App herunterladen
81.48% Dark Glazer Academy [COMPLETED] / Chapter 22: Chapter 21

Kapitel 22: Chapter 21

-Athena Brix Alexandro-

Mabilis na lumipas ang mga araw, mahigit tatlong buwan na ako dito sa DGA at mas lalo akong napalapit sa mga kagrupo ko, but it doesn't mean na pinapabayaan ko na ang tunay kong pakay kung bakit pumasok ako dito.

Three months had passed and still, I don't have any clue kung sino ang pumatay sa kuya ko, only one thing that I should know, 'yong about sa building na pinagdalhan sa 'kin ni Kean noon. Since that day kasi, hindi na kami napadpad do'n ulit, gusto ko mang sabihin na magpunta roon, ay hindi ko magawa dahil baka may makalahata sa 'kin, even Funky, hindi ko kayang mapagsabihan. Hay, ang hirap magtiwala sa lugar na 'to. Sa lugar na punong-puno ng sikreto.

"Lalim ng iniisip mo, Brix, ah? " napatingin naman ako sa nagsalit, si Jerix. Sa mahigit na tatlong buwan ay naging close na rin kami ni Brix, pero tatlong buwan na ang nakalilipas ay 'di ko pa rin makalimutan 'yong sa pool.

Pakiramdam ko kasi hindi 'yon panaginip, eh. Pero, hindi dapat 'yon ang umu-okupa sa isip ko.

"Ah, iniisip ko lang na tatlong buwan na lang pala ay maghihiwalay na tayong walo, " pagsisinungaling ko.

Hindi ko maintindihan, pero parang nakakita ako ng pain sa mga mata n'ya.

"Ah, oo nga, eh, " nabalot naman ng katahimikan ang buong kwarto hanggang sa nagsalita s'ya ulit. "May gusto kang puntahan? " tanong n'ya. This is it, hindi naman n'ya siguro mahahalata, diba?

"Yeah, 'yong haunted building dito sa Academy, " sagot ko. Nakita ko namang kumunot ang noo n'ya.

"Why? I mean, ba't do'n? Tsaka, pa'no mo nalaman 'yong tungkol do'n? " sunod-sunod na tanong n'ya.

"No'ng nag-tour kaming dalawa ni Kean, hinabol kami ng SSG ta's ayon, nakarating kami do'n, na-curious lang ako kaya gusto kong bumalik do'n, " nakita ko namang tumango-tango s'ya.

"Sige, tara, " nakangiting sambit n'ya, nginitian ko lang din s'ya saka tumayo. Lumabas na kami ng kwarto at nando'n naman ang apat. May kanya-kanyang mundo na naman.

"Oh, Boss, Brix, saan kayo pupunta? " tanong ni Gray na nakahubad na naman. Sanay na ako sa kanya.

"Magdi-date, " sagot ni Jerix saka ako hinila palabas.

Napatingin naman ako sa magkahawak naming kamay. Sa loob ng three months, laging ganto ang inaakto ko tuwing may gagawing kakaiba si Jerix.

dug dug dug dug

Ayan na naman ang tibok ng puso ko. Parang kakawala na sa sobrang kabog. Bakit ba n'ya ginagawa 'to? Bakit n'ya ako tinatrato nang ganito?Bakit kailangan n'yang magbiro ng ganon kina Gray? Bakit kailangan n'yang sabihin na magdidate kami?

Eh, ano naman kung sinabi n'ya 'yon? Ba't ka naaapektuhan?

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ba't ako naaapektuhan. Hindi ko alam kung ba't gan'to na lang ang epekto sa 'kin ni Jerix?

"We're here, " napabalik naman ako sa ulirat nang marinig ko ang boses n'ya. Tiningnan ko kung nasaan kami at totoo nga, nandito na kami sa abandonadong building. Agad ko namang kinuha ang kamay ko na hawak n'ya.

"Bakit inabandona ang building na ito? " tanong ko. Hindi ko pinahalata na malaki ang epekto ng sinabi at ginawa n'ya sakin.

"Hindi ko rin alam, bigla na lang 'yang inabandona. Siguro, inabandona 'yan simula nang may pinapatay d'yan, " sagot ni Jerix habang nakatingin sa kabuuan ng building. Nagsitayuan naman ang mga balahibo ko.

"Ang grupo mo ba ay may pinatay na d'yan? " tanong ko. Napalunok naman ako ng humarap s'ya sa'kin.

"Oo, " walang-emosyong sagot n'ya.

"Oo, may pinatay na ang grupo ko d'yan, pinatay ko 'yon dahil ginahasa n'ya ang kapatid ko, kasama s'ya sa isa sa mga grupo na meron dito sa Academy noong maayos pa ito. At para sa 'kin ay deserve n'yang mamatay, " puno ng galit na sambit n'ya.

"Kaya ba naging magulo na ang school na 'to? "

"Oo. Ang mga kapatid nil Kean, Gray, Zef, Harry, Khalil at Funky ay biktima din ng lalaking 'yon, " nakita ko ang kamao n'yang nanginginig.

"P-pasensya na kung nagtanong pa a-ko, " nauutal kong sabi. Natatakot ako kay Jerix at inaamin ko 'yon. Ngayon ko lang s'ya nakitang nagalit nang ganto.

"Wala kang kasalanan, " sabi n'ya saka bumuntong hininga. "Masisisi mo ba ako na pumatay ako para sa kapatid ko? " tanong n'ya.

"Hindi, kasi kung ako ikaw, paniguradong 'yon din ang gagawin ko sa demonyong 'yon, " sagot ko saka hinawakan ang likod n'ya.

Siguro kung gano'n ang nangyari sa 'kin ay paniguradong mapapatay din ni kuya kung sino man ang hayop na 'yon.

"Tara na, " aya ko sa kanya.

"Ayaw mo bang pumasok? "

"Ayoko haha. Kain na lang tayo sa cafeteria, " sabi ko sa kanya saka naunang mag-lakad.

Kagaya ko din si Jerix, gagawin ang lahat para sa kapatid. Kung gano'n, ang lalaking 'yon ang dahilan kung ba't naging magulo ang eskwelahang 'to. Kailangan kong makilala ang mga kagrupo no'n dahil baka 'yon din ang pumatay sa kuya ko. Mukhang halang ang kaluluwa ng mga 'yon kaya nasisiguro kong ang kagrupo ng hayop na 'yon ang pumatay sa kuya ko. Kailangan ko nang magmadali.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C22
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen