

Napadukdok ako sa upuan inalala ang nangyari kani-kanina lang. 'Di ba sinabi ng kumag na 'yon na pupunta kaming library? Gago 'yon sumingit lang si Jev iniwan na ako. Napaangat ako ng ulo pero bad timing parang nagka-stiff neck pa ata ako.

"Rena, may problema ba?" tanong ni Mark. Nanlaki ang mga mata ko. Halata na ba ako?

"Si Vien, nakita mo ba?" Tanong ko sa kanya.

"'Di ba magkasama kayo?" umiling ako, "Baka kung saan lang nagpunta." Sagot niya at naupo sa unahan.

Tumayo ako at lumabas ng room. Tumakbo ako hanggang sa makarating sa library. Pumasok ako at nilibot ang paningin ko sa mga taong nandito, pero wala siya. Lumabas ako at tinawagan ang cellphone niya pero nakapatay ito.

"Sht, where the hell are you?" bulong ko at sinubukan ulit siyang tawagan pero no luck. Tinanong ko rin ang ibang mga estudyante kung alam ba nila, pero hindi rin daw nila nakita kung nasaan siya.

"Rena!" Sigaw ni Abby sa bintana ng room dahil magkatapat lang ang building ng library at room namin. "Nandito na si Sir!"

Tumakbo ako pabalik. Hindi ko ininda ang sakit ng ulo at tuhod ko papunta sa room. Halos natipalok na ako pababa kanina.

Hingal na hingal ako at uminom ng tubig. Halos maubos ko na 'yon. Wala pa rin siya. Bahala siya sa buhay niya! Ayoko nang magsayang ng oras sa paghahanap sa mga taong nawawala!

Buong araw ng klase hindi siya pumasok. Pakialam ko ba? Bakit ko naman hahanapin ang taong nagselos sa pagdating ni Jev? And speaking of him, classmate na rin pala namin ang jerk na 'yon buong maghapon.

Ngayon naman, sinundan or bumuntot siya sa akin hanggang sa makauwi ako. Hinarap ko siya nang malapit na kami sa bahay!

"Bakit ka ba sunod ng sunod?" sigaw ko sa kanya.

Dejavu. Ito rin ang itinanong ko kay Vien noong araw ng pasukan.

"Wala ka bang ibang babae para sundan? Sino ka ba para sundan ako?" Mataray na kung mataray! Naiinis kasi ako sa pagmumukha at ugali niya!

"Wala naman akong kakilala dito at sa school bukod sa 'yo." Sagot niya.

Naiinis ako! Siya ang dahilan kung bakit nawala si Vien buong araw, dahil sa pagsulpot ng jerk na kaharap ko ngayon, iniwan ako ng isang 'yon! Iniwan ko siya sa labas at tumakbo papasok sa gate at nilock iyon para hindi siya makapasok!

--

"Master, nagawa na po namin ang iniutos niyo." Sabi ng lalaki sa lumuhod. Pumalakpak naman ang tinatawag nilang Master.

"Take me to him."

Sinundan niya ang tauhan niya at nagpunta sa kung saan man ang taong sinasabi nila.

Nakayuko ito habang nakaupo sa selda. Wala itong malay. Sinipa siya ng tauhan ni Master kaya nagising siya. Ngumisi pa siya ng nakakaloko nang makilala niya kung sino ang may pakana nito.

"Tama nga ang hinala kong ikaw ang may kagagawan nito," sabi niya at sumandal sa pader.

"Long time no see, Vien." Sabi ni Master at tumungo sa kama ni Vien sa selda at umupo. "Gave up your throne and I'll spare your friends' life." Napaangat ang tingin ni Vien sa kanya. "As for you, I'll kill you first before them." Napatayo si Vien at susugurin na rin sana si Master pero inunahan siya nitong kinuluyuhan.

"Don't you dare hurt them!" Sigaw ni Vien! "Hindi ka ba nakaawa kay Rena?" nagsukatan sila ng tingin. Nasasaktan na rin si Vien sa mga nangyayari at naririnig.

Ngumisi si Master, "Alam ko ang ginagawa ko Vien. Hinding hindi siya madadamay pero hindi ko maipapangakong hindi siya masasaktan sa mga susunod na mangyayari." Matigas na sabi ni Master at binitawan si Vien. Lumabas na si Master at walang likod-lingong iniwan si Vien na tulala.

Mahal na ni Vien si Rena. Kaya naman ganoon na lang siya magalit sa mga sinabi ni Master. Ayaw niyang mangyaring masama kay Rena... kahit ang buhay pa niya ang itataya.

--

"Saan ka galing?" tanong ni Cyrus kay Vien nang makapasok ito sa bahay. Hindi siya pinansin ni Vien at umakyat na lang sa kwarto niya at nahiga.

Hindi siya makatulog. Limang araw siyang kinulong ni Master sa mansion. At tatlong araw siyang hindi nagawang matulog dahil sa pag-aalala kung sino o ano na ang mga ginagawa ni Rena araw-araw.

"Vien, balik na muna ako sa school. Hindi ka ba sasama?" tanong ni Cyrus na nakadungaw sa pinto. Inaayos na rin niya ang uniform niya.

"I need rest," sagot ni Vien at tumalikod. Pinikit ang mga mata at huminga ng malalim.

"Sige, alis na ako. Call me if you need something." Tumango na lang siya. Sinarado na lang din ni Cyrus ang pinto.

Sa limang araw siyang kinulong ni Master, wala siyang ibang iniisip kundi si Rena lang. gusto niya mang kausapin ang dalaga, hindi pwede. Baka tapusin agad ni Master ang buhay niya kapag nalamang may koneksyon siya sa labas ng apat na sulok ng kwartong 'yon.

Hindi pa rin nagbabago ang isip ni MAster. Gusto niyang bumaba sa trono si Vien para siya na ang maghari sa lahat. Hindi pa rin payag si Vien. Nasa dugo niya ang hindi sumuko sa laban at ang hindi pagbibigay ng trono ng pamilya niya sa iba. Legacy niyang mapanatiling siya ang mangalaga ng trono na iniwan ng pamilya niya sa kanya... bago sila mamatay sa biglaang pagsugod ng mga kaaway na ibang bampira.

Ipaglalaban niya ito hanggang sa kamatayan niya. Hanggang sa hindi mapapasakanya si Rena... at habang buhay alam niyang silang dalawa ang gagabay sa isa't isa... para protektahan ang trono at dugo niyang walang problema.

...to be continued


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C8
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen